Chapter 9:
Abby's POV:
"Naku maraming-maraming salamat sa inyo iho at iha, malaking tulong ito sa barangay kahit na wala pang nagpo-positibo dito sa lugar natin." Tuwang-tuwa si kapitana Madison nang makita ang isang kahong face mask na ginawa namin ni Rigel. Gusto niya daw sanang makipag-kamay sa amin ngunit iniimplement na dito sa barangay ang social distancing kaya hanggang kaway at pagyuko ng ulo na lang daw muna sa ngayon.
Nalaman din namin kay kapitana na itong barangay Asuete pala ang pangatlo sa pinaka-dulong barangay dito sa bolinao. Ang pangalawa at una sa pinakadulong barangay ay kakailanganin mo munang sumakay ng bangka para makarating doon. Beneficial daw ang mga mask na ginawa namin dahil ginawang temporary market ang covered court ng barangay Asuete kaya't dumadayo dito ang mga ibang taga karatig barangay upang hindi na sila pumunta ng bayan.
"Walang anuman po kapitana, it's our pleasure to help po." Nakangiting sagot ko.
"You can always call for us if you need a lending hand and we'll be there asap." Mas lalong lumiwanag ang ang mukha ni kapitana dahil sa sinabi ni Rigel.
May inutusan si kapitana upang kumuha ng litrato naming tatlo. But still, we followed the social distancing that's why para kaming magkakaaway na nakangiti sa litrato dahil sa one meter away na pagitan namin sa isa't-isa.
~
"Hindi pa ba natatapos 'yang vlog mo?" Out of nowhere kong tanong kay Rigel habang binabagtas namin ang daan pauwi ng rest house. Isang kilometro ang layo ng barangay hall mula sa rest house kung kaya'y kailangan naming lakarin ito. Mabuti na lang at hindi masyadong maaraw ngayong araw kung kaya't malaya kaming nakakapaglakad nang hindi masyadong pinag-papawisan.
May mangilan-ngilan rin kaming nakikitang mga taong naglalakad na sa tingin ko ay mamamalengke dahil sa mga dala nilang bayong.
"Hindi lahat ng shinushoot ko ay sinasama ko sa vlogs. It's like making a 15-20 minutes video clip from a five hours video. I just need to include important things and dispose those unecesary in order to have a precise and specific content. But of course, I do save some clips for documentation and remembrance." Sagot niya habang pinapanuod ang video na shinoot niya kani-kanila lang gamit ang kaniyang mirrorless camera.
"Oh I see. Eh gaano ka kadalas mag-upload ng video?"
"I upload videos atleast once a month or once in two months because I need to think really hard about what should be my next content. I want to satisfy my viewers, I don't want to disappoint them. That's why I need to make every content unique from the others. Actually, I only post 1 video out of 5 that I made."
"Damn, mahirap pala talaga ang maging vlogger."
"Not really, for me. Video making is my passion that's why I studied computer animation to have a broader knowledge and skills. Vlog video making is easy but it takes a lot of effort to make a good one. I don't do full time jobs that's why I have the time to do vlogs. I'm a part-timer in some companies."
"In short, you're living your life." I want that life too. Buti pa siya he's living his life to the fullest while here I am, still wondering kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay, ni long term goal ay wala pa ako. Pero isa lang ang alam ko, I love serving other people that's why I took Business Management Degree, to help people, organizations, environment, and the economy.
"Yes I do. But there's always a limitation in everything." Tatanungin ko pa sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero inumpisahan na niya ulit magshoot ng video.
~
Today is the day of judgement. Charot! Pero totoo nga, ngayon ang araw kung kailan malalaman ang magiging resulta ng Peak-A couple event.
Tapos na ang elimination round kahapon which is the top 50 na kung saan ay nakasama kami.
Habang nagbabago ang mga numero ng votes ay pabago-bago rin ang nararamdaman ko. Minsan ay masaya kapag nakakahabol kami at minsan naman ay kabado kapag nadedehado.
Ang 50% ng magiging resulta ay mangagaling sa judges and the other 50% will be coming from the Peakers sa loob at labas ng bansa.
Live naming napapanuod ang votation from the netizens pero hindi pa namin alam ang manggagaling sa judges dahil sasabihin lamang ito kapag tapos ng iannounce ang mga nanalo. May dalawang category ang event, local and international at sa oras na ito ay inaabangan namin ang resulta sa local category. Tatagal lamang ng 24 oras ang local voting at 72 oras naman for international.
"Bakit parang chill ka lang diyan? 'Diba dapat you should be the one na kinakabahan kasi you did almost all the works and effort para sa video." Para kasing wala man lang siyang pakialam sa magiging resulta ng pinaghirapan niya.
"I'm 90% confident with what we've done so I don't need to worry that much." Ani niya habang nakangiting nakatingin sa'kin.
"Bakit 90% lang? Nasa'n ang remaining 10%?"
"10% is for those who really did a great job. Those who did better than us."
"Papalakpakan na ba kita?" Natatawang tanong ko. I'm just impressed of what he had said.
I really adore those people na kahit alam nila sa sarili nila na magaling sila pero mas pinipili pa rin nilang magpaka-humble kaysa magyabang.
And Rigel is one of them, based on my research, Rigel is one of the top 10 animators worldwide at siya rin ang yougest of them all! Marami ang may hindi alam nito dahil hindi siya full-time worker sa kahit anong kumpanya at mas kilala siya bilang isang vlogger at Peak-A celebrity.
"Silly, I'm just stating the fact here."
"O'sige ikaw na. Ikaw na ang confident na humble." Ani ko habang pinapalakpak nang dahan dahan ang aking mga kamay. "Oh my gosh! Rigel look at that!" Nahampas ko siya dala ng pagkagulat ko sa nakita ko sa laptop.
"We're reaching the top." Bilib na bilib na sabi ko. Kanina ay nasa pang sampung place pa lang kami tapos ngayon ay nasa pangalawa na kami agad! Jusko, hindi ko kinakaya ito. Nakipag-chikahan lang naman ako kay Rigel ng sandali tapos hindi ko namalayang ang laki na pala ng pinagbago ng votings sa local.
"Yes we are." Nakangiting sabi niya nang may kislap sa kaniyang mga mata pero kalmado pa rin, samantalang ako ay parang bulateng nilagyan ng asin dahil sa pagka-tense.