Chereads / Together with Him / Chapter 41 - TWH: Chap 39

Chapter 41 - TWH: Chap 39

Isang pasukan

"Oh! Lutuin mo na Fionna 'yung barbecue dali!" Max shouted. I put on my shades and started to carry the large plates with the barbecues in it.

"Ay iba. Nag New York lang, naka-shades na habang nag-iihaw! Iba talaga ang fashion designer natin!" napangiwi ako sa sinabi ni Max. Tumawa ang mga lalaki. I smiled when Markeus snaked his arms around my waist again.

I tsked. "Nagiging hobby mo na 'yan ah?" pang-aasar ko sa kanya. He leaned and sniffed my hair.

"Bawal ba 'yon?" he replied. I just laughed a bit then shook my head as I put some of the barbecues on the griller.

"Move away, Keoz. Nag-i-ihaw ako oh," saba tulak sa kanya palayo pero ayaw niya. I scoffed.

"I'll do the grilling, just sit there. Ayokong mapapagod ka," ngumiwi ako.

"Ang cheesy mo naman, hotdog ka ba?" sabay tawa ko.

He grinned. "Hindi ako hotdog pero meron ako no'n," hinampas ko siya ng kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang tumawa siya.

"Hoy mga lovey dovey! Itigil niyo 'yang harutan niyo baka wala tayong makain niyan!" sigaw ni Lucas. I just rolled my eyes on him and continue what I am doing.

"Hayaan mo na 'yan pre, matagal ng sabik 'yang master natin baka magkasakit na 'yan. Tagal nang hindi nakakatikim eh," tumawa ako sa sinabi ni Jason, binato siya ni Keoz ng tsinelas niya pero naka-ilag naman ang mga loko. Mga ewan talaga 'tong sila! I let out a teasingly look at Markeus.

"Ikaw ah? Seryoso, never ka ulit nakapag-ano?" he pouted.

"Never. It's been a damn years since my last," he gave me a peck on my lips.

"Aww.. kawawa. Baka lumiit na 'yang alaga mo," I giggled and pinched his cheeks.

"Hay! Tabi na nga diyan Fionna, Markeus! Ako na mag-iihaw, sige na at mag-harutan na lang kayo diyan sa may nipa! Ang lalandi eh!" inis na sabi ni Max at siya na ang tumayo sa harap ng barbeque griller. Tiningnan ko si Geo na nakangiti lang habang tumutulong na rin kay Max.

"Geo, landiin mo nga. Baka kaya iritable 'yan sa'min kasi hindi mo man lang pinapasaya.. sa bed," humalakhak ako sabay takbo na sa nipa.

"Your words are unbelievable, baby. Ang bold mo pa rin mag-salita," at niyakap niya ako pagkatapos ay hinalikan ang leeg ko. Napabuga ako ng hangin at tumingin na lang sa langit.

Kung nandito kaya si mama matutuwa siya dahil may Keoz na ako ngayon? Or hindi niya tanggap ang kung anong mayro'n sa'min ngayon?

Teka.. ano nga ba ang mayro'n kami ni Keoz?

Baka naman.. bigay ka na ng label, Markeus.

'Di 'yung harutan lang ang habol at hindi totoong relasiyon.

"Markeus?" tawag pansin ko sa kanya.

"Hmm?" nakasandal lang ang mukha niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kamay namin ng dahan-dahan niya iyong pinagsalikop. Pansin ko ang paghaplos niya sa ring finger ko. Bigla akong kinabahan pero isinantabi ko na lang muna iyon.

"Kung magkaka-status tayo ngayon? Anong ibibigay mo para sa'tin?" I bit my lip after that. Natigil ang paghaplos niya sa kamay ko kaya nanumbalik ang pagiging kabado ko.

Hanggang harutan na lang ba kami?

Harot lang ba ang habol niya sa'kin?

Hindi niya ba ako kayang seryosohin?

My breathing hitched because of his unexpected answer.

"Married."

I blinked twice, shocked. "Huh?"

