Chapter 7:
Abby's POV:
"Oh pa'no ba 'yan anak, mauna na kami. Kayo na ang bahala sa isa't-isa ni Rigel ha." Hinagkan ako nila mama at papa ng mahigpit bago sila sumakay ng sasakyan. Pero bago ako bumitaw ng yakap ay bumulong ako kay mama, "Nakakainis kayo ni papa, hindi niyo sinabi na maiiwan pala si Rigel dito! Buong akala ko ay ako lang talaga as in ang maiiwan dito." Hindi ko mapigilang maluha habang tumatawa dahil sa kaisipang nagdrama-drama pa ako kanina sa kanila sa pag-aakalang wala talaga akong kasama maliban sa mga staff ng Resort.
"I-eexplain naman sa'yo ni Rigel mamaya kaya 'wag ka na sisimangot anak, mas maganda ka kapag nakangiti." Mas lalo naman akong napanguso dahil sa sinabi ni mama pero syempre medyo kinilig. Iba talaga kapag ang mga magulang mo mismo ang nagsasabi na maganda ka, kahit madalas hindi kapani-paniwala pero deep inside ay ang sarap sa pakiramdam.
Nang makaalis ang sinasakyan ng mga magulang at kamag-anak ko ay tumingin ako kay Rigel at pinaningkitan siya ng mata.
"I can explain okay?" Natutulirong sabi ni Rigel.
"Ay aba! Dapat lang na magpaliwanag ka dahil nandidilim ang paningin ko sa'yo Rigel. Nandidilim talaga." Gigil na gigil ako sa mga oras na 'to. Pinagtripan nila akong lahat! Sa kaniya pa man din ako naglabas ng hinanakit ko dahil sa sinabi ni papa na ako lang ang maiiwan dito mag-isa. Inalo-alo pa niya ako tapos heto naman pala siya at maiiwan rin kagaya ko!
Napakamot muna siya ng batok bago magsalita. "Actually, habang wala ka pa sa breakfast ay napag-usapan na ang tungkol dito. The plan is to make Jonathan stay here until the last day of community quarantine but unfortunately, hindi niya pwedeng maiwanan ng matagal ang business niya sa Manila. Ayaw talaga ng mga magulang mo na maiwanan ka dahil mag-isa mo lang so I decided to volunteer myself since cancelled na rin lang ang flight ko pauwi. Nakausap ko na ang parents mo na it's okay for me to be here. I'll stay here with you aking girlfriend and we'll take care of each other." Kumindat ito at saka ginulo ang buhok ko, agad kong sinampal ay kamay niya at inirapan siya.
"Edi sana sinabi mo na maiiwan ka, hindi yung hinayaan mo pa akong magdrama sa harapan mo saka mo sinabi sa akin. You fooled me!" Pinag-krus ko ang mga braso ko sa aking dibdib atsaka ulit siya inirapan. Ang sakit pala sa mata ang laging pag-irap.
"I'm sorry okay? Fooling you wasn't really my intention.
"Che! Ang dami mong alam, basta 'pag ikaw nabored dito 'wag na 'wag mo akong sisisihin dahil ikaw ang nagvolunteer sa sarili mo." Bago pa man siya makapagsalita inunahan ko na siya sa paglalakad. Narinig ko naman ang pagsunod niya sa akin at ang paghalakhak niya.
~
"BAAAAKS! I miss you na agad! Kung alam ko lang sana na makakansela ang pasok simula sa Lunes ay sumama na pala sana ako." Nagmamaktol na sabi ni Jackie habang pinapalo-palo ang unan niya.
"Oo nga, edi sana nasa Bolinao din kami ngayon kasama ka tapos nagpho-photoshoot tayo!" Nakangusong sambit naman ni Joyce. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa pagmumukha nila sa monitor ng laptop ko.
"Kayo kasi, sabi ko naman sa inyo na sumama kayo. Pero pinairal niyo ang katamaran niyo. Inichapwera niyo nga lang ako nung inaaya ko kayo. Pero I missed you both din." Nag-flying kiss pa ako sa monitor at umakto naman silang dalawa na sinalo ang kiss at inilagay iyon sa kanilang mga pwet, mga adik!
