Chereads / Online It Is / Chapter 6 - Chapter 3.5

Chapter 6 - Chapter 3.5

Nagising ako dahil sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Dang, biglang kumalam ang sikmura ko pagkamulat ko pa lang ng mga mata ko.

Time Check: 9:37 a.m

Napahaba din pala ang tulog ko. Naghilamos muna ako bago bumaba, at totoo nga, hindi panaginip ang nangyari kagabi. Nandito nga talaga si Rigel sa pamamahay namin. 

Mula dito sa hagdan ay rinig ko na ang masiglang boses ni Rigel.  Sino naman kaya ang kausap niya?

Oh I see, nag-vvlog pala siya. That explains the tripod na may camera sa kaniyang harapan. Minabuti ko munang mag-stay sa isang tabi kung saan ay hindi niya ako nakikita, pero nakikita ko siya.

"And these are our finished product. So what we have here for brunch are my homemade fried rice, fried eggplant, omelet, and reheated remaining chicken joy from last night. Abby said she was still full, that's why she didn't have it last night. I kept it in refrigerator because she might want some later. And of course, I also prepared some fresh fruit juice, milk, and a coffee cause I don't really know what beverage does she prefer for brunch."

Dang, alam kong magaling siyang vlogger. I've watched some of his vlogs, at masasabi kong iba ang hugot niya sa mga viewers. There's something about his vlogs na mag-uudyok sa'yo na panuorin pa ang iba pa niyang videos nang hindi ka nagsasawa. Kahit ulit-ulitin mong panuorin ay hindi ka mauumay. Maybe bacause of his editing skills? Anggulo ng camera? O pwede rin siguro yung effectiveness ng pakikipag-communicate niya sa kaniyang mga viewers. 

Pero masasabi kong mas magaling siya sa personal. I mean, magaling siya sa harap ng camera, pero mas magaling siya sa likod nito. It's like he's putting his heart onto it. Bawat binibigkas niyang mga salita ay tila ba isang musikang nanghaharana sa bawat tainga ng kung sino mang nakakarinig nito. 

Hindi muna ako umalis sa aking pwesto at ipinagpatuloy ang panunuod sa kanya.

"Since I made all of these, I decided to name it after me." Mas lumapit pa ako ng kaunti, sapat para mas marinig ko ng klaro ang kanyang sasabihin. 

"Let's start with fried rice. I decided to name it Sinangag ni Rigel." Napangisi ako dahil sa narinig. Ano ba naman 'yang ipinangalan niya, napaka-creative sobra. Note the sarcasm. Medyo baluktot ang pagkakasabi niya sa tagalog term pero pwede na.

"Next is the Talong ni Rigel." Pfft. Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi makagawa ng anumang ingay.

"The third one is Ang Itlog ni Rigel." Wtf? Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya?

"For the reheated chicken joy, I decided to name it Manok ni Rigel." Nababaliw na siya at pati ata ako ay mababaliw na rin sa mga lumalabas sa bibig niyang mga salita. Alam niya ba kung ano ang pinagsasabi niya?

"And lastly, for the beverages, I decided to name each of them as Kape ni Rigel, Gatas ni Rigel, and the last one is the Katas ni Rige--"

"T*NG*N@ MO KA RIGEEEEEL!"

"What the--?!"

Hindi ko na napigilan ang paglabas ko sa aking kinappwestuhan at ibinato ang slipper ko na sumakto naman sa kaniyang ulo. Dang, headshot!

"Naku Rigel, 'wag kang lalapit sa akin. Ilayo-layo mo muna sa akin 'yang pagmumukha at makasalanan mong bibig dahil nandidilim ang paningin ko sa'yo. Sobrang nandidilim!" Pasigaw kong bulong sa kaniya, tila ba'y gigil na gigil habang hinihimas ang aking sentido. Jusko! Hindi ko kinakaya ang mga lumalabas sa bibig niya. Lumayo naman siya sa akin, pero agad ding lumapit matapos niyang kunin ang kaniyang camera at itinutok ito sa akin. Dang.

