Angelica Point of view
Nung malaman ko what happen to Annalyn ay nagmadali na agad ako umalis sa may Library dumeretsyo na agad ako sa may Locker at nilagay mga gamit ko. Nakita ko rin si Mike at Mark kaso wala na akong time para makipag usap pa kailangan ako ng kaibigan ko.
"Sabay na tayo punta sa Hospital." Sabi ni Mark.
"Alam niyo ba kung saan?" Tanong ko.
"Oo sinabi sa amin ni Vince hindi mo na ba isasama yung dalawa?" Tanong ni Mark.
"Wag na siguro ako na bahala mamaya tara na Mike at Mark." Sabi ko.
Naglakad na kami palabas allowed naman lumabas basta emergency. Habang papunta kami sa gate ay nag uusap kami about sa nangyari kay Annalyn.
"Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Mike.
"Hindi ko alam nagpaalam kasi siya sa akin na pupunta siya sa locker at iihi." Sabi ko.
"Saan ba kayo galing na floor?" Tanong naman ni Mark.
"3rd floor nagulat na lang ako ng makausap ko si Vince naiiyak na ako kasi alam ko magagalit ang kuya ni Annalyn kami ang papagalitan." Sabi ko.
"Wag ka mag alala gagaling yun si Annalyn." Sabi pa ni Mike kaya naman hindi ko na masyadong inisip pa.
Ilang sandali ay nasa may Gate na kami nandoon syempre yung guard.
"Kuya lalabas po kami kaibigan po ako nung dinala sa Hospital kanina." Sabi ko
"Si Annalyn Garcia, sige tatlo talaga kayo?" Tanong ng guard.
"Opo." Sabi ko.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang palabasin kami sumakay na kami sa kotse ni Mark doon ako sa may back set tapos sa harapan yung dalawa.
Habang nasa biyahe ay nagdadasal ako please Lord sana hindi po malala mapapagalitan po talaga kami. Dahil malapit lang naman sa school ay nakarating na agad kami agad agad akong bumaba at nakasunod lang yung dalawa sa akin. Dumeretsyo agad ako sa information kung saan malalaman dinala ang pasyente.
"Excuse me po saan po yung pasyente na si Annalyn Garcia?" Tanong ko
"216 po sa may taas po Ma'am." Sabi ng nurse
"Thank you po." Sabi ko sa kaniya
Tiningnan ko yung dalawa at tinanguan sila umakyat na kami salamat na lang talaga at pag akyat konting lakad tapos 216 na agad pumasok ako wala ng katok katok nakita ko si Vince at Annalyn na nagtatawanan.
Nakita ko na napatigil si Annalyn at ngumiti sa akin.
"Sorry." Sabi niya pa tapos ang masaya niyang mukha ay naging malungkot.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nag alala ako sa kaniya.
"Nakakainis ka naman nag alala ako sa'yo e. Minsan talaga tanga ka e." Sabi ko pa sa kaniya.
"Sorry tanga talaga ako e." Sagot pa niya.
"Thank you sa pagpunta Mike at Mark lalo na sa'yo Vince salamat talaga." Sabi ni Annalyn.
"Wala yun maiwan na muna namin kayo at baka kailangan niyong mag usap in private." Sabi ni Vince.
Tumayo na sila at naglakad na palabas naiwan kaming dalawa ni Annalyn.
"Anong sabi ng Doctor?" Tanong ko.
"Okay na raw sis hindi naman ganoon kalala e." Sagot niya.
"Buti na lang nag alala kaya ako sa'yo ng sobra nung nakausap ko si Vince kaloka te mabibitawan ko na phone ko sa takot e." Sabi ko.
Totoo pagsabi niya na nasa Hospital si Annalyn halos mabitawan ko na yung cellphone ko.
"Sorry talaga napag alala pa kita." Sabi niya.
"Pero ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" Seryosong tanong ko.
"Di ba pababa na ako papunta sa second floor may dumaan na pusa napatingin ako nagulat kasi ako e. Tapos hindi ako nakatingin nung pababa ako kaya na out of balance tapos nahulog ako hindi ko alam na dugo pala akala ko nawalan lang ng malay." Natatawang kuwento nito.
"Anong tawag mo roon? katangahan 101 kakaloka ka te pero move on na agad. Maiba tayo anong drama niyo ni Vince." Tanong ko.
"Ehh!? Wala naman konting usap lang." Sagot pa niya.
"Don't tell me nagseselos ka okay lang yan hindi ko naman aagawin sa'yo e." Sabi pa niya.
