Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 26 - CHAPTER 24

Chapter 26 - CHAPTER 24

Annalyn Point of view

Pagpasok ko kaagad andami na agad namin ginawa ito na kasi ang totoong laban namin sa mga naunang subject ko puro kami pa quiz buti talaga may nasasagot ako tinutulungan ako ni Angelica e. Last subject na namin ito para sa morning class still may gana pa ako kasalukuyang papunta na kami ngayon sa assign room namin habang nag uusap kami.

"Hell week andami natin kailangan tapusin hindi ko mararamdaman weekends te." Sabi ni Ange.

"Kaya nga pero kapag natapos naman na tayo sa lahat okay na e. Minsan lang talaga nakakainis." Sabi ko.

"Tama ka riyan te pero laban para sa pangarap." Sabi niya pa.

"Kaya nga e." Sabi ko.

Pagtapat sa room namin ay pumasok na kaming dalawa sa loob pagkaupo namin yumuko na kami paano ba naman naistressed kami sa lahat ng pangyayari sa first subject.

Pagpasok ng prof namin ay umayos na kaming dalawa ni Angelica nakinig na lang kami katulad sa mga nauna namin na subject.

"CLASS DISMISSED" Pagkasabi ng prof namin ay tumayo na agad kami para mag ayos ni Angelica naramdaman ko yung gutom ko.

"Haist, tapos na rin sa wakas." Sabi ko.

"Tara muna sa may Library hiram tayo ng book, tapos balik na lang natin." Sabi niya pa.

May kailangan kasi kami tapusin nasa libro sa may Library siya makikita pasahan na rin bukas kaya kailangan talaga namin makahiram puwede naman iuwi kaso pabigat lang kaya habang nasa Canteen kami gagawa na lang kami roon.

"Tapos ka na ba? Tara na te." Sabi ni Angelica.

Naglakad na kami papunta sa may Library nasa second floor yun e.

"Ingat ka baka magkaroon ka ng Round 2 magkaroon ka ng amnesia." Sabi ni Angelica.

"Grabehan ka naman kasi oo mag iingat na talaga ako sis." Sabi ko.

"Mabuti na ang sigurado." Sabi niya pa.

Natawa na lang ako sa kaniya habang bumaba kami nag iingat na talaga ako ngayon mahirap na di ba. Pagkapasok sa may Library ay binigay na agad namin ang mga card namin para makahiram kami kilala na kami ng Librarian paano sa isang linggo tatlong beses kami kung pumunta rito hindi ka kaya makikila kapag ganoon tapos ang tagal pa namin dito minsan sa afternoon tambay kami.

Pagtapos namin manghiram ay dumeretsyo na kami sa may canteen pagpasok namin nakita agad namin ang mga pagmumukha ng anim lagi naman kami ang huli na dumarating e umupo na ako sa may tabi ni Vince close kasi kami e. Pagkatapos ko ay nilapag ko na ang mga libro ganoon din si Angelica.

"Bakit ang dami niyo books na dala?" Tanong ni Mark.

"May tinatapos kasi kami e." Sagot ko.

"Grade conscious talaga kayo e." Sabi naman ni Mike.

"Well kailangan sa course mahirap din kasi talaga e." Sagot ko.

"Wait bili lang kami ng makakain namin gutom na kami e." Sabi ko.

"Wag na mayroon na kayong parte riyan kumain na kayo." Sabi ni Vince.

Kumain na lang kami ni Angelica kailangan kasi talaga namin matapos ang pinapagawa kasi andami pa namin kailangan tapusin kapag umuwi kami sa bahay e.

"Dahan dahan naman sa pagkain niyo patapos na kayo habang kami rito wala pa sa 1/4." Sabi ni Gladymier.

"May tinatapos kasi kami ngayong araw ngayon lang vacant namin e." Sagot ko.

"Sipag talaga kahit kailan nakakaturn on." Sabi ni Vince.

Hindi na lang kami sumagot pa ilang minuto lang din ay natapos na kami kaya naman uminom na kaming dalawa.

"Kain lang kayo gagawa lang kami ng activity." Sabi ko.

