Chereads / Together with Him / Chapter 35 - TWH: Chap 33

Chapter 35 - TWH: Chap 33

Are you sure?

"Fionna.. it's dinner time. Baby.. wake up," naalimpungatan ako sa paggising sa akin ni Markeus. Kinusot ko ang mata ko at humikab. Kinapa ko ang phone ko na nasa ilalim ng unan ko at tiningnan ang oras. Alas siyete na pala ng gabi. Napabangon ako nang maalala na bibili dapat kami ng damit ngayon.

Naka-upo lang siya sa tabi ko, tinititigan ako.

"Bakit hindi mo ako ginising kanina? Hindi na tuloy tayo nakabili ng damit," mahina kong sabi.

"I already shop for us earlier while you we're sleeping," humikab ulit ako at nahiga.

"Mamaya na ako kakain. Inaantok pa ako," bulong ko at niyakap ang unan niya dahil dalawa lang naman ang unan rito.

"Fionna, let's eat now. It's already eight in the evening," he said. Hindi ko na lang siya sinagot dahil bumabagsak pa rin talaga ang mga mata ko sa antok.

"Baby.." bumangon ako.

"Okay, tara na," napanganga siya sa kama ng tumayo kaagad ako.

"What?"

"Let's eat na. 'Di na ako inaantok," he chuckled and stood up. He put his arms on my shoulders and pulled me towards him as we walked outside to eat our dinner.

"Masarap ba, Markeus?" tanong ni Lola sa katabi ko. Nasa harapan namin siya.

Nakalatag sa lamesa ang mga ulam.

May adobong manok, tinola, at hotdogs sa mesa. Natawa pa nga ako dahil bakit may hotdog pa kami para sa hapunan.

"Opo, Lola. Masarap," sabay ngiting gwapo ni Markeus. Hayy.. ba't ba guma-gwapo siya lalo? Aish.

"Sus, nambobola lang 'yan, Lola," singit ko.

"Nambobola apo? Hindi ba't ikaw ang gano'n?" nabulunan ako sa sinabi ni Lola. I playfully glared at her. Markeus and she laughed.

"Lola naman. Hindi naman ako gano'n," I pouted and chew my food.

"Oh siya, sige," pang-aasar pa ni Lola.

"You're drinking milk every night?" tumango ako sa kanya. His just drinking a glass of coke on his hand while I have a glass of milk.

"Hindi ko na 'to nagagawa simula ng umalis ako dito," I looked at my milk then dranked it.

"You were here when you went to college?"

"Yup."

Natahimik na kaming dalawa. Katatapos lang naming mag-hapunan at alas nuebe na ng gabi. Sana makatulog pa rin ako mamaya kahit natulog na ako kanina.

Naalala ko ang sinabi ng mommy niya na may trabaho siya. Liningon ko siya. Nakatingin lang siya sa t.v na nasa unahan namin.

"What's your work? Bakit hindi ka nagta-trabaho?" he pursed his lips in a thin line and sighed.

"I'm an engineer," tumaas ang kilay ko sa sagot niya.

Engineer siya?! Gusto ko 'yon!

"I just don't feel to work," he shrugged.

"Bakit? Sayang naman ang natapos mo," I told him. He looked directly at my eyes and he smiled sadly.

"Gusto kong mag-trabaho kapag may asawa na ako," my lips parted and looked away. Napainom ako sa gatas ko.

He keeps staring at me.

"Sa tingin mo sino 'yon?" kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Huh?"

"Who do you think my wife will be?" natahimik ako at hinigpitan ang kapit sa baso. I swallowed hard and smiled as I looked at him.

"I think.." I licked my lips. "It's Rebecca," kita ko ang pagbabago ng itsura niya. His brows furrowed. He seems pissed.

"You look great together, you should be with her again. Ang swerte mo sa kanya. Maganda na, sexy at siguro matalino. Tsaka, mukhang mahal ka pa rin niya kaya balikan mo na siya," iniwasan kong maging mapait ang pagkakasabi ko noon. Maging ang ngiti ko ay kinaya kong 'wag maging peke.

I saw how his jaw clenched and swallowed hard. Nagsasalubong pa rin ang kilay niya.

"You don't mean it right?"

I chuckled and shook my head. "Of course I did mean it. Do you think I'm joking around here?" pabiro kong tanong kahit nasasaktan na rin sa nakikita kong ekspresiyon sa itsura niya at sa mga pinagsasasabi ko sa kanya.

"You didn't," pagpipilit niya. Umirap ako.

"I said, I did mean it. You should go and be with her again," then smiled again.

"Are you sure?" simpleng tanong lang iyon pero parang binagsakan ako ng langit at lupa. Parang sinaksak ako ng milyong-milyong punyal sa puso ko.

"Yup."

"Okay, goodnight," napaiwas ako ng tingin sa kanya ng tumayo siya. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Mukhang aalis siya sa kwarto.

"Where are you going?" tanong ko, hind pa rin tumitingin sa kanya. He looked at me over his shoulder. I can see how tight his grip on the can he was holding.

"I'll just get some air to breathe. It's suffocating here," I shut my eyes. At itinabi na sa lamesa ang baso.

