Second day of school ko ngayon pero ang bigat bigat na ng pakiramdam ko ngayon.Pumasok ako sa University ng late na kasi nagbabakasakaling walang umabang sa akin sa gate.At ayun successful naman.Nakapasok ako sa room ko ng tahimik.Nakapagtataka nga kung bakit? kasi wala sila.Masaya ako nun pero naudlot din dahil hindi pala sila aabsent pumasok din pala ng late.
Umupo ako sa unahan at ako lang don as in ako lang.Pero ayos lang kasi walang manggugulo sa akin ngayon.
Dumating na si Sir at nagturo pero ganun pa din wala pa din nakikinig sa kanya except sa akin.Nakikinig na 'ko wala naman kasi akong makausap don kaya kay Sir nalang .
Recess time na namin.Balak ko sanang ilabas ang pagkain ko pero di ko tinuloy at lumabas na lang.Naghahanap ako ng lugar kung saan ako lang mag-isa.At sakto may nakita naman ako.
Habang kumakain iniisip ko si Alex.Gusto ko sanang itanong kung anong section niya, kaso nakaramdam ako ng hiya na dati rati hindi ko naman nararamdaman ito.
Speaking of Alex.Lumapit siya sa akin.
"Pwedeng tumabi?"
"Sure,"mabilis kong sagot.
"Anong ginagawa mo dito?At bakit mag isa ka lang?"tanong niya sa akin.
"Ayoko kasi sa room inaagaw kasi nila yung pagkain ko.Pag sa canteen naman pinagtutulungan naman nila ako kaya dito na lang ako,"mahaba kong litanya.
"Teka,Alex anong section mo?"
"Uhm,ako section A."
Naalala ko ang sinabi ni Dean na ang Section A daw ang matatalino at magagaling sa lahat.
"E,ikaw anong section mo?"bigla niyang tanong sa akin.Yumuko muna ako at saka siya sinagot .
"Section Z, "nahihiya kong sabi.
At agad akong tumakbo palayo sa kanya.At narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.Nahihiya kasi ako sa kanya.
Mas lalo kong binilisan ang takbo kasi nakita ako ng mga kaklase ko.Hanggang sa nakarating na sa room doon nagsimula sila na gulpihin ako.Pinagbabato nila ako ng papel.Hindi nila ako tinigilan kahit na dumating si sir.
Ang nakakainis kong teacher nanood lang habang ako ay pinagbabato ng mga papel .
Nang wala na silang mabato tumigil na din sila at ang teacher ko naman ay umalis na.
'Kainis talaga!!'bulong ko sa sarili ko.
Tiningnan ako ng masama ng lider ng classroom namin.At ako naman ay di nagpatinag.May binato siya sakin na bato dahilan para bumukol ang noo ko at mapaiyak dahil sa sakit.
"Hoy babae!!"
Tiningnan ko ito ng masama.
"Yung mga kalat mo diyan tanggalin mo ah! at maglinis ka ng classroom!!!"
'Kapal ng mukha!!' bulong ko at mukhang narinig niya ito.
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko kapal ng mukha mo!!"
Hindi siya sumagot at dali daling sinarahan ang pinto, kasama ang lahat ng kaklase ko at lumabas pa.
"Hanggat hindi mo nalilinisan yan .Hinding hindi ka makakalabas!!!"
Padabog akong kumuha ng walis at binagalan ko ang paglilinis dahil nagbabakasakali lang ako na kapag mainip sila e, bubuksan na nila ang pinto.
"Pakibilisan ,huwag pakupad kupad!!"sabi ng isa sabay tawanan ng mga kaklase kong mga unggoy.
"Buti nga sayo!!"parinig pa ng isa.
"Tingnan na lang natin kung makakatagal ka pa dito sa University!!"pang aasar pa ng isa.
"Itaga mo sa bato makakatagal ako dito at patutunayan ko yan sa inyo!!"inis kong sabi at sabay tawanan naman nila.
Binilisan ko ng maglinis kasi ang init,madilim, at mabaho pa ang classroom.
"Pwede nyo ng buksan?!Tapos na po ang paglilinis ko mga mahal na prinsipe,"sarcastic kong sabi.
Binuksan na nila ang pinto at nakahinga na ako ng maluwag.
Hayst na buhay to.
Walang nagturo sa'min kasi tinatamad na ang mga teacher.
Kaya naman ayun ang lakas lakas ng mga sigawan nila.May nagbabatuhan,may nagsusuntukan at hindi mawawala ang pustahan.
Makalipas ang limang oras.Oo, kasi limang subject ang di nagpunta sa'min.Ang saya no!
Pumunta sa akin ang lider ng classroom namin.
"Hoy babae!!"tawag niya sa akin.
"Hoy ka din may pangalan ako no!!!"
"Whatever?!"
"Gusto mo bang tumagal dito sa University ?!"
Nag nod ako bilang pagtugon.
"Well, maglinis ka buong whole year ng classroom every 5 pm. "
"What?!"
"Kung ayaw mo, ikaw din bahala."
"Eto na eto na papayag na ho!!"
Wala akong magagawa kasi itong University lang naman ang tumanggap sakin at ayaw ko din naman na mafrustrate ulit ang parents ko dahil sa mga kaingutan ko.
Nagsiuwian na sila at ako naman ay naglilinis ng buong classroom.Okay lang kaharap lang naman yung dorm ko ang University na 'to.
Nang matapos sa paglilinis umuwi akong pagod sa dorm.Dumiretso ako sa kwarto at natulog ng gutom.