Chereads / Online It Is / Chapter 11 - Chapter 6

Chapter 11 - Chapter 6

Maaga pa lang ay gising na ang mga tao sa rest house upang magprepara para sa gaganaping debut ni Andrea mamayang gabi. Kaliwa't kanan ang makikitang palakad-lakad na tao, madalas ay ang mga naatasang mag-organize ng event.

Kanina ko lang din nalaman na nabili na rin pala nila tita Liza ang beach resort na katabi mismong nitong rest house, kaya pala ay naninibago ako kahapon nang makarating kami dito dahil ni-renovate ang interior as well as yung exterior design nito. Dito daw gaganapin ang debut party ni Andrea, kaya maaga pa lang ay sinisimulan na ang pag-aayos ng kung ano mang kailangang ayusin.

Simula kahapon ay hindi ko pa rin nakakadaupang palad si Andrea dahil naging busy siya sa pictorial para sa gagawing same day edit video. 

Kaniya-kaniyang pagpreprepara rin ang ginagawa ng mga kamag anak namin.  Ang mga lalaki ay tumutulong sa pag-aayos ng venue, at ang mga babae naman ay matic na pagpapaganda ang inaatupag. Kaya heto ako ngayon at nagpapalinis ng kuko, hindi na ako nagpalagay ng colored nail polish. Nagpalagay na lamang ng colorless polish dahil hindi ko sanay ang pagkakaroon ng makulay na kuko.

At dahil Hawaiian themed ang party, sinigurado ng aking mga tita na ang lahat ng babae na kamag-anak namin ay magiging flawless mamaya sa party. Gusto ko mang tumanggi ay alam kong hindi sila papayag na hindi nila ako kasama.

"Abby, nasabihan mo na ba si Rigel na siya ang magrerepresent sa tito Joel mo mamaya?" Tanong ni tita Marisa habang nasa kalagitnaan kami ng pagpapa-massage. Nasa isang business trip kasi si tito kaya hindi ito makakapunta, kung kaya'y nakiusap sila sa akin kung pwede ko raw bang kausapin si Rigel, kung pwedeng siya na lang ang magiging representative ni tito para sa 18 flowers dahil wala na rin silang mahanap na iba.

"Yes tita, sinabi ko na po sa kaniya at pumayag po siya." 

"That's great! Oh eh teka, nasaan nga pala ang kaibigan mo?"

"Ah isinama po nila tito sa venue para tumulong sa preparation."

"I see." Sagot ni tita habang tumatango-tango.

~

Pasado alas sais ay nakahanda na ang lahat. Nasa venue na ang mga bisita at hinihintay na lang na magsimula ang programa. Kakatapos lang din ng dinner kaya kaniya-kaniyang retouch ang mga tao sa paligid.

"Are you feeling okay? Nalalamigan ka ba?" Tanong ni Rigel habang nakaupo sa tabi ko, napansin niya siguro ang paghaplos ko sa magkabila kong braso dahil medyo nilalamig ako sa suot kong floral off-shoulder crop top na pinaresan ng high waisted floral skirt na halos umabot sa aking ankle. Kumbaga para siyang dress na 2 piece. Sa tabing dagat kasi ang venue, kaya ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin mula dito sa pwesto namin.

"Ayos lang ako, medyo maginaw lang, but I can manage." Bakas sa mukha niya na hindi siya masyadong kumbinsido sa sinabi ko, pero tumango na lang ito at sumimsim sa basong hawak niya na may lamang cocktail. Ngayon ko lang napagmasdan nang malapitan si Rigel, mula sa kaniyang medyo kulot na blandeng buhok, makapal na kilay, malalim na kulay tsokolateng mata, mapilantik na pilik-mata, matangos na ilong, mapulang mga labi, makisig na pangangatawan, at hanggang sa katamtamang kulay ng kaniyang balat, idagdag pa ang hawaiian outfit na mas lalong nagpa-fresh sa kaniya ngayong gabi. Masasabi kong isa siya sa pinaka-gwapong nilalang na nakilala ko, hindi ko na itatanggi dahil nasa harapan ko na mismo ang ebidensya.

