Larryl Point of view
Habang nagluluto ako kausap ko si Gladymier para kasing timang sabi ko na nagluluto ako tawag pa rin ng tawag e.
[Mamaya ka na kasi tumawag Mier, nagluluto ako puwede ba.]
Pakiusap ko.
[Okay lang yan, gusto mo naman ako kausap e.]
Natatawang sabi pa niya.
[Masyado ka feeling bahala ka.]
Sabay patay sa tawag niya pinatay ko na rin ang cellphone ko para hindi na ako maistorbo patapos na rin talaga ako e ayaw ko lang may kausap nahihirapan ako e. Nag aayos na ako ng marinig ko may nagdoorbell umuwi si Jasmin pero imposible yun kasi nag usap na kami kanina. Narinig ko ang paglalakad ni Angelica kaya naman tinawag ko.
"Ange, buksan mo yung nagdoorbell." Sabi ko.
"Sige." Sabi niya pa.
Nilagay ko na sa tupper ware dahil dadalhan namin si Annalyn bigla na lang akong nagulat kay Angelica.
"Sino yun?" Tanong ko
"Si Gladymier." Sabi pa niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko ano na naman ang ginagawa niya rito.
"Tapos ka na ba?" Tanong pa niya.
"Oo tara na ba?" Sabi ko.
"Oo roon na tayo kumain badtrip pa naman si Jasmin." Sabi pa niya.
"Parang always naman e, ano pa ba ang bago, atsaka ano naman ang problema niya?" Sunod sunod na tanong ko.
"Hindi nagsabi e, hayaan na lang siguro natin siya." Sabi pa niya.
Hindi na ako nagsalita pumunta ako sa may sala at alam ko naman nandoon si Gladymier nakita ko siya na nagcecellphone roon.
"Anong ginagawa mo?" Sabi ko.
"Naglalaro ng ML." Sagot niya.
Napailing na lang ako sa kaniya.
"Lumayas ka rito bwisit ka sumagot e." Sabi ko.
"Joke lang yun tara punta na tayo sa Hospital." Sabi pa niya hindi pa ako sumasagot ng magsalita si Angelica.
"Tara, thank you sa offer Gladymier." Sabi ni Angelica.
"You're always welcome." Sabi pa niya.
Hindi pa rin ako umaalis dito sa kinatatayuan ko.
"Tara na sis wag ng choosy." Hila sa 'kin ni Ange wala na akong choice pagkalabas ay nauna na sa back seat si Angelica samantalang ako papasok na rin ng magsalita si Gladymier kaya naudlot yung pagpasok ko.
"Bakit riyan ka rito ka na sa unahan nagmukha naman akong driver ninyo kapal." Sabi pa niya.
"Doon ka na te nakaupo na ako rito e." Sabi pa ni Angelica.
Kainis pinagkakaisahan nila ako wala naman akong nagawa kung hindi ang pumasok at sa unahan umupo. Hindi ko sila pinansin pa at doon lang ako nakatingin sa may bintana bahala sila naiinis ako.
Pagdating sa Parking Lot pagkaparada ni Gladymier nauna na ako sa kanila maglakad papasok hindi ko na sila hinintay pa. Deretsyo agad ako alam ko naman saan room number pagkapasok ko roon naabutan ko si Jasmin na parang wala na naman sa mood si Vince at Mark naman nag uusap nakita na lang nila ako hindi ko sila pinansin pa. Umupo ako sa tabi ni Jasmin at hindi sila pinansin nagcellphone ako at nag earphone bahala sila sa mga buhay nila kainis e.
Nakita ko yung dalawa na nandito nag usap usap silang apat hindi talaga ako nagpapatugtog naka earphone lang ako gusto ko marinig usapan nila e. Nagcecellphone ako while listening sa pinag uusapan nila.
"Anong mayroon?" Sabi ni Vince
Tulog kasi si Annalyn kaya nag iingay sila.
"Sa kanilang dalawa? Well may mga problema sila." Sabi ni Angelica.
