Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 30 - CHAPTER 28

Chapter 30 - CHAPTER 28

Jasmin Point of view

Maaga pa lang umalis na ako sa bahay para pumunta sa Library since may maaga naman na klase ay maaga rin nagbubukas ang library malaki ang dulot sa amin ng Library diyan din kami kumukuha ng source. Habang naglalakad ako papunta nagulat na lang ako ng may rose na nasa harapan ko pagtingin ko si Mark pala ang may hawak.

"Para kanino yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Goodmorning para sa'yo yan." Sabi pa niya tapos inaabot sa akin sabay kuha ko rito.

"Ehh? Ano mayroon?" Tanong ko.

"Wala naman masama ba magbigay nakakita ako ng Flower Shop kaya bumili ako tapos tamang bigay sa'yo." Sabi niya pa kaya tumango na lang ako sa kaniya.

"Maiba tayo bakit ang aga mo 6 pa lang mamaya pa ang pasok mo di ba." Sabi niya pa.

"May gagawin kasi ako e, may tatapusin din kasi ako sa Library e. Ikaw ba?" Tanong ko rin.

"Papasok na rin ako buti talaga at naabutan kita sige pasok na ako ingat ka mamaya na lang ulit." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Sige." Sabi ko tapos ay naglakad na papunta sa Library.

Nakakaloka din talaga minsan si Mark ganito rin siguro siya

ka sweet sa mga naging ex niya tapos binalewala siya nasa huli lagi ang pagsisi. Sa huli marerealized yung halaga nung isang tao.

Naghahanap ako ng sagot sa mga lecheng tanong ng magulat na lang ako ng may biglang umakbay sa akin kaya napalingon agad ako nakita ko si Gladymier.

"Walang class?" Tanong ko sabay balik sa paghahanap.

"Wala pa hinihintay ko rin si Larryl kaya maaga ako pumasok umaasa rin akong nandito siya." Sabi niya pa.

"Mamaya pa ata siya atsaka wala atang assignment yun maiba tayo bakit pasado alas otso nakauwi yun. Tapos hindi na kami pinansin pa." Sabi ko sa kaniya.

"Samahan na kaya kita rito pero favor naman pa text si Larryl na rito pumunta." Sabi niya pa.

"Sige pero tulungan mo ako

maghanap para habang kausap mo naman ako may dulot ka atsaka gago hindi mo sinagot tanong ko." Sabi ko pa sa kaniya sabay kurot sa tagiliran.

"Aray ko naman Jaja, hindi ko alam bakit ganoon siya. Basta ang alam ko umiiyak kahapon nung hinatid ko sa inyo bukod roon wala na akong alam. Kaibigan niyo yun, kaya dapat kayo na umalam ng problema niya." Nag aalalang sabi niya.

Hindi na lang ako umimik pa nag aalala ako pero deadma na lang ginawa ko, nagtype na lang ako ng message kay Larryl. Pagkasend ko ay pinaliwanag ko sa kaniya ang gagawin at mabilis naman niya agad na pick up kaya naging madali na lang agad sa akin ang paghahanap buti na lang talaga may kasama ako mas mapapadali.

Sa wakas tapos rin namin habang nag uusap kami bigla na lang dumating si Larryl kaya napatigil kami sa pag uusap.

"Ohh!? Tapos ka na ba?" Sabi niya pa.

"Yup thanks to your boy bestfriend." Sabi ko sabay tapik sa likod ni Gladymier.

"Naks, baka mainlove ka sa kaniya support JasMier loveteam yieee." Sabi pa niya kaya naman napailing na lang ako may ugali talaga siyang pagiging baliw.

"Siraulo maiwan ko na kayo at bibili ako ng makakain." Sabi ko.

"Ingat ka." Sabi lang ni Gladymier at nauna na ako sa kanila maglakad.

Habang naglalakad ako ay may mga students ako nakikita medyo matagal na rin kami rito sa may Academy andami na rin namin natutuhan sa buhay at napatunayan ano kami housemate sa bahay ni kuya.

Ilang sandali lang din ay nakarating na ako kaya naman agad na ako pumasok sa loob ng canteen at naghanap na agad ng mabibili ko pagkatapos ay umupo na sa may dalawahan lang. Habang kumakain ako ay nagcecellphone ako boring wala ako makausap.

"Hindi ka mabubusog, kumain ka muna kaya." Pagtingin ko si Vince pala.

"Owww!? Wala akong makausap e, maiba tayo wala ka pa bang klase?" Tanong ko tapos ay umupo siya sa tabi ko.

"Gusto mo ba kuha ka na lang diyan." Sabi ko sa kaniya sabay alok sa kaniya. Umiling siya.

"Hindi ako gutom pumunta ako para magpalipas ng oras." Sabi niya pa.

"Ahh okay." Sagot ko tapos ay kumain na lang at hindi na lang nagcellphone.

"Hmm... kumusta?" Tanong niya pa.

"Nothing new don't english me." Sabi ko.

"Kahit kailan talaga Jas walang kupas joker ka talaga." Natatawang sabi niya.

"Fyi hindi ako clown." Pagtataray ko.

"Wala naman akong sinabi na clown ka ang sinasabi ko masyadong

mapagbiro."

Tumango na lang ako sa kaniya at hindi na lang nagsalita pa.

"Paano mauuna na ako sa'yo eatwell." Sabi niya pa tapos ay tumayo sabay gulo ng buhok ko. Lagi na lang ginugulo buhok ko e.

Tumango na lang ako sa kaniya at nagmadali na tapusin ang kinakain ko para makapasok na sa unang klase ko.

