Chereads / once upon a baby / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

Zia POV

"Kainis!! Ang landi ha.. Sa harap ko pa mismo? Ang kakapal ng mukha" panggagalaiti ko. Nagdabog ako sa Cr para mailabas ko lang ang inis ko.

Nang kumalma na ang pakiramdam ko ay nagretouch muna ako bago bumalik sa party. Tinignan ko kung san ko sila iniwan kanina pero wala na sila. Naglibot libot pa ako hanggang sa nahagip ng mata ko yung dalawa.

Magkayap sila at ng kumalas sa pagkakayap ay nagtatawanan naman. "Grabe ha, hindi talaga makapagpigil tong dalawang to at dito pa sa kita rin ng mga bisita. Mga hindi na nahiya! Ang lalandi!" Nainis na naman ako sa nakita ko.

Pumunta ako sa buffet table. Sa dulo noon ay may nakahilera na wine na iba't ibang brand. Kumuha ako ng isang bote ng wine at isang wine glass. Dinala ko yun sa dulo kung saan may isang table na naroon. Medyo madilim kaya okay dun pumwesto.

Sinalin ko ang alak sa wine glass. Sunod sunod ko iyong ininom. Hanggang sa pakiramdam ko ay tumalab na ang spirito ng alak s katawan ko.

"Hi! Alone?" tanong ng isang baritonong boses.

Paglingon ko ay si Oliver lang pala. Pinsan ni Xander, kaedaran rin nya ito.

"Yes. Come and join me" aya ko dito at tinuro ang upuan sa katabi ko.

Lumapit naman sakin ito at nakipag inuman. Nagkwentuhan lang din kami. Tawa ako ng tawa dahil ang korny ng kanyang mga jokes.

"knock knock!" paumpisa nito sa joke nya

"who's there?" tanong ko

"Doris" sabi nito

"Doris who?"

"Doris Locked, that's why im knocking" sabi nito. Napatigil ako dahil di ko agad nagets.

"doris locked.." ulit ko habang nagiisip. Lumiwanag naman ang mukha ko ng naintindihan ko sa wakas. "ahhh... Door is locked" sabi ko.. sabay tawa at hinampas ito sa braso. Nagtatawanan lang kami dahil sa mga jokes nyang hindi ko magets agad. Kahit ganun sya ay napagaan nya ang pakiramdam ko.

"hahaha.. ang slow mo." anas nito habang nakatawa.

Nang maubos ang isang bote ay kumuha ulit sya ng isa pa. Nasa kalahati na ng bote ang iniinom namin ng biglang hinila ako ni Xander. Napatayo naman ako bigla at gulat na gulat.

"Ano ba?!" sigaw ko dito. Napatingin naman ang ibang bisita samin dahil nakakuha ng atensyon ang pagsigaw ko dito.

"your drunk, again!" sabi nito sa galit na expression.

"so? Im just having fun with your cousin. Is there any problem with that?" sabi ko.

"Yes there is! And the problem is you are already drunk. Lets go" sabi nito sabay hila sakin.

"Xander, Don't be too harsh to her" hawak ni oliver sa braso si Xander. Pilit nyang pinipigilan ito.

Napahinto si Xander at napatingin sa braso nyang hawak ni Oliver. Tumingin sya kay oliver at nakipagtitigan.

"take your hands off Oliver" sabi nito sa nanlilisik na mata.

Umatras naman nag bahagya si Oliver nang makita ang galit na galit na tingin ni Xander sakanya. Binitawan din nito ang brasong hawak nya.

Kinaladkad ako ni Xander papasok sa bahay. Wala syang pakealam sa mga taong madadaanan nya, pinipigilan sya ng mommy at daddy nya pero tuloy parin ito sa pagkaladkad sakin.

Nakasunod parin ang mommy nya samin hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng isang kwarto. Huminto ito sa paghila sakin at hinarap si mommy.

"Don't try to disturb us mom" rinig kong sabi nito bago kami pumasok sa kwarto. Nilock nya ang pinto at hinagis ako sa kama.