"I'll give us a married status, baby. I'll marry you," he sat up straight and looked directly in my eyes. He caressed the other side of my face. His lips parted.

"Kung inaakala mong pagiging laruan lang ang silbi mo sa akin, then you're wrong. You will be the woman of mine until the rest of my life. You will be the mother of our children. You are the one who I cherish every second, every minute, every hours, every day. Ikaw ang babaeng mamahalin ko hanggang sa kamatayan ko. Ikaw ang papakasalan ko, Fionna. Ikaw lang," tumulo ang luha ko nang halikan niya ang noo ko ng malumanay. He cupped my face.

"I'm happy that I found the right woman for me. You have imperfections with yourself but I can't see them all. For me, you're the perfect girl in my whole damn world. Fuck.. I love you baby," and he hugged me tightly and kissed my head. Humikbi ako pero ngayon.. hindi na sakit ang dahilan kundi dahil masaya na ako ngayon.

"Hindi rin ako nagsisisi na nakilala kita. I know that was the best day in my life, ang nakilala ko ang isang Alcazar ng buhay ko. I love you again, Ashanti."

"Lola!" tumakbo ako papunta kay Lola at yinakap siya nang mahigpit. Ang laki ng pinagbago ni Lola. Mas lalo na siyang namayat kaysa sa huling dalaw ko sa kanya.

"Apo.. nakabalik ka na pala! Sana'y tinawagan mo ako para nasundo ka namin ng tita mo!" tumawa ako at umiling.

"Hindi naman po kailangan, 'La. Mapapagod lang po kayo," dumako ang tingin ni Lola sa likod ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh! Nandito ka pala, Markeus apo!" lumapit si Keoz papalapit kay Lola at yinakap siya.

"Close na pala kayo, 'La?" taka kong tanong. Tumawa siya at tinapik-tapik ang balikat ni Markeus.

"Alam mo ba apo na palagi akong dinadalawa nitong asawa mo noong umalis ka na papuntang ibang bansa?" both of my eyebrows raised as I looked at Markeus. I can see him blusing right now.

"Wow, ang aga mo naman atang mamanhikan, Markeus," he just smiled.

"Bali ang iyak niyan sa'kin no'n-"

"Lola.." nahihiyang pagpuputol ni Markeus kay Lola. Tumawa ako.

"Sige na, 'La. Mamaya na natin iyan pag-usapan. Nasaan si Tita? Nagta-trabaho ba?" tumango si Lola at pinapasok na kami sa bahay.

Pinatira ko na kasi si Lola sa bahay namin nina mama noong umalis ako dati. Humingi ako ng tulong kay Max na dalhin sina Lola at Tita, at patirahin na lamang dito.

"Lola oh, chocolates tapos may mga pagkain diyan, spam," tinanggap niya iyon at nagpasalamat sa akin.

"Kamusta na kayo dito ni Tita? Hindi ba kayo nababagot dito?" umiling si Lola at ngumisi.

"Hindi ako mabuburyo rito dahil kasama ko naman ang Tita mo at palagian pa akong dinadalaw nitong asawa mo.." kumunot ang noo ko.

"'La, hindi ko nga siya asawa," pagtatanggi ko.

"Sabi niya soon," I playfully rolled my eyes.

"Lola, ba't niyo 'yun sinabi? Nakakahiya," anang Markeus.

"Kailan ka pa nahiya?" sabat ko. He glared at me.

"Oh siya. Matanda na ako kailan ba kayo magkaka-apo? Ha?" napaubo-ubo kami ni Markeus dahil sa sinabi ni Lola.

"Lola! Anong apo? Bata pa kami!"

"Anong bata? 29 na kayong dalawa! Kailangan ko na ng apo!" angal niya.

I pouted. "Okay. The pressure is on us now," I whispered.

"Hindi pwedeng wala pa akong apo bago kayo magtrenta'y uno."

"Lola!"

"Aba'y totoo naman! Kailangan mo gustong mag-buntis kapag ako'y patay na? Aba'y siya papakamatay na pala ako ngayon," pagkatapos ay nameywang siya.

