Chereads / BARKADA GOALS / Chapter 15 - CHAPTER 13

Chapter 15 - CHAPTER 13

At the end ng afternoon class ay mukha lang akong ewan kasi hindi talaga pumasok lahat ng sinasabi ng prof ko sa harapan paano ba naman iniisip ko pa rin yung napag usapan namin ni Jasmin hirap tuloy agad agad makapag move on kapag ang usapan about sa ex na yan kahit paano naman naging masaya ako noon nung kami pa atsaka masaya rin ako kahit wala na kami desisyon naman namin yun pareho.

"Ano na naman ba ang iniisip mo seb." Sabi ni Gladymier kaming dalawa na lang ang naiwan.

"Wala 'to nevermind tara kain muna tayo wala na rin mga kasama ko e." Sabi ko

"Iniwan ka, hatid na kaya kita." Sabi niya

"Nope, kaya ko na ang sarili ko hindi pa naman masyadong gabi e." Sabi ko tapos ay tumayo na sa kinauupuan ko.

"Uwian na rin nila Mike, Vince at James hintayin na lang natin sila sa may labas." Sabi niya pa

"Edi hintayin na natin sila hindi pa naman ako ganoon nagugutom e." Sabi ko

"Sige, text ko na lang sila."

Tumango na ako sa kaniya tapos hinila na siya patayo wala pa atang balak tumayo. Naglakad na kami pababa ng room habang naglalakad kami ay nakakapit ako sa kaniya nakakatakot kasi parang kami na lang tao nagulat na lang ako kasi huminto siya.

"Sino yung nasa tabi mo?" Sabi niya pa kaya naman bigla na lang akong tumingin sa kaniya.

"WAHHHHHHHHH!" sigaw ko tapos biglang upo.

Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Wala yun, hindi naman kita iiwan e." Sabi niya pa

"Nakakainis ka naman kasi e, bahala ka nga riyan." Sabi ko tapos naglakad ng mabilis.

Nakakainis naman kasi takutin ba naman ako halos maiyak iyak ako sa takot. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa may braso kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ohh!?" Sabi ko

"Sorry na kasi." Pagmamakaawa niya sa akin.

"Ayos lang." Sabi ko

"Ayos pero hindi ka humaharap sa akin bati na kasi tayo hindi talaga ako uuwi sa bahay nito." Sabi pa niya humarap ako sa kaniya.

"Ayos naman tayo di ba anong pinagsasabi mo na bati na tayo." Sabi ko.

"Kasi naman iniwan mo ako."

"Bakla ka ba, malamang tinatakot mo ako e."

"Kaya nga nagsorry ako ayaw mo naman tanggapin yung sorry ko."

"Nagsosorry ang tao kasi may ginawang pagkakamali no need to say sorry." Sabi ko sa kaniya.

Nagulat ako ng hindi siya nagreact at nakakunot pa ang noo.

"Ganito kasi yan ang sorry sinasabi yan kapag nakagawa ka ng mali sa kapwa mo yung may nasaktan ka. Hindi mo ako nasaktan alam ko naman nagbibiro ka kaya hindi mo kailangan magsorry matatakutin lang talaga ako at pikunin." Sagot ko

"Okay, tara libre na kita." Sabi na lang niya

"Tama yan, peace offering mo gusto ko may chocolate at ice cream." Sabi ko demanding akong tao libre na yun e.

"Sige basta bati na tayo, wag ka na magalit." Sabi niya pa sabay gulo sa buhok ko.

"Hindi naman ako nagtatampo advance ka lang talaga mag isip." Natatawang sabi ko tapos ay naglakad na kami pababa nandito kasi kami sa may third floor kaya nakakatakot talaga tapos medyo creepy ang way kasi medyo padilim na rin.

Habang naglalakad kami ay

nagkukuwento sa akin si Gladymier about her past, ako naman todo pakinig lang ang ginagawa.

"Nakipagbreak ako kasi ayaw ng nanay niya sa akin tapos siya ayaw rin sa akin ginawa lang talaga akong rebound." Sabi pa niya

Ako naman bigla na lang nagulat sa pangyayari kaya naman pala ganyan siya sa mga babae.

"Kaya siguro natatakot ulit ako magmahal kasi nandoon yung posibilidad na 80% hindi magwowork ang relasyon namin at hindi ko alam kung ako ba ang may mali o mali lang yung mga minamahal ko." Sabi pa niya.

Ewan ko ba pero nasasaktan ako para sa kaniya about sa past niya.

"Pero syempre ayos na ako nahanap ko na yung pangarap kung babae e." Sabi niya pa.

