"Hi kuya! Oh, Hello rin ate! Andito ka po pala, wala ka po bang trabaho ngayon?" Bungad ko sa pinsan kong si kuya Rexie na nasa driver's seat at sa girlfriend niyang si ate Jesica na nasa shotgun seat naman saka ako nakipag-beso sa kanilang dalawa.
"Yes dear, humingi ako ng day-off sa boss ko para masamahan ko ang kuya mo sa debut ni Andrea." Nakangiting sabi ni ate. Isang accountant kasi si ate Jesica at sobrang workaholic niya, kaya bihira siyang magkaroon ng day-off. Isang rare case itong pagsama niya ngayon sa totoo lang.
"Talaga ate? Mabuti po at pinayagan ka ng boss mo para mabantayan mo si kuya sa Pangasinan, baka mambabae."
"Shut up Abby. Hinding-hindi ko kayang pagtaksilan ang ate mo ano ka ba." Natatawang sabi naman ni kuya Rexie, pero may kasamang pandidilat ng mata. Kahit kailan talaga, pikon 'tong taong 'to haha.
"Aba eh, dapat lang babe. Kasi once na nalaman kong nambabae ka ay ako mismo ang puputol ng kinabukasan mo. Ayaw mo naman sigurong mangyari 'yon 'diba?" Nakita kong napalunok si kuya kaya medyo napahagikhik ako. "Siya nga pala, sino 'yang kasama mo Abby? Jowa mo ba? Nakabingwit ka ata ng kano, malupit ka teh!"
"Lah, ate hindi po haha. Kaibigan ko lang siya 'wag kang maissue." Inirapan ko siya at tinawag si Rigel na naglalagay ng gamit namin sa likod ng van. "Ahh Rigel this is my cousin, kuya Rexie and his girlfriend ate Jesica, and ate kuya, this is Rigel kaibigan ko."
"It's nice meeting you po." Nakangiting bati ni Rigel na siyang tinanguan at ningitian pabalik ni Kuya.
"Sasabay po siya sa atin papuntang Pangasinan since doon rin ang punta niya. Tourist siya dito kaya hindi niya masyadong kabisado ang pasikot-sikot."
"Yes, sure! No problem. Sakay na kayo para hindi tayo maabutan ng traffic. Kahit saan na kayo pumwesto diyan sa likuran namin. Kung gusto niyong matulog, why not? Maluwag ang space tutal tayong apat lang naman ang nakasakay." Tumango kami at nauna akong sumakay at umupo sa may third row ng upuan. Akala ko ay uupo sa pangalawa o panghuling row si Rigel, pero nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Hindi na ako nag-react masyado nang makita kong nakangisi si ate Jes sa rearview mirror habang nakatingin sa amin. Maissue talaga kahit kailan tsk.
"Sa'n po pala tayo kuya sa Pangasinan?" Tanong ko nang makalabas kami ng edsa. Tulog na si ate Jes, at kaming tatlo na lang ni Rigel at kuya Rexie ang gising.
"Bolinao daw Abby, may bagong rest house kasi sila tita do'n kaya they decided na doon nalang ganapin ang debut ni Andrea."
"Oh really? Doon rin ang punta ni Rigel sa Bolinao!" Tumingin ako kay Rigel at nakita kong napangiti din siya dahil sa sinabi ni kuya.
"Well then, that's great! Maraming kakilala sila tita na pwede niyang tuluyan doon. Pero baka doon din lang siya patuluyin sa rest house kasi kaibigan mo naman."
"Narinig mo 'yon Rigel? Naks, hindi ka na mahihirapan sa tutuluyan at sa vlog mo." Bulong ko sa kaniya at bumulong naman siya sa akin pabalik ng "Thank you."
~
"Hello Philippines! Hello Bolinao!" Hindi ko mapigilan ang mapahiyaw sa saya habang nilalanghap ang sariwang hangin pagkababa namin sa tapat ng rest house nila tita Liza. Mula dito ay nanunuot sa aking ilong ang amoy ng dagat. Dang, how I missed this.
Sumulyap ako kay Rigel na ilang metro ang layo sa akin habang siya ay nagsasalita sa harapan ng kaniyang camera. Kahit hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya dahil sa may kalakasang ihip ng hangin ay batid kong tungkol ito sa ginagawa niyang vlog.
