"What are you doing here at this hour?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa likuran ko. May dala-dala siyang baso na may lamang tubig, halatang kakagising lang.
"Jusko Rigel! 'Wag ka ngang bigla-biglang magsasalita. Aatakihin ako sa puso eh." Tinapik tapapik ko ang dibdib sa may bandang puso ko. "Ayan tuloy wala na, hindi ko na nasundan yung sayaw. Balik ka na sa kwarto mo, shupi!" Pantataboy ko sa kaniya, pero para lamang akong isang papel dahil ni hindi man lang siya natinag sa panunulak ko. Bagkus ay lumapit siya sa phone ko at tinignan itong mabuti.
"Robot dance huh." Mapang-asar na sabi niya habang tumatango-tango. "I didn't know na hindi mo alam sayawin 'to."
"Well, sumasayaw ako but it doesn't mean na alam ko lahat ng klase ng sayaw duh." Sumalampak ako sa sofa at humigop ng kape na kanina ko pa tinimpla, medyo lumamig na ito kaya hindi na nakakapaso sa dila.
"I think I can help you with that."
"Weh? Marunong ka magrobotics?" Never ko pa kasi siyang nakitang sumayaw ng gan'tong klaseng sayaw.
"Yep, but hindi ako gano'n kagaling. You wanna see it?"
"Sige ba."
"It's awkward to dance without music, so I'll be playing Faded for this one." Nilapag niya sa maliit na lamesang nasa harapan ko ang baso niya at hinugot sa bulsa ang kaniyang phone. Pagkatapos niyang magtipa ng kung anu-ano ay inilapag niya rin ito sa lamesa. "Watch and learn." Saka siya kumindat sa akin at tumalikod habang nagpiplay ang intro. Ay wow Rigel, masyadong eksena!
Nang magsimula ang kanta ay mabilis siyang humarap sa akin, at iyon na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang sinimulan na niya ang pagsayaw. He started by moving his head and his left arm at a time then stop, and then he moves his right arm separately from the rest of his body parts. Ito ba yung sinasabi niyang "hindi gano'n kagaling?" Eh anak shuta, napaka-astig ng galaw niya!
Hanggang sa pati paa na niya ang ginagalaw niya. Wari'y isa siyang tunay na robot dahil sa mga steps na ginagawa niya. Nang matapos ang isang minuto ay tumigil na siya sa pagsayaw. Hindi ko na napigilang mapatayo at pumalakpak dahil sa ipinakita niya.
"Sus, pahumble ka pa eh ang galing mo naman pala." Pagpupuri ko sa kaniya at mahinang hinampas siya sa braso. "At dahil diyan, tuturuan mo akong sumayaw ng robotics!" I said happily.
"Are you sure? Baka mahirap kang turuan eh, kaliwa pa naman dalawa mong paa."
"Aba't! Sino'ng kaliwa ang dalawang paa aber? Baka kapag pinakitaan kita, mabilib ka ng bongga at tawagin mo na akong sensei." Syempre charot lang! Alam ko namang mas magaling siyang sumayaw kaysa sa akin, pero dapat confident pa rin ako sa kung anong meron ako.
"Haha ok ok. No need to be grumpy. I'll teach you the easiest way to learn robotics." Kumindat ito at nag-stretch. "Let's do this." Aniya at sinimulan na niya akong turuan.
Hindi ko akalaing madali lang palang sayawin ang robot dance o sadyang madali lang kasi magaling magturo si Rigel? In just 30 minutes ay natutunan ko na ang mga basics.
"Omg! Ang galing mo talaga Rigel. Ayan, may pang Peak-A na ako, thank you!" Masayang sabi ko habang nagpupunas ng pawis, nakakapagod ring sayawin ang robotics kahit hindi ka masyadong nag-eexert ng force sa pagsayaw nito.
"Since you already know how to do robotics, I think we should make a duet out of it. Right?" Agad sumilay ang malapad kong ngiti sa labi dahil sa sinabi niya, ngunit agad ding nawala ito dahil sa sumunod niyang sinabi. "But we'll do it the usual way."
"Bakit? Ayaw mo ba akong maka-duet sa personal?" May batid na lungkot na sabi ko. Ang usual na sinasabi niya ay gagawa muna ang isa sa amin ng video at 'pag naupload na ito ay saka niya lang gagawa ng video ang isa para ipang-duet.
