Small red rectangle box
Gabi na ngayon, nasa malapit kami sa dagat. Nakapalibot kami sa bonfire na ginawa ng mga lalaki kanina. May hotdogs, marshmallows, alak at juice ang nandito. Kalapit ko si Max sa kanan at si Jason naman sa kaliwa.
Hindi nakasama ngayon si Prince dahil busy daw siya. Hindi ko alam kung 'yun talaga ang dahilan or dahil lang kay Markeus kaya hindi siya sumama.
Sina Jason, James, Lucas at Geoffrey ang mga kaibigan ni Markeus na sumama sa outing. Tapos kami nina Max at Rebecca ang nanditong mga babae. Bali walo kaming lahat dito.
"Ang sarap!" anang Max habang kumakain ng marshmallow na inihaw sa bonfire. Ako naman ay hotdog lang. Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nina Markeus na nasa harapan ko ulit. Bakit ba lagi silang nasa unahan ko palagi? Nakakairita silang tingnan!
Sinusubuan pa ni Rebecca si Markeus ng hotdog. Muntikan na akong matawa ng hawiin iyon ni Markeus at kumuha ng sa kanya. Kitang-kita ang pag-simangot ni Rebecca at siya na lang ang kumain ng hotdog.
"Guys! Laro tayo dali!" napatingin kaming lahat kay Jason. 'Yan na naman, gumagawa na naman siya ng laro.
"What game?" tanong ni Lucas.
"Kainan ng hotdog! Partner-partner! Kami na lang ni James!" napangiwi si James at binatukan si Jason.
"Fuck you bro! Ba't ako?"
"Alangan namang partner ko si Fionna o kaya si Max?! Edi patay na ako no'n!" kumunot ang noo ko at rinig ko naman ang tawa ni Max sa tabi ko. Sinulyapan ko si Markeus na nakatitig lang sa akin, nag-iwas ako ng tingin at bahagyang nakaramdam ng hindi pagiging komportable. Bakit siya nakatitig sa akin? Nakakailang kaya.
"Inaantok na ako guys," pagpapalusot ko. Kasi naman bakit kami magka-pareha ni Markeus?! Bangag ba sila?! Para na tuloy demonyo si Rebecca sa gilid, ang sama-sama ng tingin sa'kin! Parang isang kalabit ko na lang magkaka-sungay na siya!
"Anong inaantok?! Nag-kape ka remember?" napaubo ako sa lintik na si Max na 'to. Bakit ba ako nag-kape kanina?! Sinamaan ko siya ng tingin at siya nama'y umirap lang sa akin at kilig na hinarap si Geoffrey.
Ang game kasi ay pauntian ng matitirang hotdog. 'Yung ano.. si Markeus sa kabilang side ng hotdog kakagat at ako naman sa kabila. Kinakabahan ako kase baka mamaya mag-dampi 'yung labi naman pag sobrang ikli na ng hotdog! Pag-juts na! Huhu!
"Hindi ko nga alam eh, inaantok na talaga ako," tatalikod na sana ako pero hinila ako ni Markeus paharap ulit sa kanya. Ang ikaw na nanggagaling sa apoy ng bonfire ay mas lalong nagpalitaw ng kagwapuhan niya. Ang mata niya'y parang nangangamusta at lutang na lutang ang pagkapula ng mga labi niya. Maging ang magandang pagkaka-depina ng panga niya ay kitang-kita dahil sa ilaw ng apoy.
His lips parted. "Gano'n mo na ba ako kaayaw makasama?" ang baritono niyang boses ay nagbigay ng kilabot sa buong sistema ko.
Hindi ko siya sinagot at umiwas na lamang sa madilim niyang titig sa akin.
"Oh! Hopia, mani, hakdog para sa inyo!" Inabot sa amin ni Jason at hotdog na may nakatusok sa gitnang bahagi nito para doon namin hahawakan at hindi mahulog.
Binigyan lahat ng partners.
Ako-Markeus
Max-Geoffrey
Jason-James
Rebecca-Lucas
"1, 2, 3, start!"
Nagulat ako ng hapitin ni Markeus ang bewang ko papalapit at sinimulan ng kainin sa side niya ang hotdog.
