Chereads / once upon a baby / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

Zia POV

Nagising ako na masakit na naman ang ulo ko. 'Haist! Ang galing uminom hindi naman kaya' bulong ko sa sarili ko. Pagmulat ko ng mata ko nagulat ako ng mapansin kong hindi sakin ang kwartong ito. Bigla akong bumangon dahilan para mas lalong sumakit ang ulo ko. Iginala ko ang paningin ko, parang lalaki ang may ari ng kwarto dahil sa bedsheet nitong kulay navyblue at sa ilang kagamitan doon.

Bigla kong sinipat ang sarili ko, nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang damit kong suot ko parin.

Nagulat ako sa bumukas na pinto at iniluwa doon si Xander. "ikaw?" gulat kong tanong dito.

"oh? Gising ka na pala. Good morning" anas nito at lumapit sa akin, umupo ito sa gilid ng kama at hinalikan ako sa noo.

Natunganga naman ako sa ginawa nito. Bakit ba nitong nakaraang araw ay parang ang sweet at ang protective nito sakin? Anong nangyayari?

"Hey! Natulala ka na dyan?" tanong nito.

"ahh.. ehh kasi.." bakit para akong nabubulol at parang wala akong maisip isagot? Ano ba yan?

"ayusin mo na sarili mo, sunod ka na sa dining nagluto ako ng breakfast. Do you want to take shower para naman mabawasan yung hang over mo?" tanong nito sakin.

"Wala akong dalang damit" anas ko.

"Use my shirt and boxer for the meantime, i'll just get them" sabay tayo at pumunta sa closet nito. Pagbalik nito dala na nito ang isang boxer na black at isang white tshirt.

"Thank you, i'll just make a quick shower" anas ko, ngumiti naman ito sakin at nagtungo na ako sa banyo.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako. Gosh! Sa laki ng tshirt nagmuka tuloy iyong duster. Pagkatapos kong magayos ay nagtungo na ako sa dining table. Napawow naman ako sa ganda at linis ng condo nya nang mapadaan ako sa sala. "Sya lang ba talaga ang nakatira dito?" anas ko.

Pagkarating ko sa dining ay tinitigan ko muna ang mga nakahain. Ang bango, nakakagutom kumalam naman bigla ang tyan ko. Pagtingin ko kay Xander ay nakatulala ito. "Something wrong?" tanong ko dito.

Napalunok naman ito at umiwas ng tingin. Nilapitan ko pa pero umatras pa sya. "i-stay there, ahm.. te-take your seat please" parang pinagpapawisan na ito at biglang tumalikod sakin.

"What's wrong ba?" tanong ko ulit.

"you.. ahm.. you.." hind matuloy tuloy ang sasabihin.

"hey! Pwede ba humarap ka nga sakin." Pasigaw kong sabi at hinablot ang braso nito paharap sakin. "Ano bang problema mo?" tanong ko ulit sakanya.

Napalunok naman ito at titig na titig ito sakin. "You don't wear your... Bra" anas nito, nagulat ako sa sinabi nya. Oh my god! Hindi nga pala ako nagsuot ng bra. Damn! Napatingin ako sa dibdib ko. Nakalimutan ko nga pala iyon isuot, parang bigla namang naginit ang mga pisngi ko. Pero biglang may nagclick sa utak ko at napangisi sa naisip ko.

"So what if i don't wear bra? Come on let's eat" sabi ko sabay lakad papunta sa mesa. 'let's see kung paano ka magpigil' sabi ng utak ko. Pilya ka talaga Patricia. Pigil ang tawa ko sa tuwing nakikita ko si Xander. Hindi ito sumusulyap sakin. Nakatungo lang ang ulo at tutok sa pagkain. Maya maya ay tumayo na ito.

"Are you done? Hindi pa ubos ang pagkain mo ah?" tanong ko sa kanya.

"i'm done, call me kapag tapos ka ng kumain, i'll wash the plates" hindi parin ito tumitingin sakin. Nagmadali na itong umalis at iniwan na ako. Sinundan ko lang sya ng tingin. Nagtungo ito sa sofa at nanood ng TV. Tumawa naman ako ng mahina ng makaalis ito. "Good job Zia" napahagikhik ako ng mahina at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

Pagkatapos ko kumain ay hindi ko na sya inabala, nagligpit na ako at hinugahasan ang mga plato. Pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na ito sa may bintana, may kausap sa telepono. Kasalukuyan kong hinuhugasan ang plato ng napatitig ako sakanya. Kahit nakaside view ito ay makikita mong gwapo talaga, may magandang pangangatawan na parang alaga sa gym. Ang hot nyang tignan kahit Naka white shirt at cargo pants na kulay khaki lang sya. Ang mga labi nyang mapupula, ilong na matangos, ang kinis ng mukha at ang mga mata nyang nakatingin sakin? Wait! Nakatingin sya? oh my god! Nataranta ako bigla kaya sa pagkataranta ko ay nabitawan ko ang platong hawak ko. Nagulat ako at napatingin kay Xander, akmang dadamputin ko ito ng nagkamali ako sa paghawak, nasugat ang kamay ko sa basag na plato, nagdugo iyon. Mabilis ang daloy ng dugo dahil napalaki ata ang hiwa, napatakbo naman palapit sakin si Xander.

"Be careful please" kita sa mukha nya ang pagaalala. Hinugasan nya ang kamay ko. Hinubad nya ang suot nyang tshirt inilagay sa sugat ko para maampat ang dugo. Napatulala na naman ako dahil sa malapandesal nyang abs. Ang yummy naman ng lalaking to.

"will you stop fantasising me? Naaaksidente ka na sa kakatitig mo sakin eh" anas nito. Pinamulahan naman ako ng pisngi sa sinabe nya.

"huh?! Ang feeling mo naman" sabi ko.

"bakit hindi ba? Nakatitig ka sakin kanina, nang mapansin mong nakatingin ako sayo nataranta ka kaya nahulog ang pinggang hawak mo. Tama ba?" hindi ko alam, pero nahuli na talaga nya ako.

"Hwag kang feeling" sabi ko sabay irap sa kanya. Nakita ko pang ngumisi ito.

"you stay there and i'll get the medicine" turo nito sa sofa na nasa sala. Nagtungo naman ako doon at umupo. Makailang segundo lang ay bumalik na ito dala ang medicine kit. Nilagyan nya ito ng betadine at binalot ng gaza ang kamay ko. "done" sabi nito.

Akmang tatayo na ako ng pigilan nya ako. "where are you going?" tanong nito.

"at the kitchen.. Lilinisin ko lang yung nabasag na plato kanina" sabi ko.

"wala ka talagang kadala dala ano? Ako na, manood ka na lang ng tv" anas nito at tumayo na. Nasundan ko na lang sya ng tingin. Hindi na rin naman nagtagal at bumalik na ito. Umupo sya sa kabilang dulo ng sofa at binuksan ang laptop, nagumpisa na itong magtipa. Habang ako ay prenteng nakataas ang paa sa table na naroon at nakayakap sa unan habang nanonood.

"Working so hard?" sabi ko.

"i'm just checking my email" anas nito. "What's your plan for today?" tanong nito.

"Nothing. Ikaw anong plano mong gawin today?" balik tanong ko.

"Nothing, i want to rest" sabi nito. Maya maya ay sinandal ang ulo sa headboard ng sofa.

"tired?" tanong ko.

"No.." saglit pang pumagitan samin ang katahimikan. Nakatutok lang ako sa pinapanood ko. Pagsulyap ko ay nakatulog na pala si Xander.

"Antukin" sabi ko. At tinuon ko na ulit ang paningin sa tv.