Annalyn Point of view
Maaga pa lang natulog na ako nauna na ako sa kanila hinatid na ni Larryl yung mga kupal na bisita niya lol. Pag akyat ay tinanaw ko sila sa may bintana ko pasakay na sila sa kotse nila infairness naman mga gwapo sila lalo na si Mike cute yung mata niya chinito kaso hindi ko type hindi ko siya agad feel.
Dahil wala naman na talaga akong gagawin, actually mayroon pero sa library na namin gagawin ni Angelica kaya matutulog na lang muna ako kaya naman nag ayos na ako tapos naghugas at nagpalit ng pantulog.
Pasimula na ako pumikit ng magulat na lang ako sa pagkatok.
"Be, gising ka pa ba?" Boses ni Jasmin
"Oo bakit?" Sigaw ko
"May iaabot muna ako sa'yo, buksan ko na pinto mo."
"Wait, naka lock na yan ako na magbubukas." Sabi ko sabay tayo sa kama ko.
Pagbukas ko nagulat ako sa hawak ni Jasmin na paper bag, magsasalita pa lang ako ng pumasok na siya at umupo sa sofa.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko
"Pinapaabot sa'yo, galing sa kuya mo." Sabi pa niya
"Eh? hindi ko yan alam." Sabi ko
"Malay ko sa kuya mo, anyway labas na ako ikaw toka bukas sa pagluluto." Sabi niya pa
"Oo alam ko, sige na alis na at inaantok na talaga ako e." Sabi ko
"Oo na goodnight, sleepwell at sweetdream." Sabi pa niya tapos ay beso sa akin hindi na siya naghintay ng sasabihin ko lumabas na siya at nilock ang pintuan.
Buti naman talaga at tinatamad na ako isarado minsan talaga hindi ko gets ang mood ng mga kaibigan ko ako lang bukod tangi na medyo hindi moody tapos silang tatlo ang hirap na ispelling jusko nasobrahan ang pagiging moody.
Dahil sa nacurious ako sa laman ng paper bag ay binuksan nagulat ako kasi new phone pala tapos may kasama rin na laptop shock! naiwan din pala sa bahay yung laptop ko binilihan ako ng new ni kuya. Kinuha ko yung lumang cellphone ko at tinext siya.
To: Kuya Kupal
Hi kuya! I already receive the new phone and specially laptop. Thank you po talaga. Take care always and I love you po. 😘
Text ko and send it to him, tapos nilapag ko na sa may side table yung phone ko. 3 years na yung phone ko siguro alam ni kuya na gusto ko ng new kaya binilihan niya ako the best talaga magkarooon ng kuya na sweet at the same time kupal. Nilagay ko na lang ulit sa lagayan yung mga binili sa akin at tinago sa cabinet pagkatapos ay nag umpisa na ako matulog.
-
Maaga pa lang gising na ako nakapaghanda na rin ako ng makakain namin actually maaga rin talaga kami ni Angelica ngayon tapos mamaya may vacant na 2 hours sobrang hassle kami sa schedule namin na tuesday kasi bungi siya andami ng oras na vacant kami nakakatamad pa naman ang ganoon kakaantok jusko. Pagtapos ko kumain ng agahan pumunta na ako sa kuwarto ni Angelica pakatok pa lang ako bumungad na agad ang pagmumukha niya.
"Goodmorning." Bati niya sa 'kin
"Goodmorning, breakfast ka na roon tapos na ako kumain maliligo na muna ako." Sabi ko
"Okay." Sagot pa niya
Pumasok na ako sa room ko at naghanda na naman ng masusuot ko kahapon naka off shoulder ako na long sleeve ngayon anong balak ko suotin bawal kasi ang nakashort kaya napunta ako sa tshirt na plain at maong na palda magsasapatos na lang ulit ako katulad sa kahapon.
After ko mamili ng masusuot ay pumasok na ako sa may banyo at nag umpisa na maligo. Isang oras din ako maligo ewan ko ba bakit ang tagal ko maligo kaya nga lagi akong nauuna sa amin e.
Patapos na ako ng makita ko si Jaja na nakikipagtalo sa kausap niya sa telepono yung lalaki na naman yan na tumatawag sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya ng mapansin ko na tapos na siya makipag usap aasarin ko siya.
"Goodmorning sis." Masayang bati ko.
"Walang good sa morning." Pagtataray niya sa akin.
Kaya naman natawa ako sa kaniya at sa itsura niya.
"Anong nakakatawa?" Sabi niya pa.
"Ikaw." Sabi ko
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko
"Wag ka kasing nakasimangot, aga aga pa naman badtrip ka na agad." Sabi ko.
"Ehh sa nakakabadtrip talaga block number sa 'kin ang lalaki na ito kainis." Sabi pa niya tapos ay nauna na maglakad pababa.
