Annalyn Point of view
"Papasok ka ba talaga hindi ka kaya niyan himatayin." Sabi ni Angelica.
"Kaya ko naman talaga wag ka nga masyadong OA." Sabi ko pa.
Nilagnat kasi ako nasobrahan ako sa pagkain ng ice cream kaya heto napaos ako at the same time nilalagnat. Katakawan ko kasi e.
"Katakawan kasi sa Ice Cream mas marami pa kinain mo sa 'kin e." Sabi pa ni Jasmin.
"Tigilan niyo na ako sa sermon wala na kayong magagawa kasi desisyon ko na ang pumasok." Sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo mauuna na ako sa inyo." Sabi ni Jasmin at nauna na maglakad nagpaalam na lang din kami at naglakad paakyat para kuhanin ang mga gamit namin.
Anong araw na ngayon friday na ulit parang kailan lang nung nag first day class kami kaya heto at wala na kaming choice kung hindi magpatuloy sa buhay. Nag ayos na kami at sabay ni Angelica na lumabas sa may bahay para umalis. Habang naglalakad kami ay nararamdaman ko ang pananakit ng ulo ko at nahihilo ako kaya hindi ako nakapagfocus sa dinadaanan ko kaya naman nagulat na lang ako ng nagdilim na lang agad.
Angelica Point of view
Nagulat na lang ako sa sumunod na pangyayari nasagasaan si Annalyn hindi ko rin napansin kasi busy ako hindi rin pumito yung walang hiyang driver ng sasakyan tapos wala na kaya naman napabitaw agad ako sa hawak ko.
"Annalyn gumising ka riyan, shit! tang ina! naman kasi e." Sabi ko pa sa kaniya.
Kaya naman sumigaw agad ako ng tulong kaya naman agad agad ako tinulungan para dalhin siya sa Hospital. Habang papunta kami ay hindi na ako halos makapagsalita kasi puro na lang ako iyak lapitin talaga kahit kailan ng disgrasya si Annalyn nakakainis naman kasi e. Ilang sandali ay nakarating na agad kami hindi na ako halos makalakad sa kaba halo halo na yung nararamdaman ko as in bakit kailangan mangyari lahat sa kaniya ang ganitong klaseng bagay. Tinatanong ako pero hindi na halos ako makasagot kasi nanginginig na ako sa kaba.
"Isalba po ninyo ang kaibigan ko kailangan po niya mabuhay." Pagmamakaawa ko.
"Yes Ma'am gagawin namin lahat ng makakaya namin but for now stay ka muna rito." Sabi sa akin kaya naman umupo agad ako sa may waiting area.
Please... save Annalyn hindi pa namin kaya mawala siya hindi namin kaya na mawala siya kaya please Lord kayo na po bahala sa kaniya.
Ilang minuto ay nagulat ako ng lumabas ang Doctor kaya naman lumapit agad ako at kinausap siya.
"What happen po sa patient okay na po stable na po ba siya." Sunod sunod kung tanong.
"Ginawa ko lahat ng makakaya ko, kaso malala na ang damage sa brain niya nung una ay mild lang pero this time hard na kaya hindi na kinaya at bumigay sorry pero wala na po siya." Sabi sa akin kaya naman napaupo na lang ako sa gulat.
"Paanong wala na siya matapang si Annalyn, hindi siya agad agad sumusuko sa mga laban, paanong namatay siya paanong wala na siya." Sabi ko pa sa kanila kaso napapailing na lang sila at iniwan ako rito kaya naman tumayo ako at pumasok sa loob.
"Annalyn.... bakit mo naman kami iniwan di ba barkda tayo may goal tayo di ba may goal tayong apat bakit iniwan mo agad kami.... mahirap ka kalimutan pero bakit ka agad umalis.." Naiiyak na sabi ko lahat halos ng iyak ko nilabas ko wala pa ilang buwan patay ka na agad wala pa sa taon wala ka na agad. Dali dali akong lumabas at tinawagan sila Jasmin. Tatlong ring pa lang ng sagutin niya ang tawag.
