Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 18 - CHAPTER 16

Chapter 18 - CHAPTER 16

Pagtapos ng unang klase namin na 2 hours ay tumayo na kaming dalawa ni Angelica at kailangan na namin matapos kasi stressed na naman kami.

"Sis mauna ka na dadalhin ko lang sa locker yung mga gamit ko na iba tapos punta na rin ako sa cr." Sabi ko.

"Sige bilisan mo para naman matapos na tayo agad nagugutom na rin talaga ako eh." Sabi niya pa.

"Oo na madam." Natatawang sagot ko.

Nauna na ako sa kaniya nasa third floor kami tapos sa ground floor pa ang locker pero ang cr every floor mayroon kaya hindi hassle kaso ang library nasa 2nd floor nakakapagod. Bilib na kayo kasi kabisado ko na syempre may mapa ng school na binigay sa amin inaral ko tapos nalaman ko agad ang pasikot sikot. Pababa na ako sa may second floor ng magulat na lang ako sa pagdaan ng pusa kaya naman na out of balance ako at nahulog.

Third Person Point of View

Naglalakad si Vince papunta sa may third floor ng bigla na lang siya makarinig ng sigaw kaya naman nagmadali siyang umakyat sa taas nabigla siya ng makita niya ang duguan na si Annalyn na nasa may sahig kaya naman nagmadali niya itong binuhat at dinala sa clinic.

"What happen to the patient?" Tanong ng nurse.

"Hindi ko po alam ang buong pangyayari basta naabutan ko na lang po na nagdudugo." Sagot ni Vince.

"Saan mo siya naabutan." Tanong ulit ng teacher

"Sa may second floor po sa tingin ko po nalaglag siya at ang ulo ang sobrang naapektuhan." Sabi ni Vince.

"Okay, Mr.Tolentino bibigyan ko siya ng first aid tapos dalhin mo na siya sa malapit na hospital." Sabi pa ng nurse tumango na lang siya bilang sagot.

Naalala bigla ni Vince yung bag ni Annalyn kaya naman kinuha niya ito buti na lang at naabutan niya pa ang mga gamit nito na puno ng dugo. Halata sa mukha niya ang labis na pag aalala sa babae isa rin ito sa mga tinuturing niya na kaibigan. Pagkabalik niya sa may clinic ay dinadala na sa Hospital si Annalyn sumama siya rito ang nurse na raw ang bahala sa prof niya. Habang nasa biyahe papunta sa Hospital ay biglang nagring ang cellphone ni Annalyn sinagot ito ni Vince.

[Te? Saan ka na tagal mo na naman bumalik, ano na flush ka na sa inidoro.]

Sabi ni Angelica sa kabilang linya.

Hindi alam ni Vince paano niya sasabihin sa kaibigan ni Annalyn ang nangyari sa kaniya alam kasi niya na mag aalala sila rito.

[Ano?]

[Hello, si Vince ito yung kaibigan ni Mike yung pumunta sa bahay ninyo kahapon.] Sabi ni Vince na mahinahon.

[Bakit gamit mo phone ni Anna? Nasaan ba siya?]

[Si Annalyn, sinugod sa Hospital nagkaroon kasi ng isang aksidente e.] Sabi ni Vince.

[ANO!? PAANONG NASA HOSPITAL YAN ANO BA ANG NANGYARI]

Pasigaw na sabi ni Angelica sa kabilang linya

[Nahulog siguro siya naabutan ko na lang na nasa sahig siya e.]

[Okay, text me saang Hospital dinala, papunta na kami riyan. By the way thank you.]

Mahinahon na sabi ni Angelica.

[Sige, you're welcome.]

Hinayahan na niya na si Angelica ang magbaba ng tawag samantalang siya todo ang kaba sa mga posibilidad na sasabihin ng mga kaibigan ni Annalyn sa kaniya. Ilang sandali ay nakarating na sila nagmadali na sila na ipasok sa loob si Annalyn pagdating sa emergency room ay nanatili siya sa may labas. Dahil wala na talaga siyang maisip na gagawin ay tinawagan niya ang kaibigan niya ang alam lang niya na bakante pagtapos ng 30 minutes ay sila Mike at Mark.

Dalawang ring pa lang ay sinagot na agad ni Mark.

[Gago pre, nakakagulat ka tangina may klase kami. Buti na lang lumabas sandali si Miss ano ba yun?]