Natawa lang talaga ako sa kaniya ano na naman pinagsasabi niya.
"Ano naman sinasabi mo na selos wala naman nakakaselos e." Sabi ko.
"You know what sis, Vince is ideal guy he is really good at all, andami niyang mga ugali na magugustuhan mo." Sabi pa niya.
"I don't care stop annoying me." Sabi ko.
Tawa lang ng tawa si Anna ang sarap naman pakainin ng papel para manahimik bigla na lang tuloy ako nakaramdam ng gutom.
"Anna bibili muna ako ng makakain ko, ikaw hindi ka papasabay?" Tanong ko
"Okay na ako sis,nakakain na ako e." Sabi pa niya.
Nagpaalam na ako sa kaniya na bibili tumango na lang siya sa akin pinasuyo niya si Vince kasi yung cellphone raw niya na kay Vince.
Pagkalabas ko naabutan ko agad si Vince na nasa may upuan sa may waiting area lumapit ako sa kaniya at doon umupo sa tabi niya.
"Cellphone raw ni Annalyn." Sabi ko.
Napatigil siya sa paglalaro at humarap sa akin infairness gwapo siya sa malapitan.
"Oo nga pala ikaw na ba magbibigay." Tanong niya pa.
"Hindi na ikaw na lang papasok ako sa afternoon class ko okay lang ba ikaw muna ang magbantay kay Annalyn?" Pakiusap ko.
"Oo naman kaibigan ko na rin siya kaya wala yun." Sabi niya pa.
Napayakap ako sa kaniya at ilang minutes na realize ko na lang na anong ginagawa ko.
"Sorry natuwa lang talaga ako e." Sabi ko.
"Ang ganda mo pala kapag nakangiti ka." Sabi niya pa kaya naman nag blush ako oo aminado naman talaga ako at nararamdaman ko yung pagblush ko.
"Hala!? namumula ka kinilig ka sa sinabi ko." Pang aasar pa niya.
"Tigilan mo ako Vince akala mo sa 'kin hindi natutuwa." Sabi ko.
"Masyado ka kasing seryoso kaya naman hindi ko agad napansin ang ganda mo." Sabi niya pa.
"Mga galawan ng mga babaero, anyway bibili na muna ako ng makakain ko gutom na ako atsaka pasabi roon sa dalawa na sabay sabay na kami pabalik sa Campus." Sabi ko.
"Oo sige ako na bahala."
Ngumuti na lang ako sa kaniya at nagpaalam na aalis na gutom na kasi ako naudlot tuloy yung sa gagawin namin report pero bahala na magpapaliwanag na lang ako about what happen.
Habang naglalakad ako ay nagbakasakali ako na may canteen dito katamad lumabas na mainit tapos galing sa aircon buti na lang talaga at mayroon kaya naman doon ay bumili ako ng makakain after ko makapagbayad ay naglakad naman ako paakyat sa taas doon na lang muna ako kakain bago bumalik ng campus.
Naabutan ko na yung tatlo na nag uusap napansin ko rin na wala si Annalyn nasaan na napunta yun naramdaman na ako ng mga lalaki kaya naman napatigil sila sa pag uusap.
"Naka istorbo ba ako?" Tanong ko.
"Hindi naman, nga pala dinala muna si Annalyn sa may baba para I check ang ulo niya." Sabi ni Vince.
"Kaya pala sige tuloy niyo na pag uusap niyo kakain muna ako rito." Sabi ko.
"Eatwell." Sabi nilang tatlo.
Nag usap usap sila habang ako kumakain at nakikinig lang sa kanila.
"Hindi na nagparamdam sa akin mga pre hinihintay ko mag ol kaso hindi na talaga e." Sabi ni Vince
Inisip ko bigla yung ka chat ko hindi ko na siya nakakachat paano ba naman kasi busy wala na akong time.
"Umaasa ka na magparamdam siya baka naman kasi busy siya." Sabi naman ni Mike.
"Alam ko naman yun hindi lang talaga ako sanay." Sabi naman ni Vince.
Napatingin ako sa kanilang tatlo ang seryoso nila mag usap nakaka turn on naman talaga ang mga seryoso. Nagulat na lang ako ng tumigil sila sa pag uusap at humarap sa akin.
"May problema ba Angelica?" Sabi ni Vince.
"Wala na curious lang ako sa pinag uusapan ninyo." Sabi ko habang umiinom ng tubig.
"Excuse me." Sabi ko busog e.
"Yung about sa ka chat niya, ano ang about doon?" Sabi ni Mike.