"Sikat pala 'yang kaibigan mo Abby. Sinearch ko ang pangalan niya kanina sa google at naloka ako dahil may kasama pala tayong vlogger na may 800k subscriber sa youtube! Haynako buti na lang ang fresh ako kanina habang kumukuha siya ng video sa van. Kaya sabihin mo sa'kin kapag na-upload na ang video nang mai-flex ko din sa mga kaibigan ko haha." Napakamot ako sa batok dahil sa sinabi ni ate Jesica, umiiral nanaman ang pagka-fan girl niya. Palibhasa wala dito si kuya sa labas dahil nauna na siyang pumasok sa loob ng rest house kasama ang mga gamit nila ni ate Jesica. "Siyempre charot lang dear!" Tumawa ito at saka na pumasok sa loob ng resthouse.
Hindi muna ako pumasok sa loob at hinintay kong matapos si Rigel sa vlog niya. Hindi rin nagtagal ay bumalik na siya sa van at iniligpit ang camera niya saka binuhat ang mga gamit namin. Sinubukan pa niyang kunin sa akin ang maleta ko, pero hindi ko na siya hinaayang buhatin ito dahil kaya ko namang nang dalhin.
"Tara pasok na tayo baka magtaka pa sila tita kung bakit hindi pa tayo pumapasok."
"Ahh right. Let's go." Ngumiti ito at iginiya ko na siya sa loob. "Damn, this place is a paradise." Dagdag niya habang lumilinga linga sa paligid. Well, totoo naman. Ibang-iba ang ganda ng lugar na ito kumpara sa siyudad.
Nang makapasok kami ay agad kaming sinalubong ng mga kamag-anak namin. Isa-isa ko silang niyakap. At siyempre, kapag ganitong nagkikita ang angkan ay hindi mawawala ang mga katagang "Ang laki mo na, dalaga ka na talaga.", "Parang dati ay kalung-kalong pa kita, ngayon ay napakaganda mo na.", "Ang laki ng pinagbago mo kumpara noong last na nagkita tayo." and so on, and so forth. Kaloka mga tita, last year lang po ang last nating pagkikita. Gusto kong sabihin 'yan pero ayaw ko namang masira ang mood kaya ningitian ko na lang sila pabalik.
"At sino pala iyang kasama mo Abby?" Tanong ng isa kong tita.
"Ah oo nga pala." Tinawag ko si Rigel sa tabi ko at agad naman itong tumalima. "Siya nga po pala si Rigel, kaibigan ko po. Siguro'y nasabi na ni mama sa inyo ang tungkol sa kaniya kasi inexplain ko na po kay mama kanina."
"Good afternoon po sa inyong lahat." Nakangiting bati ni Rigel at saka nagmano sa kanila.
"'Aba'y napaka-gwapong binata naman nitong si Rigel. Teka, marunong kang magtagalog? Ang sabi ng tita Abigail mo ay you're from Texas?" Tanong ulit ng isa ko pang tita.
"That's right po, I'm American, but I studied Filipino Language bago po ako pumunta dito si Pinas."
"Oh I see. Sige mamaya na lang tayo mag-usap at alam kong pagod kayo sa biyahe. Magpahinga muna kayo at bumaba na lang kung kayo ay nagugutom. Abby, ikaw na ang bahala sa kabigan mo at kami ay magpapahinga na rin."
"Opo tita, ako na po ang bahala." Naiwan kaming dalawa ni Rigel sa sala, at bago pa man magkaroon ulit ng awkward moment ay tinawag ko na siya at iginiya sa kwartong tutuluyan namin. Ito ang unang beses kong makapunta dito sa bagong rest house nila tita Liza, pero hindi naman na kami masyadong nahirapan sa paghahanap ng kwarto dahil may kaniya-kaniyang pangalan sa bawat pintuan ng kwarto.
"I think this is mine and that's yours." Sabi ko kay Rigel sa dalawang magkatapat na pinto. May nakadikit na isang coupon bond at may nakasulat na pangalan namin dito.
"Ok, I'll see you later Abby."
"Sige, pahinga ka mabuti ha." He nodded at saka na kami pumasok sa sari-sarili naming kwarto.