Chereads / Online It Is / Chapter 2 - Chapter 1.5

Chapter 2 - Chapter 1.5

"Ayaw ko na girl! I swear, hindi ko talaga kaya." Pagmamaktol ni Joyce sa kalagitnaan ng pagtuturo ko sa kaniya ng nauusong dance craze ngayon sa social media na "Tala" ni Sarah G. 

"Ano ba girl. Nasa kalahati na tayo oh, ngayon ka pa ba susuko?" Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagod dahil kalahating oras ko na siyang tinuturuan, pero sadyang parehong kaliwa ang paa niya kung kaya'y nahihirapan siyang matuto, maski ako ay nahihirapang magturo. Pero ayos lang, ang mahalaga'y hindi ako naboboring sa isang oras naming vacant. May klase kasi si Jackie sa oras na 'to at parehas naman kami ni Joyce ng schedule para sa araw na 'to, kung kaya'y naisipan namin na tumambay na muna sa isang vacant room para magpalamig.

"Eh kasi naman girl, gustong gusto kong matutong sumayaw pero ayaw ng katawan ko, ayaw maki-cooperate ang lintik ugh!" Papadyak-padyak na sabi ni Joyce. Haynako nagtatuntrums nanaman ang magaling na loka.

"O siya, sige magpahinga muna tayo at naiistress na ang napakaganda kong kaibigan." Pang-aasar ko pa lalo sa kanya. Pinandilatan naman niya ako ng mata kung kaya'y mas lalo pa akong napahagikgik.

"Tigil-tigilan mo ako Abeyea Elle Dizon at baka ikaw ay aking hindi matansiya at malagas ang pinakamamahal mong buhok-- Oh my gosh! Oh my freaking goshness!" Agad akong napabalikwas nang biglang magtititili si Joyce habang tumatalon-talon na wari'y nanalo sa lotto ang loka. Tumayo ako at agad inagaw sa kaniya ang phone niya at tignan kung ano ang nakita niya't gano'n na lamang ang kaniyang naging reaksiyon. 

Pati ako ay napasinghap nang makita ko ang larawang nakatapat sa pagmumukha ko. Kaya naman pala halos mangiyak-ngiyak ang loka kasi nasa Pinas ang celebrity crush niya. Ayon sa caption sa instagram post ay kakarating niya lang kagabi kasama ang mga kaibigan niya para sa isang fan meeting na gaganapin sa isang mall. Wow, from Texas to Pinas ang nilipad para lang sa fan meeting.

Binalik ko rin agad kay Joyce ang phone niya at nang mahimasmasan siya ay muli nanaman siyang ngingiti na parang baliw habang pulang-pula ang mukha. Jusko, kaya walang jowa eh. Hopeless romantic ang loka.

"Abby."

"Oh?" Sagot ko habang naglalagay ng light lipstick sa aking labi nang hindi siya sinusulyapan.

"Samahan mo naman ako oh." Malambing na sabi niya. 

"Saan naman?" Tanong ko habang binabalik sa bag ang lipstick ko na galing sa isang sponsor.

"Fan meeting sa-" Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. 

"Nandiyan naman si Jackie, ba't hindi siya ang ayain mo? Alam mo namang ayo'ko sa matataong lugar." 

"Ehh, ayaw ko. Crush pa naman no'n si Jherwin my loves. Baka umeksena nanaman ang baklang 'yon." Natawa naman ako. Kahit kailan talaga, hindi matapos tapos ang agawan sa lalaki jusko. Pero hindi naman yung agawan na sulutan, kumbaga kung sino'ng nagiging crush ng isa ay siya ring nagiging crush ng isa. O'diba magkaribal ang mga eksena hahaha.

"Love mo, love ka ba?" Saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Oo naman!" Proud pa niyang sabi saka isinukbit ang buhok sa likod ng tainga. Kahit kailan talaga napaka-assuming ng lokang 'to.

"Assuming ka girl?" Inirapan niya lamang ako at saka nagmartsa palabas ng room. Napatingin ako sa wristwatch ko at napagtantong malapit na pala ang next class ko. Hindi ko na nahagilap si Joyce nang makalabas ako ng room kaya tinext ko na lang siya.

"Oo na, sasamahan na kita. Basta sagot mo foods and fare ha." Agad ko itong sinend at dumeretso na sa susunod kong klase.

