Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 35 - CHAPTER 33

Chapter 35 - CHAPTER 33

Angelica Point of view

Pababa na ako papunta sa canteen sobrang nagugutom na rin ako kasi naman umuwi ng basang basa kagabi si Jasmin kaya ang taas ng lagnat gising pa ako kasi gumagawa pa ako ng mga assignment ko sa tatlong subject ko kung sana nandito pa si Anna may kasama ako hindi na kami mahihirapan both kasi nagkakaroon kami ng brain storming ngayon tuloy medyo puyat ako at kulang sa tulog huhuhu kaiyak.

Nagulat na lang ako ng may kamay na humawak sa braso ko kaya naman napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya, si Vince.

"Puwede ba tayo mag usap." Sabi niya pa sa akin.

"Sige sa may Garden tayo na kapag paalam ka naman sa kanila." Tanong ko.

"Yup let's go." Sabi niya sa akin kaya naman naglakad na lang kami habang nag uusap sa mga naganap sa amin.

"Kumusta ka as student." Sabi niya pa sa akin.

"As student, nakakahinga pa rin namana kinakaya pa rin naman kailangan kayanin ikaw ba?" Balik ko rin ng tanong.

"I'm fine medyo nahihirapan pero kaya naman wala naman bagay na hindi nakakayanan e." Sabi niya pa sa akin.

"Naks naman talaga may mga natutunan ka rin sa wakas." Sabi ko sa kaniya habang siya ay natawa na lang.

Nakarating kami sa Garden ng hindi ko namamalayan dahil nag uusap kami isa pa malapit lang din naman 'tong Garden, sabay kaming umupo habang magkatabi kami.

"Ang bilis din pala ng panahon, heto na tayo sa stage na masasaktan at magmahahal tayo sa mga taong mali." Sabi niya kaya naman napayuko na lang ako. My fault, sorry.

Last time kasi nagconfess siya sa akin gusto niya ako crush niya si Annalyn tapos neto lang sinabi niya mahal niya ako kaya nireject ko siya kasi yun lang ang alam ko na solusyon para hindi siya umasa at maghintay. Ayoko maghintay siya sa wala o aasa sa wala.

"Hindi natin masisi yung tao na yun kasi nagmamahal lang at yung puso tumitibok sa taong gusto niya." Dagdag pa niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Hindi ko alam... bakit ganito lahat ng nangyari sa atin sa iba sa atin bakit ganito ang naging resulta na ang tanging hangad lang naman ay saya." Sabi ko pa sa kaniya.

"Umamin ako sa taong alam ko sa una pa lang wala na akong pag asa, nagbakasali ako na baka mayroon kahit kaonti pero nasaktan din ako sa sariling paniniwala ko." Sabi niya pa na mas lalong nagpasakit sa damdamin ko.

"Pagdating sa love nagiging tanga tayo tapos nagiging bobo kapag puro puso hindi healty Vince, tandaan mo yan, makakahanap ka ng mas deserving kaysa sa akin. Hindi... ko alam ano yung nararamdaman ko sa'yo e." Malungkot kung sabi sa kaniya habang iniiwasan ko na tumulo ang mga luha ko kailangan ko pigilin kasi ako ang nanakit.

"Ayos lang as long nakikita ko na heto ka at nasa tabi ko sa kabila ng pag amin ko masaya na ako Ange pinatunayan mo na matured ka na talaga." Sabi niya pa sa akin na mas nagpasakit sa puso ko.

"Haist, bakit ba kasi kapag love na nagkakasakitan na kainis. Tara na hayaan na natin ang panahon." Sabi ko pa sa kaniya sabay tayo nakita ko na lang na tumayo siya kaya sabay na kami naglakad na walang ilangan na nararamdaman back to normal na naman lahat dapat kasi kapag barkada lang barkada lang para hindi nasasaktan.

Habang naglalakad kami ay nag uusap kami sa mga bagay bagay hindi na namin binalikan yung mga memories na masasakit hindi naman kami sasaya kapag binalikan pa namin yun e.

Papasok na ako sa may susunod na klase ko ng magulat ako dahil sa nandito si Vince alam ko pumasok na siya ano pa kaya ang ginagawa niya rito.

"Libre kita mamaya ng food hintayin na lang kita sa may gate." Sabi niya sa 'kin

"Sige lang mamaya." Sabi ko sa kaniya ginulo na lang niya ang buhok ko.

Pumasok na ako at umupo nakita ko ang pagmumukha ng isa sa mga nakakausap ko rito na si Jean simula ng mawala si Anna heto naghahanap na ako ng makakausap.

"Bakit kaya malungkot si frenny ko, alam ko naman na busted si Vince pero bakit ganyan ang reaksyon mo kasalanan mo naman yan so.. face the consequence." Sabi niya sa 'kin kaya tinarayan ko siya.

"Tigilan mo ako Jean, nakakaumay ka sa araw araw na ganyan ang palagi mo sinasabi sa akin, tigilan mo na nga ako at wala ako sa mood." Sabi ko sa kaniya kaya naman ay yumuko na lang siya.

Kakainis kasi puro din kasi ako share sa kaniya mapapagkatiwalaan naman siya kaya okay lang

magshare wag lang talaga bulgaran masasapak ko siya.

Ilang minuto ay dumating yung prof namin kaya naman napaayos ako ng upo kahit inaantok na talaga ako haist antok lubayan mo 'ko.

"Ms. San Jose congrats ikaw pa rin ang nangunguna keep it up." Bati sa 'kin kaya naman biglang umingay

"Yiee beauty and brain."

"Ligawan kita love you na agad." Sabi pa nila.

Hindi ko na lang sila pinansin pa at tumayo na lang.

"Thank you so much." Sabi ko lang pagkatapos ay umupo na lang talaga.

