Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 25 - CHAPTER 23

Chapter 25 - CHAPTER 23

Jasmin Point of view

Maaga pa lang nagising  na 'ko dahil sa walang hiyang tumatawag ng ala singko sino naman kaya ang taong ito hindi ko na agad tiningnan ang caller at sinagot agad.

[OHH?] Pasigaw ko kakainis naman kasi eh.

[Nandito ako sa labas ng bahay ninyo hinihintay ka. Hihintayin kita kahit gaano katagal.]

Bigla akong napabangon at tumingin sa bintana nandoon si Mark ano ba yan e.

[Ano ba naisipan mo para pumunta ng maaga rito bahala ka riyan. Matutulog ako rito.] Sabi ko pa

[Maghihintay naman ako sabi ko e.]

Tapos ay binaba ko na inaantok kasi talaga ako kaso hindi naman ako yung klase ng tao na walang puso. Kahit inaantok ako ay bumangon ako at pumasok sa banyo nagmouthwash ako at naghilamos tapos ay bumaba na sa may labas.

Nakita ko siya na nakaupo lang sa may tabi ng gate kaya pagbukas ay napatayo agad siya.

"Goodmorning sinasabi ko na hindi mo naman ako matiis e." Sabi niya pa.

"Kakaawa ka atsaka pumunta ako para pauwiin ka. Umuwi ka na at matutulog ako pinuntahan na kita makakaalis ka na ulit." Sabi ko.

"Ano ba kasi problema natin maayos naman tayo nung una anong nangyari? Umamin lang ako hindi mo na ako kinausap hindi mo na ako pinansin." Sabi niya tapos napailing na lang.

Hindi ko alam bakit after ko siya ireject nasasaktan ako sa ginawa ko hindi ko alam bakit hindi ko alam saan nanggagaling yung inis ko yung galit ko o yung nararamdaman ko sa kaniya masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa bagay na yun minsan na kasi akong nasaktan e.

"Hindi ko alam wala akong alam Jm nasasaktan ako sa ginawa ko sa'yo pero nasasaktan ako sa mga ginawa mo." Sabay tulo ng mga luha sa mata ko.

Bakit ganito kahirap sa akin

magmahal muli bakit ganito kahirap para sa akin tumanggap ng lalaki at bakit nasasaktan ako para sa amin.

"Wala naman kaso yung rejected na natanggap ko as long as nandiyan ka kausap kita makita kitang masaya dahil sa akin masaya na ako kahit walang tayo." Sabi niya pa na mas lalong iniyakan ko.

Bakit ganito yung nararamdaman ko hindi ko na alam gagawin ko nababaliw na talaga ako please lang love bakit ang kumplikado mo bakit hindi mo na lang kasi pagtagpuin ang mga nakalaaan sa isa't isa para hindi na pare pareho nasasaktan hayaan mo sila maging masaya yung tao para talaga sa isa't isa.

"Please stay with me hayaan mo iparamdam ko yung pagmamahal ko kahit bilang kaibigan na lang." Sabi niya pa.

"Okay wag ka mag eexpect ng return." Sabi ko tapos ay pinunasan ang mga luha ko.

"Alam ko naman yun e, I'll take the risk. Thank you." Sabi niya tapos niyakap ako kaya ganoon na lang din ang ginawa ko.

"Matulog ka na ulit, see you na lang bukas." Sabi niya pa.

"Sige thank you ingat ka." Sabi ko

Pag alis niya nagsarado na ako ng gate at pumasok na sa loob dumeretsyo na rin agad ako sa kuwarto ko at nagpatuloy sa pagtulog.

-

Nagising na lang ako sa sinag ng araw sa kuwarto ko anong oras na ba nakita ko na lang sa wall clock ko na fudge 11:13 na pala grabe naman ang tinulog ko kung ganoon kakaiyak ko kasi e kaya napagod si eyes tapos ayan tulog is life. Tumayo na ako at tumingin sa may salamin hindi naman ganoon namamaga at halata na umiyak e, sayang hindi ako na kapag almusal.

Nag mouthwash ulit ako tapos  hilamos at lumabas na sa kuwarto ko agad at bumaba naabutan ko si Annalyn na nakaupo sa sofa habang naka taas pa ang paa.

"Goodmorning sis ang tagal mo bago magising puyat hmm." Sabi ni Annalyn akala ko hindi niya ako napansin.

"Hindi naman inaantok lang talaga ako e." Sabi ko pa.

"Alam ko na nangyari pero okay naman na siguro kayo di ba?" Tanong niya pa.

"Yup nakausap ko naman na siya, thank you sa advice." Sabi ko.

"You're always welcome basta tayo tayo magtutulungan sa mga problema na dumarating. Anyway kumain ka na yung dalawa nagpunta sa Mall para maggrocery." Sabi niya pa.

"Ikaw kumain ka na ba?" Tanong ko

"Oo tapos na rin ako sis sige kain ka na riyan eatwell." Sabi niya pa.

"Wait ano kinakain mo?" Tanong ko.

"Nips binigay kahapon ni Mark sa akin gusto mo ba." Sabi niya pa.

"Wag na kakain na lang muna ako balik ako mamaya usap tayo."

"Sige."

Iniwan ko na siya roon at naghanda na ako ng makakain ko may nakahanda na pala na kalderetang baka ang niluto nila dahil siguro  namiss nila ang kalderang baka  naghanda na ako ng kanin at ininit ang ulam may pa note pa silang iniwan.

