Hello guys! So thank you for being with me until the last chapter of my story! Susunod na ang epilogue so stay tune for my next update which is the epi! Thank you guys! Alabyu :)
_____
It's a no
"You may now kiss the bride," anang pari. Nagpalakpakan kaming lahat habang naluluha naman ako rito sa kinatatayuan ko.
I'm so happy for my friend, Max. Sa wakas ay ikinasal na rin siya ngayon. She was dashing with her beautiful gown made specially by the beautiful fashion designer Fionna Ashanti Alcazar haha! Pero sarili ko talaga 'yang gawa, siyempre di ako papayag ng walang bayad, ano siya chix?
Naghiyawan kaming lahat ng maghalikan na silang lahat.
"Bro! 'Wag ka sipsip! May honeymoon pa!" sigaw ng bahagya ni Jason. Natawa ang mga tao rito at binatukan siya ni James. Nako ha, baka sila ang magkatuluyan ah?
Sumulyap ako sa nasa kabilang side na si Markeus na nakatingin na rin pala sa'kin. I raised my brow at him and flip my hair. He chuckled and shook his head before he mouthed something. At naintindihan ko iyon.
Susunod na tayo sa kanila.
I stifle a smile and rolled my eyes on him. 'Wag siyang magbiro ng ganyan baka sapakin ko. Kinikilig kaya ako rito.
Napalingon ako sa kanya ng halikan niya 'ko sa pisngi. He smiled at umupo sa tabi ko. Nasa reception area na kami dahil tapos na ang wedding ceremony.
"Are you tired?" he asked me. He rested his other arm on the backrest of my chaur then caressed my shoulder.
All of the girls we're wearing a nude off-shoulder dress and our hair is tide in a crown braid. It looks nice though.
"No," maiksi kong tanong at sumandal sa balikat niya.
Ang bagong kasal ay nakikipag-usap pa sa kabilang table. Kasama namin ngayon ang mga barkada ni Markeus.
"Ang sweet naman. Buti ka pa Fionna may jewang sweet ako dessert lang," angal ni Jason. Natawa kami.
"Ayan oh, si James. Jowain mo," napangiwi ng sobra si James at umalis sa table namin kaya sinundan siya ni Jason. Ang natira naman ay si Lucas at Prince.
Umuwi muna ng pansamantala si Prince galing US dahil nag-migrate na siya roon. Buti nga at umuwi pa siya rito dahil kasal nina Geo at Max. Nakapag-sorry na rin siya sa akin dahil sa nangyari dati.
Inutusan lang pala siya ni Rebecca na kumain kami sa labas noon. Hindi naman iyon big deal sa'kin kaya hindi naman ako nagalit sa dahilan niya kung bakit nagawa ni Prince iyon. Di ba dapat pinakiusapan na lang ako ni Rebecca na umalis muna sa unit para ma-solo niya si Markeus? Dinawit niya pa talaga si Prince.
"Pre, c.r lang," paalam ni Prince sabay alis.
"Oh, Lucas. Baka pwedeng umalis ka na rin?" napatigil si Lucas sa tangkang pagsubo ng cake. Sumimangot siya.
Pinalo ko si Markeus. "Ang sama mo naman, baby. Umayos ka ha," saway ko sa kanya. Nginitian ko si Lucas.
"It's okay. Diyan ka na lang. Enjoy mo cake mo," he smiled at kumain na ulit. Ang saya-saya kumain ng tao eh.. iistorbohin lang ni Markeus. Tsk.
"Oh Fionna. Ayos ba gown ko sa'kin?" napaangat ang tingin ko sa maangas na si Max. Nasa tabi niya lang si Geo at nakikipagusap kay Markeus.
"Hindi. Ampangit sa'yo. Bagay ata 'yan sa'kin," pang-aasar ko. Siyempre hindi totoo 'yung sinabi ko 'no! Super ganda kaya ng kaibigan ko ngayon!
Ngayon lang ha? Ngayon lang.
"Anak ng.. gusto mo walang kasal na mangyari sa inyo ng baby mo?" inis niyang banta. Natawa ako at umayos ng upo.
"'Wag naman. Baka sakalin kita," tumawa kaming pareho. Hinawakan niya ang gown niya.
"Ang ganda talaga ng gawa mo. Pwede pang hulugan na lang 'to?" pagbibiro niya.
"Anong hulugan? Dapat bulto! Walang kaibi-kaibigan pagdating sa bayaran!" angal ko kunwari. Sumimangot siya.
"Joke lang. Siyempre libre na sa'yo. Kaibigan eh," nanumbalik ang ngiti ng gaga sabay yakap sa'kin. Hinalikan niya ako sa pisngi at napangiwi ako.
"Ano?! Nato-tomboy ka kaagad?" binatukan niya ako. Napahimas ako roon. Sakit ah?
