Chereads / Together with Him / Chapter 33 - TWH: Chap 31

Chapter 33 - TWH: Chap 31

1 minute

"Ikaw ha, feeling jowa kita kanina ha," kanina ko pa siya inaasar sa kotse pa lang. Lumayo siya sa akin at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Sinundan ko siya at humilig sa counter top. Nasa harapan ko siya nainom ng tubig. Kita ko ang paggalaw ng adam's niya.

"'Yung ano, para kang nag-transform, FIONNA JOWA ALERT! Ganern," sabay tawa ko. Nagitla ako ng padabog niyang ibaba sa counter ang baso ng tubig niya. Ang ibang tubig ay natapon sa sahig. I cleared my throat.

ALERTTT! GALIT NA ANG BEBE KO! ALERT! ALERTT!

Nilayo ko ang mukha ko ng ilapit niya ang kanya.

"Nagpaparinig ka ba sa'kin? Pwede naman kitang jowain, sabihin mo lang hindi 'yung dinadaan mo sa kantyaw," maangas niyang sabi at umalis na sa kusina pataas papunta sa kwarto niya.

At ako naman ay napa-tanga roon sa sinabi niya. Natatawa kong itinuro ang sarili ko.

"Ako pa ang may gustong jowain ko siya?" tumawa ako ng mahina. "Sa ganda kong 'to, huh? 'Di pwede 'yon sa batas ko," I smirked and go back in the sofa to watch movies on Netflix. Sa kanya na lang ang account na gagamitin ko dahil nasasayang niya lang ang binabayad niya kada buwan!

Pero bigla kong naalala na tatawagan ko nga pala si Lola para sabihin sa kaniya ang malapit ko ng pag-alis. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at ni-dial ang number ni Lola. Matagal-tagal ko na rin siyang nakakamusta, baka nalulungkot na rin siya. Mga ilang araw mula rito, ita-try kong bisitahin siya sa probinsiya.

"Apo? Ikaw ba 'to?" napangiti ako ng marinig ang boses ni Lola. Nami-miss ko na si Lola sa probinsiya.

"Opo, 'La. Ako 'to si Fionna," tumingin ako sa taas. Baka marinig ako ni Markeus sa taas. Tumayo ako at pumunta na lang sa veranda para doon kausapin si Lola. Mamaya na lang siguro ako manonood ng movie.

"Kamusta ka na diyan Lola? Ayos ka lang ba diyan?" tanong ko sa kanya. Narinig ko ang buntong-hininga niya. Umupo ako sa mga upuan doon at inintay ang sagot niya. Ang lamig ng simoy ng hangin dito dapat pala nag-jacket muna ako bago pumunta rito.

"Oo naman. Kaso hindi ka na pumaparini para bisitahin ako," mapait akong napangiti at pinag-laruan ang ruffles ng shorts ko. I licked my lip. Simula kasi ng nag-graduate ako ng college, ilang araw lang mula noon, lumuwas na ako rito para makahanap ng trabaho. Mahirap makahanap pero pasalamat ako na nakilala ko ang parents ni Markeus noon.

"Bibisitahin kita diyan, 'La. Miss na kita," bigla akong naluha. Hindi ko alam kung papayagan ba ako ni Lola rito pero siguro naman oo kasi matagal ko na talaga itong pangarap, ang makapuntang ibang bansa at doon mag-trabaho.

"Naku! Mas miss kita apo!"

"Lola.. may sasabihin nga pala ako sa'yo.." I bit my lip.

"Ano iyon? May problema ka ba?"

"Wala po. Pero aalis na po ako next month para doon mag-trabaho," wala akong narinig na kahit anong sagot kay Lola ng sabihin ko iyon. Pinunasan ko ang pisngi ko.

"Kailan?"

"N-Next month po," humikbi pa ako. Tinakpan ko ang bibig ko.

"Bakit ka naiyak? Hindi ba't pangarap mo iyon apo?"

"Opo. Payag ba kayo Lola?"

"Aba't bakit naman hindi? Basta't bisitahin mo man lamang ako rito bago umalis," natigilan ako ng marinig din ang iyak niya sa kabilang linya.

"Lola, 'wag nga kayong umiyak! Baka hindi na ako makaalis nito," pagbibiro ko pero sa totoo lang nalulungkot talaga ako.