Smile, start your day with smile. Maganda ka kaya dapat ngumuti ka. Goodmorning! Mahal ka namin Jasmin.

-Angelica

-Larryl

Napangiti na lang ako sa kanila mga loka loka talaga kahit kailan e kukunin ko siya mamaya tapos dikit ko sa mga notes o collection ko. Pag init ng ulam ay umupo na ako at nag umpisa na kumain mag isa na naman ako kung ano ano pa kasi inisip ko atsaka inalala kaya late na ako nagising mag isa tuloy ang drama ko ngayon pero okay lang yun.

Pagtapos ko na sa lahat ay bumalik na ako sa may sala naabutan ko pa rin si Annalyn doon na nagbabasa certified wattpad talaga pero masuwerte kami sa kaniya certified tagapayo namin yan sa love kaya malaki dulot niya sa amin. Lumapit ako at umupo sa tabi niya habang nagbabasa pa rin siya.

"Ano na pag usapan niyo?" Tanong ko.

Tinigil niya ang ginagawa niya at nilapag ang cellphone.

"Wala naman nalaman ko lang na ex ni Aljon ay naging ex din ni Mike tapos kababata lang nila si Mike tapos same Village sila." Sabi niya.

"Halaaa! Weh?" Sabi ko nagulat talaga ako sa nalaman ko

"Yup co incidence right? Kahit ako naguluhan tapos na shock pa e." Sabi niya pa sa akin.

"Kaya nga e pero okay lang yun. Let's change the topic, anyway how's you and Mark?" Tanong niya pa.

"Nagkaayos na kaming dalawa magkaibigan na kami ngayon not stranger okay na rin yun." Sabi ko.

"True minsan bonding tayong walo para naman kahit paano maging mas close us. Be happy para sa ating lahat." Sabi na lang niya

Nag usap na lang kaming dalawa tungkol sa ibang topic yung mga hindi pa namin napag usapan kakaloka nga isipin na marami na pala kaming napagdaanan tapos heto kaming lahat na apat matatag pa rin sana hanggang sa huli.

Third Person

Nasa kuwarto sila ni Gladymier kasama ang kaibigan na si Mark pareho sila mga kaibigan lang ang taong gusto nila kaya magkadamay sila.

"Bakit hindi ka umamin?" Tanong ni Mark.

"Kasi friendzone lang din ako hayaan na natin mawala yung feeling ko sa kanyia." Sagot ni Gladymier.

Napaisip si Mark tama siya alam naman niya na friendzone lang din si Gladymier.

"Pero dapat you take the risk pre paano kapag naunahan ka." Sabi ni Mark.

"Okay lang atleast alam ko naman na magkaibigan kami masaya na ako katulad mo." Sabi ni Gladymier.

"Tropa talaga tayo e tropa ng mga na friendzone." Sabi ni Mark.

Sabay silang natawa sa isa't isa tama sila mga tropa sila ng mga na friendzone hindi na rin masama kaysa naman sa wala hanggang nakikita nila yung mga babaeng gusto nila na masaya dahil sa kanila sapat na yun para sa kanila masaya na sila sa ganoon.

Sa kabilang banda naman ay pauwi na ang dalawang magkaibigan na si Larryl at Angelica ang dami nilang pinamili.

"Ang bigat naman kasi nito sana may dumating na tutulong sa atin." Sabi naman ni Larryl.

Ang bigat kasi ng dala nila e tatlong box tapos limang plastik nasa labas na sila ng Mall kaya bawal na ang kart.

"Tawagan kaya natin sila Annalyn at Jasmin." Sabi ni Angelica.

"Wag na juskoo aertehan lang tayo ni Jasmin si Annalyn mahina yun kailangan pa ng pahinga." Sabi naman ni Larryl.

Hindi na nila alam ang gagawin nila malayo pa lalakarin nila papunta sa may Terminal nawala sila sa pag iisip ng biglang may bumusina sa kanila at bumaba si Vince.

"Hatid na namin kayo at mukhang hindi niyo na yan kaya sakay na kayo ako na bahala." Sabi ni Vince

Tapos ay bumaba rin si Mike at tumulong sa pagbuhat ng mga dala nila samantalang yung dalawa na babae ay sumakay na sa may back seat. Pagsakay ng dalawa ay nag usap usap sila.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Angelica.

"Sa Mall din hindi namin kayo napansin saan ba kayo?" Tanong ni Mike.

"Sa may Supermarket kami kayo ba?" Sabi ni Larryl.

"Sa may damitan bumili kami may debu kasi kami na pupuntahan sa sabado e." Sabi ni Vince.

"Kaya naman pala e, anway thank you sa inyo. Kanina pa talaga kami naghahanap ng tutulong sa amin e." Sabi ni Angelica.

"Sakto naman pala yung dating namin." Sabi ni Vince.

Hindi na nagsalita pa sila Larryl at Angelica wala na ni isa sa kanila ang nagsalita pa. Buong biyahe hanggang sa pagdating nila ay wala na nagsalita pa.

"Thank you so much sa paghatid wag niyo na ipasok nakakahiya na sa inyo e." Sabi ni Larryl.

"Thankyouuu saviour talaga kayo eh." Sabi ni Angelica.

"Okay lang yan sige na pasok na muna kayo bago kami umalis." Sabi ni Vince.

"See you on Monday girls." Sabi ni Mike.

Ngumiti na lang ang mga babae at pinasok na sa loob ang mga pinamili ng makapasok na ang mga babae sa loob ay umalis na rin sila Vince at Mike.