Chereads / Together with Him / Chapter 38 - TWH: Chap 36

Chapter 38 - TWH: Chap 36

Outside his room

"Why do the both of you looked shock?" he laughed. "I was about to knock on your room. It's already breakfast. Kayo na lang ang hindi lumalabas," parehas kaming nakahinga ng maluwag ni Max.

"Gano'n ba? Akala ko naman. Tara na!" hinila na ako ni Max papunta sa kubo. Favorite place namin doon eh, bakit ba?

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan na ako ngayong papalubog na ang araw. Naisipan ni Max na sabihin kay Geo na maglasing kami at sisimulan pagkatapos lumubog ng araw. Para raw makatulog kaagad sila ng maaga at makaalis ako ng hindi nila nalalaman, tulog.

At mukhang in naman silang lahat kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

"Ano ba 'tong si Markeus, mataas ba alcohol tolerance nito?" bulong ni Max. Napabuga ako ng hangin ng mapansing hindi pa nga talaga ata tinatamaan si Markeus. Nakakailang pa ang mga titig niya sa akin. Halos lahat ata ay may tama na maliban na lang sa amin nina Max at Markeus.

Ano bang meron sa kaniya?

"Comfort room lang ako guys," paalam ko sa kanila. Sinundan ako ng titig ni Markeus.

"Samahan na kita, Fionna," umiling ako kay Max.

"Sure ka? Baka may guest diyan na loko-loko," nag-aalala niyang sabi. Tumawa ako at umiling.

"Hindi 'yan. Maloko rin ako, ikakama ko 'yon," she threw a cap of alcohol's wine on me, we laughed.

Hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lang pumunta na sa kwarto namin ni Max at tingnan kung ayos na ba ang maliit kong bag kasama ng maleta na na kay Jerico na.

Nang makapasok ay nilabas ko ang phone ko para sana tawagan si Jerico pero nagitla ako ng may humapit sa bewang ko! Muntikan na tuloy mahulog sa sahig ang hawak ko!

My breathing hitched when I saw his eyes. I can smell liquor mixed with mint in his breathe. My heart was beating faster. Mukhang ngayon lang ata siya tinamaan ng alak. Oh no.

"Markeus.. bumalik ka na do'n. I have to pee," tinulak ko siya pero mas lalo niya pang hinigpitan ang kapit sa bewang ko. Bigla akong natakot sa kanya.

"I.. fucking.. love.. you.. baby," linapit niya ng bahagya ang mukha niya sa akin. My lips parted.

"Alam ko 'yon. Kailangan-"

"Is that enough to make you stay?" sobrang nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tanungin niya iyon. Kumunot ang noo ko at napalunok.

"What do you mean?"

"Is that enough to make you stay?" inulit niya lang ang tanong niya.

"Ano bang sinasabi mo?" naiinis ko ng tanong. His eyes darted on my lips at kita ko ang pag-pungay ng kanyang mga mata.

"Tell me, you'll stay," napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ko naiintindihan kung bakit mo sinasabi 'to sa'kin-"

"Just fucking tell me that you'll stay!" napaatras ako sa biglaan niyang pag-sigaw. Namula ang mukha at leeg niya. Maging ang panga niya'y nag-igting din. Nadedepina ang ugat na nasa braso niya.

"Markeus-"

"Baby please.. stay," nagulat ako ng marinig ang mga hikbi niya. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinalikan niya iyon. Nanlalambot ang tuhod ko ngayon. Kung hindi nakapulupot ang braso niya sa bewang ko ngayon ay paniguradong babagsak na ako rito.

"Bakit ka umiiyak? Tahan na," I caressed his back. Inaalo ko siya. Yinakap niya na ako ng tuluyan.

"Markeus, you're drunk. Ihahatid na kita sa kwarto mo," humigpit ang yakap niya sa'kin.

"No.. No.. stay with me. Sleep with me. I don't want to loose you, baby. Please.." napapikit ako sa sinabi niya.

Kailangan kong maging matatag. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.

"Let's go to your room. Matutulog ako kasama ka, di.. di kita iiwan," i'm sorry. Hindi ko maiipa-pangako ang huli kong sinabi. I'm sorry.

