Angelica Point of view
Tatlong araw na ang nakalipas after ng nangyari kay Annalyn friday na ngayon bukas sabado na at makakapagpahinga na rin ako sa wakas. Dahil nagpapagaling si Anna mag isa na lang ako ngayon at wala na kasama sa lahat alam naman na ng mga teacher namin what happen sa kaniya at nung wednesday lang naka uwi si Anna andami pa naman exam na ginawa. Nalaman na rin nila Kuya Angelo ang nangyari nagalit pero hindi naman kami ang sinisisi basta raw mag iingat na lang ulit para iwas sa disgrasya.
At aminado ako miss ko na kasama si Anna pinapatawa ako nun kapag magkasama kami haist, ang boring tuloy kapag mag isa lang naglalakad na ako papunta sa may Canteen para puntahan ang mga kaibigan ko. Nauna na kasi sila kaysa sa akin galing pa kasi ako sa third floor ang nakakatakot na floor sa lahat kaya bukod sa nakakatakot yung hallway nakakatakot mahulog o kaya itulak ka bigla kapag napagtripan ka ayoko mamatay jusko, may mga mangarap pa ako na gusto matupad sa buhay.
Pagdating ko sa Canteen natanaw ko na ang mga kaibigan ko kasama yung apat na lalaki nasasanay na rin kami sa kanilang apat na bigla na lang sumasama sa amin ewan ko ba bakit nagtagpo ang mga landas naming walo sa isang paaralan na ito siguro dahil sa pare pareho kami ng karanasan iniwan hindi pinaglaban o talagang hindi kami kamahal mahal.
Umupo ako sa tabi ng bestfriend kung si Jaja tapos katabi niya si Larryl tapos katabi ni Larryl yung seb niya na si Gladymier tapos sa may harapan naman ako kaharap ko si Vince tapos si Jasmin si Mark tapos si Mike.
"Kayong dalawa anong nangyari?" Sabi ni Mike tapos tinuro si Jaja tapos si Mark.
"Akala ko ako lang nakakapansin kayo rin pala." Sabi ko.
"Hindi naman kami manhid noong tuesday pa kayong dalawa." Sabi ni Vince.
"Haist I don't know about kay Jasmin paghatid ko sa kaniya sa Hospital hindi na niya ako pinansin pa." Sabi ni Mark.
"Kayong dalawa mag usap hindi kami sanay sa inyo." Sabi ko.
Tumayo si Mark kaya naman pinatayo ko na rin si Jasmin.
"Ayusin mo yan te ako nahihirapan sa sitwasyon niyong dalawa e." Sabi ko sabay hila kay Jasmin.
"Okay fine." Sabi niya tapos tumayo at naglakad.
"Kausapin mo pre sana magkaayos kayong dalawa." Sabi naman ni Vince.
Pag alis nilang dalawa ay nagsalita si Vince.
"Nakakamiss din pala si Anna naalala ko noong nagbabantay ako sa kaniya sobrang daldal niya." Kuwento ni Vince.
Well sa aming lahat si Annalyn talaga ang best amin sa ugali sa pag aadvice at syempre sa ganda. Simple siya walang masyadong make up sa mukha sa ugali she's really nice and good siya rin pinaka friendly sa amin ayaw niya kasi may nasasabi sa kaniya. Sa porma she's also simple pants and loose shirt is enough samahan lang ng rubber shoes at sobrang nakaka inlove siya total package na siya kumbaga.
"Super pre, hindi ka magsasawa kasama siya." Sabi rin ni Mike.
"Bakit hindi niyo dalawin sa bahay miss na rin kayo nun panigurado." Sabi ni Larryl.
"Sige ba mamayang uwian sa Parking lot hintayan." Sabi ni Mike
"Dalhan natin siya ng fishball at kikiam namiss na niya eh." Sabi ko.
"You mean yung kulay white na nabibili riyan sa labas ng campus." Sabi naman ni Vince.
"Yeah masarap try niyo kasi. Anyway bili na lang din tayo ng fries if hindi kayo kumain." Suggest ko.
