Chereads / Online It Is / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"Bilisan niyo! Napakabagal naman eh, mahuhuli na tayo. Bilis takbo! Konting kembot na lang mga bakla!"

"Jusko bakla! Pinaglihi ka ba sa kabayo at napakabilis mong tumakbo? Heto na nga oh binibilisan na, hindi naman kasi kami kagaya mong patay na patay diyan kay Jherwin. Kaya ikaw ang mag-adjust my gosh!" 

Kanina pa nagbabangayan si Jackie at Joyce habang binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA. Ngayon kasi ang araw kung kailan magaganap ang fan meeting ng ultimate crush ni Joyce na Vlogger na si Jherwin Richards. At sa kamalas-malasan ay natsambahan pang nasiraan ang taxi na sinasakyan naming tatlo kung kaya'y no choice kami kundi magmanu-mano. Wala na din kasing masakyan na taxi dahil rush hour. Actually, dapat nagkaklase na kami ngayon, pero heto kami at sinusuportahan ang aming beloved friend sa pagkikita nila ni Jherwin. 

"Edi umuwi ka na! Sino ba kasing nagpumilit na sumama ka ha?  Hindi na nga kita sinasama kasi alam kong crush mo rin si Jherwin. Ikaw lang naman 'tong nagpumilit na sumama tapos ngayon nagrereklamo ka? Ayos ka lang girl?" Gigil na angil ni Joyce. Kamusta naman kaya ako na kanina pa nila kinakaladkad hays.

"Duh, for your information matagal na akong nakaget-over kay Jherwin kasi may bago na ako. Sa'yong-sa'yo na si Jherwin hmmp! Tsaka ikaw na nga 'tong sinusuportahan tapos ikaw pa 'tong nang-aaway! Ayos ka lang girl?" May diing sagot naman ni Jackie.

"Alam niyo mga bakla, kung ako sa inyo tumakbo na lang kayo. 'Wag na kayong magreklamo. Bakit itong kanina niyo pang pangangaladkad sa'kin, nagreklamo ba ako kahit ang sakit na? 'Pag ako nainis hindi na ako sasama at magkaklase na lang ako." Napatahimik naman silang dalawa at inirapan ang isa't-isa. Binitawan na rin nila ang magkabilaan kong palapulsuhan na namumula. Dahil gigil na gigil na ako, inunahan ko na lang silang tumakbo. Bahala na kung sino ang mga nababangga ko, ang mahalaga makarating na kami agad sa mall nang makapagpalamig na dahil hindi ko na kinakaya ang init!

Nang makarating kami sa venue ay expected na naming maraming tao. At dahil yayamanin ang aming friendship, may VIP pass kaming tatlo para sa event. Sakto lamang ang dating namin dahil magsisimula pa lang ang event. Kaniya-kaniyang upo na kami sa aming assigned seats habang hingal na hingal na wari'y nakipagkarera which is slightly true. 

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay ding nagtawanan. Kaloka, hindi madali ang naging paglalakbay namin papunta rito.

Nang lumabas ang isang tao, which I think ay si Jherwin, halos gumuho ang venue dahil sa dumadagundong na sigaw at tili ng mga tao. Agad ko namang tinakpan ang aking tainga at hindi na nakipagsabayan pa sa mga nagsisigawan. I remained silent while sipping my Monster sized blueberry float na binili ko pa sa Mcdo bago kami pumanhik dito sa venue. Kinagatan ko rin ang burger na hawak ko at 'di inalintana ang ingay sa paligid.

Dang, how I hate crowds. But it's a good thing na nakapag-pareserve si Joyce ng VIP seats para sa amin at talaga nga namang swerte niya dahil nakuha niya ang front seat, that's why I don't need to stand anymore just to see what's going on the stage.

Inayos ko ang cap na suot ko nang masagi ito ng nasa likuran ko at muling itinutok ang pansin sa harap.

So, this is Jherwin Richards. Well, I can say na he's more matured looking sa personal compared sa nakikikita ko sa Peak-A. He's a celebrity there too, madalas ay kasama niya ang mga barkada niya sa paggawa ng videos, at kabilang na do'n si Rigel. 

Jherwin has this mexican aura that every girls would think of it as a worth dying for, well, except me. He's not my type kahit na sabihin na nating he's one of the heck kind of handsome guy. Blonde hair, matangos na ilong, beautiful smile and his "oh so beautiful British english accent." 

Nang pababa siya ng stage habang kinakanta ang requested song ng isang audience na Buttercup by The Foundation, ay nagsilabasan ng mga cellphone ang mga audience at kaniya-kaniya silang kuha ng mga litrato at video sa kanilang idol.

Pagkatapos ng ilang performance ay nagkaroon ng parang talk show sa stage, wherein the audience are free to ask any question na dapat ay masagot ni Jherwin.

"Do you have any plan on coming back here in Philippines in the near future?" Tanong ng isang babaeng audience na may hawak ng mic. 

Tumikhim muna si Jherwin bago sinagot ang tanong nang nakangiti. "Ah yes, of course! Who wouldn't think of coming back here if you guys are like this, very welcoming and it really melts my heart. It's like I'm inlove at first sight, you guys are so amazing." At nagsitilian ang audience kahit hindi gano'n kaklaro ang pagkakasabi niya dahil sa kanyang accent.