Habang papunta sa unang klase ko may napansin agad ako sa dinadaanan ko na sulat ano naman kaya ang isang ito nakasobre siya so feeling ko sulat siya. Kinuha ko at binuksan may nakasulat dito at binasa ko siya kaso hindi ko maunawaan ang nakasulat kaya nilapag ko na lang ulit sa may sahig kaloka naman yung nagsulat hindi maintindihan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumunta sa aking unang klase.

Pagkaupo na pagkaupo ko sakto naman ang pagkapasok ng teacher namin dito sa aming subject yung terror na akala mo may mga pinagdadaanan tapos laging galit hindi talaga mawawala sa mga teacher ang ganoong klase well goodluck everyone. Nakinig na lang ako at hindi na lang nag isip ng kung ano pa.

Pagsabi agad ng Prof ng dismissed ay nabunutan na agad ako ng tinik buti na lang talaga isang oras lang namin siya kasama kaso dahil terror akala mo tatlong oras ang bagal ng oras e. Habang nag aayos ako ay may naalala ako bigla si Larryl may problema pero hindi pa nagkukuwento sa amin siguro dahil hindi pa siya ready hayaan na muna namin siya. Magkukuwento naman siya kapag hindi na talaga keri e.

"Jas tara na sa next class." Sigaw ng isa sa mga kaklase ko kaya nabalik agad ako sa realidad.

"Sunod ako be." Sagot ko tapos ay nagmadali na mag ayos.

Hindi ko na naabot mga kaklase ko sa hallway nandito kami ngayon sa second floor samantalang sa first ang next class ingat self at baka mali ang mahulugan mo. Sa kakamadali ko nagulat ako ng ma out of balance ako at may bigla na lang nakahawak sa akin kaya hindi ako ganoon nasaktan nagulat ako kay Mark.

"Thank you." Nasabi ko na lang pagkatapos ay umayos na agad ng pagkakatayo.

"Ingat ka sa susunod baka hindi na ulit kita masalo pa sige ka masasaktan ka na kapag nagkataon." Biro pa niya.

"Hehehe sorry una na muna ako sa'yo." Sabi ko sabay dahan dahan bumaba sa may hagdanan.

Nagulat ako pagkapasok ko kasi nagkakagulo sila kaya naman tinanong ko ang katabi ko.

"Ano mayroon." Sabi ko tapos ay umupo na agad.

"Wala raw si Miss." Sabi sa akin kaya naman napatango ako bilang sagot.

Tumayo ako at dinala ang mga gamit ko, pupunta na muna ako sa garden at doon ko kakausapin ang sarili ko. Tumayo ako at naglakad na papunta sa Garden pagdating ko roon ay agad akong umupo sa may bandang puno para hindi ako ganoon mainitan.

"May mga panahon talaga nagmamahal tayo ng alam natin hindi puwede hindi nakalaan para sa atin." Sabi ko sa sarili ko.

"Kasi naman hindi kayo ang nakalaan para sa isa't isa masisi ba natin ang puso sa una lang yan pagsubok." Sabi ng ibang boses kaya napalingon ako tito.

"Sino ka ba na biglang susulpot dito? Ayos ka lang ba." Sabi ko sa kaniya

"Stalker mo ako matagal na akong may gusto sa'yo." Sabi pa niya.

"Ngi! ayos ka lang ba wag ako iba na lang. Mga linya ng mga galawang fuckboy." Sabi ko.

"Grabe ka naman sa 'kin anyway Jake and you are Jasmin." Sabi niya pa.

"Yes nice meeting you kahit ang feeling close mo." Sabi ko sa kaniya.

"Prangka mo masyado Jasmin anyway puwede ba ako magshare ng lovelife sa'yo tulungan mo ako maka move on." Sabi niya pa.

"Sige habang nasa mood pa ako ngayon." Sabi ko pa natawa na lang siya sa akin.

"May na meet ako accidentally na babae sa RPW akala ko kapag nakipag RS ako sa kaniya okay na agad kaso biglang hindi na siya nagparamdam may feeling na ako sa kaniya hindi na RPW yung feeling ko." Sabi niya pa kaya napakunot ako hindi ko alam ano ang RPW e.

"Ano muna ang RPW?" Tanong ko.

"Kabataan ka ba talaga?" Sabi niya

"Oo naman millenial ako pre." Depensa ko.

"Hindi mo alam ang RPW hindi ka talaga millenial." Sabi niya pa.

"HINDI NGA OKAY BAHALA KA NGA RIYAN." Sabi ko tapos ay tatayo na dapat ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako rito.

"Okay Role Play Word." Sabi pa niya sabay bitaw sa kamay ko kaya naman bumalik ako sa pagkakaupo.

"Ano ba yung RPW na yan dummy ba ganern." Sabi ko pa.

"Yun na nga yun kailangan pala dummy ang sabihin ko sa'yo para maunawaan mo."

Natatawang sabi niya sa akin kaya napailing agad ako sa kaniya.

"Puro ka tawa bahala ka sa buhay mo." Sabi ko pa sa kaniya

"Okay fine ano ba sasabihin ko."

"Balance your heart and mind kapag alam mo wala na talaga lahat give up, kung wala ka na ilalaban pa then bitaw simpleng bagay ginagawa mong kumplikado wag kasi masyadong stressed." Sabi ko pa sa kaniya sabay hatak sa kamay niya nagugutom ako at bigla rin nag crave sa Ice Cream.

"Libre mo ako ng Ice Cream." Sabi ko sa kaniya tapos ay wala na siyang nagawa kung hindi ang umuoo sa akin. Mahirap din pala kapag mag aadvice ka hindi kasi ako sanay atsaka hindi rin ako nakikinig sa mga advice ng mga magagaling ko na kaibigan lalo na si Annalyn kakatuwa kasi sila maasar e demonyo level 101 ang peg ko sa kanila.