Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Online It Is

🇵🇭kylnxxx
102
Completed
--
NOT RATINGS
247.8k
Views
Synopsis
(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Ayan Abby! Sige pa! Pose lang ng pose!"

*Click* 

"Okay, good!"

*Click*

"Awrahan mo lang!"

*Click*

"Nice one girl! Oh ngiti ka naman!"

*Click*

"Sige ganiyan lang, pak na pak!"

*Click*

"Ahh, bongga!"

*Click*

"Damn girl, ang ganda mo!"

*Click*

"Okay, that's enough baks. Oh heto, mag tubig ka muna." Sabay abot sa'kin ni Jackie ng bottled water matapos ang isang oras na photoshoot. Nakakapagod magpose jusko! Mapanakit teh!

Ang sakit buong katawan ko ugh.

"Thanks baks." Pagod pero nakangiting sagot ko sa kaniya. After kong uminom ng tubig, inabot naman niya sa akin ang dslr niya at saka ko sinipat ang mga litrato ko mula dito.

Hmm, well, hindi na masama. Maganda ang lighting at mukha akong fresh na fresh, mas fresh pa sa buko juice na binebenta sa harap ng simbahan.

"Ito rin Abby, kainin mo 'tong binili kong palitaw just for you." Inabot rin ni Joyce ang dala niyang paper bag na may lamang palitaw.

Arghhh, nakakapanglaway naman 'to.

At dahil sa pagod at gutom, dali-dali kong ibinaba ang dslr at sinunggaban ang palitaw na dala niya.

"Oh dahan dahan lang girl baka mabulunan ka--- OMG! Ayos ka lang girl?! Sabi ko naman sa'yo dahan dahan ka lang eh, ayan sige napakapatay gutom mo kasi hahahah." Agad lumapit agad sa'kin si Jacky at Joyce nang makita nilang bigla akong inubo. Sabay nilang hinimas ang likod ko habang ako naman ay 'di na alam ang gagawin dahil 'di ako makahinga.

Shet talaga! Ang sakit sa dibdib.

Nang mahimasmasan ako ay nag-abot ulit sila sa akin ng bottled water. Napakaswerte ko talaga dito sa mga kaibigan ko, napaka-supportive talaga nila sa'kin ever! 

~

"Oh pa'no ba 'yan baks, uwi na kami ha. Kita ulit tayo bukas kaya kumain ka ng mabuti, 'wag papalipas ng gutom. May natira pa namang pagkain kanina na niluto natin kaya ipainit mo na lang 'yon if ever na hindi makakauwi sila papsi at mamsikels mo." 

"Yes naman baks, 'wag kang mag-alala. Ingat kayo sa pag-uwi ha, see yah!" At saka kami nagbeso bago sila sumakay ng pampasaherong jeep pauwi sa kanila.

Hays, alas siyete na pala ng gabi, ang bilis ng oras. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko. 

Bago pa man ako makapasok ng bahay ay nakarinig ako ng busina mula sa tapat ng gate namin. Alam ko kung kanino ang tunog ng businang 'yon.

Yay! Nandito na sila mama at papa. Kada weekend lang kasi sila kung umuwi sa kadahilanang hands on sila sa family business. Hindi ko ineexpect na makakauwi sila ngayong weekend sapagkat umuwi na rin sila dito last wednesday, well, hindi na 'yon ang mahalaga. Ang importante ang umuwi sila ngayon yay!

Dali-dali kong binuksan ang gate namin para makapasok na sila. At sa kamalas-malasang pagkakataon ay nahawi ang mukha ko ng tusok ng bougainvilla na nakatanim sa gilid ng gate namin. Aish! 

Ipinasawalang bahala ko na lang ito at agad na nagmano kila mama at papa pagkababa nila ng sasakyan.

"Oh anak, ganda natin ngayon ah." Pang-aasar ni papa sa akin at saka ginulo ang buhok ko.  

"Pa naman eh, pinaghirapang ayusin 'yan ni Jackie tapos guguluhin mo lang!" Maktol ko habang nakanguso. Kainis talaga 'tong si papa gustong-gustong pagtripan buhok ko. Lagi na lang gan'to kapag darating sila hmmp!

"Oo nga naman Daddy, lagi mo na lang pinagtitripan 'tong nag-iisang anakis natin. Tignan mo oh dalaga na siya, hindi na siya baby kaya ikaw tigil-tigilan mo 'yang mga pantitrip mo sa kanya." Pagtatanggol ni mama sa akin habang inaayos ang pinamili nila mula sa supermarket. Aww I love you mama.

"Thank you mama! Ito kasi si papa galaw ng galaw ng buhok ko hmmp!" Pabirong tampo ko. Agad namang lumapit si papa sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Arrghhh, pa naman! Hindi ako makahinga hahahaha ayyy 'wag diyan pa nakikiliti ako ano ba hahahah."

