Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 20 - CHAPTER 18

Chapter 20 - CHAPTER 18

Jasmin Point of view

Luch break namin ngayon at dalawa lang kami ni Larryl na nandito hindi ko alam kung nasaan yung dalawa wala na rin akong balita sa kanila kaloka sila hindi nagpaalam na hindi sasabay maattitude talaga e. Naka order na kami ni Larryl para sa aming apat at 10 minutes nang nakalipas waiting pa rin kami.

"Yung totoo nasaan na ang kaibigan natin be." Sabi ko kay Larryl.

"Hindi ko rin alam try mo tawagan." Sabi ni Lala.

Tatawagan ko na sana ng magulat na lang ako ng umupo sa tabi ko si Mark tapos si Gladymier naman at Mike sa may banda ni Larryl nasa gitna si Larryl.

"May sasabihin pala kami sa inyo." Sabi ni Mike.

"Wait tatawagan ko lang mga frenny ko ang tagal nila e." Sabi ko pa.

"Tungkol kay Angelica at Annalyn ang sasabihin ko." Sabi ni Mark.

Napatigil ako sa pagdial at humarap ng maayos kay Mark.

"Anong tungkol sa kanila." Tanong agad ni Larryl.

"Kanina sinugod sa Hospital si Annalyn kasama niya si Vince actually si Vince ang nagsugod sa kaniya roon e." Sabi ni Mark.

"ANO!?" Pasigaw namin ni Larryl sabay pa kami habang nakatayo pa.

"Paanong nasa Hospital yun pupuntahan namin siya." Sabi ko.

Hinawakan ni Mark ang kamay ko kaya naman napatigil ako sa paglalakad.

"Kalma Jasmin she's fine. Pumunta na kami kanina roon nila Angelica minor lang naman daw." Sabi ni Mark

"Gosh! all this time wala kaming alam hindi namin alam na yung kaibigan namin nasa Hospital na pala." Sabi naman ni Larryl.

"Kumalma kayo girls puntahan na lang natin sila mamaya. Ang kailangan natin gawin pare pareho ay umupo at kumain." Sabi ni Gladymier.

Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo samantalang si Larryl ay umupo rin sa upuan niya wala naman kaming magagawa kung hindi ang pumasok at isipin na ayos lang ang lahat kahit ang totoo gusto na natin wag pumasok at kumustahin si Annalyn, I hope she's really okay.

"Calm down ayos lang siya nasabihan na naman siya ni Angelica at sa tinggin ko aksidente lang talaga ang lahat." Sabi ni Mike.

Hindi na kami na kapag salita pa ni Larryl kumain na lang kami siguro naman maayos lang si Annalyn mapapagalitan talaga kami nito e.

Pabalik na kami ngayon sa next class namin kaso hanggang ngayon si Annalyn pa rin ang topic namin.

"Paano kaya nangyari yun?" Sabi ko.

"Ewan ko ba second day pa lang natin hindi kaya may demonyo na nagtulak sa kaniya alam mo naman mga students dito e." Sabi ni Larryl.

"Be careful na lang tayo be." Sabi ko naman nauna na ako sa kaniya kasi second floor lang siya samantalang ako sa may third floor pa kaloka nga e.

Habang papunta sa may third floor may naalala ako bigla what if mahulog din ako katulad kay Annalyn o di kaya bigla na lang ako ibully no way it will never be happen.

"As if naman papatalo ako sa kanila." Sabi ko.

Hindi na lang ako nag isip ng kung ano ano at naglakad na ako ng mabilis paakyat sa room ko. Pagkapasok ko naabutan ko roon si Sanshine siya kasi kausap ko since same course kami e.

"Be? Ikaw raw sasali sa pageant natin." Sabi niya pagkalapit ko agad sa may puwesto ko.

"Ehh!? Second day pageant agad be okay ka lang ba talaga." Sabi ko.

"Advance ako mag isip bakit ba." Sabi pa niya napailing na lang ako sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo gisingin mo ako kapag nandiyan na prof iidlip lang muna ako sandali." Sabi ko.

Tumango na lang siya as respond may bigla na lang ako naalala si Mr. Wrong call nakukucurious ako kung sino siya siguro panahon na para ireveal niya sarili niya sa akin. 

Nag uumpisa na magturo si Ma'am sa may harapan ng magulat na lang ako ng mapatingin siya sa 'kin kaya naman napatigil ako sa paglalaro ng ballpen paano ba naman nagpapasulat siya kaso tinatamad ako pagsusulat kaya naglalaro na lang ako ng ballpen.

