Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 29 - CHAPTER 27

Chapter 29 - CHAPTER 27

Uwian na namin ngayon nauna na ako kay Gladymier dahil baka nandoon na yung lalaki na kakausapin ko hindi naman siguro kidnap for ransom yun o kaya mangunguha ng bata wala sa itsura niya e. Pagbaba ko dumeretsyo na agad ako sa labas nakita ko agad yung lalaki na nakasandal sa kotse niya kaya naman nilapitan ko 'to.

"Hello po sorry po natagalan." Sabi ko pa.

"Okay lang iha kakausapin sana kita  ayos lang ba kung doon na lang tayo sa may malapit na kainan dito treat kita ng food." Sabi niya pa.

Tumango na lang ako sa kaniya at sumakay na kami sa kotse niya kakamiss yung driver namin kumusta na kaya siya. Buong biyahe ay hindi kami pareho nag uusap kaya nakatingin lang ako sa may bintana at tumitingin sa may dinaraanan namin.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa may malapit na cofee shop agad naman ako bumaba at hindi na siya hinintay na pagbuksan ako wala kami sa palabas pumasok na agad kami sa may loob at doon umupo sa may pang dalawahan na upuan.

"Ano po ba ang sasabihin niyo? Puwede niyo na po ba sabihin sa akin para tapos na po." Magalang kung sabi.

"Ako ang tunay mong ama." Sabi nito.

Bigla na lang tumigil yung ikot ng mundo after ilang years babalik sa'yo yung taong noon pa lang pangarap mo na makasama darating sa panahon masaya ka na bakit ang unfair sa akin ng mundo.

"Bakit? kung kailan masaya na ako sa mga pamilya ko roon naman kayo dadating bakit ngayon maayos na ang buhay ko darating kayo." Sabi ko pa.

"Magpapaliwanag muna ako sa'yo Larryl ipapaliwanag ko lahat ng mga dinanas ko at mga nangyari." Sabi niya pa.

Bumuhos ang mga luha sa mata ko andami kung tanong kasi isa lang gusto ko masagot bakit niya ako iniwan.

"Bakit mo ako iniwan?" Sabi ko

"Kasi... mahirap lang tayo noon." Sabi niya pa.

Inunahan ko na siya sa sasabihin niya.

"Ang buong akala ko patay ka na kaya nagpursige ako bilang chef kasi yun ang gusto niyo tapos malalaman ko iniwan niyo pala talaga ako." Naiiyak na sabi ko.

"Anak.. patawad ginawa ko ang bagay na yun para sa ikabubuti mo."

"Hindi! inisip niyo lang sarili niyo, hindi niyo inisip masasaktan ako sa ginawa niyo, hindi niyo inisip na nawalan ako ng nanay mga magulang na magpapalaki at kasama ko sa mga achievements ko." Sabi ko na naging dahilan ng lalong pagbuhas ng luha sa mata ko.

Nakikita ko na hinahawakan niya ako pero hindi ako nagpahawak sa kaniya nawawalan na ako ng lakas wala na lahat ng kanina saya ko nawala na lang bigla. Tumayo na ako kahit alam ko kabastusan pero hindi ko na alam gagawin ko nahihirapan na rin talaga ako kailangan ko ng hangin.

"Mauuna na ako atleast alam ko na ang totoo bigyan niyo ako ng panahon sa mga bagay hindi pa masyadong nagsink sa utak ko." Sabi ko sabay lakad palabas.

Hindi ko na alam saan ako pupunta ano ang gagawin ko wala hindi ko na alam hindi ko na maintindihan ang mundo ang unfair hindi pantay may masasaktan talaga aaminin ko isa ako sa mga target na saktan malas sa pamilya malas sa pag ibig. Naglakad lang ako kung saan ako dalhin ng paa ko roon na lang siguro ako bahala na saan mapunta gusto ko makalayo sa mga taong nanakit sa puso ko gusto ko lumayo sa mga taong walang ginawang tama sa buhay ko walang ginawang masaya sa akin at hindi ako pinahalagahan.

