Zia POV
Pagkagising ko tinignan ko ang oras sa sidetable ng kama. 5pm na pala, napahaba ang tulog ko. Paglingon ko sa kaliwa nandoon din si Xander at himbing na natutulog habang nakayakap sakin.
Ginising ko sya, kailangan ko na kasing umuwi dahil may pasok pa ako kinabukasan.
"Xander, wake up! I need to go home" anas ko habang niyuyugyug ang balikat nito.
"dito ka na lang magstay" anas nito at humigpit pa ang yakap sa akin, siniksik pa ang mukha sa leeg ko.
"No, i need to check my email" sagot ko naman.
"ipapahatid ko na lang dito ang laptop mo kay manang tessa" sagot naman nito.
"wala akong damit"
"ipapakuha ko na rin kay manang tessa" anas ulit nito.
"Ah basta, uuwi na ako" sabi ko. Akmang babangon na sa kama ng mas hinigpitan pa lalo ni Xander ang pagkakayakap sakin. "Xander please?" pakiusap ko.
Nagtaas ng mukha si Xander at tumingin sakin. Napangiti sya at pinagmasdan muna ako ng ilang sandali bago hinalikan sa noo at tumango.
"okay, magbihis ka na. Kain muna tayo sa labas bago kita ihatid" tumango naman ako.
Bumangon na ako at nagderetso sa banyo para maligo. Buti na lang at nilabhan ko yung damit ko kanina. Tamang tama naman at tuyo na iyon.
Pagkatapos kong maligo, sya naman ang sumunod. Nagmadali na akong nagayos ng gamit ko at ng sarili ko para makaalis sa kwarto bago pa man ito makalabas ng banyo. Panigurado nakatapis na naman ito paglabas.
Akmang lalabas na ako ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto ng banyo. Iniluwa doon si Xander na nakatapis lang. Hindi nga ako nagkamali, napatitig na naman ako sa katawan nya. Bakit ba parang lagi na lang nangaakit to? Naglalaway na naman tuloy ako, napalunok tuloy ako. "hintayin.. na.. lang.. kita.. sa la-labas.." mabagal at pabulol kong sabi habang nakatitig sa katawan nya. Damn so yummy at ang hot! Makalaglag panty ang kakisigan nito. Sabayan pa ng wet look, 'haaay'. Humakbang ito palapit, nataranta na naman ako "la-labas na ako" kandautal utal kong sabi. Dali dali akong lumabas at sinara ang pinto. Napabuntong hininga naman ako. 'pfh'
Sandali pa akong naghintay. Sa wakas lumabas na rin sya sa kwarto, tumayo na ako at ngumiti.
"let's go" anas nito. Hinawakan nya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Ganito ba talaga yung pakiramdam ng inlove? 'hey wait! Inlove na ako?'. Yung pakiramdam na para ka laging dinuduyan sa ulap. 'haaay' Sana hindi na matapos ang sayang nararamdaman ko.
Pagkarating namin sa parking lot ay sumakay na kami, pinagbuksan pa nya ako ng pinto ng kotse nya bago sya lumipat sa driver's seat.
Wow huh? Nagiging gentleman na nga ang mokong. Sa isang chinese restaurant na kami kumain. Mag a-alas otso na ng makarating kami sa bahay.
"Thanks" sabi ko ng nasa gate na kami. Bababa na sana ako sa kotse nya pero bigla nyang hinila ang braso ko at ninakawan na naman ako ng halik sa labi. Nagulat ako at hindi agad nakapag react.
"Hey!" anas nito ng hindi parin ako nakaget over sa pagkatulala ko. Ano ba naman yan, nakailang beses na nya akong nahalikan pero bakit sa tuwing magkakadikit ang labi namin ay napapatulala na lang palagi ako. Kahit ang makita ang hubad nitong katawan ay parang lagi akong nanghihina. Ano bang meron sa lalaking to?
"h-ha?" tumawa naman ito ng nakakaloko. Napasimangot naman ako sa ginawa nya.
"Sunduin kita bukas, ako na maghahatid sayo sa office mo" anas nito.
"o-okay" pagsang ayon ko. Lumabas na sya ng kotse nya at umikot papunta sa pinto ko. Napasunod na lang ako ng tingin sakanya. Pinagbuksan nya ako at lumabas na rin. "hindi ka ba muna papasok?" tanong ko.
"no, you need to rest na. Baka napagod ka sa maghapon. Ayoko na munang istorbohin ka and it's already late" sabi nito.
"okay, ingat ka sa pagdadrive" sabi ko.
"cge, i'll go ahead. See you tomorrow" anas nito at ninakawan na naman ako ng halik sa pisngi.
"Nakakarami ka na ha" maktol ko sa kanya.
"don't worry, when we got married mas dadamihan ko pa" pangaasar nito.