Kaya heto nagsusulat kami nagsusulat kami habang silang anim naman ay kumakain bahala na sila kailangan lang talaga namin matapos habang vacant pa.

Nauna na sa amin yung anim kami naman ni Angelica ang nahuli tinatapos kasi talaga namin pagkatapos namin ay agad agad na kami naglakad pabalik sa room buti rito lang kami sa may first floor kaya binalik na muna namin ang book bago pumasok sa next class namin. Salamat na lang talaga at hindi kami late pag upo namin siya naman pagdating ng Prof namin kaya naman umayos na kaming dalawa ng upo at nakinig.

"This is about blah blah blah." Kaloka ang galing magturo ni Sir guwapo pa niya kaso jusko naman matanda na siya para sa akin o sa amin na students niya.

Dahil isang oras lang siya ay natapos na agad siya sa dalawang topic buti walang assignment tatlo na ang gagawin namin wag na sana dagdagan pa buti marunong makisama yung ibang teacher. Nag ayos na ako at nagulat na lang ako ng tumigil si sir sa may pintuan.

"Ms.San Jose and Ms.Garcia labas muna kayo sandali may sasabihin lang ako sa inyo." Sabi ni Sir.

"Opo." Sagot namin ni Angelica buti na lang talaga at tapos na kami mag ayos bitbit ang handsbook namin at bag lumabas kami.

"Ano po yun sir?" Tanong ko.

"Alam niyo na ba na kayo ang dean lister?" Tanong niya sa amin.

Nagkatinginan kaming dalawa at napailing.

"Hindi pa pala kayo ang dean lister lalo ka na Angelica all your performance sa lahat ng mga prof niyo ay very good, almost perfect kaya sobrang proud kami. Imagine sa Academy ng maraming matatalino may mas aangat pa and the attitude maintain it both of you may mga matatalino rito na maattitude buti hindi kayo kasali sa mga yun so congrats to the both of you." Sabi ni Sir.

"Thank you po sir makakaasa po kayo." Sabi ni Angelica.

"Thankyouu so much po." Sabi ko.

"You're welcome keep it up sige maiwan ko na kayo." Sabi ni sir.

Nagpaalam na lang siya sa amin kaya naman kami ni Angelica nag umpisa na rin sa paglalakad papunta sa aming next class doon kami nakapag usap.

"Very proud of myself." Sabi ko

"Ikaw pa ba galing mo kaya." Sabi ni Angelica.

"Mas magaling ka." Sabi ko.

"Tayong dalawa na lang pareho masipag tayo e." Sabi niya pa.

Nagtawanan na lang kaming dalawa at nag usap na lang sa ibang topic nung nalaman namin na dean lister kami feeling ko nabunutan ako ng tinik kahit papaano yung effort namin may napapatunguhan I'm so proud of you self.

After 4hours ng afternoon class ay agad agad na kami umuwi ni Angelica napapagod kami physically and mentally kailangan na namin pareho ng pahinga pagdating agad sa bahay dumeretsyo na agad ako sa kuwarto at doon natulog agad ako at hindi na nagpalit ng damit.

-

Nagising ako sa ingay ng walang hiyang kapitbahay ang lakas nila magpatugtog ng Beautiful in White pagtingin ko sa wall clock ko 11 pm bakit may tugtog pa rin tapos biglang naalala ko may debu pala riyan kaya naman pala e. Tumayo agad ako naka uniform na pala kami ngayong week nabigay na sa amin e. Kaloka nga ang cute katulad ko. Naghanap na muna ako ng masusuot ko at pumasok na sa banyo naghugas lang ako at hindi binasa ang buhok ko gabi na kasi malamang sa malamang tulog na mga kaibigan ko ng ganitong oras pagtapos ko magbihis ay naalala ko mga assignment ko kakaloka naman kasi napagod ako ng sobra pero hayaan mo after ko kumain gagawa na lang ako hindi naman na ako mapupuyat sana lang talaga.

Naabutan ko sa may kusina si Angelica na nagluluto.

"Wala ba ulam?" Tanong ko.