"Totoo naman kasi baks na busy kami that day eh sumakto naman 'yang invitation mo kaya hindi kami nakasama." Hays, sayang talaga kung nandito sila ay masayang-masaya siguro ako.
Mga isa't kalahating oras rin ang itinagal ng pag-uusap naming tatlo through video call. Marami kaming napag-usapan at isa na ro'n ang pag-iistay ko dito sa Bolinao kasama si Rigel. As expected ay pinaulanan nanaman nila ako ng tukso, kesyo baka daw magkatotoo na maging kami lalo na't isang buwan rin kaming magsasama but I insisted na malabo iyong mangyari dahil may girlfriend si Rigel sa L.A. Pinipilit nilang break na daw ang dalawa pero pinilit ko ring baka hindi 'yon totoo dahil wala pa namang confirmation galing sa dalawa. At kung totoo man ako wala na akong pakialam. Natapos ang aming pag-uusap nang tawagin na si Joyce ng mama niya na kakain na raw ng lunch.
~
"Saan sila pupunta?" Tanong ko kay Rigel nang makita kong may dala-dalang bag ang mga staff ng resort.
"Uuwi sila." Simpleng sagot ni Rigel atsaka tinulungan ang isang matanda na magbuhat ng bag. Sinundan ko siya habang palabas ng gate ng rest house.
"Ha? Bakit? Bakit hindi 'to nasabi ni papa sa akin? Ang akala ko ba ay maiiwan sila kasama natin?" Naguguluhan ako. Hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari.
Pinanlakihan ako ng mata ni Rigel. "I'm not going to volunteer as your apprentice kung may kasama ka dito." And it hit me. Damn, how could I forget about this? Of course, magkakaroon ng community quarantine ang buong Luzon kaya kailangan nilang umuwi. Karamihan kasi sa mga empleyado dito ay nanggaling pa sa iba't-ibang probinsya that's why they need to go home. Hindi rin pwedeng mag-stay dito sa resort ang mga taga dito din lang dahil may pamilya silang nangangailangan sa kanila.
Mga nasa tatlong 18 seater van ang kinasasakyan ng nga empleyado ng resort. Ihahatid sila ng van sa kani-kanilang mga terminal to make sure na safe silang makakauwi. Nagprovide na rin pala si tita Liza ng ticket nila mapa-bus man o eroplano para hindi na sila madelay sa pag-uwi.
"Mag-iingat po kayong lahat sa pag-uwi." Nakangiting paalam ko sa mga empleyado nang makasakay silang lahat sa van, gumanti rin sila ng kaway sa amin ni Rigel. Bakas sa mukha nila ang saya dahil makakapiling na nila ang kanilang mga pamilya at the same time ay natanggap na nila ang kanilang sahod para sa ngayong buwan at sa susunod na buwan. Kahit hindi sila makakapagtrabaho ay may maipang-gagastos sila for their necessities kahit wala silang trabaho. This is what I love about tita Liza and the company, hindi sila nagtitipid when it comes to their employees' salaries and benefits. They always give what their employees need and deserve.
~
Nang mga sumunod na araw ay mas lalong humigpit ang seguridad dito sa Barangay Asuete bunsod ng pinaiiral na community quarantine at nang lumaon ay naging enhanced community quarantine. Kahit ang pagpunta sa beach bay at sa mismong beach ay ipinagbabawal na ang pagpunta maliban na lang kung ikaw ay mangingisda dahil sila lamang ang pinapayagang pumalaot sa dagat upang mangisda.
Sa isang linggo namin dito ni Rigel ay naging abala kami. Kada umaga ay naglilinis kami sa buong rest house at sa resort, hindi kami masyadong nahihirapan sa paglilinis dahil wala naman kaming guest dahil nga nakahinto ang operasyon ng Mar Vista. Sa hapon naman ay nagdidilig kami ng halaman at naglilinis ng pool. At sa gabi ay pinagkaka-abalahan ko ang pagrereview ng mga financial statements ng aming kumpanya habang si Rigel naman ay abala sa pag-eedit ng kaniyang vlogs matapos niyang kumuha ng video every during daytime.