Tanong ng kaibigan niya

[Gago pre, nandito ako sa may Hospital.]

[Ano na naman katangahan ang ginawa mo? Tarantado mag ingat ka kasi.]

Natatawang sabi ng kaibigan niya sa kabilang linya.

[Hindi ako si Annalyn, duguan ang ulo ng makita ko sa second floor.]

Seryosong sabi niya pa.

[Alam na ba ng mga kaibigan niya yan? Mag aalala yung mga yun. Teka mamayang vacant ko try ko pumunta riyan.]

[Hindi na rin ako nakapasok pero pinaalam naman na ako e, pre sabihin mo naman sa kaibigan niya na sa may St. Claire Medical kami ngayon kapag nakita mo kahit sino sa kanilang tatlo.]

[Sige ako na bahala pre, balitaan mo na lang kami. Sige na nandiyan na si Miss maya na lang ulit.]

[Ge.]

Pinatay na ni Vince ang tawag.

Nakita niya ang doctor na lumabas sa may ER kaya naman nilapitan niya kaagad.

"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Tanong ng lalaki na Doctor

"Opo." Sagot ko

"Okay na siya iho, hindi naman malala ang nagyari kaya lang nagdugo yun dahil malakas ang pagtama niya." Sabi ng doctor

"Thank youu po, puwede ko po ba siya puntahan." Sabi ko

"Oo iho, pero ililipat na muna namin siya sa may room 216 sa may taas doon mo na dalawin." Sabi ng doctor

"Sige po maraming salamat po ulit."

"Walang anuman iho, mauuna ako sa'yo kapag may kakaiba siyang naramdaman sabihan mo agad ako maiwan na kita."

"Opo."

Biglang gumaan ang pakiramdam ni Vince nung malaman niya ang balita sa kalagayan ng kaibigan niya tinuring na niya itong kaibigan simula kahapon.

Dahil alam niya hindi pa nalipat si Annalyn ay lumabas na muna siya para bumili ng makakain ni Annalyn buti na lang sa loob ng Hospital ay may mini canteen na kung saan makakabili ka ng mga pagkain na nakakabusog. Ang binili ni Vince ay yung cap noodles na dalawa na malaki at tubig na dalawa hindi rin kasi siya nakakain ng agahan dahil sa maaga ang klase niya. Habang papunta siya sa room ni Annalyn napapaisip siya bakit ganoon ang nangyari kay Annalyn inisip na lang niya na siguro hindi ito nag iingat kaya ganoon ang resulta. Ilang sandali lang ay nakarating na siya kaso nahihirapan siya magbukas kaya naman nagpatulong siya sa nurse.

Naabutan niya si Annalyn na nakaupo lang at walang ginagawa.

"May masakit pa ba sa'yo?" Tanong ni Vince.

"Ayos na ako wala ng masakit ikaw nagdala sa 'kin?" Tanong ni Annalyn.

"Sa tinggin mo sino?" Balik tanong ni Vince.

"Dumalaw ka lang talaga rito." Sabi ni Annalyn.

"Gago ako syempre ang

nagdala sa'yo. Kumusta ang head bang mo masarap ba?" Pang aasar pa ni Vince.

"Infairness masarap, try ko ulit." Natatawang sagot ng babae.

"Bahala ka na maubusan ng dugo nakakabobo yan hindi mo ba alam." Sabi pa ni Vince.

"Wag na pala ayoko mawala sa honor student." Sabi naman ni Annalyn.

"Tumawag yung kaibigan mo na si Angelica hinahanap ka niya." Sabi ni Vince.

"Kaya nga e ano sinabi mo?" Tanong ni Annalyn.

"Akin naman siguro yung isa di ba." Tanong pa niya tumango na lang si Vince.

"Nasa Hospital ka." Sabi ni Vince.

"Hayaan mo na siguro sila ako na bahala roon, anyway thank you sa pagdala sa'kin dito tapos hindi ka pa nakapasok dahil sa 'kin pasensiya na boy." Sabi ni Annalyn habang kumakain ng cup noodles.

"Ayos lang yun sinabi naman ng nurse na emergency e." Sagot ni Vince.

Pagtapos ng tanong at sagot portion ay nag usap na lang silang dalawa about sa iba't ibang topic habang kumakain sila ng cup noodles at hinihintay ang mga kaibigan nila na dumating lalo na ang kaibigan ni Annalyn.