AFTER A MONTHS
Jasmin Point of view
Ilang buwan na rin pala makalipas ang mga masasakit na karanasan sa amin sobrang move on ang ginawa namin sa mga kaganapan. Heto ako ngayon nakaupo sa may Park at nagpapahinga may pag uusapan din kasi kami ni Mark bago yun ikukuwento ko na muna sa inyo ang lahat para naman may idea kayo sa mga nangyari.
-THROWBACK-
Isang linggo matapos ng libing ni Anna ay nag kaniya kaniya kami ng paraan ng pagmove on namin ng sa ganoon hindi masyadong masakit para sa aming lahat. Pauwi na ako ngayon sa bahay ng makareceive ako ng text galing kay Mark na magkita raw kami at may sasabihin siya sa akin that time rin kasi yung mag uusap rin si Angelica at Vince tapos si Larryl at Gladymier kaya for sure wala pang tao sa bahay. Paglabas ko nakita ko agad si Mark na nakasandal sa kotse niya kaya nilapitan ko na agad.
"Problema mo?" Biglang tanong ko.
"May sasabihin ako sa'yo okay lang ba if sa Park tayo hatid na lang kita." Sabi niya pa tumango ako as respond sa kaniya.
Sumakay ako sa may kotse niya at hinayahan na siya na sumakay mag isa. Habang nasa biyahe ay nag usap muna kami.
"Kumusta ka?" Sabi niya pa habang nakatingin sa daan.
"I'm fine, but not totally happy hindi ko pa rin matanggap e. Ang hirap kalimutan ang sakit pa rin." Natural lang na sagot ko.
"Kahit ako nasasaktan sa nangyari, hindi natin pare pareho alam na ganoon na pala bigla ang mangyayari." Sabi niya pa sa akin.
"Totoo yan napakahirap naman kasing tanggapin. Imagine maayos at masaya pa tapos biglang malalaman natin na hit and run." Sabi ko pa sa kaniya nakita ko na napailing na lang siya.
Natahimik na lang kaming dalawa kaya ganoon na lang din ang ginawa ko tumingin na lang ako sa may bintana habang tahimik pa rito. Ano kaya sasabihin niya sa 'kin ano kaya gagawin ko kung yung tanong niya sa akin is hindi ko alam ang sagot ayoko saktan yung lalaking nandiyan sa tabi ko no matter what happen. Ayoko igive up yung mga pinagsamahan namin just for my own happiness at ayoko mawala siya nababaliw na ako kakaisip sa mga ganoon na bagay.
Nagulat na lang ako ng bigla na lang bumukas ang pintuan.
"Nandito na tayo tara." Sabi pa niya kaya naman umayos na ako at bumaba.
Naglakad na kami papunta sa may mismong play ground roon kami sa may swing at umupo roon. This Park is really amazing dito maganda tumambay rito maganda makipag usap kasi sobrang linis ang hangin masaya lang kapag nandito ka tapos ang the best yung katahimikan niya nakakaamaze.
"Simula ng naging wrong call yung pagkakatawag ko sa'yo at naging trip kita hindi ko alam bakit naging type kita kahit boses mo lang yun." Sabi niya pa.
Napaisip na lang ako bigla ng time na wrong call niya lagi akong nababadtrip sa kaniya tapos nasusungitan ko mga kaibigan ko sobrang naiinis ako sa kaniya that time pero nawala rin yung inis na yun kasi nasandalan ko siya nung panahon na may problema ako.
"Matanong nga kita ano nang nararamdaman mo ngayon." Tanong niya sa 'kin kaya humarap ako sa kaniya.
"Hmm... isa ka na sa mga taong nalalapitan ko pagdating sa mga problema. Ikaw lagi yung nandiyan no matter what happen. Nawala na yung inis na nararamdaman ko sa'yo." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
"Paano.... kapag may sinabi ako sa'yo." Sabi pa niya sa akin.
Bigla na lang ako napaisip ito na talaga yung kanina yung mga iniisip ko e.
"About that it depends upon on the situation." Sabi ko.
"Sabihin mo na sasabihin mo sa 'kin kakain pa tayo sa KFC libre mo." Sabi ko.
"Sige ba basta." Sabi niya sa akin.
"Umamin na ako sa'yo di ba about sa feeling ko this time kasi mahal na kita alam ko sobrang bilis lalo na ngayon nasa stage pa rin kayo ng pagmove on niyo about what happen kay Annalyn kaso~." Inunahan ko na siya.
"Kaso tumibok na si puso kaya hindi mo na napigilan na mainlove sa akin, ako kasi yung babaeng walang arte at straight to the point." Sabi ko sa kaniya kaya naman tumango siya sa akin.
