I hope
Before this month ends, that's when I decided to visit my grandmother in the province. I already told Markeus that he doesn't need to be there but he's too persistent so I just gave up and let him go with me. We used his car.
Oh god, it's a very long time that I have used my car huhu.
"Are you hungry? We can stop on some food chains here," he suggested. I nodded because I feel that I now needed a food to eat. Lol.
"What do you want?" he asked me.
We're in Tokyo Tokyo now, lining up on the counter to order for our lunch. I was standing beside him, looking at the menu above.
"I want a Pork Katsudon Donburi and just a coca-cola," he nodded.
"Just wait me on the table over there," Markeus pointed the table beside the glass wall where we can see the highway outside. I walked towards the table he mentioned and sat there while waiting for him. I took out my phone and texted my dearest friend, Max.
To: Max
Hey, we're off to Lola's house now. We just had our stop over here in Tokyo Tokyo.
She replied right away.
From: Max
What? Ipapakilala mo na ba siya? :>
Natawa ako ng bahagya. Loko 'to ah.
To: Max
The heck, hindi 'no! I'll just introduce him as a friend :)
From: Max
Aray ko po! Friend zone ang manok ko huhu!
To: Max
At bakit may nagaganap na manok-manok diyan? Sino ang puti?
"Who are you texting with?" I lifted my gaze on Markeus when he's already finish to order for our food.
"Max," maiksi kong sagot at pinatay na ang phone. Kailangan na naming maka-biyahe kaagad para makarating kami doon bago mag-gabi dahil plano kong balikan lang kami. Kailangan ko pang mag-isip kung paano ako makakapag-impake ng mga dadalhin ko para sa pag-alis. I only have a few weeks from now. Mabilis lang ang araw, 'di natin alam baka bukas aalis na pala ako, charot.
"What are you thinking?" I shrugged and smiled.
"Just random things," at pinaglaruan ko na lang ang tissue na nasa gitna.
Ilang minuto pa ay dumating na ang order namin. Tahimik lang kaming kumakain. Napapansin kong napapatingin siya sa akin habang ngumunguya.
Nasabihan ko na si Lola na kasama ko si Markeus. Ang akala niya pa ay boyfriend ko ang isasama ko pero sabi ko kaibigan lang. Sinabihan ko na rin si Lola na 'wag mag-o-open ng topic tungkol sa pag-alis ko kapag nandoon si Markeus. Pero kinakabahan pa rin ako na baka madulas or makalimutan ni Lola 'yung sinabi ko. I bit my lip. Anong gagawin kong palusot kung sakali? Aish! Ano ba naman 'to. Baka mamaya pumalpak pa ako bago ako makaalis at malaman pa 'to ni Markeus.
"Hey, kanina ka pa ganyan," I blinked twice. Napatingin ako sa kanya.
"Huh? Hindi," wala sa sarili kong sagot. Kumunot ang noo niya. Sumandal sa upuan at humalukipkip.
"What's with a 'no' answer, Fion. Ang sabi ko, malapit na tayo kaya bilisan na natin," para siyang naiinis. I cleared my throat and drank on my water.
"Tell me. What are you thinking?" umisip kaagad ako ng palusot. Napangiti ako ng may maisip na.
"Ano kayang ulam natin mamaya?" mas lalo siyang nagtaka.
"Dinner? Aalis din kaagad tayo, right?" halos masamid ako sa tanong niya pabalik. Shems! Oo nga pala! Kung pwede lang ipukpok ko 'tong ulo ko sa lamesa ginawa ko na.
"H-Hindi, malay mo pakainin t-tayo ng hapunan bago umalis diba?" he stared at me for a moment before he sighed and just continue eating.
"I just hope you're thinking about me," he muttered and never take a glance on me.
"Apo! Ang laki-laki mo na!" napangiwi ako sa bati sa akin ni Lola. Gaano ba ako kaliit dati? Parang sobrang laki ko na ata ngayon ah?
Nadako ang tingin ni Lola sa katabi ko. Dala ni Markeus ang sling bag ko habang ang phone at wallet niya naman ay nasa bulsa niya lang. Naka-park ang kotse niya sa tapat. Maraming mga kapit-bahay na nasa labas ang nakatingin dito sa amin sa pintuan. Ganito rito, para kang artista kapag may bagong mukha ang makikita rito. Lalo na itong si Markeus na never pang nakapunta rito noon.
"Ay nakoo! Apo ito na ba ang asawa mo?" bigla kaming naubo ni Markeus.
"'La, anong sinabi ko?" pagpapaalala ko sa kanya. Tumawa siya at umiling-iling.
"Nakalimutan ko apo. Mag-kaibigan nga lang pala kayo," nasapo ko ang noo ko sa ka-diretsahan ng bibig ni Lola. Sumulyap ako kay Markeus na biglang nag-iba ang timpla ng mukha.
"Markeus po pala," pagpapakilala ko sa kanya. I cleared my throat ng lumipat ang kamay ni Lola sa braso ni Markeus at bahagyang pinisil-pisil iyon sabay natatawang hinampas. Mukhang nagulat doon si Markeus kaya napatingin siya sa akin.
"Itong guwapong ito, kaibigan mo lang?" parang naasiwa na tanong ni Lola. Markeus chuckled. Gustong-gusto naman na pinupuri 'tong lalaki na 'to.
"Hello po, Lola," napataas ang kilay ko ng magmano pa si Markeus. She ruffled his hair. Lagot, mukhang madadagdagan apo ni Lola ah? Charot.
