Chereads / once upon a baby / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Zia POV

Unti unti kong minulat ang mata ko. Masakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking noo at bahagyang hinilot hilot iyon. Inilibot ko ang paningin, napansin ko na nasa condo pala ako. Nagtataka ako kung paano ako napapunta dito. "Baka si Sheena naghatid sakin" bulong ko sa sarili ko. Kahit masakit pa ang ulo ko ay bumangon na ako, nagtungo na ako ng banyo at naligo. Panigurado hinahanap na ako ni daddy, hindi kasi ako nagpaalam sakanya. Hindi ko rin aakalaing hindi ako makakauwi.

Pagkatapos maligo ay dali dali na akong nagbihis. Kailangan kong makauwi para masaluhan sa agahan si daddy, Nagsabi pa man din si daddy kagabi bago ako umalis na sabay kaming kakain ng agahan. Sigurado ako sesermunan na naman ako nito kapag hindi ako nakasabay sa agahan.

- - -

Nang makarating ako sa bahay ay agad na nagtungo na ako sa dining table. As expected nandon na nga si daddy, nakaupo ito at nagbabasa ng dyaryo.

"Morning dad!" bati ko rito, at humalik sa pisngi. Naupo ako sa bandang kanan nya.

"Morning iha. Saan ka galing? Hindi ka raw umuwi dito kagabi sabi ni Tessa." ang tinutukoy nito ay ang kanilang kasambahay na matagal nang naninilbihan sa kanila.

"Sorry dad hindi na ako nakapagpaalam. Nagkayayaan lang kami ni Sheena, you know! Girls night out." sagot ko.

"Ok lang iha magenjoy paminsan minsan, pero hwag naman sa gabi. Delikado sa labas lalo na at parehas kayong babae! Sa susunod na may lakad kayo sa gabi isama mo si Xander para kampante akong ligtas ka kahit saan ka magpunta". napasimangot naman ako ng marinig ko ang pangalan ng lalaking yun.

"Dad, i can handle myself. In fact nakauwi naman akong ligtas. See! Im perfectly good! walang labis at walang kulang." natatawa kong sabi habang ikinukumpas ko ang kamay ko.

"Sya! Kain na." alok ni daddy.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain, biglang nagsalita si daddy.

"Kamusta ang wedding preparation? Naayos nyo na ba ni Xander?" Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ako agad nakasagot, dahil hindi ko naman yun binibigyan ng halaga. Hinahayaan ko lang kasi ang side ni Xander na umayos ng lahat.

"ok naman dad" tamad kong sagot. Sana hindi na magusisa pa si daddy.

"Bukas, samahan mo si Xander, Maghahanap kayo ng wedding gown. Gusto kong pumili ka na. 2 months na lang ikakasal na kayo" Nalungkot ako sa isiping iyon. Malapit na nga, nalalapit na nga na matali ako sa lalaking hindi ko mahal. Nalulungkot ako, pero hindi dapat ako magpahalata kay daddy.

"Gusto ko lang naman anak sa mabuting tao ka mapunta. Sana hindi ito ikasama ng loob mo. Mabuting tao si Xander, sa ilang taon naming magkasama bilang bussiness partner ay talagang nakita ko sakanya na responsable sya. At magiging mabuti syang asawa at ama sa inyong magiging anak."

Halos maibuga ko ang kinakain ko ng marinig ko ang sinabi ni daddy. Jusko, halos ayaw ko ngang madikit sa taong iyon, tapos magkakaanak pa kami?! OMG! na talaga..

Natatawa naman ang daddy sa naging reaction ko.

"Daddy naman, hindi ba pwedeng kasal muna ang intindihin natin? Masyado naman kayong advance dad?"

"Iha, tumatanda na ako. Gusto ko nasa ayos ka na bago pa man ako mawala sa mundong ito. At syempre gusto ko din muna makita ang magiging apo ko. Kaya pagkatapos ng inyong kasal ay asikasuhin nyo na agad ni Xander ang pagkakaron namin ng apo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy, hindi na lang ako umimik para hindi na humaba pa ang diskusyon namin. Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko. 'Si daddy talaga! Ang advance masyado mag isip' sabi ko sa sarili ko.

Nang matapos na kaming kumain ay pumasok na ako sa opisina. Maalala ko may meeting nga pala kami ng 9am kaylangan ko ng magmadali.

Pagkarating ng office, ay agad akong sinalubong ni Mia.

"Ma'am kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko na po ba kayo ng breakfast nyo?"

"No need Mia, nagbreakfast na ako kina daddy! Pakihanda na lahat ng kailangan sa meeting. We will be start in 10 minutes! Inform the board members para matapos tayo ng maaga."

"Yes Ma'am!" sabay talikod nito.

Hinanda ko na rin ang sarili ko bago man magsimula.