"Sana kahit sa lovelife suwertehin naman ako hindi yung ganitong malas na sa lahat wala naman akong balat sa puwet bakit ang malas ko." Sabi ko sa sarili ko

Nababaliw na talaga ako kasi kung ano ano pinagsasabi ko kinakausap ko pa sarili ko kainis. Nakaka baliw rin pala kapag stressed ka bigla na lang akong nagulat sa busina kaya napagilid agad ako sa kalsada. 

Nagulat na lang ako ng nakaupo na ako sa may sahig feeling ko wala na akong saysay wala na akong halaga patapon na ako dapat pinapatay na ako dapat wala na talaga ako dapat hindi na ako nabuhay.

"Are you okay.." Napatigil na lang ako sa pagsasalita sa isip ko ng marinig ko ang boses ni Gladymier.

"Ayoko na mabuhay." Naiiyak na sabi ko.

"Ano ba sinasabi mo okay ka lang ba dadalhin kita sa Hospital." Sabi niya pa.

"Okay.." Sabi ko tapos nagdilim na lang ang paningin ko.

Third Person

Nagulat na lang si Gladymier sa pangyayari sa kaniyang kaibigan.

"Shit ano ba kasi ang trip nito sa buhay." Sabi niya pa tapos ay binuhat niya papasok sa kotse at nagmadaling nagmaneho pauwi sa kanila.

"Sa bahay ko na siya dalhin bahala na baka magising din siya." Sabi pa ni Gladymier sa sarili niya.

Nagmadali na siya magmaneho at dali dali rin sila nakarating sa bahay nila kaya naman nagmadali na siya pumasok sa bahay nila.

"Kuya patulong naman." Sabi ni Gladymier.

"Bakit? Ano ba nangyari?" Tanong ng kuya niya na si Garry.

"Basta po." Sabi na lang ni Gladymier kaya naman nagmadali na sila lumabas.

Pagkalabas nila ay agad agad binuksan ni Gladymier ang pintuan sa may harapan para buhatin si Larryl.

"Ipasok mo sa loob nandiyan pa ang susi ipapasok ko lang siya sa may loob." Sabi ni Gladymier habang buhat niya pa si Larryl.

"Ako na bahala bro." Sabi ng kuya tapos tumango na lang siya bilang sagot.

Pumasok sa may loob si Gladymier at dumeretsyo sila sa kuwarto niya at doon niya nilagay si Larryl at hinayahan na lang niya ito na matulog at magpahinga na muna. Naglakad na lang ulit siya pababa para mag ayos na muna.

Larryl Point of view

Sumasakit ang ulo ko hindi ko alam anong nangyari sa akin nababaliw na talaga ako atsaka wait.

"Nasaan ba ako ngayon amoy lalaki tapos full black and blue." Sabi ko kay self

Chineck ko sarili ko ayos naman ako ako hindi naman siguro ako na rape o kaya pinagsamantalahan no way!. Paano kapag kidnap pala ang ginawa sa akin as in for real.

"TULONGGGGGGGG-" Sabi ko tapos ay tumayo sa kama sabay punta sa may pintuan at hampas dito.

"Oh my! mama and papa please save me ayoko na po rito kailangan ko pa makagraduate tulongggg." Sigaw ko nagulat na lang ako ng malaglag ako sa may sahig.

"Okay ka lang ba ano ba kasi ang nangyari sa'yo puro ka sigaw." Sabi niya tapos ay tinulungan akong tumayo.

"Hindi ko naalala tinulungan mo pala ako kanina sorry naman agad seb." Sabi ko tapos ay hawak sa tiyan nagpaparamdam e juskoo ngayon pa talaga ha.

"Ang cute mo magpigil ng gutom ayusin mo sarili mo hintayin kita para makakain ka na rin tapos hatid na kita pauwi." Sabi niya pa tapos tumayo sabay gulo sa buhok ko.

Nag ayos na muna ako ng sarili ko inaayos ko ang sarili ko rito sa may banyo.

"Self umayos ka, juskoo wala ka sa bahay para magdrama sa buhay. Remain silent ka na lang para wala na silang masabi basta laban lang walang imposible basta tiwala lang kaya mo yan." Sabi ko sa sarili ko tapos ay naghilamos sabay labas na rin.

Sabay kami sa pagbaba ni Galdymier para hindi nakakahiya naabutan ko sa may sala yung dalawang babae at isang lalaki kaya naman todo ako ngiti sa kanila.

"Hello po." Sabi ko.