"Loko ka! Pero super thank you talaga rito, Fionna! Ang ganda!" sabay tili niya ng mahina.
"Welcome. And it suits well to you," puri ko. Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"And congrats! Mayaman ka ng hayop ka!" she clunged her husband's arm kaya napatingin si Geo sa kanya at hinalikan ang gilid ng ulo niya.
Napairap ako ng dumila sa akin si Max. Hindi ako naiinggit 'no!
Slight lang.
"It's okay. Susunod tayo sa kanila," bulong sa akin ni Markeus. Humalukipkip ako.
"You're not even proposing to me," ramdam ko ang pagtahimik niya. Napabuga ako ng hangin.
"Soon."
"Oh! You're now here!" ngumiti ako at nakipag-beso kay Tita Rissa. She scanned me from head to toe.
"You have changed a lot, hija! Mas lalo kang gumanda!" puri niya. I blushed.
"Uhm, thanks po tita," napatingin ako kay Tito Romuel na nakatingin lang sa amin sa gilid. He looks serious.
"So tinotoo mo nga ang sinabi mo, Markeus?" he asked. Kumunot ang noo ko at nilingon si Markeus. Pero ngumiti lang siya. Lumapit sa kanya ang tatay niya at akala ko kung anong gagawin, 'yun pala ay yinakap lang ito at tinapik-tapik ang likod.
"You have changed a lot too, anak," his dad told him.
"Yeah, thanks to my girl," then he eyed me. Humiwalay sa yakap ang tatay niya at liningon naman ako.
Nagulat ako ng yakapin niya rin ako.
"Salamat sa'yo hija. Kung hindi dahil sa'yo, 'di talaga magtitino at magseseryoso sa babae ang anak ko. Tinamaan ng sobra," bulong niya at natawa ako.
"Dad! I heard it! And stop hugging her!" at hinila ako ni Markeus palayo sa daddy niya.
"I didn't know you're the jealous type son," ani Tita Rissa.
"Mom. You're embarassing me," hinang sabi ng katabi ko.
"Oh sige na. Go to the dining room. I'll just talk to your girl," Tita Rissa said. Tiningnan muna ako saglit ni Markeus bago tumango at umalis na.
"Thank you po talaga, tita. Kung hindi po talaga dahil sa inyo ni Tito Romuel, hindi po talaga ako magiging ako sa ngayon. Salamat po talaga sa lahat, tita."
We are now on their mansion's garden. Nakaupo lang kami sa isa sa mga bench dito. Bakit hindi na lang dito tumira si Markeus kaysa sa condo na mag-isa lang siya?
"You're welcome, Fionna. I know that our help is worth it when it comes to you. You're a great fashion designer since back then up to now, actually. Kaya kami dapat ang magpasalamat dahil mayroon kaming katulad mo," bigla akong naluha.
"Here, let me hug you," sabay yakap niya sa akin. Ayaw kong humikbi sa harap ni tita. Nakakahiya.
"And if we didn't have you, maybe our son is still as naughty like before. At laging laman ng mga bar places," humiwalay siya sa akin at sinapo ang mukha ko. She smiled.
"Thank you, Fionna."
"So how's your work, hijo? Matatapos na ba?" tanong ni Tita Rissa kay Markeus. Kumakain na kami ngayon sa dining room nila. Malaki ang lamesa nila. Pang-twelve seater ata ito pero apat lang kami ngayon.
"It's fine, mom. Final touches na lang and painting the whole mansion," napa-O ang bibig ko ng marinig iyon habang naghihiwa ng karne. So he's building a mansion now? Ang galing naman ng engineer ko. Sanaol.
"I think by the end of the month, it's already done," dagdag ni Markeus. Tumango ang mag-asawa.
Maya-maya lang ay si tito naman ay ipinatong ang mga siko sa lamesa at pinagsalikop ang mga kamay niya.
"Fionna, choose among the colors. White, brown, beige?" napaangat ang noo ko kay tito. Napaisip naman ako.
"Uh.. beige po," medyo favorite ko 'yon. Ayoko ng plain white gusto ko may halong black eh.
Tumango lang siya pagkatapos noon and mimic what I asnwered.
"Beige color."
Kaka-park ko lang dito sa harap ng bar. Gabi na pero sarado pa rin ito. Ginu-good time ba ako ni Max? Loko 'yon ah.
I took out my phone from my clutch and called Max.
"Hello? Where are you na?" I asked her.
"I'm inside the bar babae. 'Di na kita susunduin. Ano ka special?" napairap ako.
Kakatapos lang ng honeymoon nila pero gano'n pa rin ang bibig niya. Masiyadong matabil.
"It's close, duh!" I said. She scoffed.