"Ms. Laura stand up please come here in front." Sabi ni Miss sa 'kin kahit nalilito ako sa kaganapan ay tumayo pa rin ako at naglakad pa rin papunta sa may harap.

"Anong height mo?" Tanong sakin ni Miss.

"5'7 po."

"Sumasali ka ng pageant?"

"Opo."

"Okay, I'll mention your achievement just stay." Sabi ni Miss wala naman akong nagawa kung hindi ang tumayo rito at humarap sa mga kaklase ko.

"Okay, Ms. Jasmin Faith Lauro is 19 years old, may mga half sister and brother siya both side, strong woman, intellegent and she's having a good attitude. Hindi lang yun lagi siya sumasali sa pageant at lagi siya ang nag uuwi ng korona sa sinasalihan niya isa rin siyang modelo sa brand ng damit na ginagawa ng nanay niya. Is she amazing?" Sabi ni Miss.

May nagtaas ng kamay si Hazel isa siyang officer sa club na hindi ko alam.

"Yes she is, almost perfect na po siya, maganda, matalino at mabait total package na po siya." Sabi pa niya kaya naman napangiti ako sa sinabi niya.

Imagine na may pupuri sa akin kakilig sarap sa ears.

"Thank youuu." Nakangiting sabi ko.

Most kasi kami rito ay girl yung mga bakla girl din kaya sinabi namin na babae siya.

"Thank you Ms. Lauro, you may now take a sit." Sabi ni Miss

"Thank youu po."

Naglakad na ako pabalik ngumiti na lang ako sa mga kaklase ko ganoon rin kay Sanshine na very supportive kaloka naman siya. Dahil nagsimula ulit sa discussion si Miss umayos na ako ng upo at nakinig sa discussion namin wag ko masyado isipin ang puri stay humble pa rin dapat turo sa akin yun ng Family ko.

Pagkatapos ng 2 hours ay natapos na rin kami sa wakas at dito lang din sa third floor ang next class ko hindi na ako mahihirapan pa. Palabas na ako ng magulat ako sa mga kaklase ko na nasa may pintuan.

"Pa confirm sa facebook be, matagal na kita inadd e. Hindi ka siguro nag oonline." Sabi ni Rhea.

"Hindi pa ako nakapag online e sige later pag uwi ko sa bahay." Sabi ko pa.

"Sige, bait mo salamat." Sabi pa niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya bilang respond nakakatuwa may naka appreciate sa akin as me sana lahat nakaka appreciate yung ganda.

"How to be you ba?" Sabi ni Sanshine papunta na kami ngayon sa next class namin.

"Just be yourself, be your own kind of beauty." Sabi ko.

"Yieee, kakilig ka talaga e."

Napailing na lang ako sa kaniya minsan iniisip ko kamag anak niya si Lie sa PBB sa sobrang pagiging loka loka niya pero suwerte ko sa kaniya total package rin siya after all bait din kaya siguro hindi ako plastik sa kaniya at feel ko siya kasama. Pinag iisipan ko na rin na isama siya sa circle of friend ko kasi qualified na siya e.

"Ano iniisip mo?" Sabi pa niya.

Napakunot ang noo ko sa kaniya.

"Ulitin ko tanong ko sino iniisip mo?" Sabi pa niya.

"Yung kaibigan ko na nasa Hospital." Sabi ko totoo naman kasi iniisip ko rin naman talaga siya eh.

"Sino roon? Yung masayahin, yung tahimik na matalino o yung maganda na medyo moody." Sabi pa niya alam ko naman sino tinutukoy niya eh.

"Yung masayahin si Annalyn." Sabi ko.

"Weh!? Bakit?" Sabi pa niya.

"Basta wala na yun wag ka na mag alala."

"Ay, anyway be pa accept mo ako kay Annalyn at Angelica mga famous hindi ako inaaccept e." Sabi pa niya.

"Pag uwi sabihan ko sila mga hindi uso ang online sa kanila e."

"Halata sa inyong apat ang ganda niyo pero mas the best si Angelica." Sabi niya pa.

"Oo andami rin nagsabi well hindi naman kami inis sa kaniya e."

Natuwa na lang siya sa akin pumasok na kami sa may loob ng room at doon nag usap tungkol sa ibang topic ewan ko ba kahit nakakakilala ko lang na kapag share agad ako sa kaniya siguro alam ko naman na tunay siya at hindi tupper ware.

Pagkapasok ng prof ay tumigil na kaming dalawa sa pag uusap nakinig na lang kaming dalawa siguro panahon na ulit para magkaroon ng panibagong kaibigan kakasawa na rin yung pagmumukha ng tatlo e pero mahal ko naman yung mga yun kahit hindi obvious sa akin.