Blurred
Hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga buwan. Napabuga ako ng hangin. Tatlong buwan ko ng namamalagi rito sa lugar ni Markeus. Kinakabahan na ako dahil malapit na akong mag-limang buwan. Lalo na ng tawagan ako nina mag-asawang Cuervo at kausapin ako sa isang restaurant malapit sa tailor shop nila noong isang linggo. Nagpaalam lang ako kay Markeus na bibisitahin ko lang si Max sa shop, nagpu-pumilit pa nga siya na sasamahan ako pero sinabi kong kaya ko na talaga kaya wala na siyang nagawa pa at hinayaan na lang ako lumabas ng hindi siya kasama.
"Hello po," bati ko sa mag-asawa ng makarating ako sa restaurant na sinabi nila sa akin. They both smiled. Tumayo pa si Sir Romuel at pinaghatak ako ng upuan. I thanked him, and he said welcome before sitting on his chair too beside his wife, Mam Rissa. Ako ang nasa harapan nila.
I was just wearing a simple peach shirt and a maong palda paired with a sandal.
"What do you want to order, hija?" tanong ng ginang. Ngumiti ako, nahihiya.
"Kahit hindi na po, Mam," she pouted. Ang ganda pa rin talaga ni Mam kahit may edad na.
"I said just call me, Tita! Sige ka, hindi kita papupuntahin sa ibang bansa," so she's blackmailing me like this? Haha, ang cute talaga ni Mam. Her husband chuckled and shook his head as he was looking on the menu.
"Okay po.. tita," mamaya totohanin pa ni--tita eh.
"Good girl," then she giggled. "So what's your order?"
"Uh.. kahit ano na lang po," I replied.
"Okay!"
"I still can't believe that you can stop my son from going to bars! My god, I wish I could have ask you much earlier!" I just let out a small smile at tita.
"Sana nga. Ang bilis magawa ng batang ito ang misyon, huh?" anang naman ni Sir Romuel.
"Uh, hindi naman po, Sir," pagtatanggi ko.
"Tito na lang," I awkwardly laughed but nodded.
"So let's talk about your exchange about doing all of this. By the end of the fourth month, you can already fly to New York," sobrang natigilan ako sa pagtatangkang pag-subo sa pagkain ko ng marinig ang sinabi ni tita.
After the end of the fourth month?! Pang-third ko na ngayon! Totoo ba 'to? Baka prank lang 'to?Iniwasan kong ipakita ang pagka-dismaya ko sa sinabi ni tita. Pero ang sadyang pagkatigil ko ang napansin nila. I bit my lip.
"What's wrong, hija?" tanong ni tito. Kita ko ang pag-angat ng labi niya habang kumakain.
I nervously chuckled and shook my hands in front of them.
"W-Wala po, masaya po kasi ako. Sa totoo nga po, excited na po ako!" naka-ngiti ako sa harap nila kahit ramdam ko ang lungkot sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit pero baka siya ang dahilan.. hay.
"We're working on your papers now, including your passport and visa. Better pack your things now too para hindi ka na magmadali sa araw ng pag-alis mo," sabi ulit ni tita. Napahinga ako ng mabuti at tahimik itong binuga bago uminom ng tubig.
"Fionna.. aren't you worried that you might have someone leave in here?" halos masamid ako sa iniinom ko ng tanungin iyon ni tito. Kinabahan ako bigla. Anong ibig sabihin niya? May alam ba siya sa mga ginagawa namin or ang alam lang niya ay ang tungkol sa amin ng ex ko?
I fakely smiled and shook my head. "Wala naman po, Tito," he smirk. Takang tumingin tuloy sa kanya si tita. Napatingin ako sa pagkain ko.
"What's wrong, Romuel?" bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong ni tita sa asawa niya. Bakit ba ako kinakabahan? Eh wala naman akong ginagawang masama di ba? Or unless.. tungkol 'to sa nangyayari sa aming dalawa ni Markeus.
"Nothing, I'm just curiously asking because of his boyfriend."
"Ah, we already broke up na po. A few months ago," he shook his head. Fuck! I'm sweating bullets now! What's with him?
"No, I'm talking about your new boyfriend?" patanong iyon. Kumunot ang noo ko. Hinawakan siya ni Tita sa balikat.
"That's enough. Fionna, hija, are you done?" tiningnan ko ang plato kong ubos na ang pagkain bago tumango.
"It's all for today. I'll just call you for more updates, okay?" tumango ako sa kaniya at ngumiti.
Tumayo na ako at nag-pasalamat sa kanilang dalawa bago lumakad palabas ng restaurant. Seryoso ako naglalakad sa gilid ng daan, iniisip ang pag-alis ng bansa. Bakit napa-aga ang pag-alis ko? Inis akong umiling at sinipa ang bato na nadaanan ko. Napatili ako ng may yumakap sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita si Markeus. Lumitaw ang kumpol ng bulaklak sa harapan ko. Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko ng makita iyon at ang matamis niyang ngiti.
"You didn't tell me that you're going to meet my parents. Sana pala ay sumama na talaga ako," nakangiti niyang banggit. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot sa kanya. Hinarap ko siya at nginitian sabay pisil sa matangos niyang ilong, napapikit siya.
"We're just talking about some designs para sa susuotin ng may kasal. Wala ka namang alam doon kaya bakit pa kita isasama?"
"You said you're going to meet your friend, Max?"
