Jasmin Point of view
Magkakasama kami ngayong walo rito sa iisang table si Larryl ang tahimik ewan ko bakit ang tahimik niya samantalang maingay rin naman yan kapag magkakasama kami may problema talaga siya. Si Annalyn namumutla naman halatang kulang sa tulog si Angelica heto naman at nag aaral samantalang ang mga lalaki ay nag uusap habang ako nakafocus lang sa mga pinag uusapan nila. May naamoy talaga ako na hindi maganda e, kailangan namin mag usap na walo. Tumayo ako at hinampas ang lamesa.
"Ano ba ang problema ninyong tatlo you guys are not in the usual mood umayos kayo puwede." Sabi ko pa sa kanila pero wala pa rin silang imik kaya hinampas ko ulit.
"Tigilan niyo mga ginagawa ninyo at kausapin niyo ako ng maayos." Sabi ko sa kanila kaya naman umayos na sila.
"Okay may problema talaga ako kahapon pa wala akong time para magshare please lang respect my desisyon magsasabi ako kapag ready na talaga ako na magkuwento wag ngayon." Sabi ni Larryl kaya naman tumaas ang kilay ko.
"Okay I respect your decision kayong dalawa na magkaibigan anong problema niyo?" Sabi ko tapos tinuro si Annalyn at Angelica.
"Nainis lang ako sa binasa ko na kuwento pinagpuyatan ko tapos pangit pala ang ending kaya wala ako sa mood." Walang kahirap hirap na sagot ni Annalyn.
Lumaki ang mata ko sa kaniya dahil lang sa wattpad bad mood na agad literal talaga na adik 'to haist iba talaga epekto ng wattpad sa mga kabataan.
"Alam ko naman mababaw pero ganoon kaming mga wattpader hindi niyo kami masisi." Sabi pa niya naunahan na agad ako e.
"Okay fine naiintindihan kita ikaw Angelica." Sabi ko pa
"I'm tired kumain na lang tayo." Sabi niya pa tapos inayos ang mga gamit niya at nag umpisa na kumain.
Napailing na lang ako sa kanilang tatlo mga magkakaibigan talaga kami mga moody talaga kahit kailan e.
"Anyway guys let's moving forward." Sabi ni Vince tapos ay nag umpisa kami kumain.
Habang kumakain ay ako kasama ang apat na boys ang nag uusap yung tatlo ay bahala na kung anong trip nila sa buhay ko na lang sila kakausapin.
Pabalik na ako ngayon sa next class ng bigla na lang may naisip ako na bagay mamaya pupunta ako sa Supermarket at doon bibili ng ice cream nabitin ako sa binili ni Jake e.
Bigla na lang may apat na students ang nasa harapan ko kaya natigil ako sa paglalakad.
"Okay lang po ba na mag interview." Sabi nila sa akin kaya naman tumango ako as respond.
"Sa tingin niyo po sino ang mas madalas manloko?" Ask by student 1.
"I don't want to mention anyone but for me pareho lang kasi may mga times talaga na babae nagloloko tapos mga lalaki rin. We as individual are not perfect we have are own flaws and we failed. We cannot judge a gender base on what we heard from others. Tao lang tayo nagkakamali nakakagawa ng mali." Sagot ko.
"Sa tingin po ninyo ano ang mas nagpapatibay sa isang relasyon?" Second student huminga ako ng malalim.
"For me loyalty kasi riyan mas lalo napapatatag ang relasyon kahit ano pa ang nagawa mo na mali sabihin mo agad kasi yan ang sukatan ng loyalty mo at mas lalong magwork yung relationship." Sabi ko pa sa kaniya.
"Okay na po yun ate thank you po." Sabi nila kaya naman ngumiti ako sa kanila.
"Welcome mga be." Sabi ko sa kanila tapos ay umalis na sila kaya naman ako todo madali na sa paglalakad mahirap nang malate e.
Pagkadating ko ay buti na lang at dumating agad ang aming prof kaya naman agad akong umayos ng pagkakaupo ko ilang oras na lang talaga at matatapos na ang klase kaya makakapagrelax na rin ako sa wakas. And also weekend na rin naman pahinga na ilang days na lang talaga. Nakinig na lang ako at doon itinuon lahat ng pansin ko.
Nagulat na lang ako sa mga sumunod na pangyayari.
"Ms.Lauro stand up." Sabi sa akin kaya naman tumayo agad ako confidence naman ako kahit paaano e.
"For you why are you choose fashion designer than other basic course." Tanong sa 'kin para sa akin wala naman madaling course lahat mahirap.
"Fashion is what I love the most, I don't believe that we have basic course all courses is not easy just like in life we sacrifice we failed but in the end we are sucessful." Sabi ko.
"Elaborate it." Sabi pa sa akin.