"Lola 'wag ka namang ganyan. Sige na, sige na bahala na," I replied. A grinned slowly crept on her lips. She poked Markeus shoulder kaya napatingin kaagad ito sa kanya.

"Dapat isang pasukan, triplets kaagad ha?" then she giggled.

"Lola!" they both laughed.

"Yes, master," sagot ni Markeus kay Lola. Jusko! Isang suutan tatlo agad? Ano 'yan professional shooter?! Gosshh!

Ipinatong ko ang bungkos ng bulaklak sa gilid ng puntod ni mama. Umupo ako sa damuhan tapat nito. Si Markeus naman ay lumuhod, inilagag din ang bulaklak na sa kanya at nagsindi ng kandila.

Huminga ako ng malalim bago kausapin si mama.

"Ma.. nakahanap na ako ng lalaking hindi katulad ni papa.." I bit my lip. Hindi pa rin talaga nagbabago na napakaiyakin ko pagdating sa mga ganito.

Nakatingin lang si Markeus sa puntod ni mama at inalis ang mga dahon na nakaharang doon.

"Ipinangako ko po sa inyo 'yon diba? Hindi na ako magpapaloko sa mga lalaki. At hindi na ako masasaktan sa mga katulad ni papa na hindi na kukuntento sa iba," tears started to pool in my eyes.

"Sa una hindi pa ako naniniwala sa mga pinaparamdam sa akin ni Markeus pero.. hindi ko alam kung bakit ako nahulog sa kanya.. kung bakit hindi ko nakikita sa kanya ang mga ginawa sa'tin ni papa. Alam kong dapat hindi ako magtanim nang sama ng loob kay papa pero masakit pa rin ma eh.." my voice broke. Hinagod ni Markeus ang likod ko ng tuloy-tuloy ng bumagsak ang mga luha sa mata ko. Pinunasan niya iyon.

"Shh.. don't cry," he whispered to me. I nodded.

"Kung.. Kung hindi niya lang tayo iniwan noon.. at pinagpalit sa ibang babae ay sana buhay ka pa rin ngayon at kasama ko hanggang sa kung anong narating ko na ngayon," I swallowed hard and try not to sobbed.

"Masaya sana tayo ngayon at makikilala mo pa si Markeus.." I now break down.

"Shh.. tahan na."

"Pero alam kong masaya ka na ngayon diyan kasama Siya at ang makitang nasa tamang lalaki na ako, 'yung hindi ako sasaktan at hindi ipagpapalit sa kahit sino man. Mahal ko siya ma. Sana siya na talaga.." pagkatapos noon ay nanahimik na ako. Pinakatitigan ko ang  puntod niya at hinaplos iyon.

"Tita.. salamat po dahil nakilala ko ang anak niyong si Fionna.." natigilan ako ng magsalita na rin si Markeus.

"Hindi ko po alam ang magiging buhay ko ngayon kung hindi ko siya nakilala. Baka siguro nasa bar pa rin ako hanggang ngayon. Umiinom at nambababae ng marami. 'Di ko alam kung anong meron kay Fionna kung bakit ang bilis niya lang akong napatino pero siguro dahil lang mamahalin ko na pala siya simula ng mga araw na iyon. Hindi ako mabilis mahulog sa ibang babae pero tita.. iba eh.. iba 'yung napaparamdam sa akin ng anak niyo.. lalaki ako pero kinikilig ako sa mga banat niya minsan," natawa kami doon. Ang seryoso na namin eh.

"Hindi ko alam kung bakit mabilis niya lang akong mapasaya at mapangiti kahit wala naman kaming masiyadong ginagawa sa condo ko rati. Pero ewan ko po ba, nalaman ko na lang na masaya talaga ako kapag kasama si Fionna. Salamat po dahil binigyang buhay niyo po sa mundong ito ang isang katulad niya. Pangakong mamahalin ko siya habang buhay at hanggang kamatayan," I shut my eyes when he hugged me tightly.

"I love you, Fionna Ashanti Alcazar," napangiti ako.

"I love you too, Markeus Shawn Cuervo."