Chapter 6.5:
Abby's POV:
*Knock Knock Knock!*
"Ate Abby? Gising na daw po, mag-aalmusal na." Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Andrea sa labas ng kwarto ko.
"Okay wait! I'll be there in a minute." Dang, ang sakit ng ulo ko, letseng alak 'yan, napaka-traydor.
Pagkabangon ko mula sa kama ay nakaramdam ako ng pagkahilo kung kaya'y hindi ko napansin ang dulong parte ng kama at nasipa ko ito. F*ck! Ang sakit.
Dumiretso ako sa banyo na nasa loob ng kwarto at naghilamos ng mukha. Pagtingin ko sa salamin ay nakita ko ang isang pigurang nay hitsurang kagaya ng isang drug addict, itim na itim ang eyebags, nagkalat na eye liner at maskara, medyo kalat na lipstick, magulong buhok, at gusot-gusot na damit. Ito pa pala yung suot ko kagabi sa debut ni Andrea, malamang ay hindi ko na naharap ang magbihis kagabi dahil sa sobrang kalasingan . Mukha nga talaga akong drug addict, mabuti na lang ay hindi ako naglalaway kapag natutulog dahil kung nagkataon ay makakadagdag lang ito sa kalaswahan ng hitsura ko.
Dahil sa nakita ko sa salamin ay napagdesisyunan ko na lang maligo ng mabilis para naman ay maging presentable akong tignan, nandito pa naman ang buong angkan namin. Nakakahiya kung makita nila ako sa ganitong hitsura.
Nang makababa ay nakita kong nakaupo na ang mga magulang ko sa isang long table kasama ang mga kamag-anak namin habang masaya silang nagkukwentuhan.
"Abby!" Tawag sa akin ng pinsan kong si Jonathan. Ininguso niya ang bakanteng upuan sa kaniyang harapan, nagpapahiwatig na doon raw ako uupo. Agad akong tumalima at umupo doon. Nakita ko naman si Rigel sa tabi ni Jonathan at kapwa kami nagkangitian lang.
"Kumpleto na ba tayong lahat?" Tanong ni papa at nagsitanguan naman ang mga pinsan ko. "Ok, Andrea lead the prayer." Agad tumango si Andrea atsaka sinimulan ang pagdadasal.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si Papa. Lahat ay ibinaling ang atensyon sa kaniya lalo na't mukhang seryoso ang sasabihin niton. "Nais kong sabihin na naaprubahan na ng pangulo ang batas ukol sa pagpapatupad ng Luzon Lockdown na magsisimula sa darating na Lunes. Alam naman nating lahat na medyo naging dehado tayo sa ginanap na selebrasyon ng debut ni Andrea dahil sa banta ng COVID 19 pero itinuloy pa rin natin dahil once in a lifetime lang mangyari ang ganitong bagay sa buhay ng isang babae."
Ni isa ay walang nagsasalita, lahat ang nakikinig sa sinasabi ni papa dahil siya ang panganay sa kanilang magkakapatid at malaki ang respeto na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga kapatid. There are times na kalog si papa pero meron din siyang side kung saan ay seryoso siya at masasabi kong nakakatakot ito kaya hindi mo gugustuhin na sumabat kapag siya na ang nagsasalita, at ito ang time na 'yon.
"That's why we are all going home ngayong araw. Pagkatapos nating kumain ay magsipag-empake na kayo ng mga gamit niyo dahil may kaniya-kaniya tayong business na uuwian. Ayaw naman natin sigurong makulong dito sa Pangasinan." Napasinghap ang mga pinsan ko, halatang dismayado sa sinasabi ni papa dahil malamang ay hindi nila matutupad ang vacation goals nila, poor them. Mabuti na lang ay taong bahay ako kaya't wala masyadong problema kahit umuwi ako ngayon-ngayon din kahit nasasayangan ako sa mga dala kong damit para sa photoshoot hays.
Buong oras ata ng breakfast ay tungkol sa COVID 19 ang napag-usapan ng mga nakatatanda habang kaming magpipinsan kung hindi nakasimangot ay nag-aasaran naman ang iba.
Kanselado na na rin ang pasok sa buong Luzon simula Lunes dahil sa agarang pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID 19 dito sa Pinas. Pati graduation ceremony namin ay naadjust rin. Nagkansela na ng pasok ang buong NCR nitong nakaraang Huwebes lang dahil sa banta ng virus kung kaya'y nakapunta kami dito sa debut ni Andrea. Kung alam ko lang na wala ng pasok ng isang buwan simula Lunes ay ikinain ko na sana pala ng bongga nung Wednesday sa school. Charot!