"aba to!" kukurutin ko pa sana pero tumakbo na sya sa driver's seat.
"Gotta go! Bye!" anas nito ng makasakay sa kotse. Inilabas pa ang kamay sa bintana ng kotse nya at kumaway sakin habang papalayo. Kinawayan ko naman sya, nang makalayo na ay pumasok na rin ako.
Pagkapasok ko sa pinto na bahay "aaaaaaahhhhhhhh" tili ko. Agad naman napasugod si manang tessa sakin, kita sa mukha ang pagaalala.
"Senyorita Zia ano pong nangyari sainyo?" pagaalalang tanong nito.
"nothing manang" sabay alis at nilampasan sya. Abot tenga naman ang ngiti ko. Naiwan si manang Tessa na takang taka sa ginawi ko.
Dumeretso na ako agad sa kama, hindi pa natigil doon ang kilig na naramdaman ko. Dumapa ako sa kama at hinablot ang unan. Nagpagulong gulong ako habang takip sa mukha ko ang unan at tumili nang tumili. Para akong teenager sa ginawa ko. Palibhasa first time ko tong naramdaman.
Pagkatapos kong magpagulong gulong sa kama ko, tumayo ako para icheck ang emails ko. Pero hindi ako makapagconcentrate dahil walang ibang laman ang utak ko kundi ang nangyari samin ni Xander buong maghapon.
Grabe ang lakas ng epekto nya sakin.
- - -
Kinabukasan maaga akong nagbihis. Ewan ko ba, masyado ata akong excited. Nauna pa akong nagising sa alarm clock ko.
Pagbaba ko nagulat pa ako dahil nasa sala si Xander. "wow! Ang aga mo huh?" anas ko.
"Syempre, nakakahiya ngayon lang kita sinundo para maihatid sa office mo. Ayokong malate." Lumapit ako sa kanya, hinapit naman nito ang bewang ko at hinalikan ako sa labi.
Bigla na namang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. "I really like your scent" anas nito. Inamoy amoy pa ang leeg ko. Nagtaasan ang balahibo ko sa ginawa nya.
"Stop it Xander! Baka makita tayo ni dad" anas ko. Tumigil naman ito sa ginagawa. Pero nakahapit parin ang kamay nito sa bewang ko. "Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Not yet" sagot naman nito.
"Sabay ka na samin ni dad" anas ko. Tumango naman ito at ngumiti. Nagtungo na kami sa dining table.
Pagdating namin doon ay wala si dad sa upuan nito. "Manang Tessa si daddy?" tanong ko sa kasambahay namin.
"Naku senyorita umalis po ng madaling araw. Biglang may tumawag sa kanya kagabi at dali dali pong nagempake. Nagbilin na lang po sya na lalagi daw po muna sya sa probinsya nyo ng ilang araw dahil nagkaproblema daw po sa pananim, ipaalam ko na lang daw po sainyo. Tayawag daw po sya sainyo kapag nakarating na sya sa probinsya" pagpapaliwanang nito.
"okay" napabuntong hininga naman ako. Kahit maedad na si daddy ay talagang hands on parin sya sa ibang negosyo. Kahit ako na ang nagpapatakbo ng negosyo namin dito sa manila, hindi parin sya nawawalan ng gagawin dahil may farm pa kami sa probinsya. "let's eat" yaya ko naman kay Xander.
Ipinaghila pa ako ng upuan bago sya naupo sa katabi ko. Pagkatapos naming kumain ay inihatid nya ako sa building namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto at nagpaalam na sakanya. Hinalikan muna nya ako sa labi at sumakay na rin, kumaway pa ito. Nasundan ko na lang sya ng tingin. Napahawak naman ako sa labi ko habang iniisip ang paghalik nya sakin, napangiti na lang ako. Kinikilig na naman kasi ako.
Pagpasok ko palang sa building ay nagulat lahat ng empleyado ko. Nakasuot kasi ako ng formal skirt na kulay gray, abot hanggang kalahati ng hita ko. Isang white long sleeve na tinupi ko hanggang sa ibaba ng aking siko, naka unbutton naman ng mga tatlong butones mula sa leeg ko hanggang sa may tapat ng dibdib ko kaya kita ang clevage ko. Nakablack belt na manipis at nakasandals ng black. Nilugay ko din ang buhok ko at bahagyang kinulot ang dulo nito.
"si mam ba yan?" takang tanong ng isang emoleyado
"wow!" anas naman ng iba.
"sino yan?"
"si mam Zia"
"ang ganda ni mam Zia"
"Oh my god, may tinatagong ganda rin pala si mam Zia"
"she looks so gorgeous!"
Rinig kong bulungan ng mga empleyado ko. Maski si Mia ay napatulala sa outfit ko.