Sumang ayon naman sila sa akin naalala ko yung rose na binili ni Larryl kay Annalyn akala pa namin binili ni Gladymier para kay Larryl hindi pala buti na lang din mabilis mawala galit o tampo ni Larryl hindi tulad ko at ni Jasmin na mahirap paamuhin hindi naman kami aso e well I'm just kidding mataas ang pride namin ni Jasmin. Lahat naman kaming apat halos may pangit na attitude pero in nice way naman katulad ko snobber sa mga hindi ko kilala tapos si Larryl naman moody iba iba every minutes ugali since birth. Jaja kakaloka rin attitude niya nagagalit tapos tatahimik siya nagkukuwento kapag okay na siya at ready tapos si Annalyn matampuhin din pero madali lang magpatawad kaya siguro andaming nagmamahal sa kaniya. Naalala ko nung sinugod siya sa Hospital andami nagpray sa kaniya at hindi lang yun may mga schoolmate kami na pumunta pa roon di siya na famous.
Since nakabili na kami ay kumain na kaming lima habang nag uusap yung tatlo na lalaki at kami ni Larryl ay nakikinig kapag naman sa part na nakakatawa ay tatawa kami syempre. Hindi naman kami bobo e support lang talaga kami.
I'll describe the four boys of you guys base on my own observation. Mark siya yung pinaka moody bagay talaga sila ni Jasmin rare din siya magsalita at sobra siyang bastos kapag magsasalita wag muna nanaisin kausapin kapag tanga ka kawawa ka, si Mike ang pinaka gusto ko not gusto ko na iniisip niyo what I mean sa ugali syempre he's actually nice all the time na kakausapin mo just like Anna kaso siya not friendly rare din siya kung makipag usap at napatunayan ko na rin yun, si Vince is similar with my attitude pero gentleman siya he's nice pero hindi siya pala kuwento ng problema or share about problem matumal siya magsabi binanggit sa akin ni Mike last time and last ay si Gladymier siya ang pinaka loko loko sa kanila grabe rin niya pagtripan si Larryl isa ako sa witness about doon kung hindi ko lang kilala si Larryl at Gladymier sasabihin ko na happy couple sila. Isa na rin ako sa mga taong maissue well ganern talaga. Bagay naman kasi silang dalawa to be honest at okay lang if maging sila someday mabait naman si Gladymier kahit 5 days ko pa lang nakakasama.
"Ano iniisip mo?" Tanong ni Vince katabi ko kasi siya hindi ko namalayan e.
"Wala naman." Sabi ko.
"Mali tanong mo pre." Biro ni Mike.
"Huh!?" Sabi ko.
"Sino iniisip mo?" Ganyan ang tanong sabi ni Gladymier.
"Wala issue kayo agad e. Atsaka bakit ba nandito ka sa tabi ko." Tanong ko sa kaniya.
"Wala naman masama ba ikaw lang kasi hindi ko close e." Sabi pa niya.
"Ahh, ang mahalaga kinakausap kita." Sabi ko
"Demanding ka pre e." Sabi ni Mike.
"Ulol." Sabi ni Vince.
"Pero bagay kayo bakit hindi na lang kayo." Sabi pa ni Mike.
"Mas bagay kayo ni Annalyn." Sabi ni Gladymier.
"Tangina ka pre mamaya awayin ako dahil sa pinagsasabi mo e, maiisue ka masyado e." Sabi ni Mike nagkatinginan na lang kami ni Larryl at natawa na lang kaming dalawa wala lang naalala lang namin noon may crush kami ganyan din kami.
Natapos na kami lahat lahat pero heto at hindi pa nakabalik yung dalawa kaya kinutuban na ako iba na ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa.
"Magsabi nga kayo ng totoo? May alam ba kayo about kay Jasmin at Mark." Sabi ko nagkatinginan silang tatlo
"Aamin kayo o iiwasan namin kayo." Sabi ko this time inis na ako iba na ang nararamdaman ko eh.
"Kasi..." Sabi ni Mike sabay kamot sa ulo nagulat ako ng dumating yung dalawa. Lumapit si Jaja at kinuha ang bag niya.
"Pupunta lang ako sa cr mauna na kayo kainin niyo na rin yan busog na ako bye mga be." Sabi niya sabay beso sa akin at kay Larryl iba na ang pakiramdam ko sa kaniya dahil umalis na agad siya may mali sa nagyari.
"Mag usap tayo Mark sumunod ka sa akin. Larryl alam mo na gagawin." Sabi ko tumango na lang siya sa akin.
"Bumalik na kayo mga pre, ako na bahala rito." Sabi naman ni Mark.