"Paano mo naman nasabi na nahanap mo na siya?" Sabi ko

"Syempre tumibok yung puso ko sa kaniya alam ko naman hindi niya ako sasaktan e." Sabi pa niya

"Sana talaga ingatan niya na ang puso mo nakakaawa ka na e." Biro ko

"Okay lang sanay naman ako masaktan e." Sabi pa niya

"Drama mo." Sabi ko

Nasa ganoon kaming pag uusap ng biglang sumulpot ang pagmumukha ng mga kaibigan niya.

"Yiee nagsosolo sila." Sabi ni Mike

"Tarantado hinihintay namin kayo kain muna tayo para may kasama si Larryl." Sabi ni Gladymier

"Sige libre mo ba pre." Sabi ni Vince

"Gago pre mas malaki ang allowance mo sa akin, KKB aba." Sabi ni Gladymier nakatingin lang ako sa kanilang apat hindi ako makatiis kaya nagsalita na rin ako nababadtrip ako sa kanila eh.

"Magtigil kayo, KKB tayo I mean kayo treat ako ng bestfriend ko e." Sabi ko

"Wow! bago yung bestfriend na yan." Sabi ni Mark

"Bahala kayo riyan, sumunod na lang kayo sa 'kin." Sabi ko tapos ay naglakad na naramdaman ko na lang na sumunod sila sa akin gusto ko kasi kumain ng fishball atsaka mga isaw isaw syempre hindi na ulit ako nakakain noong bakasyon wala kasing nagtitinda kaka miss pa naman.

"Ate 10 po ng fishball at kikiam." Sabi ko nakita ko na lang na lumapit yung apat sa akin.

"Ano binibili mo rito." Sabi ni Mike

"Fishball at Kikiam 20 pesos lang naman alam ko naman ayaw niyo kaya hindi ko kayo niyaya eh." Sabi ko

"Bago yan malinis ba yan?" Tanong ni Vince

"Oo baliw wag ka judgemental sapakin kita e." Sabi ko

"Shut up ka na lang diyan pre." Sabi naman ni Gladymier.

Ilang sandali lang ay luto na kaya naman kinuha ko ang pambayad kay Gladymier buti na lang barya.

"Saan ba kayo kakain?" Tanong ko habang kumakain ng fishball

"Sa KFC sana ano kakain ka pa ba?" Tanong ni Vince

"Nope, busog na rin ako rito e." Sagot ko

"Wow! kaya ang payat mo e." Sabi naman ni Gladymier .

"Hindi ako payatot, sexy ang tawag sa akin." Depensa ko

"Sige pero pader ka pa rin." Sabi naman ni Gladymier

"Bastos ka rin e." Sabi ko

Nagtawanan na lang silang apat samantlang ako kumunot ang noo.

"Ang saya na nila e." Sabi ko

Tumigil sila sa pagtatawanan kaya naman kumain na lang ulit ako ng fishball at kikiam.

"Ganito na lang 6:30 pa naman okay lang ba if sa bahay na lang tayo kumain nagluto siguro mga kasama ko ng masarap para naman makita niyo at makilala ang mga frenny ko." Excited kung sabi.

"Good idea tutal kilala mo naman mga kaibigan ko e." Sabi naman ni Gladymier

"Tara wag na kayo bumili ng food may stock naman na sa bahay e." Sabi ko

"Yes treat mo." Sabi ni Mike

Natawa na lang ako sa kanila kaya nga ang nangayari tuloy treat ko ay mali treat namin ng mga kaibigan ko kasi ambagan kami sa grocery. Habang naglalakad kami papunta sa kotse ay nag uusap si Mark at Mike.

"Hindi na ulit kayo nagkita ni Jasmin." Tanong ni Mike bigla na lang ako naging interesado about kay Jasmin malay mo si frenny ko pala ang topic.

"Last time lang parang broken pa nga siya noon pero destiny pa rin pre tapos kumain kami ng ice cream at chocolate tapos konting usapan lang." Sabi pa ni Mark

"Wait, who's Jasmin is this?" Tanong ko

"Jasmin Faith Lauro." Sabi ni Vince

Bigla na lang lumaki ang mata ko at napahawak sa may bibig ko.