"Hello hija ako nga pala ang mama ni Gladymier." Sabi niya pa pero hindi obvious na nanay mas mukha pa siyang teen mukha na rin pala akong dugyot.

"Larryl po pala kaklase po ni Gladymier atsaka kaibigan din po pala." Sabi ko.

"Ah... kaibigan ka pero lagi ka na lang kinukuwento sa amin infairness bet kita ganda mo be. Anyway Glaiza nga pala ate ni Gladymier and Garry naman pinakapanganay namin be." Sabi ng ate niya.

"Nice meeting you po." Magalang na sabi ko.

"Atee mema ka talaga imbento ka, anyway mama may naluto na ba ulam nagugutom na kasama ko iuuwi ko na rin siya sa bahay nila nag aalala na mga kasama nila." Sabi naman ni Gladymier

Nahiya na lang bigla ako sa sinabi niya isipin pa nila patay gutom ako kakahiya pero ngayon lang gutom na talaga ako e.

"Sige ipaghahanda ko kayo samahan mo na muna ako Mier tapos hayaan na muna natin diyan si Larryl." Sabi ni tita.

Felling close kung makasabi ng tita basta toon din ang punta nun e charot.

"Okay na ako rito seb." Nakangiting sabi ko kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang maglakad kasunod ng mama niya.

"Upo ka rito Larryl." Sabi ng ate niya kaya naman umupo na rin ako roon sa sinabi niya.

Pag upo ko ay humarap siya sa akin.

"Culinary ka rin be?" Tanong ng ate niya.

"Opo." Sabi ko hindi ko na sasabihin na desisyon ng tatay ko maiiyak lang ako atsaka hindi naman din niya tinatanong e.

Nagulat na lang ako kasi bigla na lang kumukulo talaga ang tiyan ko.

"Hmm, gutom ka na be. Let's eat." Sabi ni ate Glaiza tapos ay tumayo na kaming dalawa.

Pagdating sa hapag kainan ay umupo na kami roon sabay sabay kumakain habang kinakausap nila ako at tinatanong sa mga bagay bagay at status sa mga buhay namin ni Gladymier kahit wala naman talaga kaibigan lang kami. Nasa may kalagitnaan kami ng pag uusap ng magsalita si Tita about family sa lahat ng ayoko na pinag uusapan ang family ang hindi ko gusto pero dahil kailangan makisama okay lang sa akin.

"How about your family? Separated ba?" Masayang tanong niya sakin.

"Hmmm, wala na po e, I mean hindi ko na po alam. Bata pa lang po ako independent na po ako e, pero may mga umampon naman po sa 'kin." Sagot ko.

Bigla na lang silang nagulat about sa sinabi ko samantalang ako heto at nagpapatuloy sa pagkain.

"You mean wala ka talagang parents here hindi mo knows." Sabi ni ate Glaiza.

"Exactly po." Sabi ko.

Napailing na lang sila sa sinabi ko ayoko na pag usapan kaso wala na pag usapan na namin ayoko naman mabastos sila sa way ko na hindi sasagutin tanong nila nakikikain ka tapos may tanong hindi mo sasagutin di ba.

"Kumusta yung mga umampon sa'yo." Tanong ni tita.

"As of now kasi nasa ibang bansa po sila yung mga kapatid ko sa kanila ay nandoon at nagdesisyon na po ako na magstay rito dahil sa mga kaibigan ko. Pero super bait po nila sa akin atsaka hindi po nila pinaramdam na ampon lang ako sa pamilya atsaka noong elementary po ako sinabi na nila sa akin na ampon ako pero okay lang." Sagot ko sa kanila.

"Nakaka amaze ka, hindi halata sa'yo na andami mo pinagdaanan sa buhay mo mukhang matatag ka na talaga." Sabi pa ni ate Glaiza.

"Kailangan po sa buhay yung maging matatag e." Sabi ko.

Hindi na lang nila ako kinausap after baka iniisip nila masyadong OA na at sa personal na bagay na yung iba pero okay lang naman sa akin get to know syempre hindi ko sila masisi e. Kumain na lang ulit kami at sila naman ang nag usap nakinig na lang ako sa kanila at nakikitawa na lang sa mga bagay na nakakatawa na pinag uusapan nila.