Hindi ko na masyadong inintindi ang talkshow dahil inaantok na rin ako, kaya napagdesisyunan ko munang sumandal sa inuupuan ko at ipinikit ang mata.

Naalimpungatan na lang ako nang makaramdam ako ng kalabit, at nang mamulat ako ay isang pares ng sapatos ang una kong nakita. Agad naman akong umayos ng upo at inangat ang paningin ko.

Laking gulat ko na lang nang makita si Jherwin habang nakatayo sa harapan ko habang may hawak ng microphone. Dang.

Siniko ako ni Joyce na siyang nasa gawing kanan ko at saka binulungan. "Girl, duet daw kayo sa stage ni Jherwin. Nakakainis ka, eksena ka nanaman!" Nakangusong sabi niya bago ako ipagtulakan kay Jherwin. "Sige na girl, gawin mo na lang 'yan para sa'kin." Nag-aalangan pa ako noong una, pero nang makita kong naglahad ng kamay si Jherwin ay dahan-dahan akong nag-abot sa kaniya ng kamay at gumiya sa stage.

Tae! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya hindi na nga ako umiimik, pero napansin pa rin jusko! 

Nang makaakyat sa stage ay mas lalong nagsigawan ang mga audience.

"What shoud we do now?" Pasigaw kong sabi sa tainga ni Jherwin para marinig niya ako.

"You know Lottery right?" Pasigaw rin na sabi niya sa tainga ko.

"Ah oh, the Renegade. I know it."

May binulong siya sa dj at agad naman itong tumango. Nagprepara na rin ako para sa sasayawin namin. Kinakabahan man, ay tinatagan ko pa rin ang loob dahil ayo'ko namang mapahiya yung tao sa harap ng mga fans niya, tsaka it's a great opportunity na rin 'to para sa akin dahil makakaduet ko personally ang isang sikat na vlogger at Peak-A celebrity.

Matapos ang isang minutong pagsasayaw kasama si Jherwin ay nagpalakpakan naman ang mga manunuod, at siyempre nagsisigawan rin.

"That was amazing!" Saka niya ako niyakap, a friendly hug.

"W-well, thanks." Nahihiyang sagot ko at saka akma na sana akong bababa nang hawakan niya ang balikat ko. "Do you mind taking a picture with me?" Mukha siyang nahihiya sa sinabi, maski ako ay nag-uumapaw na ang kahihiyan sa katawan sa putong ito. Tumango na lang ako bilang tugon.

"Someone's jealous back there." Then he chuckled while his arms are on my shoulder, nakakailang.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya, pero hindi niya ako sinagot, tinuro niya ang camera kung kaya'y wala na rin akong nagawa kundi ngumiti.

Matapos ang picture taking namin ay sumunod na rin ang ibang fans. Marami pa lang dumalo, I wonder kung hindi sumasakit ang panga ni Jherwin kakangiti sa camera. 

May mangilan-ngilan rin na magpa-picture sa akin na ang sabi'y ay tagahanga ko raw, kung kaya'y pinagbigyan ko na sila sa gusto nilang mangyari at nang wala ng gustong mapapicture ay bumalik na ako sa aking upuan.

Habang nakaupo, ay pinagmamasdan ko naman ang mga fans na nakapila upang magpapicture sa kanilang idolo. Siyempre, nangunguna ang dalawang loka na kulang na lang ay maghubad ng panty sa harapan ni Jherwin. Mukhang naiinip na ang ibang fans dahil ang tagal ng turn nilang dalawa, mukhang nagkakaroon pa sila ng talk show part 2. Napangisi na lang ako nang makitang ninakawan ng halik ni Joyce si Jherwin sa pisngi, haynako. Iba talaga ang tama nitong isang 'to.

"'Di ka pa ba napapagod kakangiti girl? Kahapon pa 'yang ngiti mo ah." Pagsisita ko kay Joyce habang pumapapak ng milo. Sabado ngayon at as usual, nandito sila ni Jackie sa bahay.

"Oo nga, hindi ka ba nauumay kakatingin diyan sa mga litrato ni Jherwin?" Nakangiwing tanong naman ni Jackie.

"Duh, never akong magsasawa sa baby loves ko as in never ever ever!" Napahawak na lang ako sa sintido ko. Pa'no ba naman kasi, hindi na namin makausap si Joyce nang matino dahil nando'n na lang lagi sa pictures ang atensyon niya. Jusko.

~

Zzt. Zzt. Zzt. Zzt. Zzt. Zzt. Zzt.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang sunod sunod na pag-vibrate ng phone ko. 6:47 pm, nakaidlip pala ako pagkatapos kong maglinis ng bahay. 

Today is sunday at mag-isa ko lamang dito sa bahay. Nasa trabaho sina mama at papa, at gaya ko ay nasa kaniya-kaniyang bahay sina Jackie at Joyce, so I decided to do household chores tutal ay wala naman akong masyadong ginagawa.

"@JherwinRichards tagged you in his video! Tap to play."