"Naalala ko lang kasi yung ka chat ko hindi ako nakakapag ol kasi busy ako siguro ganoon din si Girl na ka chat mo unawain mo na lang siguro." Sabi ko.
"Tama nga naman pre." Sabi ni Mike.
"Hayaan mo darating din ang panahon na mapapagod ka na maghintay. Marami pa iba na mas worth it at deserving sa time at effort mo bata ka pa." Sabi ko.
Tumayo na ako at tinapon sa basurahan ang pinagkainan ko.
"Paano mo nasasabi ang mga bagay na ganyan." Tanong ni Vince.
"Naranasan ko na rin pero okay na ako ngayon nagamot na siya ng mga kaibigan ko at yung sa'yo hindi pa malala maagapan pa yan. Kumbaga sa sugat malayo pa sa bituka." Sabi ko.
"By the way balik na tayo Mark at Mike." Sabi ko.
"Oo nga pala may klase pa pala ako sa next class ko, paano ba yan pre mauuna na kami sa'yo." Sabi ni Mike.
"Punta na lang kami after class ingat kayo rito. Annalyn pagaling ka." Sabi naman ni Mark.
"Salamat ulit ingat kayo. Angelica ikaw na bahala." Sabi ni Annalyn.
Tumango na lang kami sa kanila at isa isa na rin kami lumabas habang naglalakad kami papunta sa Parking Lot ay nag usap kami ni Mark.
"Kumusta yung babae na trip mo?" Biglang kung tanong.
"Naiinis pa rin sa 'kin lagi sigurong may dalaw kaya galit araw araw." Sabi pa nito.
Naalala ko bigla si Jasmin galit na galit din siya kanina noong may tumawag sa kaniya.
"Naalala ko tuloy si Jasmin, kaninang umaga galit na galit yun tumawag yung Mr. Wrong call sa kaniya e." Natatawang kuwento ko
"Anong sinasabi?" Tanong pa niya.
"Naiinis daw siya nagbabalak na rin siya iblock e. Naasar na siya moody kasi yun si Jasmin." Sabi ko pa
"Halata nga pero maganda naman siya kapag nagagalit e." Nakangiting sabi pa niya
"Yieee, type mo?" Biglang tanong ko.
"Puwede rin naman." Sabi pa niya.
Nasa kalagitnaan ako ng kilig ko ng matigil ako sa paglalakad tumigil si Mike e.
"Mahuhuli na tayo, dalian niyo sa paglalakad." Sabi pa niya.
Nagkatinginan na lang kami ni Mark at napailing naglakad na lang din kami katulad ng sinabi ni Mike. May dalaw siguro kaya masungit imagine may dalaw ang lalaki ang saya lang siguro yieee tapos magnanapkin no way it can be. HAHAHAHA.....
Nabalik ako sa realidad ng makita ko na lang na nakatingin sa akin yung dalawa.
"Minsan iniisip ko bipolar ka, noong nasa bahay namin kayo ang sungit mo tapos kanina masaya tapos ngayon kinikilig ka at tumatawa mag isa nasa loob ang kulo mo." Sabi ni Mark na napapailing pa ganoon din si Mike.
"Sorry, to be honest, kung ano yung nakikita niyo ganoon talaga talaga ako kaso people change depend on the situation na dumarating atsaka isa pa natuto na ako nag iingat na lang ulit ako na masaktan hindi niyo naman ako masisi e." Seryosong sabi ko.
Nagulat na lang ako ng lumapit sila sa akin at niyakap nila akong dalawa ganoon na lang din ang ginawa ko.
"Naiintindihan ka namin, proud kami sa'yo." Sabi ni Mike sabay gulo sa buhok ko napangiti na lang ako sa kanila ang suwerte ng mga ex nila kakaloka.
"Wag na tayo magdrama late na tayo." Sabi ko tapos nauna na akong naglakad papunta sa kotse.
Pumasok na ako at sa may back seat ako umupo samantalang nasa may bungad yung dalawa.
Masasabi ko na may mga natutuhan ako after ko masaktan may mga bagay ako na mas lalong na realize at habang tumatagal natutuhan ko na kapag nagmamahal hindi lang puro saya may mga panahon talaga na problema at tanging paraan at katapusan ay walang iba kung hindi ang hiwalayan. Nakatingin lang ako sa dinaraan papunta sa Campus back to Angelica na naman ulit ako pagdating sa school plastik din ako sa ugali wala sanay na mga kaibigan ko sa akin ganito ako nagbabago depende sa mga bagay na dumarating.