Shut up
Lumipas ang mga araw ng pang-apat na buwan ko rito ng dito na laging nag-ii-stay si Rebecca. Lagi silang naghaharutan, mapa-sala man o sa kusina. Naasiwa ako araw-araw at naiirita sa mga kilig na tili ni Rebecca. Nagshe-share rin si Markeus at Rebecca ng room tuwing gabi. Ramdam ko na talaga ang pagiging yaya ko ngayon dahil wala ng Markeus na nagluluto minsan kapag tinatamad ako.
Kapag nakakasalubong ko naman sila sa bahay, nag-i-iwas lagi si Markeus ng tingin at hahalikan na lang bigla si Rebecca na gustong-gusto naman ni ate girl. Masakit sa una pero nasanay na rin naman ako dahil wala na akong magagawa pa roon. Mukhang nasasarapan at nasasayahan din naman si Markeus sa halikan nila edi...
Wow.
Kaya nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-i-impake ng mga damit. Malapit na akong umalis pero sa tingin ko hindi na ata kami magkakaayos man lang ni Markeus kahit wala naman kaming pinag-awayan. Ano daw? Haha. Ewan.
Umisip ako kung paano ko malilipat ang iba kong damit na nandito sa condo doon sa bahay namin. Kailangang kaunti lang ang ma-iwan rito kapag umalis ako.
"Where are you going?" nagulat ako ng bigla siyang sumulpot galing veranda. Mukhang kagigising niya lang! Tiningnan ko ang orasan. Maga-alas sais pa lang ah? Shems, buti na lang at naisipan ko pa ring mag-suot ng sports bra at leggings para halata talagang maggy-gym ako! Dala ko ang duffel bag ko na may laman namang mga damit ko. Sakto malaki 'to kaya maraming nalagay.
"Gym," maiksi kong sagot at tumalikod na sa kanya palabas ng condo.
"I'll drive you there-"
"'Di na kailangan. Kaya ko na," at dali-daling lumabas na talaga. Mabuti naman at hindi niya na ako sinundan pa. Siguro'y mas maganda pa kung pagtuunan niya ng pansin si Rebecca kaysa sa akin.
Nakangiti ako habang nagda-drive. Nagamit ko na uli ang kotse ko! Kawawa naman ito kung iiwan ko na lang ng nag-iisa pag-alis ko. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap si Max sa contacts.
Sorry na, nagce-cellphone habang nagda-drive. Baka mahuli naman ako nito? Aish, sige na nga mamaya na lang.
Pinanindigan ko talaga ang outfit ko hanggang sa makarating ng bahay. Nilagay ko sa cabinet ang mga damit ko, ito kasi ang mga dadalhin ko sa ibang bansa. Hahanap ako ng paraan para maitakas ko ang maleta ko sa condo. 'Yon lang kasi ang nag-iisa kong maleta, eh sinama ko pa sa condo! Kainis!
"Oh bakit?" sagot ni Max sa kabilang linya. Umupo ako sa kama.
"Pwedeng ikaw nalang muna ang gumamit ng kotse ko?" natahimik ang linya niya.
"Bakit?"
"Diba nga aalis na ako?" mas natahimik ang linya niya.
"Huy," tawag ko sa kanya.
Nagulat ako ng marinig siyang umiiyak. Bigla akong nataranta.
"Bakit ka naiyak? Broken ka ba? Pupunta ako diyan. Nasa'n ka ba?" sunod-sunod kong tanong.
Pero natigilan ako sa tinanong niya. "Aalis ka na ba talaga? Hindi na ba magbabago isip mo?" I pouted at medyo kumalma na. Hays. Ano ba 'yan.
"Max.. sayang naman ang opportunity na 'to. Kung hindi ko naman 'to kailangan bakit ko pa tatanggapin diba? Tahan na.. baka hindi na ako makaalis niyan," my voice broke. Tumulo ang luha sa mata ko. I covered my mouth. Nilayo ko ng kaunti ang phone ko sa'kin dahil maging ako'y naiiyak na rin.
"Fionna naman.." lumakas ang iyak niya. I shut my eyes.
"Hayaan mo, bibigyan kita ng kotse or kung ano pang gusto mo pagkumita na ako roon," pagbibiro ko sa kanya.