"'La, pagod pa 'yan sa pagmamaneho, paupuin niyo muna," sabi ko na lamang I just pulled him inside. Sinara ni Lola ang pinto at pinaupo kami sa narra'ng upuan.
Ang lamig ng hangin ay pumapasok sa sliding window ng bahay. Ang kurtina ay nakatali sa magkabilang-gilid ng bintana. May maliit na sala, at flat screen television. May coffee table sa gitna. At mga narra'ng upuan sa mga gilid.
"Anong gusto niyo Fionna? May pagkain dito," umiling ako. Tiningnan ko si Markeus na nililibot lamang ang tingin sa buong bahay. Napangiti ako. Siguro first time niya rito at bago siya sa mga nandito.
"Markeus, ano raw gusto mong kainin," he turned to me then to Lola bago umiling at ngumiti.
"No, I'm fine na po," magalang niyang sagot. Tumawa si Lola.
"Hindi rin kami magtatagal dito 'La. Aalis din kami bago mag-dilim," malumanay kong sabi. Napawi ang ngiti ni Lola. Bigla tuloy akong na-guilty. Pero wala kaming damit ngayon kaya hindi talaga kami pwedeng mag-stay dito hanggang bukas.
"Akala ko'y kayo ay mamamalagi rito kahit hanggang bukas man lang," ramdam ko ang lungkot sa boses ni Lola. I bit my lip. Iniisip pa rin ang gagamiting damit hanggang bukas.
Bibili na lang kaya kami ng damit sa mall na malapit dito? Eh gagastos pa kami!
"It's fine if we stay here po until tommorow. We'll just shop some clothes later," sagot ni Markeus. Napalingon ako sa kanya. Palihim ko siyang siniko, tiningnan niya ako.
"What are you saying? Hindi ka naman nagsu-suot ng mga damit sa mall! Walang Gucci or Nike dito!" pabulong kong sabi. Kumunot ang noo niya. Sabi na eh, aayaw rin 'to. Hindi naman siya nagsu-suot ng mga pekeng tatak ng damit!
"I'm okay with that. What're you saying?" napanganga ako sa sagot niya. Seryoso ba siya? Eh, bahala na nga!
"Ah, sige na rin po, Lola. Bukas na lang kami aalis," then I awkardly chuckled. Ngumiti si Lola.
"Oh siya, sige. Magluluto lang ako ng hapunan natin mamaya," tumango kami.
Nang masiguradong nakaalis na siya, tinulak ko si Markeus. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Mamaya katihin ka pa sa mga bibilhin mong damit!"
"I said it's fine. You don't need to worry about that," I scoffed. Bumagsak ang balikat ko. Pero natigilan rin ng may maalala. I ran towards our kitchen.
"Lola, saan matutulog 'yung kaibigan ko?" taka kong tanong. Mukha namang hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko.
"Edi mag-sama kayo sa kwarto mo. Dalawa lang ang kwarto rito apo. Nakakahiya naman kung sa kawayang upuan siya matutulog," napanganga ako sa sinabi niya.
"'La! Hindi ka ba nag-aalala na baka gapangin ako no'n mamayang gabi?!" I ranted. Nagulat ako ng makita sa tabi ko si Markeus. Bigla tuloy akong nahiya lalo na ng makita kong nakataas na ang kilay niya sa'kin.
"Aba! Edi ayos, malalahian ang anak niyo ng gwapo! At kung babae, edi girl version nitong gwapong ito!" I gritted my teeth and just march towards my room. Padabog akong nahiga at nagtalukbong ng kumot.
Na-miss ko itong kwarto ko. Halos ito na ang tambayan ko noong college. Umuwi lang naman ako rito dahil nga namatay na si mama at si papa iniwan na kami. Dito ako tumira ng mag-kolehiyo ako. Hindi siya malaki pero hindi rin naman maliit, sakto lang kumbaga. Kulay black and white ang kwarto ko. Mahilig din kasi ako sa kulay na ganoon. Sabi ni Lola para daw panglalaki ang kwarto ko pero napilit ko rin naman siya.
May medyo malaking kama, sa tabi ay may maliit na lamesa at nandoon ang cute kong lamp shade na binili ko noon. May ceiling fan at stand fan. At may maliit na cabinet sa may malapit sa pintuan. May t.v rin sa harap ng kama. Tapos may mga frames na may picture ko sa pader. Hindi na ako nagpa-lagay ng bintana dahil ayaw ko ng gano'n baka mamaya may sumilip-silip pa do'n. Uwu.
Tinabunan ko ng kumot ang sarili ko ng marinig ang pagbukas ng pinto.
Narinig ko ang pag-lock nito. Napabuga ako ng hangin. Napagod ako sa biyahe'ng iyon kahit naka-upo lang ako buong mag-hapon.
Kinilabutan ako ng lumubog ang kabilang side ng kama. At nang pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Parang di lalo ako makahinga, shet.
"I want to sleep, I'm tired," bulong niya sa tenga ko ng isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
Naka-taklob na rin siya ng kumot. Jusko, santo'ng narito, baka gusto niyo pong ihiwalay ako sa lalaking 'to huhu. Masiyado na talaga siyang clingy :(((
Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya at mas hinigpitan ang yakap sa bewang ko gamit ang isang braso niya.
Natigilan ako sa binulong niya.
"I hope you will not leave me, baby. I would die if you will," at hinalikan ako sa balikat. Napapikit ako at pinigilang maiyak.
Why is he saying this to me? Does he know something?