[Hello be, problema mo.]
Natatawang sabi niya pa naiyak na lang ako bigla.
[Patay na si Annalyn.]
Naiiyak na sabi ko bigla na lang natahimik sa kabilang linya ilang sandali ay nagsalita siya.
[Hindi maganda yung joke mo Angelica, grabe ka magbiro.]
Natatawang sabi pa niya sa kabilang linya.
[Hindi ako nagbibiro wala na si Annalyn nasagasaan siya at na damage ang utak kaya hindi na nabuhay kasi bumigay na yung utak niya.] Sabi ko.
[Wait! what? are you serious about that saan yan at pupuntahan ko kayo. Text me the location.]
Sabi pa niya sabay patay sa tawag.
Nagmadali ako magtype kung saan kami at umupo na muna sandali after ilang linggo ganito ang mangyayari mawawala yung nag iisang kaibigan namin yung kaibigan namin na nanatili sa amin hanggang sa pagkamatay niya, nanatili sa amin no matter how easy and hard the situation at nagstay sa amin. Lord, hindi ka talaga fair bakit nawala yung nagbibigay ng aliw, saya at nagbibigay sa amin ng advice sa isang iglap nawala agad yung babaeng mamahalin namin ng tapat at totoo. Bigla na lang akong nagulat kasi nasa harapan ko si Larryl at Jasmin kasama ang apat.
"Nasaan si Anna." Sabi ni Jaja.
"Nilipat na sa may Morgue samahan ko kayo." Wala sa sariling sabi ko.
Naglakad kami na walang nagsasalita pagkapasok sa Morgue bumungad sa amin ang isang Annalyn na walang buhay na akala mo payapa na natutulog. Bumuhos na agad ang mga luha ng anim.
"Fuck! tangina bakit agad agad bakit biglaan." Sabi ni Mike.
"What happen bakit ganyan agad bakit biglaan na lang na namatay siya." Sabi ni Vince.
"Be, bakit mo agad kami iniwan, bakit ka agad nagpahinga, andami pa natin gagawin, bakit agad agad ka nawala, bakit agad agad ka nang iiwan." Nakayakap na si Jasmin dito at umiiyak si Larryl iyak din sobrang grabe ang iyak namin dito sa loob hindi pa rin kasi namin hanggang ngayon matanggap ang mga pangyayari masydong mabilis lahat masyadong napadali at hindi namin napaghandaan masyado pa bata si Anna pangarap din niya ang maging writer someday kaso hindi na mangyayari ang bagay na yun kasi heto siya nagpapahinga na masaya na at babantayan niya kami kung nasaan siya ngayon. Ilang minuto lang din ay pinalabas na kami kaya naman no choice kami kung hindi ang lumabas at umupo sa may upuan.
"Tangina talaga bakit parang ang bilis ng mga pangayayari parang masaya pa tapos ngayon wala na agad." Sabi ni Gladymier.
"Parang... tinadhana na sa kaniya ang nangyari parang nakatadhana na kung kailan ang panahon niya." Sagot pa ni Mark.
"Kahit pa mabait yung tao kinuha agad sa atin paano na yan hirap kaya tanggapin na yung taong nagbibigay ng saya nawala ng isang iglap." Naiiyak pa rin na sabi ni Jasmin hindi na ako nagsalita pa puro sila rants about what happen samantalang ako heto at problemado paano namin sasabihin sa mama ni Annalyn ang nangyari paano ko sasabihin na ang nag iisang anak na babae nila ay wala na namaalam na at iniwan na sila. Lahat ng lakas ng loob ko sa katawan nilabas ko na agad lumayo ako sa anim at lumabas muna sa Hospital at doon sa may labas ko tinawagan sila Tita ilang ring ng sagutin ang tawag kaya naman huminga ako ng malalim wag ko papahalata na umiiyak talaga ako at wag ipapahalata agad.
[Hello Angelica, napatawag ka buti at day off ko ngayon.]
Masayang sabi sa akin ni tita kapag nalaman kaya niya wala na ang anak niya masaya pa rin kaya siya.
