Chereads / I'm Only Girl In The University / Chapter 2 - Chapter 1:New School,New Life

Chapter 2 - Chapter 1:New School,New Life

Hi!!Ako si Arra De Verra 18 years old.I'm pretty,sexy,mataray,at higit sa lahat pasaway.Oo, pasaway ako kahit na babae ako.

For your information marami na akong nagawang kalokohan.Gaya ng nambugbog ng kaklase ayon napunta sa ospital na comatos,nagsunog ng classroom diretso kickout, nagcucutting classes,sumasagot ng pabalang sa mga teachers,bastos ,ingrata at higit sa lahat muntik ng makulong dahil muntik na akong makapatay kung wala lang pumigil sa akin.At hindi na rin mawawala sa akin ang pagkakaroon ng palakol which is 65,60,at ang mataas ay ang 75.Palipat lipat na nga ako ng School kasi walang tumatanggap sa akin dahil sa mga kaingutan ko.Sila Mom and Dad hinahanapan ako nang school sobrang mahal ako nun pero ako di ko magawa na suklian yung pagmamahal nila sa akin.

May mga naging kaibigan naman ako yun nga lang puro plastik.Kaya ayun iniwan ko ikaw ba naman tirahin na patalikod,papayag ba kayo.Siyempre hindi.May mga naging jowa din ako yun nga lang manloloko.Pera ko lang ang habol nila.Kaya ayun nakipagbreak ako.Yes,nila kasi madami akong naging jowa no yun ay dahil sa maganda ako at sa yaman ko.Kaya naman hindi na ako naniniwala na may forever kasi magbebreak din kayo,itaga niyo yan sa bato!!!

Dahil sa mga kalokohan ko hindi na ako tinatanggap ng mga University na pinapasukan ko yun ay dahil sa mga papansin na record na yan!!!Mga duwag kasi sila eh kaya ayaw din ako papasukin.Ganun na ba talaga ako katapang para hindi nila tanggapin!!

Hanggang sa isang araw may tumawag sa amin at sinabi na tanggap ako sa University nila.Alam niyo ba kung anong name ng University?!

Ang name niyan nakakasunog Heaven University kasi eh.Yun nga lang puro lalaki ang mga estudyante maski teachers,at principal.

Naawa ako sa sarili ko kasi di ko naman ineexpect na ganun pala ang papasukan ko.Wala na rin naman kasi akong choice kasi my parents agree with them.And yun lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin eh dahil sa mga kaingutan ko.Siguro karma ko rin yan.

Ano na kaya ang kapalaran ko?!

'Arra POV'

Ngayon ang araw ng pag-alis ko sa bahay.Oo,aalis na ako at magdodorm kasi malayo din ang University na papasukan ko.Para di na rin sayang sa pera at hindi na mapagod pa sa kakabiyahe.

Dinala ko ang mga gamit ko pantulog,pambahay,at pati panlakad.Nagdala rin ng hygiene kit gaya ng sabon, sepilyo,rexona, toottpaste,lotion ,hand sanitizer at marami pang iba.Nalulungkot ako kasi aalis na ako sa bahay at mamimiss ko sina Mom,Dad and siyempre ang mga Yaya ko kasi sila lang ang nagtiyaga sa maganda kung ugali.

Malungkot ako na umalis ng bahay at nagbiyahe na.Hinatid ako ng parents ko at halos isang oras din ang tagal nun.Nang makarating ako sa Heaven University namangha ako kasi sa labas pa lang ang ganda ganda parang University ng Korea.Ganourn!!!Pero napawi yun nung pumasok ako.Kasi sobrang dami ng basura hindi nga maintindihan kung school ba talaga yung pinasukan ko o palengke?!!!Ang panget,napakapanget.Parang hindi man lang nagligpit ng isang taon dahil sa dami ng basura at sobrang baho pa.

May mga estudyante na nasa labas ng room.At napakasamang tingin ang bungad sa akin.Para ka nilang kakainin ng buhay kung hayop sila at matutunaw ka pa sa katitig nila.Siguro nagandahan sila sa king Beautiful face Charing!!!

Pumunta kami sa Principal Office para ipakilala ako at maturo na din ang bagong room ko na papasukan ko.Mabait naman ang principal eh ang tanong yung mga lalaki kaya?!Tinuro niya ang room ko at sila Mommy and Daddy naman ay kinailangan ng umalis.Bago sila nagsialisan mahigpit ko silang niyakap kasi ngayon  lang ako magdodorm at ngayon ko sila hindi makakasama ng matagal.Iniwan nila ang gamit ko.Sinabi ko naman kasi sa kanila na ako na lang ang maglalagay sa dorm kasi balak sana nilang sila na lang ang maglagay.Siyempre nakaramdam din ako ng hiya no!!!Ayos lang naman sa akin na ako ang maglalagay tutal malapit lang naman ang dorm ko sa University na papasukan ko magkaharap lang naman kasi sila.Yun nga lang mga impaktang babae ang kasama ko pero ayos lang kesa naman mga gunggong na lalaki.Duhh!!!

Matapos umalis ang parents ko tinour muna ako ng principal.Oo,principal kasi  bihira lang naman na babae ang pumasok sa University at matagal na yun.

Naglibot libot ako sa University siyempre kasama ko si Principal siya nagtotour sakin eh.

Ngayon ko napagtanto na mukhang hindi ko kakayanin na pumasok dito.Marami kasing mga lalaki umabot na sa 5,000 at ako lang ang babae.May mga nagsusuntukan,nagsisipaan,rambulan.Yung mga teacher walang nagawa kasi maski sila nasisikmuraan at yung iba naman ay sumasali sa pustahan.

"₱1,000 bayad ko kapag nanalo ang manok mo pero kapag talo ₱5,000 naman Yung sayo."rinig kong sabi ng lalaki.

Nagsipag agreehan naman yung iba kasi dahil sa narinig na pera.

Kanya kanya sila ng pambato at todo cheer.

Yung ibang estudyante naman ay masamang tumititig sa akin.Para akong kakainin ng buhay dahil sa pagtitig nila.Pero ako hindi nagpakita ng takot kasi ayoko matalo sa kanila noh.At gusto kong patunayan na matapang ako at kaya kong makipagasabayan sa kanila.

Natapos na ang pagtotour namin ni Principal at matagal tagal din yun.Uwian na kaya nagpaalam na ako sa kanya.

At pagdating sa dorm agad na nagbulungan ang mga babae na nakikirenta lang din naman don.Yung iba may pagtaas taas pa ng kilay eh parang wala namang kilay.At ako lang naman ang may magandang kilay sa kanila.Pero sori sila matigas ako noh !!!kung nag taray sila ako irap para ganti at kwits na kami .Hahaha!!!

Nakita ko na kumakain na sila at may nag imbita naman sakin kahit papano pero matigas ang ulo ko hindi ako kumain.

Inayos ko na lang ang gamit ko.At naghilamos,nagbihis ng pantulog at siyempre nagsipilyo pa.At pagkatapos ay natulog pero bago yun nag iisip muna ako kung ano ng gagawin ko bukas.Kasi bukas na ang start ng pasok ko.At di ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakaisip.