Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 21 - CHAPTER 19

Chapter 21 - CHAPTER 19

Papunta na kami ngayon sa may Hospital kasama ko si Sanshine kaso pababa na kami ng makareceive ako ng text, pagtingin ko rito ay si Mr. Stranger ano na naman kaya ang trip niya.

From: Mr.Tarantadong Stranger

Hello! Pupunta ka sa Hospital? Paano ko nalaman stalker mo ako e, and by the way nakita mo na ako guest who? HAHAHAHA

Text niya sa 'kin bigla na lang nainis ako pero bigla na lang ako nagulat.

"Taena parang ewan Jm e." Sabi ko.

"Problema? May kaaway ka?" Natural na tanong niya pinatingin ko yung message ni Stranger.

"Oww!? May staker ka ganda mo kasi e." Sabi pa niya.

"Hindi naman, marunong lang talaga." Sabi ko.

"Marunong sa 69." Sabi niya.

"Pakyu ka libog mo." Sabi ko.

"Sasama ka ba?" Tanong ko kay Sanshine.

Pagharap ko kay Sanshine naging mukha siyang poste.

"Hindi na siguro gustuhin ko sana kaso nagtext na sa akin si mama." Sabi pa niya.

"Aww, may next time pa naman e ingat ka be." Sabi ko.

"Sige, ingat ka rin. Mauna na ako sa'yo James." Sabi pa niya.

"Ingat." Sabi lang ni Jm wala talagang manners e.

Nauna na si Sanshine kami na lang dalawa ang naiwan ni Jm balita naman kasing tahimik siya tapos bipolar nagsama kaming dalawa na bipolar ano kaya mangyayari sa amin.

"Pupunta ka sa Hospital?" Tanong ko.

"Oo si Vince pupuntahan ko rin e." Sabi niya pa.

"Kasabay mo ba yung dalawa?" Biglang tanong ko.

"Hindi mamaya pa sila ikaw ba?"

"Ako muna magbabantay umuwi yung dalawa mag aayos lang daw sila." Sabi ko.

"Samahan na kita papunta roon sa may Hospital may kotse naman ako na dala e." Sabi niya pa.

Sige siya na may sariling kotse kami wala e maaga na namin pinaalis si Manong e.

"Daan muna tayo sa Karinderya nagpaparamdam mga alaga ko e." Sabi ko pababa na kami.

"Sige marunong ka rin pala ngumiti." Biglang banat niya sa 'kin.

"Anong akala mo hindi siraulo ka talaga e." Sabi ko.

"Kilala ka kaya namin na moody tapos seryoso si Annalyn medyo madaling pakisamahan tapos si Larryl e." Sabi niya pa.

"Kapal mo talaga moody lang ako kapag tumatawag si Tarantadong Stranger kaya sa kanila nabubuntong galit ko." Sabi ko.

"Bakit galit ka sa kaniya?" Tanong niya.

"Syempre everytime na tatawag kung ano anong sinasabi sa akin kakainis kaya siya sana talaga makita ko siya tapos makotongan ko." Sabi ko.

Nagulat ako kay Jm kasi may sinasabi pero para lang siya bumubulong sa sarili kasi naman mahina lang.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Wala yun, tara na gutom na rin naman ako e." Sabi pa niya.

Naglakad na lang kami ng hindi nag uusap. Paglabas ay naghanap na agad ako ng kahit ano na puwedeng kainin ko bumungad sa 'kin ang fishball kaya naman lumapit ako napansin ko nakasunod lang sa 'kin si Jm.

"Yung totoo mabubusog ka ba riyan?" Tanong pa niya.

"Oo kakabusog din kaya ayaw mo ba?" Tanong ko

"Wag na, bibili na lang ako sa 7/11 na malapit sa Hospital." Sabi pa niya.

"Arte mo pero sige ikaw bahala. Hintayin mo at kukuha muna ako ng mabibili ko."

Tumango na lang siya sa akin kahit ako nababaliw sa mood ni Jm moody rin si baliw kaloka. Nagulat na lang ako ng magsalita si Ate na tindera.

"Infairness hija bagay kayo, gwapo at maganda." Sabi niya sa 'kin.

"Hindi po kami bagay suplado po siya." Sabi ko.