Natigil na lang ako sa pagmamasid kay Rigel nang may lumapit sa kaniyang limang babae.

"Excuse me, Hello! Ikaw po ba si Rigel Petterson?" Tanong ng isang babaeng sa tingin ko ay kaibigan ni Andrea. 

"Yes, it' me. What can I do for you pretty ladies?" Sagot ni Rigel at humagikgik naman ang babae pati na rin ang apat pa niyang kasama.

"Oh my gosh! We are your fans po. Hindi namin ineexpect na makikita ka namin dito." Masayang sabi ng babae na mukhang anytime at hihimatayin sa sobrang saya. What would I expect? It's Rigel Nicholas Petterson that we're talking about here.

"Thank you ladies. It's such a pleasure to meet all of you too." Nakipag-beso siya sa isa-isa sa kanila. At nang matapos ay nakita kong bumulong ang isang babae sa babaeng nag-approach kay Rigel, at nagulat na lang ako nang mapatingin silang dalawa sa gawi ko habang nakangiti.

"Since once in a life time lang po ito, pwede po ba kaming magpapicture sa'yo? Tapos pagkatapos kay ate Abby na rin." Nahihiyang tanong ng babae. Napatingin sa akin si Rigel at tinanguan ko lang siya na nagsasabing siya ang bahala. Agad rumehistro ang saya sa kanilang mga mukha at naglabas ng phone ang isa sa kanila.  

Unang nagpapicture kasama ni Rigel ang babaeng nag-approach sa kanila at nagsalitan sila. Hanggang sa matapos sila ay gusto pa nilang magpapicture na lima kasama si Rigel. Nagboluntaryo na lang ako na magpicture since busy ang mga taong nakikipag-kwentuhan sa isa't isa. 

"Ate Abby, pwede rin po ba kaming magpapicture sa'yo? Yung parang gano'n kay kuya Rigel?" Ningitian ko sila at nagpapicture rin sila sa akin isa-isa. And for the last picture ay kaming dalawa daw ni Rigel kasama silang lima, ngunit walang kukuha ng litrato. Kaya ang ginawa ay nag-groufie na lang kami, ang naghawak ng cellphone ay ang babaeng nag-approach kay Rigel, samantalang napagigitnaan naman kaming dalawa ni Rigel ng apat pa na mga babae.

"Grabe, bagay po talaga kayong dalawa ate Abby at kuya Rigel." Nakangiting sabi ni Rose, yung babaeng nag-approach kay Rigel. Tumango naman ang apat niyang kasama, kung kaya't napainom ako ng cocktail nang wala sa oras. Ningitain ko na lang sila at gano'n rin ang ginawa ni Rigel. Magkukwentuhan pa sana sila nang innanounce ng emcee na magsisimula na ang program. Nagpasalamat ang mga babae at bumalik na sa kaniya-kaniya nilang table.

~

"Hi Andrea, happy happy birthday! Ang wish ko para sa'yo ay sana magkaroon ka ng masaya ka at maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay. Alam ko hindi na tayo masyadong nakakapag-bonding dahil busy tayo sa kaniya-kaniya nating buhay, pero tandaan mo na love na love kita. More Pick-A duets to come and God bless." Masayang sabi ko habang hawak ang kandilang may sindi.

"Aww, thank you ate. I love you too so much." Naluluhang  sabi ni Andrea at saka kami nagyakapang dalawa, my gosh, how I missed her.

"Night out tayo ate after ng graduation." Nahampas ko siya ng mahina dahil sa sinabi niya. 

"Silly girl. But yes sure!" Saka ako bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya at nakilinya sa iba pang naunang 18 candles.