"Abeyea anak." Napatigil kaming magpipinsan sa pag-aasaran nang tawagin ako ni papa.
"Yes pa? What is it?" Tanong ko atsaka ibinaba ang kubyertos na hawak ko.
"You'll be taking care the rest house as well as the Mar Vista Resort starting Monday."
"W-what? Why?" Bakit ako? Akala ko ba ay uuwi kami ngayong araw?
"You'll be graduating supposedly next month right? Your titos and titas need to go back to Manila dahil mayroon silang daan-daang empleyado na may pamilyang kailangang pakainin, they need to be there as soon as possible. Sa inyong magpipinsan ay kayong dalawa lang ni Jonathan ang may background sa business at lahat ng iba niyo pang pinsan ay minor pa lamang."
"So?"
"So ikaw ang maiiwan dito sa Pangasinan. Take it as your training ground." Damn, gusto kong tumutol pero wala akong magagawa. Mukhang nakapagdesisyon na si papa base sa ekspresyon na ipinapakita nila. Naiintindihan ko naman kasi ang buong angkan namin ay kinabibilangan ng mga negosyante, si papa lang ang nag-pursue ng engineering sa kanilang magkakapatid pero napangasawa niya si mama na isa ring nagpupursue ng pagnenegosyo. Bilang ikalawang panganay sa aming magpipinsan ay ako lang ang maaasahan nila sa gan'tong bagay dahil may negosyo din na inaatupag si kuya Jonathan sa Manila. Nakaleave rin ang general manager dito sa Mar Vista dahil namatayan ito kaya ilang araw na ring inaasikaso ni tita Liza itong resort. Hindi siya pwedeng mag-stay dito ng matagal dahil kailangan pa niyang imonitor ang iba pa nilang resort sa ibang lugar.
Bakas sa mukha ng mga tito, tita, at pati na rin si mama ang pag-aalala at the same time ay ang mukha na nagsasabing "Pumayag ka na, alam naming kaya mo ito." Napairap na lang ako sa kawalan. Damn, ang hirap magkaroon ng mga kamag-anak na negosyante, sobrang busy sa buhay. Kung hindi ko lang sila mahal nakuu.
"Fine." Sagot ko kay papa atsaka siya inirapan. Well, hindi na rin masamang maiiwan ako dahil makakapag-photoshoot pa ako at makakalanghap pa ng fresh air habang walang pasok. Kita ko ang tuwa sa mukha ni papa at ng mga tito at tita ko dahil sa sinabi ko.
Gusto din mang magpaiwan ng iba ko pang pinsan ay hindi sila pinayagan ng mga magulang nila. So final na, ako ang maiiwan. Good luck self, kaya mo 'to!
~
"Mamimiss ka namin ate Abby. At sana all talaga mag-iistay dito sa Pangasinan." Naiiyak na sabi ni Andrea. Natatawa ako sa kaniya dahil kahit anong pilit niya kay tita Liza ay hindi siya pinayagang mag-stay dito kahit hindi na siya minor dahil wala naman daw siyang background sa business kaya heto siya ngayon at ang haba ng nguso habang papasakay ng van. Pakiramdam ko rin ay maiiyak ako dahil kinakabahan ako kahit na alam ko ang gagawin sa business.
"Mamimiss ko rin kayong lahat. At dahil maiiwan ako, mag Peak-A muna tayong lahat!" Kita ko ang hindi pagsang-ayon ng mga nakatatanda. Halu-halo naman ang reaksyon ng mga pinsan ko, may natutuwa at mayroon namang hindi. At dahil sa sitwasyon ko ay pinagbigyan nila ako.
Hindi naman mahirap ang steps dahil sikat naman na sayaw ang sasayawin naming lahat, Budots Dance. Kahit napipilitan ay napapasayaw ko pa rin ang buong angkan ko. T*ang*n@ laughtrip lalo na ang mga nakakatanda, hindi ko alam kung nagbubudots pa sila o nag-chichicken dance pfft.
Nagboluntaryo si Rigel na siya ang kukuha ng video gamit ang camera niya. Syempre kasama rin siya dahil isasama niya daw ito sa ginagawa niyang vlog.
Nang matapos ang video ay nagsitawanan kaming lahat, nagkakantsawan dahil sa paraan ng pagsayaw. The family that budots togethers, stays together. Damn, napangisi ako dahil sa naisip ko nanaman.