Larryl Point of view
Kumakain kaming apat na hindi mo maintindihan ang dalawa paano ba naman inaantok pa.
"Natulog ba talaga kayo? Pag uwi namin mga tulog kayo di ba. Paanong inaantok pa rin kayo." Sabi ni Jasmin.
"Nagising kami at tinapos yung mga assignment namin e, kainis nga e." Sabi ni Angelica.
"Madaling araw na siguro kayo nagising?" Tanong ko.
"Yup alas onse not totally madaling araw naman kaso natapos kami alas kuwatro na kaya hindi na rin nakatulog." Sagot ni Annalyn.
"Kaya naman pala pero atleast nakatulog pa rin kayo. Yun naman ang mahalaga e." Sabi ni Jasmin.
"Yup, anyway una na kami sa inyo maaga kami ngayon e." Sabi ni Angelica tapos tumayo na sila kaya naiwan na kami ni Jasmin nagkatinginan na lang kami at napailing sa kanila.
Masyado sila seryoso sa pag aaral nila to the point na napapabayaan na nila mga sarili nila at naaawa kami bilang kaibigan nila para sa kanila.
Habang nag aayos kaming dalawa ni Jasmin ay napag usapan namin si Annalyn at Angelica.
"Hindi kaya makakasama sa ulo ni Annalyn ang sobrang pag aaral tapos puyat pa siya wala pa isang linggo yun." Sabi ko.
"Nag aalala rin ako sa kaniya pero hindi naman natin siya puwedeng patigilin kilala mo naman siya na palaban sa lahat." Sagot ni Jaja.
"Kaya nga e, buti na lang talaga ang tatag niya kahit noon pa lang sana hindi na siya masaktan." Sabi ko.
"Hindi naman natin alam ang magiging kapalaran natin sa love o sa buhay kahit iwasan natin ang masaktan may times talaga masasaktan tayo ganoon talaga ang reality e." Sabi ni Jasmin.
"Siguro nga talaga sige na maiwan na kita at maliligo na muna ako ikaw na bahala." Sabi ko.
"Sige." Sabi ni Jasmin.
Mamaya pa kasi pasok niya hindi na siya pumasok sa first class niya kasi wala naman daw prof kaya mamaya na lang siya, habang ako naman kailangan pumasok at may kailangan tapusin yun ang recipe namin ni Gladymier na may pagmahal oh right! maliligo na ako baka iba pa isipin niyo mahirap na at maganda na yung sigurado.
Habang nagbibihis ako ay nagring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ito at hindi na pinansin pa ang caller malalaman ko naman sino e, niloud speaker ko na rin para habang nagbibihis ako di ba.
[Hello] Sabi ko
[Papasok ka na ba?] Si Gladymier pala ang caller.
[Oo, bakit mo natanong?]
[Sunduin na kita malapit na ako sa inyo.] Pagkasabi niya ay natigil ako sa pagbibihis.
[Nagbibihis pa lang ako seb, hintayin mo na lang ako sa may baba kapag dumating ka nandiyan pa naman si Jasmin e.]
Sabi ko tapos nagpatuloy sa pagbibhis.
[Madumi iniisip mo, pero sige nagmamaneho na ako papunta riyan see you.]
Hindi na ako nagsalita at nagmadali na magbihis bakit kaya hirap na hirap ako magbihis kakaloka di ba pero tapos naman na ako kaya keribels na rin.
Pagbaba ko after ko sa pag aayos ay naabutan ko na sa may sala si Gladymier na uminom pa ng juice nagpatuloy lang ako sa paglapit sa kaniya.
"Kumain ka na?" Tanong niya pa.
"Oo kumain ako ikaw ba?" Tanong ko.
"Tapos na rin alis na ba tayo."
"Yup, baka mahuli tayo e. Atsaka balita ko traffic daw e."
"Sige, ubusin ko lang itong iniinom ko." Sabi niya pa.
Iniwan ko na muna siya sa may sala at pumunta muna ako sa may kusina nandito kasi si Jasmin at kumakain ng fries madaya rin 'to minsan nagsosolo e.
"Alis na kami ikaw na bahala rito." Sabi ko.