"Eat," he said kaya taranta kong kinagatan ang hotdog. Napatikom ako ng bibig ng sobrang lapit na ng mga labi namin! Rinig ko na rin ang tili ni Max sa gilid. Napakabilis ng tibok ng puso ko ngayon na parang may marathon na nangyayari! Lalo na ng magtagpo na naman ang mga mata namin at kitang-kita ko ang pagpungay ng mga mata niya. Natulala ako. Naka-tilt na rin ang ulo niya.
Ramdam ko ang pagkagulat ko ng maramdaman ang kagat niya sa pang-ibabang labi ko! Agad akong napaatras at nakitang wala ng hotdog ang natira at stick na lamang ang hawak niya.
Ngumisi siya. "I thought it was a hotdog," sabi niya sabay kibit-balikat at humarap na lamang sa mga ibang mga magkaka-partners na naiilang na rin lalo na ang mga babae dahil sobrang lapit na ng mga labi nila! Gusto kong matawa kayna Jason at James pero hindi ko magawa.
Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Markeus at ang mga titig niya sa'kin kanina. Ni hindi ko napansin na mauubos na pala ang hotdog dahil natulala ako sa kanya!
"Ugh! I gave up!" Rebecca yelled and faced us.
"Nakakainis ka talagang malandi ka!" sigaw niya sa akin kaya napatigil silang lahat sa ginagawa. Agad lumapit sa akin si Max. Pero nadako ang tingin ko kay Markeus na siya ang nilapitan kaysa sa akin.
Kita ang pamamasa ng mata niya. Naiiyak siya.
"Do you think I didn't saw it?! Ang landi mo nagpapakagat ka pa kay Markeus!" sigaw niya sa akin. Biglang sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya at naluha. Nagpakagat ako? Ni hindi ko nga namalayan na gagawin sa akin iyon ni Markeus!
"Hindi ko naman ginusto 'yon!" I yelled. Hinawakan siya ni Markeus sa magkabilang braso, pinipigilan siya sa pag-sugod sa akin.
Tumulo ang luha sa mga mata niya. "Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo? Sa mga higad?! You bitch!" Sinugod ko at sinampal ng malakas na nagpatahimik at nagpasinghap sa mga tao rito. Bumilis ang paghinga ko. Dinuro ko siya.
"Ayos lang sa akin na lait-laitin mo 'ko pero 'wag 'yung mama ko! Hayop ka!" sinabunutan ko siya at nanlaban naman siya. Inawat kami nina Max at ng mga lalaki.
"Rebecca, stop it!" hinihila na siya ni Markeus pero nakakalapit pa rin siya sa akin.
"You fucking whore! Malandi ka! Umalis ka na rito! Laspag ka na!" sigaw ni Rebecca. Nagulat ako ng malakas na hatakin siya Markeus at hawakan ni Markeus ang leeg ni Rebecca. Ang dilim ng mukha ni Markeus, natigilan kaming lahat.
"Bro.. tama na 'yan! Babae 'yan!" Inawat siya ng mga lalaki at pinakalas kay Rebecca pero masiyadong malakas at galit si Markeus para bitawan iyon.
"Gago ka ba?! Gusto mo pa bang mabuhay?!" malakas na sigaw ni Markeus kay Rebecca. Parang hindi na makahinga si Rebecca kaya nilapitan ko sila at inawat. Kitang-kita ko ang mga ugat sa leeg at braso ni Markeus. Namumula na si Rebecca.
"Oh my god, Markeus is freaking mad! Awatin ni Geo!" sigaw ni Max.
"T-Tama na, M-Markeus-"
"Don't you fucking say even just for a word to Fionna, Rebecca. Baka hindi ka na umabot pauwi sa inyo!" at pinakawalan siya. Sobrang ang ubo ni Rebecca pagkatapos noon. Hinagod ni Lucas ang likod niya at pinainom ng juice dahil wala namang tubig rito.
Taas-baba ang dibdib ni Markeus. Inayos ko ang buhok ko at hinagod naman ang likod niya. Lumapit sa amin si Geo at Max na mukhang nag-aalala.
"Okay ka lang ba, Fionna? Anong masakit sa'yo?" alalang tanong ni Max. Tumango ako at ngumiti.
