Capture
"Bakit mo nga pala sinugod si Prince dati?" natigilan siya sa tangkang pagkagat sa pizza. Ibinaba niya iyon at mariin akong tiningnan.
"Don't mind it. Sa'min na lang 'yon," na-dismaya ako sa sagot niya. Tumango na lamang ako at nagpatuloy ng kumain. Nang may makitang waiter ay tinawag ko ito, ngumiti ako ng liningon ako nito. Lumapit siya sa amin.
"Can you take us a picture?" pakisuyo ko. Tumango siya at ngumiti.
"Sure, Mam," ibinigay ko sa kanya ang phone ko.
"Markeus, dali picture na tayo ng maayos!" he motioned his hand on the seat beside him. Nagtaka ako noong una pero nakuha rin ang pinaparating niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Nang maka-upo ako sa tabi niya ay sinandal niya agad ang braso niya sa backrest ng upuan ko. Ngumiti ako sa camera na nasa harapan namin.
"Okay, Mam.. one.. two.. three. Say baby!" bigla akong napasimangot sa sinabi ng waiter. Tumawa ito at si Markeus.
"Baby!" sagot naman ng katabi ko. Napairap ako.
"Isa pa po! One.. two.. three. Say Te Amo!" I smiled and turned to Markeus.
"Te Amo!" sagot ko naman habang magkatitigan kami. Seryoso lang na nakatitig sa mga mata ko si Markeus. I giggled and now faced the waiter. He handed me my phone.
"Ang cute niyo namang mag-jowa, Mam! Sana ol!" tumawa ako at umiling.
"Hindi kami-"
"Thanks pare, magkakaro'n ka rin," liningon ko ang katabi ko at tinaasan ng kilay ngunit nakatingin lang siya sa waiter at nakangiti.
"Salamat sa pag-picture sa'min!" pagpapasalamat ko sa kanya tapos nilapag ko muna sa table ang phone ko. Sayang naman, bakit wala siyang jowa? Ang gwapo pa naman niya. Kung ako sa mga babaeng taga-rito sa Tagaytay, araw-araw akong kakain dito tapos siya magse-serve ng pagkain ko. HAHAHA!
"May iba pa po kayong gusto, Mam, Sir?" umiling na lang ako at nag-pasalamat ulit sa kanya. Umalis na ang waiter pagkatapos mag-welcome sa amin.
Kinagatan ko ang chicken ko ng makaramdaman na naiihi.
"Uy, comfort room lang," hindi ko na siya nilingon pa at lumakad na papunta sa c.r.
Nang matapos ay bumalik na ako sa table namin. Naabutan ko siyang nagce-cellphone. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang mga litrato na nasa gallery ko.
"Ang cute natin dito!" I giggled and swipe more to see other pictures that got captured earlier.
Ang unang litrato ay ang nakasimangot ako habang si Markeus naman ay ngingiti-ngiti dahil doon sa 'baby'. Ang pangalawa naman ay ang magka-harap kami ni Markeus at tila nag-uusap sa titigan habang ako ay malapad ang ngiti at mariin naman akong tinititigan ni Markeus, 'yon 'yung sinabi ko sa kanyang 'Te Amo'.
Natawa ako ng maalala ang waiter.
"Dapat pala kinuhaan din natin siya ng litrato tapos ang sasabihin naman niya, SANA OL MAY JOWA!" tatawa-tawa akong tumingin sa kanya pero natigilan din ng makita na ang dami kong stolen pictures sa gallery niya. Nag-ii-scroll kasi siya sa Instagram para sa ipo-post niya at sa story. Tiningnan ko kung gaano kadami ang na-capture niya.
"Kanina mo pa pala ako kinukuhaan ng picture?" I teased him pero maski ako ay nagulat din. His eyes met mine.
"The view is nice," 'yon lang ang sagot niya sabay kibit-balikat. Ako naman dito, mukhang tangang gulat. I pursed my lips in a thin line and looked at my food which is in front of us.
"Balik na 'ko sa upuan ko," tumayo ako pero napabalik din ng hatakin niya ang bewang ko at pumulupot roon kahit nakatingin pa rin siya sa phone niya.
"Just eat beside me, 'wag ka ng bumalik do'n," my lips parted but still nodded. I slid my plate in front of me. I ate chicken and sipped on my juice.
Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko. I raised it and saw that Markeus had requested to follow me, in-accept ko iyon tapos ay sumandal sa upuan ko habang inii-stalk ang account niya.
Ano naman kung kalapit ko lang siya habang inii-stalk ko siya? Baka nga kiligin pa 'yan.
Dalawa lang ang naka-post sa kanya. Ang huli ay ang picture niya lang. Silhoutte niya iyon habang nakatalikod at sunset ang background. He's fucking topless man! Napataas ang kilay ko roon.
"Don't worry, makikita't mahahawakan mo rin 'yan," I turned to him. I chuckled and shook my head. Ang feeling niya naman masiyado. Hindi ko naman gusto ang katawan niya.
Slight lang.
Tiningnan ko naman ang bago niyang post which is ako. Lima iyon.
Ang una ay noong pinipicturan niya ako bago kami pumunta rito sa Yellow Cab.
"So pinasa mo 'yung pictures ko kanina sa'yo?" tanong ko sa kanya sabay kagat sa chicken na hawak ko.
"Uh-huh."
Ang pangalawa naman ay nagpi-picture ako ng langit kanina. Pati ba naman 'yon kinuhanan niya? Tsaka hindi ko napansin 'yon ha, 'yung titig niya lang ang napansin ko.