It's suffocating here

It's suffocating here

It's suffocating here

Paulit-ulit na rume-rehistro iyon sa utak ko.

Nang marinig ang pagsara ng pinto ay doon na ako humikbi. I hugged his pillow at sinubsob doon ang mukha doon habang umiiyak pa rin.

"I'm sorry.." bulong ko ng paulit-ulit.

Nagising ako ng wala sa tabi ko si Markeus. Bumangon ako. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Umalis ba siya? Iniwan niya ba ako dito? Nahagip ng tingin ko ang paper bag sa gilid. Kinuha ko iyon at nakita ang mga damit sa loob. Ito ang binili niya sa mall kagabi.

Lumabas ako ng kwarto suot ang ibinili niya sa aking damit pagkatapos maligo.

I'm wearing a yellow crop-top and a white maong shorts. He does know what clothes I usually like, huh? It's either crop-tops or tube tops.

Dumako ang tingin ko sa kalalabas lang na Markeus sa banyo sa labas ng kwarto ko. Nagtama ang tingin namin pero nauna siyang nag-iwas sabay diretsong lumakad sa loob ng kwarto ko. Naka-suot na siya ng damit pagkalabas pa lang ng banyo.

I sighed and just find for foods in the table. Nandoon si Lola na naglalapag ng mga umagahan sa hapag.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Magandang umaga apo," bati niya. Ngumiti rin ako kahit lungkot talaga ang nararamdaman ko ngayon.

"Goodmorning din, 'La," mahina kong bati at umupo sa upuan sa tapat niya.

I head her sighed so I looked at him.

"Nag-away ba kayo kagabi? Dito siya natulog kagabi hindi sa kwarto mo," nag-iwas ako ng tingin at kumuha na lang ng sausage sa lamesa at kinain.

"Hindi naman po, 'La. May hindi lang pagkaka-unawaan," tumaas ang dalawang kilay niya kaya maging ako'y natigilan rin sa sinabi ko.

"Mag-kaibigan lang ba talaga apo? Bakit may hindi pagkaka-unawaang nagaganap?" kuryoso niyang tanong.

Umiling ako. "Wala po talaga. Mag-kaibigan lang kami," umayos ako ng upo ng papalapit na si Markeus sa lamesa. Binati niya si Lola.

Pero nagulat ako ng imbes na umupo siya sa tabi ko ay sa tabi siya ni Lola umupo. Tiningnan ako ni Lola.

"Ayos ka lang ba hijo?" tanong niya kay Markeus. Sumulyap siya sa akin pero inilipat kaagad iyon kay Lola.

"Opo."

"Kayong dalawa ng apo ko, okay lang ba kayo?" natahimik si Markeus at bumaba ang tingin sa plato niya.

"Uh, ayos naman po ng.. kaunti," natawa si Lola. Kung ordinaryong araw lang ito ay ako pa ang unang-unang tatawa rito.

"Ganyan ba ang inaasal ng magkaibigan? Baka may relasiyon na kayo," ipinikit ko ang mga mata ko.

"Lola, kami na lang po mag-aayos, okay na po kami, 'La," tiningnan ako saglit ni Lola bago tumango. Sumulyap ako kay Markeus na hindi pa rin nakatingin sa akin. Sana hindi na lang ito magtagal. Ayokong umalis ako ng ganito kami. Gusto kong magkaayos man lang kami ni Markeus kahit bumalik na lang siya kay Rebecca.

Kahit.. masakit man sa'kin 'yon dahil mahal ko rin siya. Sobra.

Pauwi na kami ngayon. Pagkatapos ng tanghalian kami umalis kayna Lola. Binilinan niya pa kami na mag-ayos na ni Markeus. Ngumiti lang si Markeus doon habang ako nagpaalam na lamang at humalik sa pisngi niya. Si Markeus naman ay nag-mano at nagpaalam na rin kay Lola.

Buong biyahe sobrang tahimik lang namin sa kotse. Walang umimik ni isa sa'ming dalawa. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng topic para sa amin. Umisip ako pero wala talaga kaya mas pinili ko na lang na mag-earphones at makinig ng mga kanta.

Pumikit ako sandali pero napamulat rin ng maka-isip ng sasabihin sa kanya. Nilingon ko siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada.

Buti pa 'yung kalsada, sineseryoso niya.

"Thanks for the clothes," I sighed when he just nodded and didn't even take a glance at me. I crossed my arms and just looked outside. Minutes later, rain poured. Dumilim ang langit. Nakikidamay na rin tuloy ang langit sa kalungkutan ko ngayon. Ipinikit ko ang mga mata ko at ipinilit na lamang matulog sa biyahe.

Habang pababa ako sa hagdanan ay narinig ko ang hagikhik ng babae sa sala. Napakapit ako ng mahigpit sa railings ng hagdan. Huminga ako ng malalim ng makita sila sa baba. Ang kamay niya'y nasa hita ng babae habang siya nama'y nakayakap sa leeg ni Markeus

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at bumalik na lamang sa kwarto ko.

Talagang ginawa niya ang sinabi ko kagabi.

Wala na akong ni katiting na puwang sa puso niya.

He got Rebecca back to him again.

I'll leave the country keeping my feelings for him.