Chereads / once upon a baby / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Xander POV

"Are you not gonna tell me what's the real purpose of this lunch meeting? Mananahimik ka na lang ba dyan?" iritableng tanong ni Zia. Alam kong naiinis na sya sakin dahil binibitin ko ang usapan namin. Hindi na mapakali at halatang halata ng gusto na nitong umalis.

"Youre dad told me to have a date with you" tamad kong sagot sakanya. Halata sa mukha nya ang pagkabigla dahil napaawang ng bahagya ang kanyang mga labi.

"If this is not an urgent then i have to leave, i still have meetings to attend today. Excuse me!"

Tatayo na sana ito ng bigla ko syang pigilan. Alam ko kasing may nakabantay sa amin kaya dapat ay magtagal muna kami ng kaunti.

"Please stay?" Pakiusap ko, "we have to talk about the wedding"

"What's about the wedding?" sagot nito at umupo na rin ulit. "You know that im not interested in that wedding. Do whatever you want. And besides its not my idea to marry you at all."

"It's your dad that he want us to talk about the wedding, that's why he set us a date."

"A DATE????!, this is not a date!! This is just a meeting for me. I don't want you to be my date!" namimilog ang kanyang mata habang sinasabi iyon. Na parang nandidiri sa akin.

"Well, i dont want you either to be my date. You're so boring. Look how you dress up yourself. You look like an old lady. Maybe that's the reason why men's don't ask you on a date."

Kita sa mukha nya ang galit at inis sa sinabi ko. I really don't want to hurt her feeling's but i can't help it. Paano na lang ako sa araw araw kung kinasal na kami? Napapangiwi ako sa naiisip ko.

"Then tell my dad to drop the wedding! Kung nasusuka ka sa fashion ko, you better look a fiancee na halos wala nang damit. This is my fashion! I don't want to marry a man like you who cannot respect the things i want!" pagalit na sabi nito. Sabay kuha ng kanyang bag at derederetso ng umalis sa restaurant.

Napatingin na lang ako habang papalayo sya. Nang makaalis na sya ay nagiwan na ako ng cash sa mesa, tinawag ko na din ang waiter at umalis na.

Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilang isipin ang paguusap naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit gusto kaming ipakasal ng aming magulang. Alam nilang hindi kami magkakasundo sa maraming bagay pero ipinilit parin ng mga ito.

Napawi ang iniisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nilagay ko ang bluetooth headset sa tenga ko at sinagot ang tawag. It was Stacey, ang bunso kong kapatid. "Hi kuya, how are you?" tanong ng nasa kabilang linya.

"I'm fine baby!" sagot ko.

"kuya naman eh! Don't call me baby anymore, I'm already 16. Nakakahiya sa makakarinig" pagmamaktol nito. Napatawa naman ako ng marinig ang sinabi nito. Panigurado nakanguso na naman ito. Kilalang kilala nya ang kanyang kapatid dahil spoiled na spoiled ito sa kanya. "by the way, how's the wedding preparation? are you excited?" pagiiba nito.

"well, i'm not, and besides mejo matagal pa iyon kaya hindi ko masyadong iniisip. How's school?"

"it's ok, i have a lot of projects to do. Malapit na pala ang graduation ko. I hope you can come. Sana maisama mo rin yung fiancee mo."napahagikgik ang nasa kabilang linya.

"2 months na lang pala gagraduate ka na. yes i will come and im so proud of you baby. I will convince her na sumama, if she want's too huh?. I'm not gonna promise okay?"

"okay kuya, gotta go. Nandito na mga friends ko. We're going to make a group projects. Bye kuya! i love you." pamamaalam nito.

"Bye baby. Take care!" at binaba na niya ang kanyang telepono.

Pagdating ko sa company, natigilan ang mga empleyado. Nababakas sa mukha nila ang pagkataranta at takot ng makita ako. Well, sanay na ako dito dahil strikto ako pag dating sa negosyo. Pagkarating ko sa office ay nagsimula na akong magbasa at pirmahan ang ibang papeles na iniwanan ko kanina.