"Hindi madali lahat ng course walang madaling course kasi lahat mahirap lahat ng bagay mahirap. Tao tayo kaya para sa atin mahirap ito kaya may tinatawag na pagsisikap diyan kasi sinusukat ang tatag at tapang mo sa hamon sa'yo ito ang sukatan paano ka humarap sa hamon sa'yo na mas nagpatatag sa'yo as student and as a person." Sabi ko pa kaya naman napalakpak mga kaklase ko.
"Very well said Ms.Lauro sit down." Sabi na lang sa akin kaya naman bumalik ako sa pagkakaupo agad rin ako napangiti sa kanila yes naman nakukuha ko na makipagsabayan top 1 na ba ako kung ganoon cheret lang yun.
Natapos ang klase ng puro discussion nakakaumay rin pala talaga kapag puro discussion mahirap agad ma absorb ng brain mo kasi madami.
Pagkatapos ko ay deretsyo agad ako sa next class ko at katulad sa nauna ay nakinig na lang ako sa discussion at the same time ay nag take down note para mas maalala ko ng bongga.
-
Dahil napagod ako ng ultramega hindi na ako nakapunta ng supermarket para bumili ng ice cream napagod ako masyado kaya wala na rin akong time para sa kagustuhan ko gustuhin ko sana kaso katawan ko na ang umaayaw e. Pagkapunta ko sa kuwarto ko ay humiga agad ako sa kama.
"Nakakapagod rin pala." Sabi ko pa sa sarili ko.
"Nakakapagod maging students." Sabi ko pa tapos ay nag ayos ng sarili para makapaghanda ng makakain namin pare pareho at hindi naman puwedeng walang kikilos magugutom kami nito pare pareho.
Nag ayos na ako at nagbihis na lang naghanda na rin ako ng makakain nagbabalak agad ako sa paggawa ng afritada nakakamiss na rin kasi e. Habang nagtatakal ng sinaing para sa aming apat ay biglang nagring ang cellphone ko kaya nagpunta ako sa may sala at sinagot ang tumatawag na si Annalyn.
[Hello]
Sabi ko sa kabilang linya
[Sis kakain daw ang boys damihan mo na lang ang lulutuin mo bye.]
Sabi pa niya sa 'kin sabay patay sa tawag.
Bastos na bata naman talaga hindi naman ako hinintay makapagsalamat o kaya paalam talagang wala sa mood si lola Anna natin well ano pa nga ba ang magagawa ko unawain na lang natin sila.
Habang naghahanda ako ay kumakanta ako para naman hindi ako antukin nakakaantok din kasi kahit papaano kaya naman go lang ng go sa buhay.
Matapos ang isang oras ay tapos na ako kaya naman naghanda na agad ako at doon ay inayos na ang pagkakainan namin at sabay punta sa may sala para hintayin ang mga VIP na mga kaibigan ko iba rin kasi sila pasalamat sila mabait ako tapos maganda pa juskoo.
Makalipas lang din ang 30 minutes ay narinig ko na agad ang ingay ng doorbell kaya agad akong tumayo at lumabas naka short lang ako at loose tshirt kasi mas sanay ako, bahala sila sa buhay nila. Pagkabukas ko ay bumungad agad ang mga pagmumukha ng mga lalaki.
"Nasaan na ang mga girls?" Tanong ko.
"Bumili ng isaw may dala rin pala kaming ice cream." Sabi ni Mark tapos may paper bag na pinakita sa akin. Kaya naman kinuha ko agad ito at tiningnan ang laman dalawang ice cream na selecta.
"Wow! pasok na kayo hayaan niyo na muna yung tatlo makakapasok naman sila e." Sabi ko pa sa kanila.
Pinaupo ko muna sila sa may sofa at nilagay ko muna sa ref yung ice cream para mamaya kapag kinain na namin ay matigas pa rin at masarap (mga alagad ni ate Cecelib iba agad iniisip) habang hinihintay namin yung tatlo ay nag usap usap muna kami.
"Kumusta yung tatlo tahimik pa rin ba sila." Tanong ko.
"Si Larryl nakaausap same us Larryl din naman siya, si Annalyn medyo nawalan ng energy and Angelica mas tumahimik pa ewan ko ba bakit." Sabi pa ni Gladymier.
"Nandiyan na sila mamaya na lang tayo mag usap." Sabi ko tapos ay inaya na sila na maglakad papunta sa may lamesa.
May mga dala ang kaibigan ko na kwek kwek, fishball, kikiam, at higit sa lahat ay isaw na sobrang ikinatuwa ko kasi makakain ulit kami nito after ilang weeks din siguro kakamiss din kasi ang mga street foods e.
"Bakit gusto niyo yung mga street foods?" Tanong pa ni Vince habang kinakain namin yung mga binili nila.