"Oo mag iingat kayo kapag nakita mo si Mark mamaya kapag luch sabihin mo kapag hindi na ako pumunta sa canteen may tatapusin ako sa Library." Sabi pa niya
"Sige sabihin ko sa kaniya." Sabi ko
"Thank you basta ingat kayo." Sabi niya tapos nakipagbeso sa akin.
Pagkalabas ko naman ay saktong ubos na yung juice ni Gladymier sinabi ko naman na sa kaniya na nagpaalam na ako kaya naman umalis na kami naka kotse na naman siya kaya naka libre na naman ako ng pamasahe sayang din yung bente.
Habang nasa biyahe ay nag uusap kaming dalawa about sa kung saan saan na topic.
"Balita ko dean Lister yung dalawa mo na kaibigan kayo ba?" Tanong niya pa habang iniisip ko yun naaawa rin ako sa mga kaibigan ko.
"Yup matatalino yun atsaka grade concsious lalo na si Angelica sa aming lahat siya lang talaga ang honor at nangunguna sumunod si Jasmin kaso kasama ni Ange si Anna e kaya nagsisipag siya." Sabi ko.
"Wow!? balita ko rin consistent honor kayong apat ha?"
"Oo kaso ngayon hirap pero kinakaya parang barkada Goals." Sabi ko.
"Si Mike lang matino sa amin e sumunod si Vince sila lang mga napapasama sa Honor e." Sabi niya pa.
"Ikaw?"
"Supportive pero hindi naman ako bagsak mataas grade ko kaso hindi ako umaabot sa rank." Sagot pa niya.
"Hayaan mo kapag ako kasama mo magkakaroon ka ng rank tiwala lang." Sabi ko.
"Talaga ba?" Sabi ko sa kaniya
Natawa pa ako sa kaniya kasi ayaw niyang maniwala. Nag usap na lang kami sa ibang bagay kakainis na nga e puro ako share tapos siya wala lang ang tumal sa problema e.
Pagdating sa may school ay dumeretsyo na agad kaming dalawa sa first class namin nasasanay na ako sa kaniya na inaakbayan ako kahit 2 weeks pa lang namin sila nakakasama well first time e pero nagwork agad.
Umupo na ako sa may upuan ko ng bigla na lang dumating yung bakla kung ka block dito sa first subject Juday ang tawag namin sa kaniya.
"Bessy sali ka sa Pageant dito sa Christmas natin partner kayo ni Gladymier." Sabi ni Juday.
"Bakla ka hindi ako mahilig sa ganyan ngayon nahihiya na rin talaga ako e." Sabi ko pa.
"Bakla bagay ka roon ganda mo naman e sige na matagal pa naman yun e."
Natatawa ako sa reaksyon niya akala mo naman aping api sa buhay e.
"Bakla matagal pa naman yun e pag iisipan ko na muna nandiyan na prof natin umayos ka na bakla." Sabi ko.
Tumingin na siya sa may pintuan bumalik na siya roon sa may upuan niya samantalang kaming dalawa ni Gladymier ay heto at pareho na parang tinatamad sa buhay ewan ko rin bakit nakakatamad.
Habang nakikinig sa lesson bigla na lang ako tinawag ng prof namin na kinagulat ko talaga.
"Ms.Lopez may naghahanap sa'yo sa labas puntahan mo." Sabi ni prof.
Tiningnan ko si Gladymier at tumango lang siya sa akin ako naman ay naglakad na at lumabas nakita ko yung lalaki na nakatayo kaya lumapit ako sa kaniya.
"Kayo po ba naghahanap sa akin?" Tanong ko.
"Ikaw ba si Larryl?" Tanong niya pa.
"Opo sino po kayo?" Tanong ko.
"Mamaya ko sasabihin, mamaya pupunta ulit ako rito may pag uusapan tayo anong oras ba uwi mo?" Tanong niya pa.
"5pm po sa may labas na lang po niyo ako hintayin para hindi po mag alala mga kaibigan ko." Sabi ko.
"Sige mamaya na lang."
Pumasok na 'ko at umupo na sa upuan tapos ay nakinig na kaso sa buong pagtuturo niya wala akong naintidihan ewan ko ba ba't iniisip ko pa rin yung lalaki eh. Sino ba yun at gusto ako makausap?
Buong morning class ko wala akong naintindihan as in wala iniisip ko pa rin kasi yung lalaki na nakausap ko.
"Kakain ka pa ba?"