Napailing na lang ako sa kaniya certified moody talaga kahit kailan pumasok ulit ako sa kuwarto ko at kinuha ang mga gamit ko roon aalis na rin kami.
Pagkababa ko wala pa si Ange siguro nag aayos pa lang maaga pa naman e.
"Aga ng schedule mo?" Tanong ni Larryl.
"Oo e kaso pagtapos ng 2 hours namin vacant ng 2 hours e." Sabi ko.
"Suwerte mo wala akong vacant sa afternoon ko lang mayroon." Sabi ni Larryl
"Okay lang yan tapos na kayo kumain?" Tanong ko
"Ako lang ang tapos si Jaja hindi pa, anyway ano oras uwi mo?"
"2pm ikaw ano oras pasok at uwi mo?" Tanong ko
"3pm tapos pasok ko 8am pa." Sabi pa niya kasabay nun ay ang pababa na si Angelica
"Tara na te." Sabi ni Ange
"Mauna na kami sis, ingat kayo." Sabi ko.
"Sige kayo rin, mamaya na lang ulit." Sabi ni Larryl
"Sige te, una na kami." Sabi ni Ange.
Hindi na kami nakapagpaalam kay Jasmin sumakay na kami sa may kotse pareho kaming sa may likod umupo kasi may pag uusapan kami about sa activity na gagawin namin.
"Anong topic natin na gagawin?" Tanong ko.
"Friendship since yun ang mayroon tayo e." Sabi niya
"Sige mamayang vacant punta tayo sa may library." Sabi ko
"Yup, nakakainis naman kasi first day ang dami agad gawain." Sabi niya tapos ay humiga sa may sandalan.
"Kaya nga e, pero okay lang yan kasi mabilis lang ang panahon." Sagot ko.
"Kaya naman natin yan atsaka tulungan tayo." Sabi pa niya.
"Oo nga sis, wag na muna tayo masyadong stressed baka mabaliw na tayo." Sabi ko
"Oo naman."
Hindi na kami nakapag usap pa nakatingin lang ako sa may dinadaraan namin naawa ako sa mga bata na namamalimos may mga tao pa rin talaga na mahirap kaya wala silang choice kung hindi ang mamalimos and it broke my hearts. Bigla na lang ako napaisip bakit hindi mga mahihirap na tao ang topic namin at I featured atleast malalaman ng mga students how to value education and how life is important. Perfect ang galing mo self sabi ko sa utak.
Sa wakas nakarating na rin kami kaya naman bumaba na ako ganoon din si Angelica tapos si Manong bumaba rin kaya naman nagtaka ako kasi hindi naman siya bumababa kami lang talaga ang bumaba.
"Ano po problema Manong?" Tanong ni Ange
"Ma'am Angelica and Annalyn, papaalam po muna ako na pupunta ako sa may Probinsya namatay mo yung tatay ko nakapagsabi na rin naman po ako kay Ma'am Larryl and Jasmin." Sabi ni Manong kaya naman nalungkot kami.
"Awww, condolence po. Okay lang po bibigay na lang po namin yung sahod niyo." Sabi ko
"Kulang pa po yun sa susunod na po ako uuwi kasi konti lang ang makukuha ko na sahod." Sabi ni Manong.
Naawa kami sa kaniya kaya naman nagkatinginan kami Angelica.
"Kami na po bahala Manong mag uusap po muna kaming apat." Sabi ni Angelica
"Kailan po ang uwi niyo?" Tanong ko
"Sabado na po." Sabi niya pa
"Sige po kami na bahala basta ngayon wag muna kayo mag isip." Sabi ko.
"Condolence po be strong po kasi malalagpasan niyo po yan." Sabi naman ni Angelica.
Nagpaalam na kami ni Angelica na papasok na kami sa may school habang papunta kami sa first subject napag usapan namin ni Angelica si Manong.
"Nakakaawa talaga kapag nahiwalay sa pamilya hindi ka ganoon ka update sa mga kaganapan." Sabi ko.
"Kaya nga pasalamat na lang tayo kasi maayos ang pamilya na mayroon tayo." Sabi naman ni Ange.
"Anong balak natin?" Sabi ko
"Mag uusap tayo mamaya wag mo na natin yun isipin."
"Okay."
Hindi namin namalayan na nasa room na kami kaya naman pumasok na agad kami at umupo hindi na kami nakapag usap kasi nagsusulat na muna kami ng assignment namin sinasalin na lang pala namin siya sa papel first day na first day juskoo ang dami agad namin kailangan gawin pero laban lang para sa future.
Sakto na pagpasok ng prof namin tapos na kami pinapasa na niya yung mga assignment at nag umpisa na siya sa discussion habang nakikinig kami.