"Masarap tapos mura din siya to be honest, mas afford pa kapag ganito atsaka very common lang din." Sagot ni Angelica habang kumakain ng isaw hindi na kami nakakain ng kanin.
"Hanggang sa pagsagot sa tanong iba rin e, may afford pa talaga e." Sabi ni Mike kaya naman tinarayan na lang siya ni Angelica.
"Bumabalik na si Angelica sa ugali niya tinatarayan na niya ako e." Asar ni Vince sa kaniya.
"Kumain na lang kayo mamaya na tayo mag uusap." Sabi ko pa sa kanila kaya naman nagpatuloy na lang sa pagkain ang mga boys habang kami ay kumakain pa rin ng street food fishball na lang at kikiam ang kinakain namin ngayon.
Pagkatapos namin kumain ay nag kaniya kaniya kami ng gagawin ako ang nagpunas kasama si Annalyn nag aayos naman ng pinagkainan sila Angelica, Vince at Mike tapos nagwawalis si Gladymier samantalang sa paghuhugas ay si Larryl kasama si Mark kaya nung natapos kami ay umupo na kaming anim dito sa sofa at hinihintay yung dalawa na matapos sa paghuhugas. Habang hinihintay yung dalawa ay nag usap usap na muna kami.
"Kung may aamin sa'yo na mahal ka niya tapos kaibigan mo siya ano gagawin mo." Biglang tanong ni Gladymier.
"Friends is still friend." Sabi lang ni Angelica.
"Don't tell us na aamin ka kay Larryl sinasabi ko sa'yo walang pag asa." Natatawang sabi ko.
"Hindi magkaibigan lang kami." Sabi ni Gladymier.
"As of now pre." Sagot ni Mike
Nagkaroon tuloy ng debate natawa na lang kami sa kanilang mga boys ilang sandali lang ay natapos na sa paghuhugas yung dalawa kaya naman nagmadali na agad kami para mag open forum para sa isang palaro truth or dare lang naman kasi yun lang ang alam namin na puwedeng laruin e.
Napunta kami sa isang truth or dare. Kung may dare ay hindi naman need na lalabas pa. Kung truth depende sa magpapadare yun.
Una ako at tumapat agad kay Annalyn.
"Truth." Sagot niya pa
"Hanggang ngayon ba naiinis ka pa rin kay Sheena." Tanong ko (Sheena Gfriend ni Aljon)
"Nope, naka move on naman na rin naman ako e." Sagot pa niya.
Nagspin na lang si Annalyn at tumapat kay Mark.
"Truth." Sabi ni Mark
"Ano ang nararamdaman mo para kay Jasmin." Tanong ni Annalyn.
"Gusto ko siya, siya ang ideal girl ko from the beginning up until now." Sabi niya pa kaya naman napailing ako sa kaniya.
"Next na agad." Sabi ko kaya naman natawa agad sila.
Pagspin kay Angelica naturo.
"Truth." Sabi pa niya
"If ligawan ka ni Vince may pag asa ba." Tanong ni Angelica.
"To be honest, hindi ko rin alam ang sagot. Pero Vince is also the one of my ideal guy." Sabi pa niya tapos ay kinuha ang bote at nagspin na tumapat kay Mike.
"Dare." Sabi ni Mike.
"Sa aming apat sino sa tinggin mo ang magugustuhan mo kiss mo sa cheeks." Sabi ni Angelica tapos ay tumayo si Mike at umupo sa may tabi ni Annalyn at hinalikan sa may cheeks na kinagulat talaga namin.
Pagspin ni Mike ay kay Vince tumapat.
"Truth." Sabi niya pa.
"Pre choose one between Annalyn or Angelica, sino sa kanila ang gusto mo." Tanong ni Mark kaya naman natahimik agad kami.
"Annalyn is my ideal girl sa lahat nilang apat she is good and true to herself but... Angelica is my dream girl." Sagot ni Vince kaya naman hindi namin maiwasan na kiligin.
Pagspin kay Larryl tumapat.
"Truth." Matapang na sagot ni Larryl
"Bakit pinili mo na maging kaibigan na lang si Gladymier?." Tanong ni Gladymier natahimik kami bigla.
"Because.... this is what I want right now, I don't want to feel broken again not this time." Sabi ni Larryl pagtapos ay kinuha agad ang bote at nagspin since kami na lang pala ni Gladymier ang natira si Larryl ang nagtanong sa akin.
"Truth." Mayabang na sagot ko.
"If you choose one person to love who is he?" Tanong niya pa.
"He... is Mark because of what confession he told to me mas na prove ko na may pag asa pa sa happy ending." Sagot ko.
"Dare me." Sabi ni Gladymier
Ang pinadare ko ay yakapin si Larryl na wala na lang para sa kaniya agad na kaming kumuha ng baso para naman kumain ng ice cream magsasaya kami ngayon.