"Hindi ko naman kailangan 'yon eh. Kailangan ko ng kaibigan ko," wala na humikbi na kaming pareho.
"Promise, babalik rin ako kapag naging successful na ako. Kapag ikakasal ka na, ako gagawa ng gown mo. Free," 'yon na lang ang naisip kong pagpapatahan sa kanya.
"'Wag ka na umiyak, please?" humina ang hikbi niya. Mapait akong ngumiti.
"Basta babalik ka, huh? 'Wag mo 'kong kakalimutan."
"Babalik ako, tsaka bakit kita kakalimutan? Ikaw ang bestfriend ko 'no," sabay tawa ko.
"Pero paano ka aalis? Ang alam ko magpa-plano sina Geoffrey na mag-outing before magtapos ang month na 'to. At kasama ka do'n siyempre, " natigilan ako sa sinabi niya. Outing?
"Anong date? Sure ka ba diyan?" tanong ko.
"Oo, baka daw 28th of this month," tiningnan ko ang kalendaryo at nakitang twenty seven na ngayon.
"Edi.. the night before the thirtieth day ako aalis. Kapag tulog na ang lahat," napabuga ng hangin si Max.
"Ayaw mo ba talagang malaman nila ang pag-alis mo?"
"Ayaw ko. Basta tulungan mo akong makaalis."
"You're going with us pala, Fionna? Akala ko mag-ii-stay ka lang dito," then Rebecca giggled teasingly. Nakakaburat 'tong babaeng 'to kanina pa ako niloloko nito ah? Sana pala nakisabay na lang ako kayna Max at Geoffrey!
Ngayon na ang araw ng outing. The 28th of my last month here in the country. Pupunta kaming Batangas. Hindi ko alam kung bakit pa kung kailan aalis ako ay tsaka sila magpa-plano ng outing. Mga epal.
"Stop it, babe. Just sleep," nag-tiim bagang ako ng marinig ang tawag ni Markeus kay Rebecca. Babe mo mukha mo! Ang tawag niya sa'kin dati ay 'baby'. Aba, dami mo namang bebe, sanaol. Nasa unahan sila at ako nasa back seat. Mukha akong third wheel dito!
Kinuha ni Rebecca ang isang kamay ni Markeus na nasa manibela at pinagsalikop ito. Lumingon siya sa'kin at nag-smirk. Kita ko ang pagtingin sa akin ni Markeus sa rear view mirror pero umiwas rin kaagad siya.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nagpasak na lamang ng earphones sa tenga ko. Sinubukan kong matulog at buti naman ay nakatulog kaagad ako.
"Fionna!" yumakap sa akin si Max pagkadating namin sa resort na tutuluyan namin.
Nandito kami ngayon sa Nonong Casto, Lemery, Batangas. Napakainit sa balat ng araw. Kahit dalawang araw pa lang ata ako dito, mangingitim na ako.
"Bayad na ang entrance fee niyo! Tara!" sabay hila niya sa akin. Nasa likod lang namin sina Rebecca na todo ang kawit sa braso ni Markeus.
"Sabi ko kay Geoffrey na share na lang tayo ng room kasi kawawa ka naman. Single," sinamaan ko siya ng tingin. Rinig ko ang tawa ni Rebecca sa likuran namin. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Max.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan, Bakekang? Close tayo?" mataray na tanong niya. Tumawa ako ng bahagya at hinila na lamang siya papasok ng kwarto namin.
"What?! Bakekang? Markeus!" rinig ko pang sigaw ni Rebecca sa labas este Bakekang! Haha!
"Talaga? Nagkita kayo ng ex mo? Anong sinabi mo?" tanong niya.
"Wala lang. Sinabi ko sa kanya na aalis na ako. Kasama niya naman si Trisha kaya walang magse-selos," tumango si Max.
"Tsaka.. huminga lang ako ng.. favor sa kanya," dagdag ko. Kumunot ang noo ni Max.
"Ano?"
"Susunduin niya ako rito sa Batangas diretso sa airport. Binigay ko na rin sa kanya ang maleta ko na natakas ko na kahapon sa condo ng umalis sina Markeus at Rebecca," mapait ang pagkakasabi ko sa huli. Biglang nalungkot ang mukha ni Rebecca.
