Chereads / once upon a baby / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Zia POV

Graduation na ni Stacey, kailangan ko nang maghanda. Bumili ako ng dress kahapon nang maisipan kong wala pa akong susuotin. Nakita ko ang suot ng isang manikin kaya dali dali akong pumasok at sinabihan ang saleslady n kukunin ko iyon. Hindi ko pa sinusukat pero alam kong fit sa akin yun.

Isang cute bow knot sheath mini dress na kulay itim. Lalong tumingkad ang kaputian ko. I love black when it comes to my dress. Kitang kita ang hubog ng katawan ko dahil sa fitted ito.

Nilugay ko ang buhok ko at kinulot ng bahagya ang dulo nito. Hindi nila ako nakikitanv naglulugay ng buhok maliban na lang sa mga tao sa bahay. Napagdesisyunan kong ilugay na lang para maiba naman.

I put some light make up. Sinuot ko ang 4 heels sandals ko na kulay black din. And its perfectly done. Nagpaikot ikot pa ako sa harap ng salamin ng kumatok sa pinto ang kadambahay namin.

"senyorita naghihintay na po sa ibaba si senyorito Xander" pagbibigay slam ng katulong.

"okay, im commin'.." sagot ko. Umikot pa ako ng isang beses sa harap ng salamin bago kinuha ang bag ko.

Habang pababa ko sa hagdan ay nakita ko na agad si Xander. Napatayo naman ito ng makita ako. Napatulala ito at titig natitig sakin. Nginitian ko sya 'finaly nakuha ko din ang atensyon mo' bulong ko sa sarili ko.

Nang makalapit ako ay parang hindi pa rin ito natatauhan. Tinapik ko ng bahagya ang kanyang pisngi at parang natauhan naman ito.

"What happened to you?" tanong ko sa natulalang si Xander.

"sorry i was mesmerized by you.. You look so.. Different" Namula naman ang pisngi ko, pero parang hindi ako satisfy sa sinabi nito.

"baka naman beautiful!, hindi mo lang maamin no? That i can turn from ugly duckling into swan?" sabay ngiti sa kanya.

"maybe" anas nito at iniwan na ako. Napanganga na lang ako sa ginwa nito.

"tama bang iwanan na naman ako? Nakakainis ka talaga Alexander Villanueva! May araw ka rin sakin!" sabi ko rito pero hindi na ako pinansin. Kahit kailan talaga hindi sya gentleman.

Pagdating sa kotse nya ay nakaupo na ito sa driver's seat. Tumayo lang ako sa tapat ng pasenger seat ng sasakyan nya.

"Get in" anas nito.

Hindi ako kumilos, 'hindi ako sasakay hanggat hindi mo ako pinagbubuksan' tinaasan ko sya ng isang kilay. Kaya parang nagiba ang ekspresyon ng mukha nya.

"No!" sabi ko.

Napababa sya ng kotse nya at umikot palapit sakin. "What's your problem?" tanong nito.

"i won't go inside your car unless you open the door for me" sabi ko sakanya ng nakataas parin ang kilay.

"WTF! Nagiinarte ka ba? Dont be, dahil hindi ka naman kagandahan" sabi nito.

" hindi ako kagandahan? Kaya pala natulala ka kanina sakin nang makita mo ako." anas ko. Nginitian ko sya ng nakakaasar habang nakataas ang kilay ko.

"whatever!" anas nito sabay bukas sa pinto ng passenger seat.

Pumasok naman ako agad sa loob ng sasakyan nito at ng nakaupo na ako ay isinara na nito. Umikot naman sya para makapunta sa drivers seat.

'yes! you won Zia, good job!' bulong ko sa sarili ko.

Habang nasa daan, hindi kami nagiimikan. Nakangiti parin ako dahil hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina.

"why are you smiling?" basag nito sa katahimikan namin. Nakatutok parin ito sa daan at hindi man lang ako nililingon.

"and why do you care?" balik tanong ko.

"is that because of what happened kanina?" anas nito. Hindi ko malaman kung bakit nya naisip yun pero tama sya.

"of course not!" pagsisinungaling ko at sumimangot na ako. Nakita ko namang napaismid sya.

Pagkarating namin sa school ay dumeretso na kami sa event place kung saan gaganapin ang graduation ceremony ni Stacey.

Malapit ng magsimula ang ceremony kaya hindi na kami lumapit pa kay stacey. Nagpalinga linga ako at naabot naman ng tingin ko si Stacey, napagawi naman ang tingin nya sakin kaya kinawayan ko sya. Kumaway din sya pabalik sakin. Kitang kita ang tuwa sakanya.

Nang matapos ang ceremony ay lumapit na kami ni Xander para batiin si Stacey.

"congratulation stacey! Finaly.. so proud of you" sabi ko dito at yumakap sakanya.

"thank you ate Zia" kumalas ito sa pagkakayakap sakin at humarap. "ate Zia you look so beautiful and sexy" sabay taas baba ng kanyang kilay. Binigyan din ako ng 'inlove ka no?' look.

Napatawa naman ako sa ginawa nito. "i just want to change my outfit. And besides someone told me na hindi ako maganda" napatingin naman ako kay Xander.

"who told you that? Ang ganda mo nga ate eh, malabo lang ang mata ng nagsabi sayo nun. Panigurado wala syang taste" sabay pout at simangot. Napatingin naman sya sa kuya nya, binigyan naman ni Xander ng 'what look'.

"kuyaaa! thanks for coming.." anas nito at niyakap ang kuya nya. Humalik naman si Xander sa buhok nito.

"Hindi pwedeng mawala ang kuya sa importanteng event ng buhay ni bunso." anas nito.

"Tita, tito kamusta po kayo" bati ko sa mga magulang ni Xander. Niyakap ko si tita at humalik naman ako sa pisngi ni tito.

"iha call us mommy and daddy from now on, ikakasal na kayo weeks from now kaya dapat masanay ka ng tawagin kami ng mommy at daddy" sabi nito.

"si..sige po ma..mommy" anas ko, medyo nahihiya pa ako, kaya nagkanda bulol ako sa pagsabi.

"okay lets go home now. Baka nandun na ang ibang bisita" sabi ni daddy.

Lalakad na sana ako ng biglang hinawakan ni Xander ang kamay ko at pinagsiklop nya iyon.

"Nandyan sina mommy and daddy" sabay nguso sa kinaroroonan nila mommy na bigla namang lumingon samin.

Napangiti na lang ako sa mommy ni Xander nung ngumiti rin ito dahil nakitang magkaholding hands kami ni Xander.

Una ng umalis sina mommy Agnes -ang mommy ni Xander-. Naiwan kami doon, nang nakalayo na ay pahablot kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak nito.

Binuksan ko ang kotse nya at sumakay na ako. Sumakay na rin sya at pinaharurot na nya ang sasakyan nya.