[Hello po tita, gusto ko po kayo kumustahin e. Miss you na po.]
Plastik kung sabi.
[Miss you to Ange, by the way nasaan ba si Anna gusto ko siya makausap, namimiss ko na rin siya e.]
Sabi pa niya sa akin. Kaya napabuntong hininga agad ako bago nagsalita.
[Kasi po tita... si Annalyn po patay na po ngayong araw lang din po.]
Sabi ko kaya naman napatahimik bigla sa kabilang linya.
[Paanong patay yan malakas yan kahit sakitin at takaw disgrasya, paanong patay uuwi ako riyan.]
Sabi ni tita kaya naman bumuhos na ulit ang luha ko.
[Uuwi ako para makita ko ang totoo Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita ng personal.]
Sabi pa sa akin sabay patay sa tawag kaya naman nakahinga agad ako ng maluwag bahala na sa mangyayari bukas hayaan mo na pagalitan kami hindi na maibabalik ang buhay ni Annalyn kahit naman dasalan pa namin siya hindi na siya mabubuhay kahit magbaliktad pa ang mundo wala na talaga siya wala na akong magagawa kasi the end of her journey.
Annalynn... kung nasaan ka pa ngayon please bantayan mo kami kasama ka pa rin sa mga journey namin sa buhay, kasama ka pa rin sa mga goals namin kasi kahit wala ka na yung memories na iniwan mo ay mananatili pa rin sa puso namin alagaan mo sarili mo hindi ka na masasaktan at maiistressed. Ikaw ang isa sa mga babaeng hinangahan ko sa tapang at tatag mo, isa ka sa mga naging inspirasyon ko para mas lumaban kami at mas maging matapang kami. Annalyn wag ka mag alala yung mga goal natin tutuparin pa rin namin, kahit tatlo lang kami tutuparin namin para maisip mo na yung mga kaibigan ko tinupad ang wish ko nawala ka rito sa lupa pero sa puso ng bawat isa sa amin hindi ka namin malilimutan.
Naglakad na lang ulit ako papasok sa loob ng Hospital bahala na kung anong balak naming pito nalagasan tuloy kami ng isang babae na nagbigay ng saya sa amin kakainis hanggang ngayon hindi pa rin kami makamove on kaibigan, anak, kapatid na mabuti kahit ibang tao tutulungan tapos kukunin agad tapos end of journey ang life, haist, new life without you Annalyn.
-
Hindi mo talaga alam kailan ka kukunin ng diyos may mga tao talaga na kinukuha for some reason pero iisa lang ang ending ng story ang mawala isa't isa. Annalyn pass out in the time of 6:42 hindi kami lahat ready pero wala na tayong magawa kung hindi tanggapin at magmove on natapos na ang journey niya as Annalyn, pero ang pagiging kaibigan niya sa amin hindi pa rin tapos at hanggang sa huli ay nanatili pa rin. Lahat natatapos, pero ang alala ng isang tao mananatili sa puso ng mga taong nabigyan niya ng saya, napangiti niya natulungan at mga taong minahal niya. Annalyn Garcia isa ka sa mga taong nagpatunay na no matter how easy and hard the situation you are facing you have still on fighting to be win. Fight for your dream and your life, isa ka sa mga fighter na kahit kailan hindi sumuko at bumitaw, hindi napagod at higit sa lahat hindi ka umayaw sa laban. Natapos ka na isa ka na sa mga survivor at mananatili sa puso ng bawat isa at bawat tao na may nabuhay na katulad mo hindi ka tumagal pero sa pananatili mo rito marami ka natutuhan na bagay marami ka rin naturuan at marami ka rin napatunayan, sa bawat pagkadapa may bagong umpisa para bumangon at mag umpisa ng masaya kahit gaano pa kahirap ang buhay. Annalyn hindi ka namin makakalimutan tapos na ang paghihirap mo at habang buhay ka na makakapagpahinga rest in peace. Mahal na mahal ka namin sana ay masaya ka kung nasaan ka man ngayon.