~

"Sana all 100k likes!" Pumapalakpak na sambit ni Jackie habang nakangisi sa instagram post ko.

"Oo nga, sana all may sponsor hahaha!" Segunda naman ni Joyce at saka nila ako tinignan ng nakakaloko.

"Duh, syempre dahil iyan sa pagsisikap ng photographer at make-up artist ko. I love you guys!" Saka kami nagyakapang tatlo. "Eww, ang cheesy natin! Bitaw na nga!" Saka kami ulit nagtawanan. Dang, I'm so blessed to have them in sickness and in health.

Pinasadahan ko rin ang instagram post ko na kung saan ay ifinifeature ko ang isang denim shorts at cropped top mula sa isang clothing line. Well, hindi lang ako isang social media influencer, kundi isa ring part time brand ambassador.  But I don't belong to any talent agency sa kadahilanang ayaw kong maistress masyado. Gusto kong makapag-focus sa pag-aaral habang past time ko lang ang pagiging isang influencer at ambassador. It's like hitting three birds with one stone. 

I have almost 500k followers on instagram, 800k followers naman sa aking real account sa facebook, 50k followers din sa private account ko sa twitter, and five million followers on Peak-A. Hindi ako artista na napapanuod sa television, pero napapanuod naman ako sa social media. Wala akong youtube channel dahil wala naman akong icocontent. Hindi ako gano'n kacreative para gumawa ng mga videos like those famous vloggers out there. Baka magmukha lang akong tanga.

Sa Peak-A at Instagram naman ako active na nagpopost. Short videos sa Peak-A at mga larawan naman sa instagram.

Unlike other famous people out there, hindi ako yung tipo na nagpupunta sa mga mall shows or fan meeting. As I have said, hindi ako hawak ng kung kaninong agency. 

Hindi ako kumikita ng malaki sa pagiging brand ambassador at pagiging social media influencer ko. Nagpoprovide ng product sa akin ang nga sponsors at company at bilang kapalit ay ieendorse ko ang mga product nila. Pero siyempre namimili rin ako, hindi pwedeng porket may nag-alok sa akin ay sige lang ako ng sige. I have to examine first the product, kung high quality ba ito, kung magagamit ko ba, kung may pakinabang ba, kung legit at hindi ito fake etc. Madalas ay si Jackie at Joyce ang nakikinabang sa mga produkto lalo na pagdating sa mga pang-kolorete sa mukha mula sa mga mapagkakatiwalaang kumpanya. Ayaw kong nag-iindorse ng mga gamit na mapanlinlang. Ayaw ko masira ang image ko. Naks! May pa-image ka girl? Hahahah.

Sa Peak-A naman ay kumikita rin ako ng pera ngunit hindi rin naman gano'n kalakihan. Buwan-buwan akong nakakatanggap ng pera mula sa kumpanya ng Peak-A, kapalit no'n ay ang pagiging active ko sa pagpost ng videos. Para lang siyang sa youtube wherein ang ibibigay sa'yong pera ay depende sa dami ng viewers mo. Hindi naman masyadong big deal sa akin iyon dahil libangan ko talaga ang paggawa ng videos sa Peak-A. Nagsimula lang akong makatanggap ng pera nang makatanggap ako ng square bronze plate mula sa Peak-A na nagpapatunay na mayroon na akong 500k followers, na isa na akong celebrity dito. Saka na lang ulit ako makakatanggap ng bagong plate 'pag nareach ko na ang 10 million followers na sa tingin ko ay matagal-tagal pang panahon bago ko ito makakamit.

Kada buwan ay may dumidiretsong pera sa bank account ko galing Peak-A na siyang mas lalong nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang gumawa pa ng gumawa ng videos. Natitreat ko sila mama at papa, minsan naman ay nalilibre ko ang mga kaibigan ko. Pero siyempre, ang mga followers ko talaga ang nagbibigay sa aking ng inspirasyon sa paggawa ng videos, isama na rin ang mga bashers ko. Instead na ma-down ako dahil sa mga paninira nila, ay ginagawa ko na lang itong inspirasyon to make myself a better person. Wala naman kasi akong mapapala kung papatulan ko pa sila. Hindi nila ako kilala so why would I care sa opinyon nila? 

*Ting!*

Agad kong dinampot ang cellphone ko nang may nagpopped-up na notification sa screen nito.

"@RigelPetterson just made a duet with your video! Tap to play."