"Sigurado ka na ba talaga na igi-give up mo si Markeus?" tumango ako.
"Mas mahalaga ang pangarap ko kaysa sa kanya, Max."
"Tanggalin mo na kasi 'yan, Fionna!" kanina pa ako pinipilit ni Max na tanggalin ko na ang blouse at shorts ko para mag-swim suit na talaga ako. Naliligo na kase sila sa dagat. Ako na lang ang hindi at nakatanaw lang sa kanila doon.
Masayang naglalandian sina Markeus at Rebecca. Napakaharot ng babaeng 'to, sarap lunudin sa dagat at ipakain sa pating. Charot.
Naka-high ponytail pati ako dahil hindi naman talaga ako maliligo.
Umahon si Geoffrey sa dagat pumunta doon sa shower room na malapit sa kubo kung nasaan ako. Nakangiti lang sa akin si Max at kakaway-kaway sabay turo sa dalawa. Umirap ako.
Nagulat at napatili ako ng may bumuhos sa aking tubig! Nabasa ang buong katawan ko at nanlamig ako bigla! Nilingon ko kung sino ito at nakita ko si Geoffrey na nakangiti lang sa akin at naka-peace sign. I sighed and looked at my clothes.
"Fionna! Hubarin mo na kasi!" tatawa-tawang sabi ni Max habang tumatakbo papalapit sa akin. Nakipag-apir siya kay Geoffrey.
"Magpapalit na lang ako."
Hinila ako ni Max at bumulong sa akin.
"Sige. Aalis ka or sasabihin ko sa kanila na aalis ka?" sinamaan ko siya ng tingin. Siya naman ay tumawang pang-demonyo.
"Napaka-ano mo, Max! Anong klaseng kaibigan ka?" natatawa kong tanong.
Wala na akong nagawa pa at hinubad ko na lamang ang damit at shorts na suot ko at tuluyan na nila akong nakitang naka-swim suit. Sumipol si Geoffrey kaya binatukan siya ni Max.
Nakasuot kasi siya ng yellow tube at panty. Ako naman ay black swimsuit na ang may tali sa bra na nakatali sa leeg ko na pinaresan ng high-waist panty.
"Wow, Fionna! Ang sexy mo pala!" puri sa akin ni Jason. Nahihiya akong ngumiti. Lahat tuloy sila nag-ahunan maging sina Markeus at Rebecca.
Ang sama ng tingin sa akin ni Rebecca. Topless lahat ng lalaki pero ang katawan ni Markeus ang nag-stand out sa akin. Nakita ko na naman ang pandesal niya. Tanghaling-tanghali bakit pandesal ang nakahain?
Kita ko rin ang paglalakbay ng mata ni Markeus sa'kin mula ulo hanggang paa.
Nag-igting ang panga niya at nag-iwas ng tingin.
"Tingnan mo 'yang Markeus na 'yan. Tinitigasan na ata sa'yo!" bulong sa akin ni Max. Siniko ko siya at pinatahimik.
"Babalik lang akong room," paalam ko sa kanila pero hinatak naman ako ng hayop na Max na 'to!
"Kakain pa tayong lunch diba? Diba guys?" tumango silang lahat kaya wala na akong nagawa pa at umupo na lamang sa kawayang upuan ng kubo.
"Nilalamig ka ba, Fionna?" liningon ko si James ng tanungin niya ako. Buti may nakapansin sa'kin! Kanina pa ako nilalamig dahil ang lakas ng hangin dito!
"H-Huh? Hindi-"
"Here, take this," inabot sa'kin ni Markeus na nasa harapan ko ang tuwalyang nasa leeg niya kanina.
"Hindi na baka lamigin ka rin."
"I said take this," seryosong niyang sabi habang titig na titig sa'kin. Wala na akong nagawa at tinanggap na lang iyon at nilagay sa akin sa katawan ko. Medyo nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Kita ko ang pagsama lalo ng tingin sa akin ni Rebecca.
"Babe! Nilalamig rin ako!" Rebecca ranted. Tiningnan lang siya ni Markeus.
"Shut up. Go and get yourself a towel."