"Pero mukha naman mabait buti hindi ka maarte." Sabi niya sa 'kin.

"Hindi po nasanay na sa buhay atsaka lumaki rin po ako sa hirap at hindi maarte." Sabi ko.

Kumuha na ako ng bibilihin baka mamaya mainis si Jm iwanan ako mahirap na di ba sayang ang rides. Pagkabayad ko naglakad na ako palapit sa kaniya.

"Ayaw mo talaga." Pag aya ko.

"Tssk, ayoko." Sabi pa niya.

"Sungit mo, tara na alam ko naman gutom ka na e." Sabi ko.

"Buti alam mo rito ka na lang ako na kukuha sa kotse ayoko napapagod ka." Sabi pa niya.

"Mga banat mo rin kahit kailan hindi ako kinililig." Sabi ko.

"Hindi naman kita pinapakilig mahirap mafall ng walang sumasalo." Seryosong sabi niya

"Naranasan mo?"

"Oo, kaya sinasabi ko."

"Well congrats pareho lang  ikaw at ako na na fall na walang sumalo sige na alis na para makakain ka na rin." Sabi ko.

"Tss."

Naglakad na siya pabalik sa loob para kunin ang kotse niya may nakita akong bata na naghahanap ng makakain sa basurahan kakaloka lima pa lang nababawas ko pero makakain pa ako siya hindi mo alam kailan makakain ulit sa kalagayan niya. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa bata.

"Iho, ito kainin mo malinis yan kakabili ko lang." Sabi ko.

"Salamat po ate kahapon pa po ako walang kain e." Sabi pa niya.

"Nasaan ba ang magulang mo?" Tanong ko.

"Iniwan kami ni papa sumama sa ibang pamilya si mama namatay po mga tita at tito ko po hindi ako pinapakain." Sabi niya pa bigla na lang tumulo luha ko naaawa ako sa kalagayan nila masuwerte pa ako sa lagay na ganito.

"Hayaan mo dadalhan kita ng makakain dito mismo sa labas ng school kapag umaga para makakain ka ako si Ate Jaja." Sabi ko.

"Salamat po ate Jaja, Jack po pala pangalan ko."

"Nice meeting you mauuna na ako may pupuntahan pa kasi ako e."

"Sige po ingat ate ganda na mabait."

Ngumiti na lang ako sa kaniya hanggang ngayon naiiyak pa rin ako naalala ko yung kapatid ko na nawala ni mama dahil sa depressed at naalala ko siya kay Jack nakita ko na lang si Jm na pababa sa kotse niya hindi ko na hinintay na lumapit siya sa akin naglakad na ako papasok sa kotse niya.

"Hey? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Jm.

"I'm fine naawa lang ako sa batang pulubi." Sabi ko.

"Anyway ubos na agad yung kinakain mo grabe ka naman kumain." Natatawang sabi nito.

"Binigay ko sa pulubi pero okay lang naman e." Sabi ko pa.

Hindi na lang siya nagsalita pa hinayahan ko na rin na magpatugtog siya habang nagmamaneho siya. Napaisip ako bigla.

Bakit hindi fair ang mundo, may mga taong nagmamahal ng totoo na niloloko mga nagmamahal na iniiwan at nasasaktan. Mga taong iniiwan ng magulang at marami pa na iba. Bakit hindi tayo pinapahalagahan, hindi tayo ipinaglalaban at hindi tayo minamahal. Life, bakit ganyan ka sa amin, love bakit ang kumplikado mo at ang sakit mo sa heart. Wala ba rito sa mundo ang masaya lang at wala ng problema bakit ang unfair.

Natigil ako sa pagrarants sa utak ko ng magsalita si Jm.

"Ano ang iniisip mo? Mahal ka rin niya wag ka mag alala." Biro pa niya.

"Alam ko naman na hindi niya ako mahal hindi naman ako umaasa e." Birong sagot ko.

"Ang sakit niyan pre pero hayaan mo mahalin kita." Sabi pa niya.

Tumawa na lang ako sa kaniya biruin mo yun akala ko na puro seryoso ang alam niya marunong din sa joke take note ang corny pa.

"Ang galing mo bilib din ako sa pag uugali mo cool." Sabi ko.

May binubulong na naman siya na hindi ko alam kakaloka na lalaki kinakausap self niya.