"It's not like that. I mean we'll do the usual first then the personal duet will be the next. We're going to shoot twice pero ang i-uupload na muna natin ay yung usual."
"Bakit?"
"Hindi alam ng mga supporters ko na nandito ako ngayon sa Pinas. I want to suprise them sa susunod na mga araw." Oh I see, kaya pala ni isang picture o video ay wala pa siyang ina-upload these past few days.
"Oh ok, I understand." Ningitian ko siya at saka tinanong kung pa'no ba ang gagawin namin para sa video. Inexplain niya naman ito at madali kong naintindihan.
"So magshoshoot tayo sa magkaibang lugar dito sa bahay para hindi mahalata na nasa iisang bahay tayo."
"Yep."
"Do'n nalang ako sa kwarto magshoshoot kasi gabi na. Gagamit ako ng ring light para naman medyo maganda ang lighting."
"Sure, go ahead."
Pumanhik na ako sa kwarto ko at isinet-up na ang gagamitin para sa video. Hindi ko na napansin kung saan nagpunta at magvivideo si Rigel. Bahala na siya, alam naman niya ang pasikot-sikot dito sa bahay.
Nang matapos akong magshoot ay agad akong bumaba sa sala. Agad ko namang nakita si Rigel habang may tinitipa sa kaniyang cellphone. Nilapitan ko siya, ngunit nang makita niya ako agad niyang itinago ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.
"Oh ba't mo tinago? Panunuorin pa natin yung ginawa mong video." Bakas sa kaniyang hitsura ang pagkabigla, ngunit agad din itong napalitan ng ngiti at inilabas din lang niya agad ang kaniyang cellphone. Weird.
"Huwag ko na lang atang ipakita 'tong video na ginawa ko at magshoot na lang ulit ako." Nakangusong sabi ko nang matapos kong panuorin ang ginawa niya. Pa'no ba naman kasi, ang galing niyang sumayaw samantalang ako ay parang ewan do'n sa video na ginawa ko
"Why is that? C'mon lemme see yours." Ipinakita niya sa akin ang kanang palad niya hudyat na ibigay ko sa kaniya ang cellphone ko para mapanuod niya ang video.
Tanging mabilis na iling lang ang isinagot ko sa kaniya at itinago ang cellphone ko sa likuran ko, pero sa isang iglap lang ay nasa kaniyang mga kamay na ang cellphone ko!
What the?! "Hoy! Madaya! Ang bilis mo naman!" Sita ko sa kaniya at sinimulang agawin pabalik ang phone ko mula sa kaniya. Ni hindi ko napansin na nasa kamay niya na pala ito! Siguro may lahi 'tong snatcher. Charot!
"Who? Me? Madaya? No, no, no. Mabagal ka lang talaga." At saka niya ako dinilatan habang tumatakbo siya nang patalikod! Jusko!
Hindi lang pala snatcher, may lahi rin ata siyang kabayo gaya ng kanila Jackie at Joyce sa sobrang bilis niyang tumakbo! Napatawa naman ako sa naisip. Nang makaramdam naman ako ng pagod ay ako na mismo ang unang sumuko. Hinayaan ko na siyang panuorin ang video ko, wala eh, may lahi siyang kabayo. Talo na ako.
"Hmm, ok naman ah. Hindi ka mukhang beginner pero hindi ka rin mukhang expert sa pag-rorobot dance. Kumbaga sakto lang, kasi sumasabay naman ang bawat pag-stop mo sa beat. This will do." Hindi ko ba alam kung matutuwa ako sa sinabi niyang sakto lang o masasaktan dahil sakto LANG. "We just need to add some effects and transitions para mas gumanda. You'll be using the same effects and transitions na ginamit ko para parehas tayo." Tumango na lang ako bilang sagot habang nakabusangot.
"Sige, pero ikaw na ang mag-edit ah. Tutal ikaw naman ang magaling pagdating diyan sa mga edit-edit na 'yan."
"Oh c'mon! Don't worry, this will be lit. Trust me aking girlfriend." Kumindat ito bago itinuon ang atensyon sa cellphone at nagtipa ng kung anu-ano.