Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 28 - CHAPTER 26

Chapter 28 - CHAPTER 26

Hindi na ako nagkamali sa hula ko na mapapatawag si Annalyn sa Guidance about sa ginawa niya heto kaming dalawa at magkasama.

"Okay lang ako Lala, puwede ka na bumalik sa klase mo." Sabi pa niya.

"No! kasalanan ko kaya kailangan samahan kita sinabihan ko na si Gladymier, Anna hayaan mo ako samahan ka." Sagot ko.

"Ikaw bahala baka pagsisihan mo yan." Sabi niya pa.

"Kung para sa kaibigan ko wala akong pagsisihan." Natatawang sabi ko sa kaniya.

Napailing na lang ako sa kaniya. Ibang klaseng friendship.

Pumasok na kami ng ipatawag kami na pumasok daw kasama namin yung apat na babae na nakaaway namin kanina. Bigla na lang nagulat ang guidance dahil nandito ako kahit hindi ako kasama pinatawag pero ayaw ko siya iwanan mag isa. What are friends are for pa kung iiwan ko siya mag isa.

"Ms.Lopez may kailangan ka ba?" Tanong ni Mrs. Salvador.

"Wala po pero may aaminin po kasi ako e. I want to defend the side of Annalyn." Sabi ko.

"Wala tayo sa husgado para dumepensa Ms.Lopez nasa guidance tayo." Sabi ng guidance.

"Sige nandito ka na rin naman e wala naman na ako magagawa pa." Sabi ng Guidance.

Nagsalita na muna yung guidance anim kami nandito ngayon nakakainis kasalanan naman nilang lahat kaso jusko nadamay lang naman itong bestfriend ko.

"Mauna ka Ms.Garcia." Sabi ni Mrs. Salvador tapos ay tumingin siya sa direksyon nung apat na babae.

"Kasi Mrs.Salvador...." Sabi ni Annalyn pinatigil ko siya sa pagsasalita niya.

"Kasi po ang totoo niyan nauna po sila nakaupo po ako tapos lumapit sila sa table namin tapos kung ano ano sinasabi malandi raw ako kasi close ako kay Mr.Merced, Mr.Fernandez, Mr.Tolentino and Mr. Cezar po." Sabi ko pa.

"Bakit sila close? Transferee lang naman sila di ba?" Sabi ni Mrs. Salvador.

"Same course kami ni Mr.Merced,  culinary course." Sagot ko.

"How wonder kaya close mo silang apat close friend silang apat ano naman ang issue about dito Ms. Castillo?" Sabi ng guidance tapos harap sa kabilang panig.

"Kasi po tinatanong ko sila tapos ayaw sumagot ng maayos tapos nagulat ako kasi sinampal agad nila 'ko." Maarteng sabi pa niya.

"Paanong kapal neto ikaw riyan ang muntikan na akong sampalin naunahan ka lang ni Annalyn." Sabi ko.

"Pero bakit naman nanampal siya agad kapal din naman ng mukha niya e." Sabi ng isa pa.

"Ang kapal ng mukha niyong lahat wag niyo ako hamunin." Sabi ni Annalyn.

"Stop, all of you have a punishment lahat kayo may nilabag na rules." Sabi ng Principal.

"Ikaw Chelsea, Francheska, Allysa and Ericka mga role model kayo pero ugali niyo hindi naayon sa mukha niyo you should always remember na hindi ka lang dapat maganda sa mukha kailangan yung ugali mo katanggap tangap." Sabi ni Mrs. Salvador

"Ikaw Ms.Lopez hindi mo pinatulan pero dapat sana hindi mo na pinansin at hinayahan na lang transferee ka pa naman." Sabi sa akin kaya napayuko na lang ako.

"At ikaw Ms.Garcia~." Hindi pa tapos ang sinasabi ng may pumasok sa loob ng Guidance.

"Mr.Mallari bakit ka nandito nag uusap kami rito may problema na naman ba." Sabi ni Mrs. Salvador SSG President.

"Wala po kasalanan sila Ms.Garcia at Lopez silang apat ang may kasalanan kaya bilang President hindi puwedeng magkaroon ng punishment ang tama. Makakaalis na sila Mrs. Salvador." Sabi pa niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Anna at napangiti sabay apir sa isa't isa nanaig pa rin ang tama.

Paglabas namin ay nag usap kami sa mga susunod na klase namin ako may isang oras pa bago sa susunod ng klase.

"May 1 hour pa bago next class ko ikaw ba?" Tanong ko.

"Half na lang sabi naman ni Ange sa next class na lang daw kami magkita nagtext siya e, atsaka hindi naman ako absent." Sagot pa niya.

"Punta na muna tayo sa Garden doon na muna tayo kahit sandali." Sabi niya pa.

"Sa Library muna sis may hinahanap ako roon para sa assignment ko samahan mo ako roon." Sabi niya pa.