"Halaa!? si Frenny ko yan nakatira lang kami sa iisang bahay." Sabi ko

"Tangina pre, baka magkuwento ka." Sabi ni Mark

"Your secret is safe kapag sa akin ka nagkuwento ano ba yun?" Sabi ko

"Wag na Larryl, mamaya neto sabihin mo mabuking pa ako e." Sabi naman ni Mark

"Sige kapag hindi ka nagsabi gagawa ako ng kuwento kay Jasmin madali pa naman maniwala yun sa amin e." Nakangiting sabi ko

"Oo na may black mail pa na naganap, magsasabi na ako mahirap na mabuking." Sabi ni Mark

"Yun naman pala e." Sabi ni Mike

"Alam ko na pala ang secret mo ikaw yung tumatawag sa kaniya na kinaiinisan niya talaga." Sabi ko

Tumango si Mark as respond.

"I knew it, ikaw pala yung dahilan kaya napaka moody niya everyday. Well Congrats! ang galing mo mang inis." Sabi ko

"Anyway let's go my friends are waiting to me." Sabi ko tapos ay pumasok na sa kotse ni Gladymier siya lang naman pala sa kanila ang may sariling kotse sa may harapan ako samantalang sa likod yung tatlo.

Habang nasa biyahe ay nagtatanong yung tatlo sa akin about kay Jasmin.

"Ano ugaling mayroon si Jasmin?" Tanong ni Mark

"Mabait siya, pero may time na maldita siya as in pero most of the time naman matino siya, wag lang talaga inisin siya kasi magiging moody na siya sa araw na yun." Sabi ko sa kanila

"Okay lang yan pre, natural lang sa babae ang ganoon lalo na kapag may dalaw." Sabi ni Mike with maching tapik sa likod pa

"Gago ka pre pinagsasabi mo maniwala pa sa'yo si Larryl e." Sabi ni Mark

Natawa na lang ako sa kanila at tumngin na lang sa dinadaanan namin.

"Concepcion subdivision deretsyo tapos liko lang sabihin ko saan banda." Sabi ko

"Okay." Sabi ni Gladymier

Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na lang sa dinadaanan namin. Nagulat na lang ako nag magvibrate ang cellphone ko si Jasmin pala ang tumatawag kaya naman tumingin ako sa mga lalaki sa likod kung saan may debate na nagaganap.

"Wag muna kayo maingay tumatawag si frenny ko." Sabi ko kaya naman tumahimik sila kaya naman sinagot ko na yung tawag.

[Yes hello?]

[Saan ka ba be, kanina pa kami gutom e.]

Sabi ni Jaja nakita ko na nakatingin sa akin yung tatlo.

[Kumain na dapat kayo di ba, hinintay niyo pa ako gutom na pala kayo.]

[Malamang, pauwi ka na ba?]

[Yup, may kasama rin pala ako apat sila. Kakain sila riyan sa bahay mga be.]

[Eh!? Sakto lang sinaing ko sobra lang ang ulam na niluto.]

[Magsaing ka malamang.]

[Kapal mo rin pero sige basta yung ice cream at chocolate.]

[Sige sige, basta make sure kakain na tayo bye.]

Sabay baba ko sa cellphone ko tapos ay humarap sa mga lalaki sa likod.

"Ice cream at chocolate bili muna tayo baka hindi kayo makakain sa bahay." Sabi ko

"Sige sagot na ni Vince." Sabi ni Mike

"Sagot na ni Mark ang chocolate tapos sa 'kin na ice cream hati kami ni Gladymier." Sabi naman ni Vince

"Sa akin na ang snacks nakakahiya naman kasi e." Sabi ni Mike

"Good, liko ka na Mike may Store riyan pagliko natin diyan na tayo bumili kumpleto naman sila e." Sabi ko tapos ay tumingin na sa dinaraan namin madilim na pero nakikita pa rin ang dinaraanan dahil sa mga ilaw.

Ilang sandali lang din ay nakarating na kami bumaba na kaming lahat tapos isa isa kaming pumasok sa may Store. Naghahanap ako ng chocolate syempre yung favorite naman namin sayang pambili nila kung hindi makakain e.

"Kumakain naman siguro sila ng Piatos Larryl." Sabi ni Mike

"Oo, favorite namin yan e." Sabi ko.

"Kami rin naman e makikihati rin naman kasi kami e." Sagot ni Mike

"Hindi naman namin kakainin lahat yan hindi naman kami makasarili." Sagot ko.

Natawa na lang sila sa akin nagpatuloy na lang kami sa pagbili nagulat pa ako kasi may mga nasa can opener na softdrinks silang binili sabi nila para may panulak daw kami sila naman gagastos ng lahat kaya okay lang kung anong trip nila bilihin. Nauna na sila Mike at Gladymier sa may kotse naiwan kami nila Vince at Mark. Sila kasi magbubuhat tumakas pa yung dalawa mga tamad talaga kahit kailan e.