"Sige pre mamaya na lang ulit." Sabi ni Gladymier.
Naglakad na kami habang nakasunod lang sila sa akin sa may garden ang punta since ito lang ang malapit sa canteen at masarap mag usap dahil wala masyadong tao may 10 minutes pa akong vacant bago ang klase ko alam ko naman na kayang tapusin ang usapan agad agad magpapaliwanag lang naman si Mark. Hindi pa nakakaupo si Mark nung magsalita na 'ko.
"What happen? Tell me lahat kahit specific na lang." Sabi ko.
Huminga siya ng malalim, kailangan ko malaman ayoko magkaroon ng away sa pagitan nila kaya habang kaya pa maagapan agapan na namin mahirap na mawalan ng boybestfriend.
"Haist ako si Mr. Stranger hindi ko agad sinabi sa kaniya ngayon ko lang din naman nalaman ilang araw pa lang ang lumipas balak ko naman sabihin kaso nalaman niya noong Tuesday e." Paliwanag niya
All this time ang nagprank sa kaniya nakakasama lang naman pala namin haist, complicated.
"Anong reaksyon niya?" Tanong ko .
"Sinabi ko na gusto ko siya umamin ako at nagconfess ni reject niya ako." Malungkot na sabi nito.
"Well ayaw niya hindi makapagreturn ng love sa'yo. May panahon pa para sa bagay na yan hayaan mo maiisip din niya ang about diyan wag mo lang ipressure na bigla lang siya." Sabi ko.
"Atsaka kakakilala niyo lang natin lahat tapos gusto mo agad agad yung tao na yun. Kailangan niyo muna magkaroon ng mas maraming time para sa bagay na yan may panahon sa lahat ng bagay." Dugtong ko pa.
Huminga siya ng malalim para siguro maiwasan maging malungkot.
"Siguro nga thank you." Sabi niya sa akin.
Ngumiti na lang ako at niyaya na siya pumasok sa afternoon class namin pareho kaming second floor at doon sabay kami nagpunta bungad lang ako siya naman second to last ng raw kaya mauuna ako sa kaniya.
Buong afternoon class ay wala akong naintindihan andami ko iniisip hanngang ngayon hindi pa nagsink in sa akin ang mga pangyayari kaganapan o kahit ano pa yan hindi ko alam bakit kahit ako apektado siguro kasi umamin si Mark tapos nireject or what ever pa yan haist, last class ko na rin ito dalawa lang class ko ngayon pero 2 hours gusto ko na ipahinga si brain parang andami agad ganap. Hindi ko na rin tinuloy yung pagpapapunta sa boys lalo na may issue na kailangan muna namin ayusin para hindi akward sana maayos na talaga para naman back to normal masaya lang walang stressed sa buhay kakaloka naman kasi e.
Nabalik na lang ako sa realidad ng kalabitin ako ng katabi ko kaya naman napaayos ako uwian na pala masyado na akong space out sa buhay. Tumayo na ako at nag ayos ng gamit kailangan ko talaga ng pahinga kaya nagtext ako sa dalawa na mauuna na ako sa kanila sa pag uwi at doon na lang mag usap usap Lord kayo na po bahala sa aming lahat na walo sana maging maayos pa kami at maging masaya minsan na lang kami magkaroon ng kaibigan na lalaki pagbigyan niyo na po pasko naman po nung sinulat ni Author itong chapter eh. (Manahimik ka nga Angelica.) Joke lang po basta balato niyo na yung friendship lord sa amin advance Christmas Gift po. Thank youuu.
Naglakad na ako palabas ng room dahil wala kaming service commute ang ginagawa namin apat sabay kami ni Annalyn kapag magkasama kami pero solo ako ayoko hintayin yung dalawa dahil 2 hours pa sila bago mag uwian wala naman akong assignment buti naman talaga may puso rin mga prof ko e. Nag jeep na lang ako papunta sa kanto sa amin konting lakad na lang sa subdivision yun pero tinatamad ako maglakad kaya sasakay ako sa tricycle at isa pa para hindi pagod ayoko mapagod sayang ganda lol.
Pagdating ko rito sa bahay hindi ko naabutan sa sala si Annalyn baka nagpapahinga kaya naman naglakad na ako paakyat sa kuwarto ko pagpasok ko humiga na lang ako at agad agad na pinikit ang mata.