Tinulungan niya ako kaya hindi na akong tumanggi na samahan siya at the end sa Library rin ang punta namin. Pagdating namin doon kumuha siya ng libro na kailangan niya habang ako naghanap na lang din ng mababasa na patungkol sa kurso ko.

Makalipas lang din ang sandali nagpasya na kami umalis pansamantala na muna akong dumeretsyo sa cr para doon mag ayos atsaka isa pa naiihi rin naman talaga ako samantalang si Annalyn pumunta na sa second class niya pagpasok sa loob walang tao bigla ko na lang naalala yung lalaki na kakausapin ko mamaya for real wala talaga akong clue sa kaniya kakaloka naman kasi e. Wala rin naman sinabi yung mga umampon sa akin about sa real parents ko mga kapatid ko sa mga magulang ko wala rin akong alam as in wala talaga akong alam ano naman ang mangyayari sa akin sobrang naguguluhan ako sa nangyayari bakit ganito ka hard ang buhay ko kahit kailan naman hindi naman ako naging masama pero yung mundo ang sama sa akin. Why life is so unfair?

Habang naglalakad ako papunta sa susunod kung klase tutal 10 minutes na lang din naman bago magsimula ang klase ko. Habang naglalakad ako ay may nakita akong babae na hirap na hirap sa pagbubuhat kaya nilapitan ko 'to.

"Tulungan na kita." Sabi ko tapos ay kinuha yung iba niyang dala.

"Salamat sa may malapit lang na room yan dadalhin." Sabi niya pa.

"Mauna ka na sunod ako sa'yo." Sabi ko.

Naglakad lang kami dalawa tapos bigla siyang pumasok sa may loob at doon ay pumasok din ako feeling ko mga hindi sila 1st year college. Pagkapasok doon umingay bigla pero may teacher naman doon.

"May chics na naghahatid ng books, how to be you po." Sigawan ng mga lalaki pero deadma lang ako ginawa ko nilapag ko yung libro roon sa pinatungan ni Girl.

"Thank you Angel, by the way are you new students Miss." Sabi sa akin.

"Tinulungan lang po niya ako Ms. Castro hindi po talaga kami magkakakilala." Sabi niya pa.

"Okay what's your name hija and your year level." Sabi ni Ms.Castro.

"Larryl Ann Lopez po, First year college po ako Miss." Sabi ko.

"Wow so you are transferee? Medyo kabisado ko na rin ang mga mukha ng iba kasi may high school dito." Sabi niya pa.

"Yes po new student po." Sagot ko

"Well thank you nice meeting you Ms.Lopez." Sabi pa sa akin.

"Nice meeting you rin po." Sabi ko tapos lumabas na kaming dalawa roon.

"Thank you Larryl gentle woman mo tapos ganda pa. Anyway Angel Perez nga pala 3rd year na ako rito atsaka isa ako sa mga SSG dito Vice President, anyway baka may klase ka na sige salamat see you when I see you." Sabi pa niya.

"Thank you rin po ate Angel see you po." Sabi ko.

"Sige bebe." Sabi niya pa tapos ay nakipagbeso sa akin.

Ako naman ay naglakad papunta sa klase ko pagdating doon nakita ko na mga kaklase ko na nag uusap samantalang ako naman umupo na sa tabi ni Gladymier kaya natigil siya sa paglalaro at humarap sa 'kin.

"Anong nangyari? May punishment kayo?" Tanong niya pa natuwa na ako sa kaniya.

"Wala dumating yung SSG na president kaya hindi kami nasama sa bibigyan ng punishment." Natutuwang sagot ko.

"Ambait naman ni Carlo sa inyo type siguro isa sa inyo nun." Sabi ni Gladymier.

"Siguro si Annalyn type niya sa ganda ba naman nun sa bait at sa talino hindi mo magugustuhan pero tanong ko hindi mo type si Annalyn?" Bigla na lang natanong ko sa kanyia bakit ko natanong? Ideal girl kaya siya lahat halos gugustuhin si Annalyn mabait, matulungin tapos sobrang friendly pa kumbaga almost perfect.

"Gusto ko siya bilang siya she's really nice sa inyong lahat siya ang stand out sa pakikisama ikaw sumunod tapos si Jasmin and last si Angelica. To be honest lahat kayo madali pakisamahan pero hindi lahat kayo madaling makuha ang loob si Annalyn type ko siya kasi showy siya ng mga ugali niya pero hindi ko siya type ligawan kaibigan lang kami." Sabi niya pa.

"Aww, okay no offense tinanong ko lang naman sa'yo. Anyway andyan na prof natin mamaya na ulit." Sabi ko.

Umayos ako ng pagkakaupo at nakinig na sa discussion masaya ako kasi wala kaming natanggap na punishment thank you sa SSG president pero at the same time naguguluhan ako mamaya sa pag uusapan hindi na maganda ang kutob ko sa lalaki kanina pero lahat masasagot mamaya kapag nakapag usap kami sana lang talaga mali yung iniisip ko malalaman niyo pero sa ngayon secret na muna.