Xander POV
Pagdating namin sa bahay, marami nang bisita ang naroon. Hilehilera na din kasi ang mga sasakyang nakapark. Naroroon na rin ng mga kaibigan ni Stacey.
Hindi kami nagiimikin ni Zia simula ng umalis kami sa campus. Pero magkasama kaming pumasok sa bahay hanggang sa makarating kami sa likod bahay kung saan naka set-up ang party. binati rin namin ang ilang mga bisita. Hinawakan ko ang kamay nya at dinala sya sa isang table. Pinaupo ko sya roon.
"Wait for me here" bulong ko sa tenga nya.
Tumango na lang sya bilang tugon. Dumeretso ako sa buffet table at kumuha ng 2 plates. Isa para sakin at isa para sakanya.
Kumuha ako ng mga pagkain, hindi ko alam kung anong gusto nya kaya pinili ko nalang yung mga pagkaing tipong masarap. Parehas lang nilagay ko sa plate namin.
Pagdating ko sa table ay ibinaba ko ang isang plate na puno ng pagkain sa harap nya.
"Bakit ang dami ng nito? Para sakin ba talaga to?" takang tanong nito.
"i dont know what kind of food do you like, kaya kinuha ko na lahat. Don't eat all of that kung di mo kaya" i said.
"hmm.. fine, and thanks" anas nito. Nagsimula na din kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain, niyaya ko sya para mangamusta sa iba pang bisitang naroon. She grab one wine sa sineserve ng waiter.
Habang nakikipagusap kami sa isang kakilalang bisita, biglang may babaeng lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Pinulupot niya ang kamay nya sa braso ko.
Nagulat ang mga taong kaharap ko pati si Zia.
"Hi honey! How are you?" nagulat ako dahil si Trina pala yun - Ang ex girlfriend ko.
"i'm.. good" anas ko habang pilit na kinakalas ang kamay nyang nasa braso ko.
"What's wrong honey? I used to do it before?" tukoy nito sa kamay nyang tinanggal ko.
"i'd like you to meet my fiancee. This is Patricia Sandoval my fiancee. She's Kathrina Dela Vega" pagpapakilala ko sa dalawa.
Napataas naman ang kilay ni Trina ng maipakilala ko si Zia.
Nilahad nito ang kamay nya. "Hi" bati ni Zia at tipid na ngumiti.
"Hi. Nice to meet you" sagot ni Trina sabay abot sa kamay ni Zia.
Hindi umalis si Trina sa tabi ko. Pilit pa rin nitong pinupulupot ang kamay nya sa braso ko kahit paulit ulit ko itong tinatangal. Mukhang hindi na rin maganda ang mood ni Zia dahil hindi na ito ngumiti simula ng dumating si Trina.
"Excuse me, need to go to the restroom" paalam ni Zia.
"ihahatid na kita" sabi ko. Chance ko na din ito para makawala kay Trina.
"No need. I can handle myself" sabi nito at umalis na agad. Susundan ko sana kaso pinigilan ako ni Trina kaya wala na akong nagawa kundi sundan na lang sya ng tingin.
Nang maiwan kami ni Trina ay sumeryoso naman bigla ang mukha nya.
"Xander, can we talk?" tanong nito.
"okay" sabi ko, at dinala sya sa hindi kalayuan sa party, iniwas ko lang sya sa matao para makapagusap kami. Gusto ko na ding klaruhin sakanya ang lahat. Ayoko nang umasa pa sya.
"I still love you Xander, please give us a chance?" agad na sabi nito ng makalayo kami ng kaunti.
"i can't Trina. Weeks from now ay ikakasal na ako" bigla namang nalungkot ito at tipong maiiyak na. "Please don't cry. I'm not worth for your tears" sabi ko habang pilit syang inaalo.
"it's all my fault. Hindi dapat kita iniwan. I choose my career more than you. Akala ko lagi ka lang nandyan para sakin. Akala ko mahihintay mo ako" sabi nito at nagumpisa na nga syang humikbi.
I feel pity for her. Matagal na rin kaming hiwalay. 2 years na simula nung iniwan nya ako at pumunta ng ibang bansa. Wala kaming closure. Hindi nya ako kinontak, walang email o text akong nareceived mula dito. Binalitaan na lang ako ng mga kaibigan ko na umalis na sya ng bansa at nagabroad.
Simula noon, inisip ko na baka hindi pa rin sapat lahat ng ginawa ko para sakanya. Hindi sapat ang pagmamahal ko para sakanya.
"Pero nagsisisi na ako Xander, please. May oras pa naman para magback out ka sa kasal nyo. I know you still love me, right?" sabay yakap sakin.
"Trina, wag na nating pahirapan pa ang sarili natin. Yes i dont love Zia, but i want to marry her" sabi ko sakanya.
Kumalas naman ito sa pagkakayakap at hinawakan nya ang kamay ko. "If you don't love her, then don't marry her. Please Xander give us a chance. I promise i'll do everything just to make you happy. Hindi na kita iiwan" Pagsusumamo nito.
"Sorry Trina. Our relationship ended 2 years ago. Matagal na akong nakamove on. Kung mamahalin man kita ulit, bilang isang kaibigan na lang. I can't give you more than that."
"Why? Because of Zia? But you said you don't love her." sabi nito na namumugto na ang mata sa pag iyak.
"Yes i am. But it doesn't mean na hindi ko na sya papakasalan. Papakasalan ko sya kahit hindi ko sya mahal kahit anong mangyari" sabi ko sakanya. "please Trina, let me go and move on. Mahahanap mo rin ang lalaking para sayo" hindi ko kayang pagaanin ang nararamdaman nito. But i just want to make things clear para wala kaming problema sa huli.
"Wala na ba talagang pag asa?" tanong nito habang nakayuko at umiiyak.
"Sorry Trina"
Ilang sandali kaming natahimik.
Pinahid nito ang kanyang mga luha at ngumiti. "at least i've done my part. Wala akong pagsisisihan sa huli dahil kinausap kita. Nagmakaawa ako para mahalin mo ako ulit. Siguro nga wala na ako sa puso mo. I hope maging happy ka sakanya. Can i take a request? Can i hug you.. for the last time?" sabi nito.
Napangiti na rin ako dahil sa wakas, hindi na ito nangulit pa. Niyakap ko sya ng may ngiti. Natatawa na lang kami sa isa't isa ng kumalas na ako ng yakap sakanya.