"I was, before I went to discuss something with your parents," pagsisinungaling kong muli. I avoid myself from biting my lip because of telling a lie. He stared at my eyes like he was finding something on it but then he just shook his head before we went home together.
"Hey, your thinking deep again. What's that?" my thoughts popped up when I heard him beside me. Umayos ako ng tayo dito sa barandilya ng veranda niya. I just let out a small smile and shook my head. He heavily sighed.
"Fion, I have a question," tumingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa harap, sa buildings.
"What is it?" he intently stared at me. He looked away and leaned on the railings.
"If will leave you now--no, tommorow. What would you feel?" I became stiffened with his question. I cleared my throat when his eyes met mine again. Kitang-kita ko ang katanungan sa mga mata niya. I tried to be casual with him. I tried not to stutter as I replied to him.
"Ikaw? Iiwan ako?" I just chuckled like it didn't affect me at all. Tiningnan ko pa siya sa mga mata para mapatunayang talaga ako naapektuhan sa tanong niya.
"Bakit mo naman ako iiwan? May pupuntahan ka ba?" itinaas ko pa ang pareho kong kilay na para bang inaasar siya. He chuckled.
"Hindi naman ako ang aalis. Si Jason lang," kumunot ang noo ko. Oh, okay. Akala ko may laman ang tanong niyang iyon. Pero para malihis ang usapan, inasar ko ulit siya.
"Naks, barbie ka ghorl? Bakit? Are you frustrated that Jason will now leave you? Aww.. stay strong, huh?" tiningnan niya ako at kitang-kita sa mukha niya ang pandidiri.
"Fuck, Fion! 'Di ako pumapatol sa lalaki!" Irritation crossed his face. I laughed.
"Hindi eh, parang may mali," I held my chin and narrowed my eyes like there's something suspicious is going on between them. "Hala!" he turned to me, confused.
"What?"
Umakto pa ako na napatakip ng bibig. "Baka mag-tanan kayo ha!" he glared at me.
"Ewan ko sa'yo, Fionna," I laughed. After that, we became silent and it's defeaning.
"I'm bored. Let's go out this afternoon," liningon ko siya, nagtataka.
"Saan naman?"
"Anywhere," umirap ako.
"Anywhere ka diyan. Baka mamaya i-check mo pa tayo sa SOGO!" his brows furrowed but then laughed his ass off. He stared at me, amused. He licked his lips.
I shut my eyes when he pinched my cheeks. "You perv."
Hinampas ko ang kamay niya. "Hoy! I'm not a pervert! Baka ikaw!" he sighed. "Pero seryoso, sa'n nga tayo gagala?"
He grinned. "In a heavenly place called Motel, Tagaytay."
"Heavenly amp. Picturan mo na nga lang ako!" singhal ko sa kanya ng makarating ng kaming Tagaytay. He lazily get my phone on my hand. I squealed and position myself where the Volcano can be seen at the back. I smiled when I think he's now on my camera.
"Okay na," binato ko siya ng takip ng boteng nasa paahan ko. He groaned.
"Baka gusto mong magbilang?!" sigaw ko sa kanya. He tsked.
"Isa.." I'm still fixing my hair before it turns to number three.
"Tatlo!" kumulo na talaga ang dugo ko sa kanya. He laughed at my probably horrible picture. Nameywang ako sa harap niya.
"'Yung totoo? Nakapag-aral ka ba? Bibilang lang ng tatlo ini-skip mo pa 'yung two? Bobo ka ba?" inis kong tanong sa kanya. He pursed his lips in a thin line, avoiding to laugh at me.
"Sige na, sige na. Aayos na baby," umirap ako sa kanya bago tumalikod pabalik.
"Baby mo mukha mo!" pero habang nakatalikod naman ay napangiti ako sa tinawag sa akin.
Baby---
powder.
chos.
I'm capturing the skies above. We are at Yellow Cab right now at nandito kami sa labas para mas malamig at makuhanan ko ang loob. Yipiee! May pang-ig na ako!
Tinitingnan ko ang mga nakuhanan kong litrato ng maramdaman ko ang titig niya sa akin. Tiningnan ko siya. Hindi man lang siya nag-iwas ng tingin sa akin at mas lalo pa akong pinakatitigan. Nasaan na ba ang waiter? Bakit ang tagal? Ang awkward na namin dito oh.
"Bakit?" he didn't answer so I just looked back at my phone again and opened the instagram's camera. Markeus eyes followed me when I stood up. Nagtaka siya ng lumapit ako sa kanya at yumuko.
"Let's take a selfie dali!" pinaharap ko siya sa camera at ni-click ko agad para man lang magkaro'n ako ng epic pic niya pero halos mapamura ako ng makitang kahit blurred and side niya ay ang gwapo pa rin! Hindi eh, bakit mas gwapo siya kapag blurred and photo.
Umayos ako ng tayo at ni-try na mag-selfie ng sarili at inuga ng kaunti ang phone ko para mag-blurred din. I muttered a curse underneath my breathe when it came out to be ugly! Mukha akong nag-blurred na criminal photo! Punyetang mukha oh.
"Let me see the picture, Fionna. Baka mukha akong ewan diyan," I gritted my teeth at padabog na umupo pabalik sa upuan ko. Masama ko siyang tiningnan.
"Ewan ko sa'yo! Mukhang ewan ka diyan, tangina your face!" at pinost na lang ang pinicturan kong langit kanina.
Mapunta na sana mukha niya sa langit! Kainis!