I just texted Max na sa ibang room na lang matulog ang ka-share ni Markeus sa kwarto. I know she's sober.

I'm caressing his hair to make him fall asleep. I check the time on the clock on the side table. It's now nine o' clock. Ilang oras na lang dadating na dito si Jerico. Yes, he's picking me up from the outside of the resort. Magche-check out na rin ako.

"Are you asleep?" tanong ko. Walang sumagot. Pinakatitigan ko ang maamo niyang mukha. I kissed his forehead.

I will miss this man. I will miss his face, his kisses, his hugs. I know no other man can surpassed how much I love him as I do. I love him no matter what happened.

Ang makita siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko ay nakakapanghina sa akin. Lalo na't mamaya na ang flight ko paalis ng bansa. Pinigilan kong maiyak at mahikbi sa tabi ni Keoz.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko na parang gripong walang tigil sa pagbuhos ng tubig. Nilapag ko ang letter ko sa side table ng kama kalapit ng alarm clock. Napapikit ako ng bumuhos sa akin ang ala-ala ng alarm clock na iyon, nasa phone ko pa rin ang videos at pictures niya at hindiing-hindi ko buburahin 'yon.

Tahimik akong umalis sa kama. Siguradong naghihintay na sa akin si Jerico sa labas. Lumapit ako kay Keoz na walang kamalay-malay sa pag-alis ko. I tried not to sobbed, I covered my mouth to make no sounds around him, I might wake him up and I don't want that. I stare at his peaceful face for the last time and memorize every sides of his face. I will never forget this man in front of me. His eyes, his thick brows, pointed nose, red thin lips and his defined jaw which makes his physical appearance more attractive. He's so worth to be stared.

But I can't do it anymore.. I'm now pursuing my dreams..

At hindi siya kasali do'n.

"Fionna.." yinakap ako ni Max na umiiyak na naman. Tulog na ang lahat ng kasama namin, sinigurado ni Max na siya na lang ang matitirang hindi lasing.

"Be a good girl ha? Babalik pa ako. Sige na baka mahuli pa ako sa flight ko. Kanina niya pa ako pinipigilang umalis. Tinatawanan ko na lamang siya para hindi ako maiyak kagaya niya.

Kumaway ako sa kanya. Nakatayo lang si Jerico sa labas ng driver's seat, pinapanood kami. Hindi ko aakalain na ex ko pa maghahatid sa'kin sa airport.

Pumasok na ako sa shotgun seat tsaka binuksan ang bintana. Ang malamig na hangin rito sa Batangas ay lumalapat sa balat namin at hinihipan maging ang mga buhok namin.

"Bye, Max!" nakangiti kong paalam sa kaibigan kong ngayon ay iiwan ko na. Pinunasan niya ang luha niya at yumakap na naman sa akin sa loob ng kotse. Pumasok na si Jerico sa loob at sinaksak ang susi sa ignition.

"Mag-iingat ka ha? Hoy, Jerico. Ingatan mo 'tong kaibigan ko. Papatayin talaga kita kapag kinidnap mo 'yan!" pinalo ko ng bahagya si Max. Tumawa lang si Jerico at tumango.

"Ite-text na lang kita sa mga updates dito ha? Bye beshie!" tumango ako.

"Byee!" at unti-unti ko ng itinaas ang bintana habang papalayo na ang sasakyan namin sa resort. Doon na ako umiyak ng sobra. Jerico glanced at me and handed me a hanky. Tinanggap ko iyon.

Hindi ko aakalin na mangyayari 'to sa buhay ko. Ang iwanan ang mga mahal ko sa buhay.

Tiningnan ko ang lahat ng kailangan ko pagdating namin sa airport na ibinigay sa akin ng assistant nina Mam Rissa. Aalis na talaga ako. Iiwan ko na silang lahat. Tutupadin ko ang pangarap ko ng wala sila. Ako lang ang mag-isa.

"You okay?" tanong niya sa'kin.

Tumango ako.

Nag-beep ang phone ko kaya tiningnan ko iyon. It's probably Max. Nami-miss niya kaagad ako? Grabe naman.

Pero natigilan ako sa hindi ko inaasahang laman ng mensahe niya.

From: Max

Girl... I think... I saw Markeus outside his room. I think I saw him!