"Kainis ka baka mamaya sinisiraan mo ako masasapak talaga kita e." Sabi ko.

"Hindi baliw akala mo ikaw assuming ka te." Sabi naman niya.

"Hindi tamang hinala lang." Sabi ko.

"Maraming namamatay sa maling akala o kaya tamang hinala." Sabi niya pa.

"As if maniniwala ako sa mga ganyan mga gawa gawa lang nila yan e." Sabi ko.

"Ikaw bahala." Sabi pa niya.

Nagulat na lang ako ng huminto yung kotse at binuksan niya yung pinto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Nasa 7/11 na tayo bibili ako ng makakain ko ikaw ba?" Tanong niya pa umiling ako sa kaniya.

"Bababa o bababa" Sabi pa niya.

"Sapakin kita o sisipain." Sabi ko.

"Wag halik gusto ko." Sabi pa niya.

"Ang laswa mo kahit kailan hindi mo ako matatakot bahala ka maghihintay ako rito, sanay na ako maghintay." Sabi ko.

"Puro ka hugot may drama side ka rin pala e." Sabi pa niya

Nagulat na lang ako ng bumaba siya sa wakas naman yun lang naman hinihintay ko ang bumaba siya. Nakita ko na lang na papasok sa may loob ng 7/11 kaya naman umupo na lang ako rito at hinintay siya. Bigla na lang ako may naisipan na gawin kinuha ko cellphone ko at tinignan ang mga nandoon nakita ko si Wrong call kaya naman tinawagan ko nagulat ako ng may narinig ako na ring ng cellphone siguro kay Jm may tumatawag nakita ko sa upuan niya nagulat na lang ako kasi nag ring at ang nakalagay soon to be Girlfriend bigla ako kinutuban sa nangyari paanong siya.

"No, hindi siya yun try mo ulit." Sabi ko.

Tinawagan ko at yung cellphone talaga niya ang nagring bigla na lang ako napamura.

"Tangina! all this time kasama ko lang yung trip ako kaya naman pala ang tanga ko." Sabi ko sa sarili ko.

Binalik ko na ang cellphone ni Jm at umayos humanda talaga siya sa 'kin hindi ko siya papansinin bahala siya all this time siya si Stranger na wala pa balak sabihin sa akin ang tanga ko nasa tabi ko na hindi ko pa agad nalaman.

Ilang sandali lang ay nakita ko na palapit na siya sa may kotse niya kaya naman umayos na ako at hindi nagpahalata sa kaniya. Inabot niya sakin yung paper bag na may laman siguro.

"Busog pa ako thank you." Sabi ko.

"Di ba binigay mo yung pagkain mo sa pulubi hindi ka pa busog." Pagpipilit niya.

"Ayos lang ako thank you, tara na sa Hospital namimiss ko na si Annalyn e." Sabi ko.

"Sige." Sabi pa niya.

Nagmaneho na siya wala na siyang nagawa habang nasa biyahe tahimik lang ako at hindi nagsasalita hindi pa kasi ako handa nakakainis naman kasi talaga. Nakikita ko na tumitingin siya sa 'kin pero ako heto sa bintana lang nakatingin at hindi sa kaniya humaharap bahala siya nakakainis hindi na dapat big deal yun kaso naloko pa rin niya ako kung umamin siya after all hindi naman ako magkakaganito hindi ako maiinis ngayon wala na naiinis na ako at naiirita sa mga nalaman ko.

Pagadating sa Parking Lot ay bumaba na agad ako hindi ko na siya hinintay pa naririnig ko rin na tinatawag niya ako pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Naramdaman ko na lang ang pag akbay niya sa 'kin.

"Bakit hindi ka tumitingin tinatawag kita may galit ka ba sa 'kin may nagawa ba ako na mali." Sabi pa niya.

Oo niloko mo ako pinagmukha mo akong tanga all this time.

"Wala naman pagod lang talaga ako Jm." Sabi ko hindi na lang siya nagtanong pa pero ginulo niya buhok ko hinayahan ko na siya sa gusto niya bahala na siya. Habang papunta sa room ni Annalyn wala kaming dalawang imik as if papansinin ko pa siya pagkatapos ko malaman ang mga gusto ko malaman noon pa lang.