Ang pangatlo naman ay ng nakain ako after kumain. Ibang klase si Markeus ah? Paano ba 'to kumuha ng stolen? Nasa mata ang camera? Lol.
Ang pang-apat, 'yung ni-try kong mag-selfie mag-isa tapos inuga ko 'yung phone na pangit naman kinalabasan.
At ang huli, ay ang picture naming dalawa na kinuhanan ng waiter. 'Yung magkaharap kami at nagtititigan.
"Paano mo nakuha 'yung pictures natin? Hindi ko naman pinasa sa'yo ah?" taka kong tanong sa kanya.
"I send it," kumunot ang noo ko.
"Paano? Kailan?" and then bigla kong naalala na pumunta pala ako sa comfort room!
"When you went on the comfort room," I tsked. Ang dami agad likes and comments sa pinost niya. Lalong-lalo na ang mga tropa niya. Pero ang nakapukaw sa akin ay ang caption ng post niya.
Keoz_faa my 'girl'
view all 5,327 comments
JsonMartin: Ay, iba. Binata na ang Markeus natin! Uwian na :<
_LuCaS: Send nudes.
JeymsE: Ako ba ang girl mo? Ehe :)
Geo_: Pengeng ka-date bro huhu.
Napansin kong walang comment si Prince. Napa-iling na lang ako. Ni-like ko na lang 'yung dalawa niyang post at in-open naman ang my day niya. Halos malula ako sa dami noon.
"Powerpoint ka girl?" natatawa kong tanong. Pero nagulat ako ng puro picture ko na naman ang nandoon! Ang iba'y nasa condo pa kinuhaan!
"Ano 'to? Album?" tanong ko ulit. Meron pa doong picture ko na natutulog.
Pansin ko lang ha, antagal na namin dito haha! Okay lang 'yan, minsan lang naman kami rito kaya pagbigyan na. Hindi na kami babalik dito. Chos.
"You're worth to be on my story naman," he replied. I mocked him he tsked.
"Tara na nga. Ang tagal na natin dito. Punta tayo sa picnic grove!" excited kong suhestiyon sa kanya. He nodded.
Uminom ulit ako sa juice ko bago manguna sa paglalakad palabas ng Yellow Cab. Nakapag-bayad na naman kami noing nag-order pa lang ng food namin kaya wala na kaming babayaran pa bago lumabas. Pay as you order dito eh. Tsaka siyempre, si Markeus ang nagyaya kaya siya ang nagbayad. Hay, naka-libre na naman ako.
"Salamat," sabi ko sa kanya ng pagbuksan niya ako ng pinto.
"Ako na," hindi siya nakinig. He buckled my seatbelt tapos hinarap ako. Nilayo ko kaagad ang mukha niya gamit ang kamay ko.
"Oh, nasa Tagaytay tayo pare. Alam kong malamig pero 'wag ka sa'king magpa-init," biro ko. He shook his head and chuckled before fixing his stance at umikot na papunta sa driver's seat. I sighed at kinalikot na lamang ang kuko ko.
Lumalandi na 'tong si Markeus ah? Nagle-level up haha!
"Picturan mo 'ko ulit, please? Tingnan mo oh! Ang ganda ng view!" tapos tumili ako. He sighed and gave up.
"Fine."
"Oh, ito phone ko," umiling siya at itinaas ang sa kanya.
"Sa cellphone ko na," I let out a teasingly look.
"Sus, gusto mo lang ng pictures ko eh. Gagamitin mo pa phone mo pwede ko naman sa'yo ipasa," then I tsked sabay pakita ng fierce look sa camera.
"What's with the fierce look, Fion? Para kang nang-aakit!" asik niya. Umirap ako sa kanya.
"Hay nako. Naaakit ka lang sa'kin," pinatong ko ang braso ko sa railings. Nasa likod ko ang mga bundok. Nang matapos ay lumipat naman ako sa may mga flowers. Doon na ako ngumiti. Hinawi ko ang buhok ko para medyo messy hair. Oh pak! Magmo-model na lang ako kaysa fashion designer! Charot!
I saw how the side of his lips rose. Mukha siyang natutuwa sa mga pinagpo-pose ko rito.
'Yung mga tao naman dito ay mga nakiki-usyoso. Aba, gwapo ba naman ang nandito sino ang mapapabali ang buto este mapapalingon kay Markeus?
Halos matawa pa nga ako sa sinabi ng isang dalaga, siguro mga seventeen years old lang iyon.
"Sana ol, may boyfriend na photographer!" tapos tumili siya kasama ng kapatid niya ata. Tiningnan ko si Markeus na parang wala lang naririnig. Umayos ako ng tayo at hinatak siya papalapit sa akin. Nagtataka ang mukha niya.
Nginitian ko ang dalagita kanina at nag-request. Parang nagulat pa siya na nilapitan ko siya.
"Hi girl. Can you take a photo of us?" ngumiti siya at tumango.
"Sure po! Ang ganda niyo po sa malapitan!" pagkatapos ay tumili na naman siya. I thanked her. Hindi ko alam kung bakit ako napa-flip ng hair pagkatalikod.
Baka siguro napapagod lang ako sa mga puri nilang maganda ako hAyS :(
Lumapit ako kay Markeus. Halos mas lalong akong lamigin ng ipinulupot niya na naman ang braso niya sa baywang ko. Naka-off shoulder top pa naman ako kaya ramdam na ramdam ko pati ang kamay niya sa tiyan ko. Para na kaming mag-jowa rito!
Huhu!
Sana magkatotoo, charot.
Na may halong harot :)