Napatayo naman ako mula sa pagkakahiga sa kama gawa ng paghagis sakin ni Xander.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya.

"Ikaw ang problema ko. Bakit ka nakikipaglandian kay Oliver?" sigaw din nito sakin.

"Hindi ako nakikipaglandian, bingi ka ba? Ang sabi ko sayo im just having fun!" umuusok na talaga ang ilong ko sa galit sa lalaking to.

"Hindi pa ba pakikipaglandian yung kayo lang dalawa sa table na yun at magkatabi pa ang upuan nyo? May paghawak ka pa sa braso nito" naniningkit ang mata nito habang nagsasalita.

"Ano bang pakealam mo!" ikaw nga eh, nakikipaglandian ka din kay Trina at lumayo pa nga kayo. May pagyakap effect pa nga kayo. Bulong ng utak ko.

"May pakealam ako dahil fiancee kita!"

"Fiancee mo lang ako pero hindi mo ako pag aari!" tinulak ko sya at nagtungo sa pinto. Akmang bubuksan ko na iyon ng biglanghinablot nito ang braso ko paharap sakanya saka isinandal.

Ang isang kamay nya ay nakasandal sa pinto sa tapat ng tenga ko, habang ang isang kamay ay nakapulupot sa bewang ko.

"Saan ka pupunta?" madilim ang ekspresyon nito at nanlilisik ang matang nakatingin sakin.

Nang mapatingin ako sa mata nya ay nakaramdam bigla ako ng takot.

"Xander please.. uuwi na ako" halos pabulong na lang iyon ng sabihin ko. Nanginginig ang katawan ko. Sobrang lapit nya sakin, dahil magkadikit ang katawan namin.

Inilapit pa lalo ni Xander ang mukha nya sa akin. Amoy ko ang alak sa hininga nya. Nakainom din ito tulad ko.

"You are mine Zia. Walang ibang magmamay ari sayo kundi ako." ngumisi pa ito pagkasabi nun. Lalo namang nagtatambol ang dibdib ko. Hindi ko na alam, natatakot na ako at kinakabahan. Parang kusang nawala ang ispirito ng alak sa katawan ko.

Nagpumiglas ako, pinagsusuntok ko ang dibdib nya at pilit syang tinutulak. Inapakan ko ng malakas ang paa nya sabay tulak sa kanya. Nagawan ko ng paraan na makaalis sa pagkakulong sa akin at tumakbo palayo sakanya. Napasigaw naman ito sa sakit.

Hindi pa ako nakalayo ay agad naman akong nahuli nito at binuhat pabagsak sa kama. Napahiga ako at dumagan naman sya sakin. Nagpupumiglas ulit ako, hinuli naman nya ang dalawa kong kamay at nilagay sa taas ng ulo ko.

"You can't escape from me" hinawakan nya ang batok ko at marahas na hinalikan ako. Wala iyong ingat, masakit ang bawat paggalaw nito. Walang ingat nya akong hinahalikan hanggang sa nalalasahan ko na ang dugo sa bawat paghalik nito.

napapikit ako, naramdaman ko na lang na humihikbi na ako at tumulo ang luha ko. Parang natauhan naman ito at tumigil sa paghalik sa akin. Minulat nito ang matang nakapikit at umalis sa ibabaw ko.

Nagmulat din ako ng mata at unti unting bumangon.

Niyakap ko ang katawan ko habang nahikbi. Lumapit naman sya sakin at tinignan ang labi ko. May sugat iyon, marahil nakagat siguro nito ang labi ko.

"i..im sorry.. please stop crying.. im really sorry" pagsusumamo nito sakin. Makalipas ang ilang sandali ay tumigil na din ako sa pagiyak.

Nang kumalma na ako ay umupo ito sa gilid ng kama. "please don't go.. just stay please?" anas nito. Tumingin sya sakin at tila naghihintay ng sagot ko. Kaya tumango na lang ako bilang sagot sakanya.

"i'll just take a shower" sabi nito at nagtungo na sa banyo.