"Bukas 'yan gaga! Itulak mo lang. Wala pa naman kasi gaanong nagpa-party!" kumunot ang noo ko pero um-okay na lang sa kanya at binabaan na siya ng tawag. Isinara ko ang kotse ko at tinawagan naman si Markeus.
"Yes baby?" tanong niya.
"Where are you now? I'm here na," I replied. Nasa site pa kasi siya kanina kaya nauna na ako at susunod na lang daw siya rito pagkatapos.
"I'm on my way na, baby. Wait. It's on a go signal already. I'll hung up na, okay? Bye, love you," napangiti ako.
"Love you too," and I ended the call. I let out a sigh before walking towards the bar's door now.
Sound proof ba 'to? Ba't walang maingay?
I slowly opened the double doors and I was taken aback when a confetti bomb hit my face!
"HAPPY BIRTHDAY!!" my jaw dropped when I saw them all inside. There are Markeus friends, Max, Lola, Tita Rissa and Tito Romuel. Napaiyak kaagad ako doon lalo na ng lumalapit sa akin si Markeus habang kumakanta ng Happy Birthday.
"Ano ba 'yan. I thought you were only on the way here? You liar," at humikbi na ako. He placed the cake in front of me. The candles were all lit up.
"Blow the candles, baby and make a wish," I chuckled but still nodded and close my eyes to make a wish.
I wish.. we all can stay happy like this forever. No more heart breaks. No more regrets. And I wish.. this man in front of me can love me and cherish me until the end.
Pagkatapos noon ay hinipan ko na ang kandila. I smiled.
"Happy Birthday, baby."
And he kissed me on my forehead.
"'Yun oh! Honeymoon agad!" nagtawanan kaming lahat. He wiped my tears and snaked his arm around my waist.
"Thank you guys. Hindi ko na talaga matatandaan na birthday ko ngayon pero dahil sa inyo.. napasaya niyo ako ngayon sa birthday ko," gumaralgal ang boses ko. Lumapit sa'kin si Lola at yinakap ako.
"Maligayang kaarawan apo!" bati niya sa akin.
"Thank you, 'La. I love you po."
Sunod naman na bumati sa akin ay ang parents ni Markeus yinakap ako ni tita at nagbeso lang ako kay tito.
"Happy Birthday, hija," bati nila. Nag-thank you ako sa kanila.
"You looked stunning tonight," I blushed dahil sa puri sa akin ni tita.
"Thank you po," ngumiti lang sila at gumilid na.
Inalis na ni Markeus ang braso niya sa bewang ko at ipinatong ang cake sa lamesa na nasa tabi.
So they rented this bar para sa birthday ko? Dapat sa bahay na lang but.. I appreciate this a lot.. super.
Pinalibutan ako ni Max at nina Geo.
"Happy Birthday, ganda," bati sa'kin ni Jason. Tumawa ako habang napupunas ulit ng luha. "Ando'n na gift ko ah? Baka sabihin mo makikikain lang ako rito," mas lalo akong natawa maging ang mga kabigan niya na sina James.
"Happy Birthday din, Fionna. My gift was over there. I will not eat tonight. I'm on a diet," anang naman Lucas. Napailing ako. Magda-diet pa siya eh ang payat niya na nga!
"Happy Birthday, Fionna. Wala akong regalo, puso ko na lang," pagbibiro ni James. Binatukan siya ni Jason at hinila palayo. Sunod na si Prince. Tumingin ako sa kanya.
"Uh.. Happiest Birthday, Fionna. I don't have a gift so.. just appreciate my presence here," then he scratched the back of his neck. After that, he already walked towards where his friends are.
"Fionna! Birthday mo na! Painom ka ha! Happy Birthday, sa'yo ang pulutan," tumawa ako at nailing na lamang sa sinabi ni Geo.
Pagkatapos noon ay biglang namatay ang ilaw.
"Hala, brownout?" I said as I pouted.
"Markeus.. walang ilaw," I said pero wala siya.
"Huy.. imik naman kayo," I tried to search for them pero wala talaga.
"Hoy ha, 'di magandang biro 'to. Lola!!" I yelled nang biglang bumukas ang ilaw at napasapo ako ng bibig ng makita ko siyang nakaluhod sa harap ko. Tears suddenly flow up in my eyes and rushed down to my cheeks. Everyone was holding a red balloon.
I saw his smile as he was looking intently at me.
"Markeus? What is this?" tanong ko.
He opened the red small box and a diamond ring showed up. Mas lalo akong naluha.
"Fionna Ashanti Alcazar, would you spend the rest of your life with me?" I looked at people around us. Their eyes screams excitement with my answer.
I don't want to disappoint them but..
"I'm.. I'm sorry, Markeus," they all went confused. I saw how his reaction have changed so fast.
Umiyak lalo ako. "Sorry.. but.. it's a no."