"I'm fine," at nilingon si Markeus. He's massaging the bridge of his nose and calming himself. Tumingin siya sa akin.
"Are you okay?" tumango ako. Hinagod niya ako mula ulo hanggang paa at nang masigurong okay talaga ako ay niyakap niya ako. I can clearly understand what Max mouthed at me.
Sanaol
"Anong ibibigay mo sa'kin?" tanong ko sa kanya. Kami na lang ang natira rito sa kubo dahil lahat sila nagsi-balikan na sa mga rooms nila.
He took a small red rectangle box on the back pocket of his khaki shorts. Napapikit-pikit ako roon. What's on the box?
Tumingin muna siya sa akin bago binuksan ang maliit na kahon. My lips parted when it's an silver anklet. May mga maliliit na hearts na nakapalibot roon. I noticed that something was carved on each of the hearts. When I saw much clearer, I knew the hearts has a letter of my name.
f i o n n a
"Can I?" his asking if he can put it in my ankle himself. I nodded.
I smiled when he kneeled in front of me and gently put the anklet around of my ankle. He caressed it when it's done and looked up on me. I lifted my feet a bit and stare at the anklet he gave me.
"It's beautiful.." I murmured. He smiled and stood up. He leaned and gave me a kiss on my forehead. Napapikit ako dahil sa halik niyang iyon.
"I love you, Ashanti.."
Today is the 29th day before a new month starts. Pagkagising ko pa lang ay tinititigan na ako ni Max. Umiwas siya ng tingin pero alam kong umiiyak siya. Bumangon ako at pinaharap siya sa akin. Alas siyete pa lang ng umaga.
"Max.. umiiyak ka na naman. Tahan na," yinakap ko siya at hinagod ang likod niya. Himikbi siya lalo. Tumulo ang mga luha niya sa balikat ko. Huminga akong malalim dahil maging ako'y naiiyak na rin naman. Napaka-iyakin ko pa naman.
"Shh.. baka may makarinig sa'yo sabihin pinapaiyak pa kita," pagbibiro ko pero hindi siya natawa. Ngumiti ako at humiwalay sa yakap. Hinawi ko ang mga buhok na humaharang sa mukha niya. Maging ang luha niya'y pinunasan ko na rin. Hindi siya makatingin sa akin.
"Ayan, mas lalo ka tuloy pumapangit!" pang-aasar ko sa kanya. She glared at me.
"Basta babalik ka talaga ha?" para siyang bata kung magtanong! I gave her a reassuring smile and nodded. Niyakap niya akong muli, mahigpit.
"'Sabihin mo sa akin kung may jowa ka na doon ha? Ife-flames ko muna kayo kung magkakatuluyan kayo ako hindi," I playfully hit her back. We laughed.
"Tsaka, kumain ka roon ng masu-sustansiyang pagkain, huwag kang papagutom. Tawagan mo 'ko kapag may problema ka or nami-miss mo 'ko," ngumiwi ako roon.
"At 'wag kang magkakamaling magkaroon ng bagong kaibigan doon sa New York, kung hindi, naku, talaga, hindi ka na makakabalik dito," tumawa ako.
"Opo, sige na. Labas na tayo," pag-aaya ko sa kanya.
"Mauna ka na, aayusin ko pa 'tong face ko."
"Ay, di pa pala ako nakakapag-hilamos," tumawa siya at tiningnan na ang mukha niya sa salamin habang ako nama'y dumiretso sa banyo para maghilamos.
"Tara na?" tumango si Max at itinabi na lahat ng gamit niya. I laughed when she looks like she didn't cried earlier.
"Ayos ah. Make-up lang 'di na halata 'yung pag-iyak mo kanina," umirap siya sa akin at siya na ang nagbukas ng pinto dahil tumingin pang muli ako sa salamin.
"Oh, Markeus. K-Kanina ka pa ba nandiyan?" natigilan ako ng marinig ko ang pangalan niya. Pumunta kaagad ako sa pintuan at nakita ko siyang nakatayo roon. Bigla akong kinabahan ganoon rin si Max.
Narinig ba ni Markeus lahat?
Alam na ba niya na aalis ako?
Oh god.