"Okay calm down students let's proceed to our new topic at malapit na ang second quarter niyo matatapos na ang first sem." Sabi ni Ma'am hindi na niya hinintay na sumagot ang mga kaklase ko basta na lang siya nagpatuloy sa pagsusulat kaya naman nagsulat na lang din ako para may reviewer ako.

Buong class ni Ma'am matamlay ako inaantok kasi talaga ako pero naabsorb naman ng utak ko yung mga lesson namin wala lang talaga akong gana as of now.

After ilang oras ay natapos na rin sa wakas inaantok ako sa boses ni Ma'am kaya naman nag unat na ako ng mga muscle ko at tumalon para ng sa ganoon ay mabuhay ang dugo ko nakakainis naman kasi talaga e. Naglakad na ako kasama si Jean papunta sa next class utang na loob naman matapos na sana itong araw para naman makatulog ako at the same time makakain na rin nagugutom na kaya ako hindi ako nakakain ng luch.

-

Sa wakas ay tapos na kami kaya nag aayos na ako ng mga gamit. After ko maayos ay naglakad na ako palabas ng bigla akong magulat ng maramdaman na may kamay na humahawak sa bag ko, tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Siguro nainip ang isang 'to kaya sinundo na 'ko.

"Kanina ka pa ba? Sorry natagalan." Sabi ko sa kaniya.

"Tulungan na kita dadalhin mo ba lahat yan." Tanong pa niya.

"Dadalhin ko na muna sa may locker ko daan na muna tayo sa locker tapos alis na tayo." Sabi ko sa kaniya inaabot ko yung mga books sa kaniya.

"Yieee tayo." Sabi niya kaya napailing ako.

"Loko ka." Sabi ko sa kaniya

Nag umpisa na kami maglakad pababa ng ground floor.

"Saan mo ba gusto." Tanong pa niya nilalagay ko na yung libro sa loob ng locker.

"Ikaw na bahala kahit saan naman go ako e." Sabi ko pa sa kaniya.

"Gusto mo sa bahay sama ka muna alam ko kasi magluluto sila mom e. Papakila kita as girlfriend ko po." Sabi niya pa hindi na muna ako nagrespond sinarado ko muna yung locker ko.

"Mga kalokohan mo talaga kahit kailan puro ka mga ganyan. Nagbago na pala desisyon ko hatid mo na ako pauwi." Pabiro kung sabi sa kaniya.

"Joke lang naman syempre hindi ka na agad majoke pero sige bili muna tayo sa convenience tapos go na tayo sa bahay." Sabi niya sa 'kin.

"Sige ba basta wag mo lang ako pagsasamantalahan." Sabi ko pa pero in a joke way.

"Gusto mo rin talaga maeut e." Sabi niya pa sa 'kin kaya naman nakatanggap siya ng sapak sa akin pero sa braso lang naman.

"Lol." Sabi ko sa kaniya humawak na ako sa braso niya at nag umpisa na kami maglakad.

Habang nasa biyahe puro lang kami tawanan nag uusap kami ng kung ano anong topic.

"Sure ka na ako ang clingy ikaw kaya ang umaabot sa lima ang chat. Naalala mo ba yun." Sabi ko  sa kaniya yung about sa RPW namin yung dalawa.

"Okay lang yun alam ko na kasi na maganda ka halata sa type mo pa lang obvious na talaga." Sabi niya pa sa 'kin.

"Ehh!? Bola na naman e." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi ako bola tao ako tao." Sabi niya pa habang nakaharap sa 'kin.

"Next joke." Sabi ko sa kaniya.

Natawa na lang ako sa kaniya dahil sa nakapout siya imagine lalaki na nakapout bahala siya.

"Wag ka magpout mukha ka naman bakla atsaka wala tayo sa palabas." Sabi ko pa sa kaniya.

"Grabehan ka naman kasi sa 'kin." Sabi niya pa.

"Ewan ko sa'yo, wait lang tatawag lang ako sa mga kaibigan ko." Sabi ko sa kaniya.

"Sige lang."

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Jasmin tatlong ring pa lang ay sinagot na niya agad.

[Yes?]

[Mamaya pa ako uuwi kasama ko si Vince at wag niyo ako saraduhan agad magtetext na lang ako kapag uuwi na ako.]

Sabi ko agad.

[Okay fine tinatapos din kasi namin yung thesis. Wag masyadong gabi atsaka bili ka ng ice cream.]

Sabi niya sa 'kin inutusan pa talaga ako e.

[Ano ba flavor cheese?]

Sabi ko sa kaniya

[Nope cookies and cream be, namimiss ko si Anna e.]

Sabi niya na halatang nalulungkot.

[Okay then, patayin ko na itong call te.]

Sabi ko tapos pinatay na yung tawag.

Nilagay ko yung cellphone ko sa loob ng bag at humarap kay Vince.

"Bakit daw may problema ba?." Nag aalalang tanong niya sa 'kin.

"Wala naman di ba dadaan naman tayo sa convience store bibilihan ko sila ng ice cream tapos lagay ko muna sa ref niyo mayroon naman  sigurong kayong ref di ba?" Sabi ko sa kaniya.

"Oo mayroon naman sige lagay mo para matigas pa." Sabi pa niya

"Sige tapos puwede pautang na rin ako ng pera wala kasi akong extra na pera e." Nahihiyang sabi pa sa kaniya.

"Walang kaso."

"Salamat."

Tumago na lang siya sa akin samantalang ako heto at tumingin na lang sa may bintana habang tinitingnan ang mga dinadaanan namin inaantok ako kaso ayoko naman matulog kasi gusto ko ienjoy moment namin siguro sa bahay na lang ako babawi ng tulog. Kaya ko pa naman tiisin e.