Chereads / once upon a baby / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Zia POV

Padabog kong ibinagsak ang gamit ko ng dumating ako sa office. "What the hell is that!" habang gigil na gigil. Hindi ko mapigilang magngitngit sa galit. Hindi talaga ako komportableng nakikita si Xander. Ewan ko ba, hindi lang talaga mapalagay ang loob ko sa kanya.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago umupo sa harap ng table ko at nagumpisang buklatin ang mga papeles na naroon. Nagpakabusy na lang ako para hindi ko na maisip ang nangyari kanina.

Sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko ng oras na pala ng uwian. Biglang may kumatok sa pinto at matapos ang tatlong katok ay ngbukas na ang pinto.

"Ma'am Zia, uuwi na po ako. Hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ng sekretarya ko.

"Sige Mia mauna ka na. Ingat na lang sa pag uwi." sagot ko rito.

"Sige po Ma'am mauuna na po ako." tinanguan ko lamang sya at isinara na ang pinto.

Nag ayos na din ako ng gamit at umalis na rin sa opisina.

Nang makarating na ako sa bahay ay agad naman akong nahiga. "Nakakastress talaga si daddy kahit kelan." kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Sheena. Sya ang bestfriend ko simula nung highschool. Iisang school din ang pinasukan namin nung nagcollege na kami. Kahit magkaiba kami ng kursong kinuha, ay palagi parin kaming nagkakasama. Sya ang lagi kong takbuhan kapag may problema ako. Kaya ngayong naiistress ako ay kailangan ko munang magrelax.

Makalipas ang ilang ring ay sinagot na rin ni sheena ang tawag ko. "Sheena, Are you free tonight?" tanong ko.

"oo sissy free ako, bakit? ." excited nyang sagot ng nasa kabilang linya. Mukhang nahuhulaan na nito ang pakay ko.

"samahan mo naman ako magbar."

"sure! wait magbibihis lang ako. Hintayin na kita dito ha. See yah!" pagkasabi noon ay binaba na ang kanyang telepono.

Bumangon ako at nagshower. Pagkatapos ko magshower ay nagbihis na ako. Nagsuot ako ng skirt na above the knee na kulay itim, hapit na hapit naman ito at sakto sa kurba ng bewang ko. Pinaresan ko ng white sando na fitted din kaya mas lalo pang kapansin pansin ang hubog ng katawan ko. Nagleather jacket na lang din akong itim para hindi ako magmukhang mahalay tignan ang pananamit ko. Sinamahan ko pa ng boots na itim na halos umabot na sa tuhod ko.

"The other side of me!" ang tanging nasabi ko ng makaharap ako sa salamin, humahanga ako sa sarili ko ng makita ko ang resulta ng pagbabago kong ito. Naglagay ako ng light make up at nilugay ko ang aking buhok. Napahanga ako dahil hindi ako makapaniwala na may ibubuga rin pala ako. Bukod sa pagiging manang sa umaga ay heto ako na parang nangaakit sa suot ko ngayong gabi.

Nang makarating na kami ni Sheena sa bar, agad kaming naghanap ng bakanteng mesa. Tinawag ni sheena ang waiter at umorder ng alak.

"Gurl! kamusta ka na. Ang tagal na nating hindi nagbabonding. Namiss tuloy kitang bakla ka. Infairness, ang ganda ng outfit mo ha, bumagay sayo. Gandang hindi inakala." napapatawa naman ako ng marinig ko ang sinabi nya.

Sa totoo lang medyo naiilang ako pero hindi ko pinapahalata. Nang makapasok kasi kami dito sa bar kanina, pakiramdam ko lahat ng lalaki nakatingin sakin. Ang mga kapareha nga nilang babae ay nanlilisik na ang mata sakin, tipong kakainin na ako ng buhay. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"ano bang naisip mo at gusto mong lumaklak ngaun? akala ko kasi busy ka na masyado dahil ikakasal ka na" ani shenna.

"yun nga ang dahilan kung bakit gusto kong magpakalasing ngayon. Hindi ko maintindihan si daddy kung bakit gusto na nya akong ikasal at sa lalaking yun pa!" pairap kong sinabi habang iniinom ang alak na nasa basong hawak ko. Napasandal ako, na akala mo'y pagod na pagod.

"Pero gurl, Sigurado ka bang sisipot ka sa kasal nyo?"

"Oo sissy! Ayokong magkaron ng sama ng loob ang daddy ko sakin. Kami na lang ang natirang magkasama. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay susundin ko lahat ng gusto nya. Kahit pa ang isakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan." mahabang sagot ko. Hindi ko ba alam pero simula ng mawala si mommy, naging sunod sunuran na lang ako kay daddy.

"naku! nagdadrama na tayo. Uminom na nga lang tayo. Cheers!"

maiiyak na sana ako ng maalala ko si mommy pero biglang binago nito ang usapan. "Cheers!" napangiti na rin ako.