"Masaya lang ako sa'yo, Fionna. Matapos ang ilang taon mo riyan ay mas lalo pang malayo ang mararating mo diyan."

Magga-gabi na ng matapos kami sa usapan ni Lola. Sinabi ko sa kanya kung saan ako magta-trabaho na sinabi sa akin nina Mam Rissa noon. Na sila ang bahala sa lahat ng kailangan at gastusin ko. Basta, lahat-lahat sinabi ko kay Lola.

"Anong dinner?" tanong ni Markeus ng sa wakas ay bumaba na siya galing sa kwarto niya. Ang tagal niya doon ah? Ano kayang ginawa niya? Wala sa sariling napatingin ako sa gitna ng hita niya. Napansin niya iyon kaya kumunot ang noo niya at napatingin na rin ako roon. Natawa ako at sumubo ulit ng popcorn na nasa mangkok.

"The fuck, Fion! Ang libog mo," tatawa-tawang umiling ako habang nanonood pa rin sa t.v.

"Ang tagal mo kasing nag-kulong sa kwarto mo eh. Malay ko ba kung anong ginagawa mo doon," his brows furrowed.

"What do you mean?" napangiwi ako sa tanong niya. Ano 'yan? Pa-inosente epek? Sus, ako nga babae, alam ko 'yung mga iyon siya pa kaya.

I shrugged my shoulders. "I just thought you watched some you know.. corn."

"Porn?" malakas akong tumawa at binato siya ng unan.

"Hayop na 'to! Sabi ko lang naman CORN hindi PORN. Ano ba namang utak 'yan, pag-aralin mo nga!" hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa sobrang tawa.

"Ewan ko sa'yo, Fion. Ang weird mo talagang babae ka," at tumaas ulit sa hagdan.

"Oh? Nabitin ka sa panonood?" sigaw ko. "Gaano ka na ba ka-tigang ha?" sigaw ko pa. Inis niya akong liningon at malalaking hakbang na pumunta sa akin. Napatayo ako at tumakbo. Nag-habulan kami sa buong sala. Ang tanga niya lang dahil nakalusot ako pataas ng hagdan at papasok sa kwarto ko. Hingal na hingal akong sumandal sa pintuan pagkasara. Hinampas niya ng malakas ang pinto.

"Aray naman! Maalog brain system ko!" sigaw ko sa loob.

"Open the damn door, Fion!" sigaw niya pabalik. Tumawa lang ako.

"Ayaw ko," pagmamatigas ko.

He tsked. "Whatever. Di na lang ako kakain," sabi niya at narinig ko ang kanyang papaalis na yabag at pag-sara ng pinto sa kwarto niya. Huminga at naghintay muna ako ng ilang minuto bago binukas ng kaunti ang pinto ko tsaka sumilip sa hallway. Pumasok na talaga siya sa kwarto niya. Ngumiti ako at matagumpay na lumabas. Madadaanan ko ang kwarto niya bago bumaba ng hagdan. Tiningnan ko iyon at nakasara na nga.

Inilabas ko ang phone ko ng mag-vibrate ito. Napairap ako ng notification lang naman pala sa facebook.

Muntikan ko ng mahulog ang phone ko at napatili ako ng may humatak sa akin. Sinara niya ang pinto ng kwarto niya at isinandal ako sa likod no'n. Ramdam ko ang pag-bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Maging ang dibdib niya rin ay mabilis ang pagtaaas-baba, siguro'y hiningal din sa katangahang ginawa niya.

"Ano na naman 'to? Alis nga," inis kong sabi at tiningnan ang phone ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"My phone almost fell! You bijj!" sigaw ko sa kanya. Pero nag-tikom rin ng nakatitig lamang siya sa akin.

Hindi pala sa'kin. Sa labi ko pala.

"What? Sabik ka na naman sa kiss ko? Sorry ka pero hindi ako kisses chocolate," pagbibiro ko pero kinabahan lang ng unti-unti niya ng inilapit sa akin ang mukha niya at pumikit. Mag-ii-slide na sana ako pababa ng hapitin niya ang bewang ko pataas. Nag-mulat siya.

"Don't slide baby, 1 minute lang."

Wala na. Bumigay na si ate ghorl.

Wala na. Nalinlang na sa'baby' niya.

Hays.

I, Fionna, the marupok sa 'baby, 1 minute lang'.