Chereads / once upon a baby / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Xander POV

Simula nung makita ko sya kagabi sa ganoong ayos ay hindi ko na sya makalimutan. Lagi na lang sya sumasagi sa isip ko. May meeting ako kasama ang board members pero parang hindi man lang rumehistro sa utak ko lahat ng sinasabi nila. Tango na lang ang naisasagot ko bilang pagsang ayon sa kanila. Natapos ang meeting ng wala man lang akong naintindihan.

"Martha paki dala yung files na nireport kanina sa office ko. Irereview ko muna bago ko ito pirmahan." utos ko sa aking secretarya.

"Yes sir!" at umalis na sa tabi ko.

Dumeretso ako sa opisina ko. Napatingin ako sa glass window ko, pinagmamasdan ko ang kamaynilaan. Mula sa aking kinatatayuan ay kita ko ang malawag na syudad. Napahilamos ako sa mukha ko ng hindi parin mawala sa isipan ko ang babaeng yun!

"Damt it!" sigaw ko. "Ano bang meron sa babaeng yan!".

Makalipas ang ilang sandali ay napagpasyahan ko ng simulan ang trabaho ko. Umupo ako na ako at nagsimula ng buklatin ang mga papeles na nasa mesa ko. Pipilitin kong mabura sa isip ko ang babaeng yun bago pa ako matambakan ng trabaho dito.

tok! tok! tok!

Napalingon ako sa pinto ng office ko ng marinig kong may kumatok.

"Come in!" sigaw ko para marinig ng taong nasa labas ng opisina ko.

Pagbukas ng pinto "sir, heto na po yung files na hinihingi nyo" anas ng secretarya ko ng makalapit na sa mesa ko.

"Paki lapag na lang jan. Make me coffee first before you leave."

"Ok po sir." Nagtungo namang agad sa may pantry ang secretarya ko at pinagtimpla ako ng kape. Nang matapos akong ipagtimpla ay umalis na agad ito.

Habang busy ako sa pagbuklat ng mga papeles bigla namang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon ng hindi tinitignan ang kausap ko.

"Hello?"

"Samahan mo ako tomorrow. Mamimili ako ng gown ko for the wedding, hihintayin kita 10am in the morning sa bahay." pagkasabi nun ay binaba na nito ang telepono.

Napatingin na lang ako sa screen ng cellphone ko. Bakas sa mukha ko ang pagtataka. Ngayon lang kasi nya ako niyaya. Ang alam ko ay ayaw na ayaw akong makita ng babaeng yon. Well, ayoko rin naman syang makasama, nuknukan ng taray, mukha pang manang kung manamit, para nga syang si miss minchin sa princess sarah na palabas. Laging nakairap ang mata at nakapuyod ang buhok. Pero yung babaeng nakita ko sa bar. Isang maamo ang mukha na simple lang. Ibang iba ang itsura sa tuwing nasa opisina sya o kaya ay may kameeting. Napangiwi na lang ako ng maisip ko na naman sya. Binalik ko na lang ulit ang focus ko sa mga papeles na nasa harap ko.

Nang matapos ang trabaho ko ay dumeretso ako sa bar ni Gio. Bumungad sakin ang usok at ang nakakasilaw na neon lights habang ng karamihan ng customer ay nasa dance floor. Nagtungo ako sa bar counter at nagorder ng beer.

"Bro! kamusta? Mukhang naligaw ka ata? Malapit na ang kasal bro, excited ka na ba?" bati ni Gio ng makita ako.

"Sino maeexcite, kung ang mapapangasawa mo naman ay nuknukan ng sungit, menopause na nga ata yung babaeng yun. Sobra kataray! Mukha pang Oldies kung manamit."

"Hahaha! Goodluck na lang sayo bro. Syanga pala, next week birthday na ni mommy! Punta ka ha? Alam kong hindi ka naman mahilig sa party pero inaasahan ka ni mommy doon."

"sige bro. Dadalo ako, namiss ko na din si tita, baka magtampo pa sakin yun kapag hindi ako nakita sa party" sabay inom ng beer na hawak ko. Hindi rin nagtagal ay umalis na ako doon.

Nang makarating ako sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Nagtungo ako sa banyo para maligo, at pagkatapos ay natulog na ako. Naalala ko pa ang sabi nya, sasamahan ko nga pala si Zia bukas ng umaga.