"About that na kapag desisyon na ako sorry, pero wala kasi akong feeling sa'yo noon pa lang na umamin ka sa akin hindi ko na feel na magwowork e, ayoko lang talaga masaktan ka at hindi tayo parehong maging masaya kaya nagpapakatotoo na ako sa'yo pero wag ka mag alala kasi no matter what happen nandito pa rin ako sa tabi mo. I'm still the Jasmin na nakilala mo nothings change. Sorry atsaka thank you." Sabi ko pa sa kaniya.
"And wait there's more ayoko kasi na pilitin yung sarili ko mahalin ang isang tao, ayoko masaktan ka kaya hanggang maaga pa sinasabi ko na sa'yo." Sabi ko pa sa kaniya.
"Haist, napakastraight forward mo talaga kahit kailan sige okay na yun. Let's go na sa KFC." Sabi niya pa.
Hinawakan niya ako sa kamay para sabay kami tumayo pero tinanggal niya rin at piniling akbayan na lang ako habang nag uusap kami.
-END OF FLASHBACK-
Heto ako ngayon at hinihintay siya narealize ko na rin na mahal ko siya kaso tadhana na ang gumawa ng paraan para hindi kami magkatuluyan e. Ilang sandali lang ay nakarating na rin siya sa wakas naman talaga e.
"Sorry na late." Sabi pa niya
"Alam ko naman traffic e." Sabi ko pa sa kaniya.
"Alam mo na talaga." Sabi niya pa sa akin sabay gulo sa buhok ko.
"Anyway, may mahalaga tayong pag uusapan." Sabi ko sa kaniya.
"Huli na lahat para sa love story natin wala na tapos na siya." Sabi niya sa akin.
"I already know, anyway gusto ko na sabihin lahat sa'yo habang may time." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti pa.
"Bakit kasi sinabi ko kung kailan wala na yung nararamdaman ko sa'yo kung kailan mayroon ng iba." Sabi niya pa, roon bumuhos ang mga luha ko.
"Hindi talaga fair ang mundo may mga panahon na sasaktan ka at mananakit ka." Sabi ko pa sa kaniya iniiwasan ko na sobrang maiyak.
"Mahal na mahal kita alam mo yan pero umasa rin kasi ako na sana may chance na pinaglaban niya ako kahit umasa pa ako okay lang basta alam ko mamahalin mo rin ako sa huli, kaso anong sinabi mo sa akin nung panahon na nag usap ulit tayo wag ka na umasa kasi masasaktan ka lang na ayaw mo kasi maging unfair at maging selfish at ayaw mo pilitin yung sarili mo na mahalin kasi ayaw mo ako saktan pero dahil doon mas nasaktan ako." Sabi pa niya nakita ko na lang na may mga luha sa mata niya nasasaktan ako sa nangyari sa amin naging ganito kahirap sa amin lahat kung sana sa una pa lang hinawakan ko na at hindi sinukuan kasalan ko lahat kaya okay lang magsuffer ako sa sakit.
"Sorry kasalanan ko... kung sana pinaglaban ko yung nararamdaman ko at nakipagsapalaran ako at tinake yung risk hindi sana tayo pareho nasasaktan." Sabi ko pa sa kaniya alam ko na ang totoo nakabuntis siya at ayoko mawalan ng ama ang bata.
"Mayroon na kasi akong kailangan ayusin may isa rin na masasaktan at mawawalan at ayoko masaktan yung isa." Sabi pa niya.
"Okay na yun, okay na ako ang masaktan kasalanan ko rin naman lahat, hindi kita masisi kasi ako rin ang nagbigay ng rason para masaktan e." Sabi ko pa sa kainya tumayo ako at lumapit sa kaniya.
"No matter what happen, nandito pa rin ako bestfriend pa rin tayo may iba na sa puso mo pero nandito pa rin ako hanggang barkada mo pa rin ako Mark mahal kita pero hindi na puwede kasi may masasaktan." Sabi ko tapos ay naglakad na palayo.
Palayo sa taong naging parte ng pagiging ako minahal ako at hindi sinukan, pero ang tanga ko kasi nasa akin na binitawan at pinagtabuyan ko pa, siguro hindi talaga para sa akin ang lovelife siguro para yun sa mga taong deserving at taong kaya ipaglaban hanggang sa huli hindi yung ganito sa akin mahina at nagdedesiyon ng hindi tama, kaya pinagsisihan lahat sa huli wala na yung taong mamahalin ko sana nasa feeling na ng iba.
Naglakad na ako ng mabilis kailangan ko na talaga magpahinga I'm tired physically, emotionally at mentally hindi na gumagana brain ko kaya tayo nasasaktan puro puso e, hindi ka na nakakapag isip ng maayos. Haist, Jasmin tanga mo talaga isipin mo mabuti puso mo move on and keep on smile no matter what happen.