"Ganyan din yan si Jasmin, bigla na lang hindi namansin." Sabi ni Mark.
"Kakaloka mga bipolar talaga, heto rin si Larryl e. Bigla na lang ganyan ang sakit niyo sa mga ulo girls." Sabi ni Gladymier.
Nakita ko na lang ang pag irap ni Angelica nagpatuloy na lang sila sa pag uusap pero this time nagpatugtog na talaga ako ayoko na sila marinig mag usap. Bigla na lang ako nagulat ng tumayo si Jasmin at hindi na nagpaalam kahit isa sa amin.
"Labas na muna ako." Paalam ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila naglakad na ako palabas tinanggal ko earphone ko at nilagay sa bag ang cellphone ko. Ano naman gagawin ko rito naalala ko may malapit na 7/11 pala rito kanina nakita ko. Palabas na ako sa Hospital ng marinig ko pagtawag sa pangalan ko. Napatigil ako alam ko naman si Gladymier yun kaya tumigil ako sa paglalakad.
"Problema mo?" Tanong niya sabay akbay sa akin.
"Wala." Sagot ko sabay tanggal sa pagkakaakbay.
"Wala tapos hindi ka humaharap sa 'kin. Ano kaya yun?" Sabi pa niya
Humarap ako sa kaniya.
"Ano ba problema mo?" Sabi ko
"Ikaw ang may problema kanina ka pa ganyan wala naman akong ginagawa sa'yo." Sabi pa niya.
"Wala naman akong problema hindi ka na nasanay na moody ako." Natatawang sabi ko.
"Kaya nga pala hindi na ako nasanay sa'yo." Sabi pa niya.
"Anyway samahan mo ako sa 7/11 nakita ko may 7/11 na malapit dito e." Sabi ko.
"Sige libre kita." Sabi pa niya.
"Gusto ko yan." Sabi ko.
"Gusto ka rin niya." Sabi niya pa.
Nakatikim siya ng hampas sa 'kin kakaloka naman kasi magjoke e. Kinaladkad ko na siya palabas ng Hospital maglalakad lang kami kasi malapit lang naman dito yun mga 5 minutes lakarin lang yun e.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami mayroon din kasi puwesto rito sa may labas kaya naman umupo muna ako mahangin e.
"Ikaw na lang bumili kahit ano na lang." Sabi ko.
"Sige kahit ano sabi mo." Sabi pa niya
Tumango na lang ako sa kaniya siya naman pumasok na lang sa may loob hinayahan ko na siya siguro naman masarap bibilihin niya. Nagbukas ako ng facebook at bumungad na lang ang pagmumukha ni Kim at together with her new Girlfriend na si Mica nagpalit ng dp na may mahabang caption. Since hindi naman ako bitter naka move on na rin naman ako ay nagcomment na rin ako rito.
"Congratulations to both of you." Sabi ko sa post pinusuan ko na rin.
Hindi naman kasi talaga ako bitter e nahihirapan lang talaga ako minsan kapag naiisip ko pero okay na lahat masaya na lahat looking forward na lang talaga ako e. Nakarating na si Gladymier kaya tumigil ako sa pagcecellphone.
"Masarap siguro yan naaamoy ko na e." Sabi ko pagkalapag niya sa lamesa.
"Syempre naman gusto ko special alam mo na peace offering ko sa'yo." Sabi pa niya
"Yieee kakilig ka naman buti nakakayanan mo pagiging bipolar ko." Sabi ko.
"Sanay naman na ako sa mga ganyan ikaw pa ba ex ko nga sanay na ako e." Sabi pa niya pero masaya pa rin.
"Sorry pero gusto ko lang talaga itanong bakit kayo nagbreak ng ex mo? If okay lang naman sa'yo pag usapan." Sabi ko.
"About that thing, dare lang kaya niya ako sinagot basta ganoon lang talaga." Sabi pa niya.