"Ilayo mo nga sa akin 'yang camera Rigel, ano ba!" Pagsusungit ko habang itinutulak palayo sa mukha ko sa ng camera niya.  

"Hey peeps! It's aking girlfriend! She's already awake, but seems like she's not in the mood right now. But still, I wanna greet her good morning aking girlfriend!" Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sinabi niya, parang biglang umakyat ulit sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan! Aking girlfriend. Bakit ang sarap sa pandinig ng mga salitang 'yan? 

Nakabalik na lang ako sa aking huwisyo nang bigla niya akong inakbayan saka ginulo ang aking buhok. Agad ko siyang itinulak at saka kumuha ng baso at tubig sa ref na agad ko inisang lagok.

Nakita kong pinatay na ni Rigel ang kaniyang camera at ipinatong ito sa lamesa. 

"Hey what's wrong?" Nag-aalalang tanong niya. Jusko ako pa talaga ang tinatanong niya? Kung ibuhos ko kaya sa kaniya 'tong hawak kong pitsel na may lamang tubig.

"Alam mo ba kung anong pinagsasabi mo kanina sa harapan ng camera mo?" Nakapamaywang na tanong ko.

"Of course, the names of my home-made brunch just for you. Yieee!" Saka siya agad kumuha ng mga kubyertos at iginiya ako na umupo. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako anytime jusko!

"Hindi pa ako gutom--" Dang. Charot lang pala. Ayaw makisama ng tiyan ko at ibinuking na ako. Gutom na talaga ako.

"Haha hindi ka gutom sa lagay na 'yan?"

Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa kaniyang pagtawa ba o sa pananagalog niya. Both ata. Sinandukan niya ako ng sinangag na kanin pati na rin ng ulam. I whispered "thank you" bago sumubo ng pagkain.

"Charot lang yo'n noh.  Tsaka marunong ka pala magtagalog, eh ba't english ka ng english simula kagabi?" Alam kong nakaka-intindi siya ng tagalog, pero hindi ko alam na nakakapagsalita rin siya!

"Oh sorry 'bout that. I took an online filipino class last year that lasted for six months. It just ended up last month. Matagal ko na kasing pinaplano ang pagpunta dito sa Pilipinas, that's why I decided na pag-aralan muna ang salita dito for me not to get lost 'pag pumunta ako dito." 

"Oh I see." Grabeng effort din pala ang ginawa ng mokong. "Tsaka ano, sorry din pala dahil sa ginawa ko kanina, yung pagbato sa'yo ng slipper. Ayan tuloy nasira ang vlog mo." Puno ng sinseridad na sabi ko. Pero deep inside ay natatawa ako kasi naiisip ko yung reaksyon niya nang matamaan siya ng slipper, napaka-priceless.

"It's okay haha, I don't really mind kasi hindi naman gano'n kalakas at kasakit. But what's the reason why you did that?" Dang, ano'ng sasabihin ko? Sasabihin ko bang iba ang naiisip ko dahil sa mga term na ginamit niya? No, hindi pwede, hindi ko pwedeng sabihin 'yon at baka mapagkamalan pa niya akong manyakis.

"Ahh wala wala. Isipin mo na lang na nagpapatahimik lang ako ng makasalanang bibig." Saka ko siya ningitian ng pagkatamis-tamis. Nangunot naman ang ulo niya dahil sa sinabi ko. "May pupuntahan ka ba mamaya?" Paglilihis ko ng usapan.

"I don't have any plans for today. Well, except for editing my vlog. It's a bit messy so I'm gonna do something para luminis. How 'bout you? May lakad ka ba ngayon?"

"Ahh oo. May pasok ako ngayon. Magpapapirma ng clearance." 

"You want me to fetch you later?"

"N-no! I mean, no need. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Tsaka 'diba aayusin mo pa yung vlog mo?"

"You're right. Pagkatapos mong kumain ay mag-ready ka na para sa pagpasok at ako na ang bahala magligpit ng mga pinagkainan."