Recess time na namin lumabas ako at pumunta sa canteen para bumili ng pagkain.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa canteen ramdam ko na agad ang tense at lahat sila nakatuon sa akin.
Alam ko naman na hindi nila ako tanggap kasi siyempre ako lang ang babae dito.Kaya naman hinabaan ko muna ang pasensya ko.At kapag hindi ko na kaya lalaban na talaga ako.
Mga ilang minuto ang lumipas may lumapit sakin na lalaki. Akala ko makikipagkilala siya 'yun pala may binabalak na, na hindi maganda.Kaya bago pa siya makakilos kinarate ko na agad kaya ayun natumba.Pinagtitinginan nila ako at mukha silang exciting sa nangyayari.
''Uy,pre!! chicks oh at matapang pa!''sabi ng lalaki na mukhang ulupong.
"Tara lapitan natin!!"aya ng isa.
Bago pa nila ako lapitan sinuntok ko na agad ang mukhang ulupong sa mukha.At napatigil sila sa ginawa ko.Maya-maya ang mga kasama niya lumapit sakin at naghahamon ng away.At iyon nagrambulan na kami.Madami sila kaya naman talo ako sa kanila.
Ang gulo-gulo ng buhok ko.Napunit na din ang T- shirt na pinahiram sa akin ng lalaki kanina.
"Naku!!patay!!"bulong ko sa sarili ko.
At pumunta na ako ng room ko.Nakita nila ang itsura ko at agad na nagsitawanan.Pero hindi ko na lang pinansin kasi nag-iisip ako ng idadahilan ko sa lalaking nagpahiram sa akin ng T-shirt.
'Isip-isip.Arra, isip!!'bulong ko sa sarili ko.
Nagklase na kami.As usual wala namang nakikinig sa turo ng teacher at kasama na'ko doon.May mga nagkukwentuhan,selpunan,at sulatan sa papel kung baga pass the message.Pero si Sir tuloy pa din sa pagtuturo.
Tanghali na..at balak ko na sanang kumain pero biglang may umagaw sa pagkain ko.At kinain nila.Nainis ako sa kanila kaya naman lumabas ako pero binunggo naman nila ako.Napaupo ako, dahil sa lakas ng impak kaya tuloy medyo nahirapan na ako.Patuloy akong naglakad kahit paika ika, papunta sa canteen para bumili ng pagkain.Ayoko nga sana kasi feel ko na pagtitripan ako pero ano pa nga bang magagawa ko.E, nagugutom na din kasi ako.
Pagdating ko sa canteen bumili na ako ng pagkain pero araw ko ngayon kaya hindi na naman ako nakakain. May umagaw na naman sa pagkain ko.Gusto ko na umiyak dahil nagugutom na talaga ako pero ayoko ipakita sa kanila na mahina ako kaya ayun nagtapang tapangan muna ang peg.
Maya-maya pa nakita ko si knighted shining armor ko yung nagpahiram sa akin ng T-shirt.At lalapit pa lang sana ako ng bigla kong naramdaman ang hilo at everything went black.
-----------------------------------------------------
Paggising ko na sa clinic na ako.At nakita ko si Mr.Right nasa tabi ko at mukhang nag-aalala.May dala itong pagkain para sakin.
"Hello!"
"Sinabi ng nurse na kaya ka nawalan ng malay dahil nagugutom ka.Huwag munang tanggihan kailangan mong kumain."
Hindi ko na tinanggihan at kinain ko na kasi ramdam ko din talaga ang gutom.Nung maubos ko ang pagkain nagpasalamat ako sa kanya.
"Thank you very much mister?!"
"Alex!!"pagpapatuloy niya.
"Mister Alex"pagpapatuloy ko.
Dahil nakita ko siya nagkaroon ako ng chance na sabihin sa kanya ang nangyari sa T-shirt na pinahiram niya.
"Alex,about sa T-shirt mo.Papalitan ko na lang kasi napunit dahil sa mga lalaking nakarambulan ko kanina,"tuloy tuloy kong sabi.
"Nevermind at wag mo nang palitan.Sayo na lang yon marami pa naman akong T-shirt"litanya nito.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Thank you ulit Alex!!"
"Your welcome.Ihatid na kita sa room mo"saad nito.
Nahihiya man ako pero pumayag na din kasi baka maulit na naman ang nangyari kanina.Pagpasok ko sa room nagpasalamat at nagpaalam ako sa kanya.At ngumiti siya sa akin bilang sagot.
Makalipas ang ilang minuto dumating na ang subject teacher ko at nagturo na.At ganun din ang iba pa. Makalipas ang isang oras kasi tapos na magturo ang limang teachers ay uwian na.Nagpahuli ako ng labas kasi pakiramdam ko mapapaaway na naman ako.At nung nakalabas na ako wala na din namang estudyante at ligtas akong nakarating sa dorm ko.
Naghilamos at nagbihis na din ng pangtulog at pagkatapos maagang kumain at natulog ng mahimbing.