"Okay, move on na ikaw. Alam ko naman na nakahanap ka na di ba?" Nakangiting sabi ko.
"Yeah, nahanap ko na siya." Sabi pa niya.
Ngumiti na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na lang kumain ganoon din siya kumain na lang din siya katulad ko habang nag uusap kami about sa mga pangarap namin mga gusto namin sa buhay at sa iba pa. Nakakatuwa pa kasi may mga bagay na similarities kami and super natuwa ako kasi magkakasundo talaga kami sana talaga masarap daw kasi magkaroon ng boybestfriend e. Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng magsalita siya.
"Seb? Paano kapag isang araw nagkaroon ka ng feeling sa bestfriend mo?" Sabi pa niya.
"Hmmm, confess him/her kasi para malaman niya, okay lang mafriendzone kaysa naman mawalan ng friend." Sabi ko.
"Sana talaga." Sabi pa niya.
"Seb, bakit nagdrama ka bigla? Enough those drama kaloka ka." Biro ko.
"Wala naman ganyan talaga ako kahit noon pa e. Masaya tapos bigla napunta sa drama part ng pagiging ako." Sabi pa niya.
Napatango na lang ako sa kaniya so weird. Nagpatuloy kami sa usapan. Sobrang tagal namin matapos kumain paano kasi puro kami share pero atleast getting to know kami sa isa't isa.
"Anyway, balik na tayo hinahanap na siguro tayo." Sabi ko.
"Tama nagtext na sila sa 'kin." Sabi ni Gladymier.
"Kaya nga e, pero wait may pupuntahan lang ako malapit dito. Okay lang ba samahan mo ako roon?" Tanong ko.
"Sige ba pero matanong ko lang ano ba yun?" Tanong niya pa.
"Bibili ako ng boque ng bulaklak bibigay ko kay Anna paano ba naman nag request siya." Sabi ko.
"Mahilig pala siya roon, bili rin kita gusto mo?" Sabi niya pa.
"Thank you sa offer wag na seb." Sabi ko.
Hinila ko na siya paalis doon lalaki ba talaga siya kakainis masyado siyang matanong sa buhay kakaasar din pala minsan.
Pagkapunta sa shop naghanap agad ako ng mabibili ko yung maganda katulad ko syempre cheret lang. Pagkapasok sa loob nagtanong sa akin yung tindera na bakla.
"Miss, boyfriend mo?" Tanong niya sa 'kin mga tao talaga e. Magkasama agad jowa na agad issue masyado.
"Hindi, kaibigan ko po siya." Sagot ko tapos hanap ulit
"Sayang bagay kayo, pero sige akin na lang po siya." Sabi pa niya kaya natawa ako bigla.
"Kung gusto niya sige sa'yo na ate." Sabi ko.
"Kaso baka hindi ako matipuhan mahirap lang ako e. Anong laban ko sa standard mo." Sabi pa niya.
"Kaloka ka naman te wala yan sa standard as long as totoo ka go." Sabi ko tapos kuha sa boque ng rosas na red.
"Galing mo naman sis, infairness maganda ka na nga mabait pa." Sabi pa niya ngumiti na lang ako sa kaniya at inabot ang napili ko.
"Para ba yan sa boyfriend mo?" Tanong niya sa :kin chismosa level 101.
"Hindi para sa bestfriend ko yan na babae." Sabi ko.
"Okay na ba?" Tanong ko
"Oo sis, 120 lang next time sana may jowa ka na sis." Sabi niya pa.
"Tingnan natin sis sige na mauna na ako sa'yo." Sabi ko.
Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na agad.
"Tara na seb." Sabi ko
"Okay na ba?" Sabi niya pa
"Yep, let's go." Sabi ko this time hindi ko na siya hinila hinayahan ko na siya na maglakad aba kotang kota na siya sa paghila ko sapakin ko siya e. Naglakad na kami ng magkasabay hinayahan ko na rin siya umakbay sa akin akbay lang naman hindi naman ako mabubuntis e.