Agad din namang tumigil si papa sa pangingiliti sa akin at bumitaw sa pagkakayakap. "Oo nga pala, dalaga na ang baby girl ko. Hindi ko na magawa ang mga panlalambing ko kasi sa ibang lalaki na siya naghahanap ng lambing, sa boyfriend-"

"Papa naman ehh! Wala nga kasi akong boyfriend duh. Tsaka kung gusto mo ng baby, ayan si mama oh gawa kayo bagong baby para may little brother or sister na ako." Agad namang napatingin sa akin si mama at pinaningkitan ako ng mata, habang si papa naman ay nakangisi ring nakatingin kay mama.

"Pa'no ba 'yan mommy, gusto ng baby damulag natin na magkaroon ng kapatid." Makahulugang sabi ni papa kay mama.   

"Naku kayong dalawa talaga! Tigil-tigilan niyo ako ha, at baka kayo'y malintikan." Namumulang sabi ni mama saka umalis dala ang mga gulay na binalatan niya para iluto.

Nag-high five naman kami ni papa at saka na ako pumanhik papuntang kwarto. Naisip ko lang, hindi pa naman gano'n katanda sila mama at papa para magkaroon ng bagong anak dahil 39 years old pa lang si mama samantalang 40 years old naman si papa. Disi-otso anyos si mama nang ipinanganak ako, kung kaya'y maagang bumukod sila mama at papa mula sa kaniya-kaniya nilang pamilya. Sabi nila, mahirap daw sa umpisa dahil nag-aaral pa lamang sila nang dumating ako sa buhay nila, pero hindi iyon naging hadlang para maabot nila ang mga pangarap nila. Sinusuportahan pa rin naman sila ng mga magulang nila minsan, lalo na sa mga pangangailangan ko. Kahit hindi gusto nila mama at papa na makatanggap ng suporta dahil pakiramdam nila ay responsibilidad na nila 'yon bilang magulang ko, ay tinanggap pa rin nila ang ibinibigay ng mga lolo at lola ko dahil my grandparents insisted to do so. Pa'no ba naman, parehong malandi sila mama at papa at parehas din silang marupok jusko, kaya ayon nga ang nangyari, napaaga  ang pag-welcome sa akin sa mundong ibabaw. Ang landi din kasi ni mama at papa noong kabataan nila, jugjugan nang jugjugan kahit walang proteksyon. Maygahd!

Dahil sa sipag at tiyaga, nakapagtapos pa rin sila ng pag-aaral at nakapagpatayo sila ng maliit na negosyo, at sa paglipas ng panahon ay unti-unti itong lumaki. Kung kaya't napakaswerte ko dahil sila ang naging magulang ko, kahit na busy sila sa trabaho ay hindi naman sila nagkulang sa pagmamahal at pag-aaruga sa akin. Hindi nila ako tinuring na hadlang, kundi isang biyaya at inspirasyon para mas maabot pa nila ang kanilang mga pangarap.

I wanna be like them someday, but not on the "jugjugan" at "maagang pagkakaroon ng supling" part.  They are my inspiration kung kaya'y nagsusumikap ako sa pag-aaral at sa career ko. Gusto kong matupad ang mga pangarap ko and make them proud of me someday.  Lahat naman siguro ng anak ay iyan ang gustong mangyari.

Nang makarating sa kwarto agad kong chineck ang kaka-upload ko lang na video kanina sa isang video-sharing social networking app na Peak-A. Napangiti naman ako nang makitang may 50k views, 25k hearts, at 10k shares na agad ang ginawa kong duet video kasama ang aking online boyfriend na si Rigel.

Yes, tama kayo ng basa. Online boyfriend it is. Sa madaling salita ay jowa ko lamang siya sa online world, but not in the real world. 

Nagbasa-basa muna ako sa comment section habang hindi pa ako tinatawag nila mama para mag-dinner. 

"Wow! Dabes talaga kayo <3 #RigBy"

"More dance cover pleaaaase! Uwu"

"Shet iba talaga kapag kayo ang nagdadance cover, nagiging dance craze agad agad! #RigBy"

"Waiting for a song cover next time. Omg I kennat waiiit!"

"You guys should stop shipping them kasi may girlfriend si Rigel sa totoong buhay maygahd! Respeto naman sa tao oh."

"Matagal ng break si Rigel at ang girlfriend niya, huli ka na sa balita ghurl!"

Napahinto ako sa pag-iiscroll nang mabasa ko ang comment na nagsasabing break na si Rigel at ang showbiz girlfriend niya.  Well, bago pa man kami turingan bilang Peak-A couple ay may girlfriend na ito sa pagkakaalam ko. Kung totoo man na break na sila o hindi ay labas na ako doon since hindi naman "officially" na kami ni Rigel. It's just those netizens na nagbigay ng title sa amin as a social media couple. 

Dali ko namang itinabi ang phone ko nang marinig ko ang pagtawag ni mama sa akin hudyat na kakain na ng dinner.