Haist, buong morning hanggang ngayon ba naman siya pa rin utang na loob naman lubayan na niya ako hindi na ako makapagfocus.
Nagulat ako ng hawakan ako sa dalawang balikat ni Gladymier at humarap sa akin dahilan para mabalik ako sa masakit na reality.
"Bakit... may dumi ba ako?" Nauutal kung sagot.
"Wala guwapo ka pa rin." Sagot ko.
"Ano ba problema mo? Nagtatanong ako tapos wala ka sa sarili mo? Puwede mo naman ishare sa akin di ba?" Sabi niya pa sa akin habang mukhang alalang alala.
"I'm fine medyo naguguluhan lang ako sa pangyayari." Sabi ko pa tapos mgumiti na lang.
"I will always be here no matter what happen." Sabi nito.
Masabi mo pa kaya yan hanggang sa huli ewan, siguro, hindi ko alam marami pa naman din darating na mas better.
"Thank you let's go na rin gutom lang itong drama ko." Sabi ko sa kaniya.
Naglakad na kaming dalawa na hindi na nag uusap pababa kasi kami e mahirap na matulad kay Annalyn kada iisipin ko yun natatawa talaga ako sa katangahan niya.
Pagdating sa may canteen yung tatlo pa lang na lalaki ang naabutan ko umupo agad ako sa puwesto ko.
"Bakit wala pa si Jasmin maaga rin ang dismissal nun di ba?" Tanong ni Gladymier.
"Wala siya e may tatapusin yun e." Sabi ko.
"Eh!? Anong oras ba klase niya?" Tanong ni Mark.
"10 am wag na raw siya hintayin may tatapusin siya sa library e." Sabi ko.
"Ah kaya pala, yung dalawa nasaan naman?" Sabi pa niya.
"Papunta na yun mag order na lang tayo." Sabi ko tapos tatayo na ako ng hawakan ako ni Gladymier.
"Kami nang oorder hintayin mo na lang yung dalawa rito." Sabi pa ni Vince tapos binitawan ni Gladymier yung kamay ko.
"Sige." Sagot ko tapos tumayo na agad sila kaya naman naiwan ako rito.
Habang hinihintay yung apat ay nagulat na lang ako ng may apat na babae na lumapit sa table namin at umupo sa may harapan ko.
"Miss, new student." Sabi ni ate na maiksi buhok.
"Yes, why?" Tanong ko tinatarayan ako ni gago e.
"Bakit magkakasama na kayo nila Gladymier, James, Miro at Vince." Sabi naman ng long hair.
Pigilan ako makakasampal ako neto eh.
"Sorry friendly ako atsaka same course kami ni Gladymier kaya naman kilala ko silang apat." Sagot ko.
"You're not friendly ang tawag sa'yo malandi." Sabi ng isa pa
"Magkaiba ang malandi sa friendly kayo ang halimbawa ng malandi tapos ako sa friendly." Sabi ko pa.
"How dare you." Sabi ng unang babae na nagsalita pagkatapos ay tumayo na para sampalin ako ng may humawak dito sa kaniyang kamay at si Annalyn 'to.
"Excuse me lang Miss hindi ka maganda atsaka mas bagay ata ang sampal sa'yo hindi pantay blush on mo e." Sabi niya rito tapos ay sinampal niya na kinagulat ko at ng mga students na nandito.
"Wag mo na kami pangarapin maging kaaway iba magalit ang magaganda. Umalis ka na kung ayaw mo mapahiya sa maraming tao rito." Sabi ni Annalyn.
Wala nagawa yung apat kung hindi umalis yung mga tao with matching video pa.
"Tapos na ang show kumain na kayo." Sigaw ko tapos ay umupo na ganoon din yung dalawa.
"Nagkaroon ka pa ng kaaway sorry talaga." Sabi ko.
"Hayaan mo na yun ako na bahala sa sarili ko." Sagot ni Annalyn.
Dumating na rin sa wakas yung apat wala na nagsalita pa sa amin lahat kami kumakain na lang hindi na siguro nakichismis pa itong apat sa mga kaganapan sa amin.
Pero yung totoo kinakabahan ako para kay Annalyn dean lister pa naman siya tapos biglang nagkaroon ng ganoon sabihin ko ako na lang ayoko mawala siya sa dean lister hindi ko mapapatawad si self.