"Wala e hindi rin siguro na kapag luto yung dalawa e. Busy rin siguro." Sabi niya pa

"Hayaan natin at lahat tayo halos busy na sa buhay." Sabi ko.

"May sinaing ba tayo tingnan mo pasuyo na lang te." Sabi naman ni Angelica.

Tiningnan ko yung rice cooker mayroon pa naman sinandok ko na yun nagluluto lang pala siya ng corn beef medyo malamig na rin yung kanin pero malambot naman kaya okay lang.

"Sinandok ko na yung kanin, nandoon na sa may lamesa." Sabi ko

"Sige upo ka na roon luto na rin ito e kaya ako na bahala." Sabi niya pa.

Sinunod ko ang gusto niya at umupo na ako ilan sandali ay sinerve na niya ang ulam na hinaluhan ng itlog mahilig kasi kami sa ganoon e.

Habang kumakain kami ay nag uusap kami ng about sa school works and so on walang katapusan na school works talaga e.

"Hindi ka pa nakakagawa ng assignment." Natatawang sabi ni Angelica.

"Oo ngayon ako gagawa e." Sabi ko.

"Sabay na tayo, brain storm us para mas mapadali." Sabi niya pa.

"Sige after natin tapos pahinga gawa tayo." Sabi ko.

"Doon na lang sa may sala tayo gumawa wag lang tayo maingay." Sabi niya pa.

Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya mabilis kami natapos sa pagkain ako na naghugas at siya na lang nag ayos. Pagkatapos namin ay kinuha na namin ang kaniya kaniyang mga gamit namin para sa paggawa nagtotoohbrush na muna ako para kung gusto ko matulog hindi ko na nanaisin pa na magtoothbrush kakatamad rin kasi talaga e to be honest e. Pagkatapos ko bumaba na ako at doon ay naabutan ko na si Angelica na inaayos ang laptop may ipiprint pala kami may bukas pa ba na print shop na maaga.

"Sa may malapit sa school na tayo magpaprint maaga nagbubukas yun e." Sabi niya pa.

"Kaya nga e maganda pa." Sabi ko.

Hindi na siya nagsalita pa tumango na lang ako sa kaniya at nag umpisa na kaming gumawa ng assignment namin at ng mga activity ipapaprint sana talaga namin kung may bukas pa na print shop kaso dis oras na ng gabi. Nag focus ako sa paggawa at hindi na kami nagkwentuhan pa muna tahimik kami na gumagawa ng mga assignment at activity.

Natigil kami sandali ng magring ng malakas ang cellphone ko pagtingin ko pangalan ni Mike kaya naman pinindot ko ang answer button.

[Bakit?] Tanong ko naka loud speaker na rin kasi nakalapag sa may lamesa e.

[Wow? Gising pa kayo, napatawag lang kami para icheck kung tulog kayo o gising pa.] Sabi niya pa

[May tinatapos kami pag uwi kasi namin natulog na agad kami kaya ngayon lang kami gagawa ikaw ba bakit gising ka pa?]

Hinahayaan na lang ako ni Angelica nagsusulat pa rin naman ako e.

[Sipag talaga balita ko dean lister kayo, kakainlove talaga kayo e.]

Napatigil si Angelica sa ginagawa niya at siya ang nagsalita.

[Ambilis ng balita dakilang mga chismoso talaga oo kami nga pero kaya niyo rin yan.] Sabi ni Ange

[Narinig mo yun kaya niyo yun.] Sabi ko pa.

[Grabe sa chismoso hindi ba puwedeng may source lang talaga. Tiwala lang na magiging dean lister sige na patayin ko na may tinatapos pala kayo e. Wag kayo papapuyat masyado hindi maganda sa katawan.]

[Whatever Mr.Fernandez] Sabi ni Angelica pagkatapos ay inend call.

Nagpatuloy na lang ulit kami sa ginawa namin hindi ko na rin pinatay yung cellphone ko wala naman na tatawag sa akin e madaling araw tulog mga tao. Binigay nila sa akin number nila para may contact ako sa kanilang apat na lalaki.